You are on page 1of 5

Detalyadong Aralin sa Araling Panlipunan 2

Ikaapat na Markahan – Ikaanim na linggo

I. Layunin mula sa Gabay Pangkurikulum

Naisasagawa ang disiplinang pansarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin bilang


kasapi ng komunidad.

AP2PKK-IVE-5

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga alituntuning sumusunod ng bawat kasapi sa komunidad.

2. Naipapakita ang pagkakaroon ng disiplinang pansarili sa pamamagitan ng pagsunod sa

mga tuntunin bilang kasapi ng komunidad.

3. Nabibigyang halaga ang mga tuntuning itinakda para sa ikabubuti ng lahat ng kasapi.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Alituntunin sa Aking Komunidad

Sanggunian: Isang bansa Isang lahi pp. 340-355

Kagamitan: cartolina paper, marker, krayola

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating
panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo,
Amen.
Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, sir!
Kumusta naman ang araw ninyo ngayon?
Mabuti naman po!

Balik-Aral
Bago natin simulan ang ating susunod na
aralin, ano ng aba ang tinalakay natin kahapon?
Ang tinalakay po natin kahapon ay tungkol sa
karapatan ng mga kasapi ng komunidad.
Magaling! Maaari ka bang magbigay ng
isang karapatan ng mga kasapi ng komunidad?
Ang halibawa po nito ay karapatan nating
mabuhay.

Tama! Ano pa?


Karapatan din po natin ang mamuhay ng ayon sa
paraang gusto natin, na hindi dapat nakakasama
sa kapwa at sa komunidad.
Magaling! Natatandaan pa ninyo ang ating
tinalakay kahapon.

I. Pagganyak
Ngayon mga bata, may ipapakita akong mga
larawan sa inyo.

Ano ang mapapansin ninyo sa unang


larawan?
(larawan ng batang nagtatapon ng basura sa
daan)
Hindi po niya tinatapon ang basura sa tamang
lalagyan.
Tama! Dapat, ang ating basura ay inilalagay
sa tamang lalagyan.
Kayo ba, tutularan ninyo rin ba ang
ginagawa niya?
Hindi po!

Ano ang ipinapakita ng nasa larawan? Ano


ang kanyang pinipitas?
(larawan ng batang pumipitas ng bulaklak sa
parke)
Ang pinapakita po ng nasa larawan ay isang bata
na pumipitas ng bulaklak sa parke.
Magaling! Dapat, huwag tayong pipitas ng
mga bulaklak kung saan-saan katulad ng parke o
kaya sa mga lugar na may nakasulat na karatula
tungkol dito.

Ano naman ang ipinapakita sa ikatlong


larawan?
(Larawan ng batang may kasamang aso na
tumatakbo sa gitna ng kalsada)
Ang ipinapakita po ng ikatlong larawan ay isang
bata at isang asong tumatakbo sa gitna ng
kalsada.
Tama ba ang kanyang ginagawa? Bakit?
Mali po dahil baka po sila ay masagasaan ng mga
dumadaan na mga sasakyan.
Tama! Dapat hindi tayo tumatakbo sa gitna
ng daaan. Dadaan dapat tayo sa tamang daanan
para hindi tayo mapahamak.

Sa ikaapat na larawan, ano naman ang


inyong napapansin dito?
(larawan ng isang batang sumasakay sa traysikel
sa tamang pilahan)
Ang ipinapakita po ng nasa larawan ay isang
batang sumasakay sa traysikel sa tamang pilahan.
Mahusay! Mga bata, dapat gayahin ninyo
ang batang nasa larawan dahil siya ay sumusunod
sa mga karatula ng mga sakayan.

Sa huling larawan naman, ano ang


ipinapakita nito?
(larawan ng isang batang babae na naglilinis ng
kanilang silid-aralan)
Ang ipinapakita po ng huling larawan ay isang
batang babae na naglilinis ng kanilang silid-
aralan.
Tama! Isang batang naglilinis ng silid-aralan.
Naglilinis ba kayo ng inyong silid-aralan bago
umuwi?
Opo, sir.
Mabuti naman kung ganoon. Dapat nating
panatilihing malinis ang ating silid-aralan.

Ano-ano ang inyong napapansin sa mga


larawang aking ipinakita?
Mga alituntunin po na dapat nating sundin.
Magaling! Ang mga larawang aking ipinakita
ay tungkol sa mga alintuntunin sa ating
komunidad.

2. Paglalahad
Ang alituntunin ay isang panuntunan o utos
na dapat sundin. Tinatawag din itong tuntunin.
Bawat komunidad ay may mga
alituntunin.Tungkulin mong sundin ang mga ito.
Kailangan mo lang magkaroon ng disiplinang
pansarili.
Ang disiplinang pansarili ay ang kakayahan
ng tao na kumilos at tumalima o sumunod sa mga
tuntunin. Ito ay ang pagkilos ng naaayon sa
ikabubuti at ng ibang tao sa paligid niya.

Mga bata, sabay sabay nga nating basahin.


Ang alituntunin ay isang panuntunan o utos na
dapat sundin. Tinatawag din itong tuntunin.
Bawat komunidad ay may mga
alituntunin.Tungkulin mong sundin ang mga ito.
Kailangan mo lang magkaroon ng disiplinang
pansarili.
Ang disiplinang pansarili ay ang kakayahan
ng tao na kumilos at tumalima o sumunod sa mga
tuntunin. Ito ay ang pagkilos ng naaayon sa
ikabubuti at ng ibang tao sa paligid niya.

3. Paglalahat
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa
alituntunin ng sumusunod?
Para po sa ikabubuti ng bawat kasapi ng
komunidad.
2. Paano mo ipapakita ang pagsunod sa mga
alituntunin?
Susunod po sa anumang batas o utos ng
komunidad.
3. Maaari bang magkaroon ng kaguluhan
kapag hindi sinusunod ang mga alituntunin sa
komunidad? Bakit?
Opo, dahil marami pong tao ang gagawa ng
masama sa kapwa nilakapag hindi nasunod ang
mga alintunin.
4. Sa aking ipinakitang mga larawan, may
ginawa na ba kayong alintuntuning gaya noon sa
inyong komunidad?
Opo, sir.

Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Ipapangkat ko kayo sa tatlo
at an bawat grupo ay pipili ng isang leader.

Ang unang pangkat ay gagawa ng dula-


dulaan tungkol sa mga alintunin ng isang
komunidad.

Ang pangalawang pangkat ay gagawa ng


isang tula tungkol sa alituntunin ng isang
komunidad.

Ang ikatlong pangkat naman ay magbibigay


ng ilan pang halimbawa tungkol sa alituntunin ng
komunidad.

Ngunit bago natin simulant ang ating


pangkatang gawain, anu-ano nga ba ang ating
mga pamantayan?
Makikisama po.
Hindi po mandadaya.
Tama! Ang inyong mga sinabi ay dapat
ninyong sundin upang maging maayos ang ating
pangkatang gawain.

Nagustuhan ba ninyo ang ating ginawang


pangkatang gawain?
Opo, sir!
Mabuti naman kung ganoon. Ano ang
inyong mga natutunan sa mga alituntunin ng
isang komunidad?
Dapat po ay atin itong sundin para sa ikabubuti
at kaayusan ng isang komunidad.

IV. Pagtataya
Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ito ay
nagsasaad ng mabuting gawain. Malungkot na
mukha ☹ kung hindi.

____1. Itapon ang mga basura sa tamang


tapunan.
____2. Ang hindi pagsunod sa mga alituntunin ay
maaaring maging sanhi ng kaguluhan sa
pamayanan.
____3. Hindi kailangang sumunod sa mga
alituntunin ng ibang komunidad na hindi mo
kinabibilangan.
____4. Iwasang sulatan ang mga bakod at pader
ng mga gusali.
____5. Iwasang sirain ang mga halaman at huwag
pitasin ang bulaklak sa daan.
1. 😊
2. ☹
3. ☹
4. 😊
5. 😊

V. Takdang Aralin
Gumupit ng isang larawan na nagpapakita
ng iba pang alituntunin ng iyong komunidad.

Inihanda ni:

Cesario L. Relativo

You might also like