You are on page 1of 11

PAARALAN EMA EMITS College BAITANG/ Baitang 8

Philippines ANTAS

GURO: G. Jomar S. Mendros DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW-ARAW ORAS/PETSA Marso 01, 2022 MARKAHAN: Ikaapat na


NA BANGHAY-ARALIN NG markahan
SA FILIPINO PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na


Kurikulum.Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain
sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan
Pangnilalaman na mapagkukunan ng mahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin
sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
B. Pamatayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio brodcast na naghahamabing
Pagganap sa lipunang Pilipino sa Panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) nakapagtatambal ng mga magkakasingkahulugang salita na ginamit sa
akda;
b) nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin; (F8PN-
IVc-d-34)
c) naihahanay ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa napakinggang akda;
d) nabibigyang halaga ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat saknong; at
e) nakasusulat ng isang pamantayan ng isang mabuti at matapang ngunit
responsableng mamamayan na handang magtanggol sa bayan.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa Si Florante bilang Isang Heneral (saknong 258-273) ng Florante at Laura

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Batayang Akdang Pampanitikan KALINANGAN III: FLORANTE AT LAURA
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 415-425
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang biswal, ICT Materials
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog , gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng
bagong aralin Magsitayo ang lahat, Ahlea maaari mo
bang pangunahan ang ating Ama maraming salamat po sa
panalangin? panibagong araw na ipinagkaloob
mo sa amin. Dalangin ko po na
gabayan mo kami at ang aming mga
magulang sa araw na ito. Maraming
salamat po sa lahat ng mga biyayang
dumadating sa buhay namin. Ama
patawarin mo po kami sa mga
pagakakasalang nagagawa namin
hayag man po ito o patago. Nawa po
ay ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito. Ang
lahat ng dalangin kong ito ay
iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Hesus Amen.
2. Pagbati

Isang mapagpalayang umaga sa


inyong lahat.
Magandang umaga rin po.
Ako si G. Jomar ang magiging
guro ninyo sa araw na ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga
upuan at pakipulot na rin ng kalat
sa inyong paligid? (Aayusin ng mga mag-aaral ang
linya ng upuan at pupulutin ang
4. Pagtatala ng Liban mga kalat sa kanilang paligid.)
Kung tapos na ay maaari na
kayong umupo. Mylene, maaari
mo bang iulat kung sino ang liban
ngayong umaga?
Sir wala pong liban ngayong
Maraming Salamat.
umaga.
5. Balik-aral
Kahapon ay tinalakay ninyo
ang saknong 216-257 ng Florante
at Laura na pinamagatang
“Edukasyon ni Florante”. ipinakita
doon na mahalaga ang pagtamo ng
edukasyon.
Ahlea. Bakit sa tingin mo na
mahalaga ang pagtamo ng
karunungan?
Naniniwala ako na ang
karunungan ay ating sandata
upang malutas ang kahirapan.
Tama. Anja , para sa iyo, para sa
iyo bakit mahalaga ang pagtamo
ng karunungan? Mahalaga ang pagtamo ng
karunungan sapagkat dito
nagmumula ang pagkakaroon ng
pakinabang.

Magaling. Lahat ng inyong sinabi


ay tama. Ang taong matalino’y
naguumpisa ng karunungan ngunit
ang salita ng mangmang ay
nagdadala sa kapahamakan.

B. Paghahabi sa
Layunin ng Aralin Sino-sino ang mga bayaning
inyong kilala?
Sir, Jose Rizal
Andress Bonifacio po,
Lahat ng inyong nabanggit ay
ating mga bayani at nagkaroon ng
kontribusyon sa ating bansa.

Sa pagkakataong ito, magkakaroon


tayo ngayon ng isang laro at ito’y
tatawaging “ Sagot mo, Itaas Mo”.
Papangkatin ko kayo sa dalawa.
Bago tayo maglaro ay hayaan
ninyo na sabihin ko kung ano ang
inyong gagawin.
Bibigyan ko kayo ng mga larawan
ng ating mga bayani. Inyo lamang
itataas ang larawan ng isang
bayani kung sa palagay ninyo ay
siya ang tinutukoy ng mga
maikling impormasyon sa mga
nagawa ng mga bayani sa ating
bayan na aking babasahin.
Huhudyat ako kung maaari niyo
ng itaas ang inyong mga sagot at
kung sino ang siyang may
pinakamaraming nakuhang tamang
sagot ay siyang panalo.
Maliwanag ba? Opo Sir.

Kung ganoon ay tayo na’t


maglaro.
Para sa unang impormasyon. Siya
ang nagsulat ng dalawang
makasaysayang aklat na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na
naging instrumento para
mabukasan ang kamalayan ng mga
Pilipino noong panahon ng
Kastila.

Itaas ang sagot.


(itataas ang sagot ng mga mag-aaral)
Sunod na impormasyon.
Pinamunuan niya ang
paghihimagsik laban sa mga
Espanol bilang kinilala na
“Supremo”

Itaas ang sagot


(itataas ang sagot ng mga mag-aaral)
Ikatlo, Siya ang nagsisilbing
tagapayo ng ibang mga bayani at
kinilala bilang utak ng himagsikan.

Itaas ang sagot


(itataas ang sagot ng mga mag-aaral)
Sunod naman. Tinaguriang
magiting na Pilipinong Heneral
ngunit tinraydor ng mga
kasamahang sundalo dahil sa
pagiging mainitin ang ulo kung
sakaling hindi nasusunod ang utos
nito.

Itaas ang sagot.


(itataas ang sagot ng mga mag-aaral)
At para sa huling impormasyon.
Dahil sa kanyang tapang sa
pagiging kauna-unahang naging
lider ng isang rebolusyon sa ating
bansa nagkaroon ng simulain
upang mabigyan ng karapatan ang
mga kababaihan na manguna ao
maging lider sa ating lipunan.

Itaas ang sagot.


(itataas ang sagot ng mga mag-aaral)
Salamat sa inyo at ang grupo na
may pinakamataas na nakuhang
sagot ay ang…..
Palakpakan ang mga sarili.
(magpapalakpakan ang mga mag-aaral)
Ang natapos ninyong gawain ay
patungkol sa ating mga bayani na
nagkaroon ng kontribusyon at
nagbuwis ng buhay upang
ipagtanggol tayo sa mga
mananakop. Sa ngayon ating
tinatamasa ang kalayaan at
kasarinalan ng bansa dahil sa
kanila.
Ito ay may kaugnayan sa akda na
mula sa Florante At Laura na
pinamagatang “ Si Florante
Bilang isang Heneral (Saknong
258-273).
Ngunit bago iyan ay nakikita niyo
ba ang kahon na nasa aking
harapan? Ito ay ang Kahon ng
Kaalaman. Subalit hindi natin ito
mabubukasan kung wala ang mga
susi kaya naman bago tayo
magpatuloy sa ating gawain, atin
munang basahin ang mga layunin
na siyang magsisilbing susi upang
mabuksan ang kahon na ito at
dapat nating matamo sa araw na
ito. Sabay-sabay nating basahin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-


aaral ay inaasahang;

a. nakapagtatambal ng mga
magkakasingkahulugang salita
na ginamit sa akda;
b. nailalahad ang mahahalagang
pangyayari sa napakinggang
aralin;(F8PN-IVc-d-34)
c. naihahanay ang pagkasunod-
sunod na pangyayari sa
napakinggang akda;
d. nabibigyang halaga ang mga
kaisipang nakapaloob sa bawat
saknong; at
e. nakasusulat ng isang
pamantayan ng isang mabuti at
matapang ngunit responsableng
mamamayan na handang
magtanggol sa bayan.
C. Pag – uugnay ng
mga halimbawa Ngayon ay sama-sama tayong
sa aralin makinig at pag-aralan ang saknong
258-273 ng Florante at Laura na
pinamagatang Si Florante Bilang
isang Heneral. Ihanda ang inyong
tenga sa pakikinig. Ngunit bago
ang lahat ay nais kong ibahagi sa
inyo ang mga di pamilyar na salita
na maaari ninyong mapakinggan
sa bawat saknong sa pamamagitan
ng pagtukoy ng kasingkahulugan
ng mga salita. Naririto ang mga
salita na bibigyan ninyo ng
kasingkahulugan na matatagpuan
sa inyong ilalim ng upuan.

Giyera Giyera Digmaan


Kinubkob Kinubkob Pinalibutan
Gerero Gerero Mandirigma
Pangingilagan Pangingilagan Iiwasan
Guni guni Guni guni Imahinasyon
Basalyo Basalyo Kapanig
Amis Amis Tumulong
Kahabag-habag Kahabag-habag Mag-adya

(Titingnan ng mga mag-aaral


ang kanilang ilalim ng upuan at
kikunin ang salita)
Ngayon ay idikit ninyo ang hawak
ninyong salita sa sa salitang
kasingkahulugan nito .
(IdidIkit ng mga mag-aaral ang
mga salita)
Mahuhusay! Basahin natin ito ng
sabay-sabay
(babasahin nang sabay-sabay ng
mga mag-aaral)
Maraming salamat sa inyong
kooperasyon. Ngayon ay handa na
ba ang lahat na makinig?
Opo Sir.
(Makikinig ang mga mag-aaral)

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto Iparirinig ko sa inyo ang ating
at paglalahad ng talakayan ngayong araw na ito na
bagong kasanayan pinamagatang “Si Florante Bilang
Isang Heneral” saknong 253-278
ng Florante at Laura. Pakinggan at
unawaning mabuti at pagkatapos
ay magkakaroon tayo ng isang
gawain

Lubos ba ninyong naunawaan ang


inyong napakinggan?
Opo Sir.
Kung ganoon ay magkakaroon
tayo ng isang gawain. Papangkatin
Ko muli kayo sa dalawa. Ito ang
unang pangkat at kayo naman ang
ikalawang pangkat. Ang unang
pangkat ay kailangang ninyong
sagutin ang mga ibibigay kong
katanungan at ang ikalawang
pangkat naman ay kailangan
ninyong ilahad ang mga
mahahalagang panggyayari sa
teksto sa pamamagitan ng “Fan
Fact Analyzer”. bibigyan ko kayo
ng limang minuto sa paggawa
bago ninyo ito ibahagi sa inyong
mga kaklase. Naunawaan ba?
Nagayon maari na kayong
magsimula. Opo Sir.
(magsasama-sama ang bawat
Tapos na? Ngayon ay simulan
pangkat)
natin ang pagbabahagi ng kanilang
ginawa sa unang pangkat.

Salamat! Magaling!
(magbabahagi ang unang
(magbibigay ng karagdagang pangkat)
opinyon ang guro)

Ngayon naman ay hayaan nating


ibahagi ng ikalawang pangkat ang
kanilang ginawa.

Salamat! Mahusay!
(magbabahagi ang unang
pangkat)
(magbibigay ng karagdagang
opinyon ang guro)

Mahuhusay kayong lahat.


Mukhang lubos na ninyong
naunawaan ang ating tekstong
napag-aralan ngayon.
4. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong
kasanayan # 2
5. Paglinang sa
kabihasaan
(Tungo sa Kaya naman ngayon ay muli
Formative tayong magkakaroon ng isang
Assessment) pangkatang gawain. Kayo muli
ang magiging unang pangkat, at
kayo naman ang ikalawang
pangkat. Sa isang kartolina,
susulat kayo ng pamantayan ng
isang mabuti at matapang ngunit
responsableng mamayan na
handang magtanggol sa bayan.
Bibigyan ko kayo ng 5 minuto
upang paghandaan ito,
Nauunawaan ba ang gagawin?
Opo Sir.
Bago kayo magsimula, hayaan
ninyo na basahin ko ang
pamantayan sa inyong gagawin.

Mga Pamantayan
Nilalaman 20 puntos
Presentasyon 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
Kabuuan 35 puntos

(gagawin ng mga mag-aaral ang


pangkatang gawain)

Dahil tapos na ang lahat.


Magumpisa tayo sa unang pangkat
para ibahagi ang kanilang ginawa.

Bigyan ng tatlong bagsak ang (presentasyon ng unang pangkat)


unang grupo.
123
Sunod naman na magbabahagi ang
ikalawang pangkat.
(presentasyon ng ikalawang
pangkat)
Salamat. Bigyan natin ng magaling
clap ang ikalawang grupo.
1 2 3 ang galing galing.
1 2 3 ang galing galing
Salamat sa inyong lahat kaya
naman bigyan ng palapak ang
inyong mga sarili.
Klap.. klap.. klap..
6. Paglalapat ng
Aralin sa Pang- Bawat mamamayan ay mayroong
araw – araw na tungkuling ipagtanggol ang bayan
buhay sa oras ng pangangailangan upang
mapangalagaan ang kalayaan at
kasarinlan nito

Ahlea , bilang isang mag-aaral at


mamamayan paano ka
makatutulong sa pangangalaga ng
kalayaan at kasarinlan?
Mapapangalagaan ko ito sa
pamamagitan ng pagiging isang
mabuti at responsableng
mamayan ng ating bansa.
Tama ka Ahlea
Malaki na ang maiitulong ng
pagiging isang responsable at
mabuting mamayan sa ating bansa.

Dahil malapit na na magtalaga ng


bagong lider ang ating bansa. Ano
ang dapat nating isaalang-alang sa
pagpili ng lider ganoong isa rin
sila sa magtatanggol sa mga
karapatang pantao. Sidney.?
Kailangan nating isa-alang ang
mga plataporma nila upang sa
ganoon ay makita natin ang
kanilang kayang gawin kung sila
ang mailagay sa pwestong
ninanais nila.
Mahusay! Tama! Kailangan nating
isaalang-alang din ang mga
katangian nila at maging ang
layunin nila kung bakit sila ang
karapatdapat na maging lider.
Katulad ng ating mga bayani na
ibinigay ang buong pagkato para
maipagtanggol ang ating bayan.
Tulad ni Florante na napili bilang
maging isang lider at naging
mahusay na mandirigma.

Nauunawaan ba?
Opo Sir.

H. Paglalahat ng
Aralin Bilang paglalahat ng inyong
aralin:

Ano nga ang pamagat ng ating


tinalakay ngayong araw?
Si Florante Bilang Isang Heneral
Tama.

Sino ang humingi ng tulong kay


Duke Briseo sapagkat nilusob sila
ng mga Moro?
Ang Hari ng Krotona.
Bakit napili ni Haring Linceo na si
Florante ang mamuno sa hukbong
tutulong sa bayan ng krotona?
Dahil nakitaan siya ng husay sa
pamumuno.
Magaling!
Palakpakan lahat ng mga sumagot.

Batid kong lubos na ninyong Klap…klap..klap


naunawaan ang paksang ating
tinalakay kaya naman ngayon ay
magkakaroon tayo ng pagatataya.

I. Pagtataya ng aralin

Panuto: Pagsunod-sunurin ang


mga mahahalagang pangayayari sa
tekstong ‘Si Florante Bilang Isang
Heneral’ saknong 253-278 sa
Florante at Laura.
Sinabi ni Haring Linceo na ang
Susi sa Pagwawasto
tindig at postura ni Florante ay
1. 4
kamukha ng bantog na
2. 1
mandirigmang napanaginipin niya.
3. 2
Kaya naman ideneklarang Heneral
4. 3
ni haring Linceo si Florante.
5. 5
Dumating ang isang embahador o
kinatawan ng Krotona dala ang
isang sulat ng hari para kay Duke
Briseo.
Humihingi ng tulong ang Krotona
dahil ito ay nasa panganib ng
pananakop ng amga Persyano.
Nang malaman ni Duke Briseo na
nasa panganib ang bayan ng
Krotona agad niyang ipinakilala si
Florante sa Hari ng Albanya na si
Haring Linceo.
Sa huli ay pumayag ang ama ni
Florante na maging heneral ang
kanyang anak kahit hindi pa ito
bihasa sa pakikipaglaban.

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang- Pumili ng isang taong may
Aralin katungkulan sa inyong pamayanan.
Halimbawa:
Kapitan, Konsehal, at Barangay Tanod
Kapanayamin ito at alamin ang mga mga
plano nila sa pagsugpo sa COVID-19.
Isulat ang mga nakalap na impormasyon
sa inyong kwaderno.

Ngayon ay ating balikan ang ating mga


layunin na kung ito ay ating nakamit at
ang bawat layunin na ito ay ang
nagsisilbing susi upang mabuksan natin
ang “Kahon ng Kaalaman”
a. nakapagtambal ba ng mga
magkakasingkahulugang salita na
ginamit sa akda?
b. nailahad ba ang mahahalagang Opo
pangyayari sa napakinggang
aralin.? (F8PN-IVc-d-34)
c. Naihanay ba ang pagkasunod- Opo
sunod na pangyayari sa
napakinggang akda?
d. nabiyang halaga ba ang mga Opo
mensahe o kaisipang nakapaloob
sa bawat saknong.?
e. nakpagsulat ba kayo ng isang Opo.
pamantayan ng isang mabuti at
matapang ngunit responsableng
mamamayan na handang
magtanggol sa bayan?
Ngayon ay nakumpleto na natin ang mga Opo
susi at mabubuksan na natin ito.

(Bubuksan ang kahon)


V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
G. Jomar S. Mendros
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni: Mga Kome nto at Mungkahi

G. Lichfield Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
G. Emer Guerra, LPT
Tagapag-ugnay ng Asignatura (Filipino)

You might also like