You are on page 1of 8

Paaralan: EMA EMITS College Baitang/Antas: Baitang 10

Philippines

Guro: Bb. Laiza N. Talens Disiplina: Filipino

PANG-ARAW-ARAW NA Oras/Petsa ng Marso 15, 2022 Markahan: Ikatatlong Markahan


BANGHAY-ARALIN SA pagtututuro:
FILIPINO

I. LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum. Sundin ang pamamaraan
upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan
Tinataya ito gamit ang estratehiya ng Formation Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang
kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay na Kurikulum at huhubugin ang bawat
kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Nasusuri ng mag-aaral ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayaring napakinggan
Pangnilalaman tungkol sa buhay ng may akda at kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo at Noli
Me Tangere.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang makatotohanang panel discussion na


Pagganap nag-uugnay sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayare sa buhay ng manunulat.

C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


sa Pagkatuto a.) nakikilala ang may akda;
b.) nakasasagot sa mga tanong batay sa narinig na talambuhay;
c.) nayayakap ang kahalagahan ng ating kasaysayan;
d.) naisusulat ang pagkakaiba at pagkakapareho ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo sa pamamagitan ng venn diagram.

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay na Kurikulum.
Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.

a. Paksa Mga Tala sa Buhay ni Jose Rizal (pahina 275-279) ng Batayang Akda Pampanitikan
KALINANGAN.
III. KAGAMITANG PANTURO
Itala ang mga kagamitang panturo na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Batayang Akdang Pampanitikan KALINANGAN (Workteks sa Filipino (Wika at
Panitikan) Para sa Hayskul)
1. Mga Pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina ( 275-279)
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)

b. Iba pang Kagamitang biswal


Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito sa buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw. Para sa
holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment. Magbigay ng maraming
pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa
kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Balik-aral sa a.Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1.Panalangin
pagsisimula ng
bagong aralin.
Magsitayo ang lahat, Anja maaari mo
Ama naming nasa langit,
bang pangunahan an gating panalangin?
nagpapasalamat po kami sa
panibagong araw na ipinagkaloob
nyo po samin. Nagpapasalamat po
kami sa walang sawang pagbibigay
ng biyaya sa araw araw.
Nagpapasalamat po kami sa malakas
na pangangatawan.
Ama hinihiling ko po napatawarin
nyo po kami sa aming mga
pagkukulang at mga pagkakasala.
Hinihiling ko rin po na bigyan nyo
po kami ng sapat na kaalaman para
maunawaan ang ituturo samin ni Bb.
Laiza. Hinihiling ko rin po na
gabayan nyo po sya sa kanyang
pagtuturo. Yun lang po Ama at
iniwan ko po ito sa pangalan ni
2.Pagbati
Hesukristo..Amen.
Magandang umaga sa inyong lahat.

Ako si Laiza ang magiging guro ninyo sa


araw na ito.
Magandang umaga rin po.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago maupo ang lahat, maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at
pakipulot ng kalat sa inyong mga paligid?
(Aayusin ng mga mag-aaral ang
linya ng upuan at pupulutin ang mga
kalat sa kanilang paligid)
4. Pagtatala ng Liban
Kung tapos na maaari na kayong maupo,
Mylene maaari mo bang iulat kung sino ang
liban ngayong umaga?
Bb. Wala pong liban ngayong
Maraming Salamat. umaga.

5. Balik-aral

B. Paghahabi sa Bago tayo magpatuloy sa ating aralin,


Layunin ng Aralin. magkaroon muna tayo isang palaro. Pamilyar
kayo sa larong ito. Ang ating gagawin ay
Pinoy Henyo. Mayroon akong mga ginupit na
papel na nakatupi na may mga nakasulat na
salita sa loob, ito ay patungkol sa ating
magiging paksa ngayong araw. Bubunot kayo
at pipili kayo sa mga kamag-aral nyo kung
sinong huhula.
Opo Binibini.
Alam nyo na ba kung paano laruin ito?

Karagdagang kaalaman kung sino ang


mayroong pinakamaikling segundo sa tamang
paghula ng salita sya ay may karagdagang
puntos. Opo Binibini.

Handa na ba kayo? (Nagsimula na ang palaro)

(Tapos na ang palaro)

Ngunit bago tayo magpatuloy sa ating


gawain, atin munang basahin ang mga
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
layunin na dapat nating matamo sa araw na
mag-aaral ay inaasahang:
ito.
a.) nakikilala ang may akda;
b.) nakasasagot sa mga
tanong batay sa narinig na nobela;
c.) nayayakap ang
kahalagahan ng ating kasaysayan;
d.) naisusulat ang pagkakaiba
at pagkakapareho ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo sa
pamamagitan ng venn diagram.

C. Pag-uugnay ng Sino sa inyo ang makapagsasabe sa akin ng


mga halimbawa pangalan ng taong nasa larawan na ito?
sa aralin

Binibini, ang ating pambansang


bayani. Si Doktor Jose Rizal.

Tama. Siya ang ating pambansang bayani. Isa


siya sa mga nakiisa upang maging malaya
tayo sa mananakop.

Lizel, maaari mo bang sabihin sa akin kung


ano ito at ano ang kaugnayan nito kay Dr.
Jose Rizal?

Ang nobelang Noli Me Tangere at El


Filibusterismo po. Ang mga
nasabing nobela ay akda ni Dr. Jose
Rizal.
Mahusay Lizel.

D. Pagtalakay ng Sa pagkakataong ito ay may babasahin


bagong konsepto at tayong mga sanaysay na bumubuo ng “Mga
paglalahad ng bagong Tala sa Buhay ni Jose Rizal”.
kasanayan # 1
Hahatiin ang kabuuan ng akda, kada isa sa
inyo, isang talata. Pagkatapos mabasa ang
talata ipaliwanag ang inyong pagkakaunawa
sa mga ito.

Magsisimula tayo sa unahan mula kanan.


Opo Binibini.
Handa na ba kayo?
(nagsimula na ang ikot ng pagbasa
ng talata)

(natapos na ang ikot at lahat ay


nakasagot)

Mahuhusay kayong lahat. Mukhang


naunawaan nyo ang bawat talata.

E. Pagtalakay ng Upang mas maunawaan ang paksa , kumuha


bagong konsepto at ng isang buong papel sagutan ito:
paglalahad ng bagong
kasanayan # 2 Panuto: Paghambingin ang dalawang nobela
sa pamamagitan ng venn diagram.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


(magsusulat ang mga mag-aaral)
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO
(babasahin ng mga mag-aaral ang
kanilang sagot sa unahan ng klase)
1. Kahulugan ng pamagat
2. Paksa ng nobela
3. Tumulong sa Pag-iimprenta
4. Kanino inihandog
5. Layunin sa pagsulat ayon sa paghahandog

Salamat sa inyong pakikiisa. Tama ang lahat


ng inyong sagot.

F. Paglinang sa Mukhang nauunawan na ninyo ang ating


kabihasaan (Tungo aralin, ngayon papangkatin ko kayo sa
sa Formative dalawang pangkat. Kayo ang unang pangkat
Assessment) at kayo naman ang pangalawa.
Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng isang
panel discussion, na kung saan tatalakayin
ninyo ang pagkakasunod sunod ng
pangyayare sa mga tala sa buhay ni Jose
Rizal.

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para


paghandaan ito at 3 minuto naman para sa
pagtatanghal.

Nauunawaan ba ang gagawin? Opo Binibini.

Bago kayo magsimula pakibasa muna ng


Pamantayan
pamantayan Sidnhey.
Nilalaman 10pts.
Kooperasyon 5pts.
Pagganap 10pts.
_________________________
Kabuuan 25pts.

(gagawin ng mga mag-aaral ang


pangkatang gawain)

(bibigyan ng 500,500..1000! clap ang bawat


pangkat pagkatapos ng pagtatanghal)
G. Paglapat ng Jomar, sa tingin mo kung hindi ipinaglaban
Aralin sa Pang- ng mga bayani ang kalayaan ng Pilipino, ano
araw-araw na kaya ang kahihinatnan natin ngayon?
(sagot)
buhay
Tama. Kung hindi naipaglaban ng ating mga
bayani an gating kalayaan, magpasahanggang
ngayon tayo ay alipin pa rin ng mga
mananakop.

Sabi nga ni Jose Rizal “ Kabataan ang Pag-


asa ng Bayan”.

Ahlea, bilang isang kabataan paano mo


maipapakita ang iyong pagmamahal sa ating (sagot)
bansa?

Tama. Maraming paraan upang maipakita ang


pagmamahal sa ating bansa. Halimbawa na
lang ng pagsunod natin sa mga batas,
pagtangkilik sa sariling atin, at pagpapakita
ang ating mga magagandang kaugalian bilang
isang Pilipino.

H. Paglalahat ng
aralin Bilang paglalahat, may ilang katanungan ako
upang masukat kung may natutunan kayo sa
ating aralin.

Ano nga ang pamagat ng ating akdang


tinalakay? Mga Tala sa Buhay ni Jose Rizal po.

Antonette, ano sa tingin ang dahilan ng


paglikha ni Jose Rizal sa El Filibusterismo at
Noli Me Tangere?
Isinulat ni Jose Rizal ang kanyang
mga akda dahil nais niyang
pausbungin ang pagiging makabayan
ng mga Pilipino. Nais niyang buksan
ang mga mata ng bawat isa at
matutong ipaglaban ang mga
kanilang mga karapatan.

Mahusay! Salamat Antonette.

.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat
sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Anong katangian ni Jose Rizal ang


Susi sa Pagwawasto
lumutang sa tulang “Sa Aking Kabata” na
1. C.
kanyang isinulat noong bata pa lamang?
2. A.
a. matapat na pakikipagkaibigan
3. A.
b. pagpapahalaga sa kapwa
4. B.
c. pagkamakabayan
5.C.
d. pagkamaalalahanin

2. Alin sa mga pangyayari ang personal na


naranasan ni Jose Rizal tungkol sa
deskriminasyon?
a. Ang kanyang ina ay nabilanggo sa isang
bintang at ito’y sumugat sa kaniyang puso.
b. Hindi ipinagkaloob ang unang gantimpala
sa isinulat niyang dulang El Consejo de los
Disses.
c. Ang mga nobela niya ay kinalaban ng
Kastila dahil siya’y Pilipino.
d. Ayaw siyang tanggapin upang mag-aral sa
Ateneo Municipal.

3. Ang sumusunod ay mga paglalarawan ni


Jose Rizal sa nobelang Noli Me Tangere
maliban sa _________.
a. pampolitika
b. maseselan
c. walang sinumang naglalakas-loob na
talakayin
d. pawing katotohanan
4. Salin sa Filipino ng El Filibuterimo
a. Ang Makapili
b. Ang Maghihimagsik
c. Ang Terorista
d. Ang Mandirigma

5. Noli Me Tangere : Inang Bayan El


Filibusterismo : ______________
a. Valentine Ventura
b.Lupang Hinirang
c. GOMBURZA
d. Sistemang Pampolitiko

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang Manaliksik sa internet ng ukol sa tinatawag
Aralin na kangaroo court.
Mas marami mas mataas ang puntos.

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga estratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo naisakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulungan? Tukuyin ang mga maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyo
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabi itong
epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa
ibang guro?

Inihanda ni:
Bb. Laiza N. Talens
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi
G. Lichfield Velasquez, LPT
Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
G. Emerson Guerra
Tagapag-ugnay ng Asignatura (Filipino)

You might also like