You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN EKONOMIKS 9

I. LEARNING COMPETENCIES:
 Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
 Pamantayang Pagganap: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
 Kasanayan sa Pagkatuto:
o Naipapaliwanag ang kahulugan ng Produksiyon (AP9MKE-Ii-19)
1. Naipapakita ang iba’t ibang salik ng produksiyon sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan
2. Naiuugnay ang kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Napahahalagahan ang konsepto ng produksiyon at mga salik nito.

II. CONTENT TOPIC:


 PRODUKSIYON AT MGA SALIK NITO

III. LEARNING RESOURCES:


 Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral ph. 72-74
 Gabay sa Pagtuturo p. 45-47
 Batayang Aklat, Learning Module, Mga larawan, Powerpoint Presentation, TV

IV. PROCEDURE:
A. Motivation/ Priming:
 PAMAGAT KO ! HULA MO!
( INTEGRATION sa Filipino: Paggawang Tula / Mapeh: Pagtula )
Ang guro ay may inihandang tula na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

_____________________________________
Pagpapalit anyo ng produkto
Pinagsama-samang mga salik ang proseso
Nang output ay makabuo
Produksyon ang tawag natin dito

Unang salik ay ang lupa


Likas na yaman ay makukuha
Kabayaran ay renta o upa
Tayuan din ng kabuhayan, sadya naming napakahalaga

Mga salik ng produksyon


Alamin natin ngayon
Sa pagdating ng panahon
Maging produktibo ka.. sa lahat ng pagkakataon

Sunod naman ay ang paggawa


Sahod o sweldo ang kabayaran nila
Pagbuo ng tapos na produkto ay kayang kaya
Pagbabagong anyo ng hilaw na materyales kanilang ginagawa

Kapital naman ang ikatlo


Kalakal ang tinutukoy nito
Interes ano naman kaya ito
Paggamit ng capital sa proseso

Isang salik din ang kakayahan


Entrepreneurship ang tawag dito
Kagustuhan niyang magsimula ng negosyo
Kabayaran ay kumikita siya rito.

( Constructivism: Thinking Skills )


PAMPROSESONG TANONG:
 Batay sa tula, ano ang mga salitang kumintal sa inyong mga isipan?
 Batay sa mga salita na inyong natandaan, ano ang kahulugan ng salitang produksiyon?
*Pagbibigayng Input ngGuro

B. Activity:
 PANGKATANG GAWAIN:
( Constructivism/ Collaborative : Activity Based)
 Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng task card na
naglalaman ng kanilang gagawin gayundin ang mga materyales na kanilang gagamitin. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng oras na nakalaan para sa gawain na ito, may timer clock kayo na makikita sa
screen ng laptop. May 5 minuto lamang kayo para tapusin ang nakalaang na Gawain sa inyong
pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng yell na magsisilbing hudyat na ang pangkat ninyo ay tapos na.
Bago ninyo simulan ang pangkatang gawain, tunghayan ninyo ang rubrics na nasa inyo, nais kong
malaman ninyo ang pamantayan ng paggagrado para sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.
 PANGKAT 1: KahuluganngProduksiyon ( SLOGAN)
 PANGKAT 2: Lupa ( KANTA)
 PANGKAT 3: LakasPaggawa (ROLE PLAY)
 PANGKAT 4: Kapital (POSTER)
 PANGKAT 5: Enterprenyur (TULA)
RUBRIC PARA SA PRESENTASYON
Pamantayan Deskripsyon Puntos
NILALAMAN Naipakita ang paksang inilalahad 10 puntos

PAGLALAHAD Maayos at malinaw ang presentasyon 5 puntos


KAGALINGAN Kahusayan sa pagbuo ng presentasyon 5 puntos
KAGAMITAN Gumamit ng angkop na props, visual atbp. 5 puntos
KABUUAN 25 puntos

C. Analysis:
INQUIRY-BASED: Knowledge Building
PAMPROSEONG TANONG:
 Ano ang papel na ginagampanan ng bawat salik ng produksiyon?
 Paano nakakaapekto ang bawat salik sa tagumpay ng produksiyon?
 Bakit may mga bansa na umaasa sa produksiyon ng ibang bansa?

D. Abstraction and Generalization


 “ IKOT-NAWAIN ”
CONSTRUCTIVISM: Thinking Skills
 Suriin at unawain ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot na daloy ng produksiyon.

INPUT PROSESO OUTPUT

 Lupa  Pagsasama-sama ng  Produkto o serbisyong pangkonsumo; produkto


 Paggawa mga input ng o serbisyo na gamit sa paglikha ng ibang
 Kapital produksiyon produkto
 Enterpreneurship

MGA KABAYARAN SA SALIK NG PRODUKSIYON

PAMPROSESONG TANONG:
 Ano ang inilalarawan ng dayagram?
 Batay sa dayagram, paano nauugnay ang input sa output?

E. Application
 “ S-P-G (SANGKAP sa PRODUKSYON i-GRUPO) ”
Constructivism: Activity-Based
Ilista ang mga bagay na ginagamit sa paggawa ng sumusunod na produkto. Ihanay ang salik kung
ito ay nabibilang sa lupa, lakas-paggawa, kapital o entrepreneurship. Gamitin ang talahanayan sa ibaba sa
pagsagot.
PRODUKTO MGA GINAGAMIT SA PAGBUO KLASIPIKASYON NG SALIK NG
NG PRODUKTO PRODUKSYON
1.__________________ 1.__________________
2.__________________ 2.__________________
3.__________________ 3.__________________
4.__________________ 4.__________________
5.__________________ 5.__________________

1.__________________ 1.__________________
2.__________________ 2.__________________
3.__________________ 3.__________________
4.__________________ 4.__________________
5.__________________ 5.__________________

1.__________________ 1.__________________
2.__________________ 2.__________________
3.__________________ 3.__________________
4.__________________ 4.__________________
5.__________________ 5.__________________

F. Closure (Evaluation )
 PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang.
1. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang pansin ng pamahalaan. Ito ay may
kinalaman sa :
A. Paggamit ng produkto at serbisyo
B. Paglikha ng mga produkto at serbisyo
C. Pamamahagi ng likas na yaman
2. Ito ang perang natatanggap ng manggagawa bilang kabayaran sa paggawa ng produkto at serbisyo.
A. Upa/Renta B. Sahod/Sweldo C. Tubo
3. Aling salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao para magsimula ng
isang negosyo?
A. Entreprenyur B. Kapital C. Lupa
4. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
A. Lupa B. Kapital C. Lakas-Paggawa
5. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng produksiyon sa araw – araw na pamumuhay?
I. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
II. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw
araw.
III Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili
. ng produkto at serbisyo.
IV Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil
. ditto masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa pagkonsumo.
A. I, II, III, IV B. I, II, III C. II,III,IV

G. Assignment:
 Gawin ang nasa pahina 81-82. (Gawain 8: NEWS ANALYSIS)
 Sagutin ang mga Pamprosesong Tanong. Isulat ang inyong kasagutan sa kwaderno.
 SANGGUNIAN: Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pahina 81-82.

V. REFLECTION:

VI. REMARKS:

You might also like