You are on page 1of 6

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

“Gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong kapwa”- Lucas 16:9
Araling Panlipunan 9
Name: _________________________________________ Date: ______________
Grade and Section: _______________________________ Score: ____________

Aralin: Produksiyon
Quarter 1 Week 6-7
Panimula
Magandang araw! Sa linggong ito ating tatalakayin ang konsepto ng produksiyon.
Sa araw-araw na pamumuha natin, madalas na tumatambad ang mga balita at isyu kaugnay ng pagtaas ng
presuo ng mga bilihin gawa ng pagtaas ng gastos sa produksiyon. Ang mga kalagayang ito ay hindi lamang
para sa mga magulang ninyo, higit sa kung paano mo pinagkakasya bilang mag-aaral ang anumang yaman,
budget mayroon ka upang patuloy kang makapamuhay sa araw-araw?
Layunin:
 Naibibigay ang kahulugan ang produksyon
 Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang- araw- araw na
pamumuhay
 Nakagagamit ng mga materyales mula sa teknolohiya
 Nagagampanan ang mga tungkulin bilang produktibong mamamayan.
Panimulang Pagtataya
Paano makatutulong ang paglalan ng badget upang maging produktibo ang pamumuha ng tao?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

UNAWAIN MO

Ang produksiyon ay masasabing isa sa mga pangunahin at mahahalagang gawaing pangkabuhayan dahil sa
pamamagitan nito, nililikha nag suplay ng mga bagay o serbisyo na makatutugon sa mga pangangailangan
ng tao at ng lipunan.
Ang salik ng produksiyon
1. Lupa
Isang mahalagang salik ng produksiyon dahil dito nagmumula ang lahat ng mga hilaw na
materyales na kailangan sa pagbubuo ng mga produkto. Gaya ng Pilipinas na isang
agricultural na bansa, tinatamnan ang lupang agrikultural ng palay, mais, abaka, tubo, niyog,
mga halamang-ugat, at sari-saring gulay at punong namumunga.
2. Paggawa
Kailangan ang kakayahan at kasanayan ng lakas-paggawa upang magkaroon ng maraming
produksiyon. Ito ay dahil mawawala ng halaga ang mga hilaw na materyales kung walang
lilikha ng mga ito na gagamitin bilang mga puhunang kalakal o produkto.
1
3. Kapital
Gumagamit ng capital ang tao upang makalikha siya ng mga produkto at makapagbigay ng
maaayos na serbisyo. Sa paggamit ng capital, nabibigyang –halaga ang mga hilaw na
materyales at mga kagamitan para sa mabilis na pagpaparami at pagpapabuti ng produksiyon
ng mga kalakal.
Uri ng capital
1. Kagamitang matibay (durable) na ginagamit sa negosyo (mesa, upuan, computer, mga makinarya)
2. Imbentaryo, mga hilaw na materyales, at kakailanganin sa produksiyon (asukal, gatas, karne, papel,
langis)
3. Estrukturang residensiyal at komersiyal kasama na ang mga pagawaan at bahay kalakal (mga mall o
pamilihan, apartment, opisina, pabrika)
Mga salik ng produktibidad
1. Mataas na kalidad ng paggawa- ang kasanayan at kakayahan ng isang manggagawa ay nagdudulot ng
mataas na produktibidad.
2. Pamumuhunan sa kapital- tumutukoy ito sa paggamit ng makabago at mas mabisang planta,
makinarya, at mga kagamitan na nagpapabilis ng produksiyon.
3. Pinbuti at epektibong pamamahala sa produksiyon- kinakailangan na maging matalino sa
pagpapasiya ang tagapamahala. Mahalaga rito ang mga bagong kaalaman at estratihiya para
mapabuti ang kakayahan sa pangangalakal
4. Patuloy na pag-unlad sa pamamagitan ng pananaliksik- mga bagong impormasyon o ideya tungkol sa
isang produkto at maging sa mga proseso na makatutulong para mapalawak ang posibilidad na
produksiyon.

Gawain 1
A. Panuto: Sa ibaba ay makikita mo ang isang tsart na may titik ang bawat kahon. Pangalanan mo ang
iyong pangangailangan at kagustuhan gamit ang titik na ito na siyang simula ng pangalan na isusulat.
Sundin ang halimbawa.
A- Aklat B C D E
F G H I J
K L M N O
P Q R S T
U V W X Y
Z
Pamprosesong tanong
1. Mula sa mga nailista mo sa itaas, timbangin mo kung alin ang mas nakalalamang, ang pangangailan
o kagustuhan? Bakit?
2. Paano naipapamahagi sa mga mamayan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan?

Gawain 2

Panuto: Ang gagawain mo ay makabuo ng isang siklo ng proseso o cycle of process kung paano ka
gagawa ng isang bagay. Kung mahilig kang magluto, manahi, magtanim,maglab o di kaya ay bumuo ng
collage o miniature o iba pa. Isipin mo ngayon ang proseso na iyong gagawin upang mabuo ito. Lagyan

2
mo ng label ang bawat hakbang sa isinasagawang proseso. Maging malikhain sa pagpapakita ng mga
proseso.
Pamprosesong tanong
1. Gaano kahalaga na may sinusunod na tamang proseso sa pagbuo ng isang produkto?

Gawain 3

Panuto: Punan ang matrix sa ibaba.


Mga salik sa Kahulugan Halimbawa Kahalagahan
produksiyon
Land o lupa
Capital o kapital
Labor o paggawa
Pamprosesong tanong
1. Ano ang implikasyon ng mga salik sa produksiyon sa mga sumusunod. Ipaliwanag.
a. Ekonomiya
b. Negosyante
c. Mamimili/ konsyumer

Gawain 4

Panuto: Gagawa ka ng isang flow chart kung paano ginagawa ang rice production. Punan mo ng angkop na
impormasyon ang bawat hakbang ng proseso.

HAKBANG 1 HAKBANG 1

________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
______________ _______________________

HAKBANG 1 HAKBANG 1

______________________________
Proseso sa _______________________________
______________________________ Produksiyon ng Bigas _______________________________
______________________________ _______________________________
____________________ _________________

HAKBANG 1

________________________________
________________________________
________________________________
______________
3
Pamprosesong tanong
1. Ilarawan ang proseso ng paggaw ng bigas.
2. Bakit mahalaga ang pag-unawa kung paano nai-poprodyus ang bigas?
3. Paano magiging produktibo ang pagtatanim at pag-aani ng bigas?
4. Paano magiging produktibo ang isang produksiyon?

PERFORMANCE TASK

Ang Department of Trade and Industry at grupo ng mga negosyante ay nagkakaisang buksan muli
ang iba’t-ibang negosyo upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Ikaw ay isang entreprenyur
na magsisimula na isang maaaring makatugon sa layuning pag-unlad ng bansa. Ang negosyo ay dapat
kakaiba at posibleng maisakatuparan. Maghahanda ka ng isang business proposal na maglalaman ng larawan
o sketch ng negosyo, malinaw na deskripsiyon ng negosyo, silbi nito at tulong sa komunidad o sa iba pang
negosyo. Ang business proposal mo ay dapat na kakikitaan ng maayos na nilalaman, malinaw na larawan, at
layunin.
Rubrics
Pamantayan Napakagaling Magaling Nalilinang Nagsisimula
Nilalaman May maganda at May kagandahan Hindi masyadong Hindi tiyak ang
naaayon na konsepto na konsepto at maayos ang detalye konsepto at
at detalye ng nais na detalye ng nais na ng nais na negosyo detalye ng nais
negosyo negosyo na negosyo
Larawan Angkop ang mga May ilang larawan Karamihan sa mga Walang
larawan sa detalye at na hindi angkop sa larawan ay hindi kaugnayan sa
konsepto ng negosyo detalye at konsepto angkop sa detalye konsepto ng
ng negosyo at konsepto ng negosyo ang
negosyo mga larawan
Layunin Lubhang naisasaalng Nagpapakita ng May ilang layunin Pansariling
alang ang pagmamalasakit at na nakasentro sa interest lang at
kapakinabangan ng kapakinabangan sa kapakanan ng pakakinabangan
nakararami nakararami nakararami

Huling Pagtataya
Panuto: Gawan ng proseso ng produksiyon ang mga sumusunod.
1. Produksiyon ng langis (ginagamit sa pagluluto)
2. Produksiyon ng tinapay
3. Produksiyon ng saging

4
AP Teacher: Rose Ann G. Mapacpac
FB Account: Rose Ann Gabos Mapacpac
Contact #: 09506800591

ANSWER
KEY
Gawain 1-4
(Ang sagot ay magkakaiba)
Huling Pagatataya
(Ang sagot ay magkakaiba)

REFERENCE
PEAC Learning module, pahina 203,213, 225-228,230

PREPARED BY:
Ms. Rose Ann G. Mapacpac
5
Inspected/Checked by:

Babylyn M. Mendoza
Pricipal

Date: ____________

You might also like