You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan II

Petsa : 2/6/2018
Baitang : II-Factoran
Oras : 9:30-10:10

I. Layunin
a. Natutukoy ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi ng
komunidad.
b. Natatalakay ang mga tuntuning itinakda para sa ikabubuti ng
lahat ng kasapi. AP2PKK-IVc-4

II. Paksang Aralin


Paksa Aralin 8.2 Mga Alituntunin sa Komunidad
Kagamitan PPT, Larawan, Visual Aids, Coloring Sheet
Sanggunian LM K-12/google.com

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pambungad Panalangin
b. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Paghikayat
Patayuin ang mga bata at hikayatin na sumali sa Gawain. Sila ay
sasayaw at kakanta ng isang awiting pambata na “Kung Ikaw ay
Masaya Pumalakpak”.
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan tungkol sa mga
alituntuning ipinatutupad sa ating lomunidad.
Bigyang ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbigay ng
mga sariling halimbawa.
Iugnay ang pinag-usapan sa bagong aralin na tatalakayin.
Pagbibigay ng unang gawain.

Panuto: Isulay ang tsek ( ) kung ang nasabing alituntunin ay tama ay


ekis (x) naman kung ang nasabing alituntunin ay mali.

___1. Bawal sa mga batang 18 taong gulang pababa ang maglakad sa


kalye simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

___2. Bawal magsulat sa mga pader at sirain ang mga sign board.
___3. Bawal umihi sa mgabakod at pader ng mga gusali.

___4. Bumaba at sumakay sa mga sasakayan sa tamang lugar lamang.

___5. Bawal ang paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong lugar


tulad ng sasakyan, tanggapan at pamilihan

2. Pagtalakay
Gamit ang video presentation, papanoorin ng mga bata ang
isang kuwentong pambata na may pamagat na “Ang Daga Na
Isang Prinsesa”.
Itanong:
 Ano ang pamagat ng kuwentong napanuod?
 Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
 Anu-ano ang mga alituntuning ibinigay ng amang hari sa
kanyang mga anak?
 Anu-ano naman ang mga alituntuning ibinigay ng hari
para sa mga magiging asawa ng kanyang mga anak?
 Ano ang aral na itinuro ng kuwento?
3. Paglalahat
 Ano nga ulit ang alituntunin?
 Ano kaya ang maaring mangyari kapag di natin nasunod
ang mga alituntunin n gating komunidad?
 Bakit kailangan nating sundin ang mga alituntuning ito?
4. Paglalapat
Piliin sa mga larawan kung ano ang tamang gawain upang
alituntunin ng ating komunidad.
Kulayan ang tamang larawan.
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang gawain upang masunod ng tama ang mga
alituntunin sa ating komunidad.

Alituntunin sa Parke

1. Ipinagbabawal ang pag-inom ng inuming alkohol.

2. Ang pagbebenta o pagbebenta ay ipinagbabawal na walang


permit.

3. Ang pagwasak sa pampublikong ari-arian ay


ipinagbabawal.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng 3-5 alituntunin na snusunod ninyo sa inyong tahanan.
Halimbawa:
Mga alituntunin sa tahanan na sinusunod ni Teacher Klaire.

1. Ugaliing maglinis ng kuwarto.


2. Huwag hayaang marumi ang kusina.
3. Pakainin ang mga aso 3 beses sa isang araw.
4. Magluto ng kanin sa umaga.
5. Labhan ang damit.

Inihanda ni:
Klaire Jorie Botes Letigio
Practice Teacher

You might also like