You are on page 1of 1

Agosto _____, 20___

Hon. Anselmo Simeon P. Pinili


Chairman, PCSO

Mahal na Ginoo,

Isang Mapagpalang Araw po!

Ako po si _________________, ako po ay kababaang loob na lumalapit po sa inyong may


mabuting puso at kalooban upang humingi ng konting tulong upang matugunan ang aking medical na
pangangailangan. Kasalukuyan po ako ay nadiagnosed na may Chronic Kidney Disease Secondary to
Hypertensive Nephropathy at nagdadialysis sa ___________________ dalawang beses sa isang Linggo.
Hindi pa po kami tuluyang nakakabangon sa gastusin at sa mga utang noong una kong pagsugod sa
hospital. Hirap na po kami na lumapit sa mga aming nalapitan nung una. Wala na po kaming ibang
malapitan. Isa na pong senior citizen ang aking nanay at walang pensyon at kabuhayan. Ako po ay isang
ordinaryong construction worker, ngunit dahil po sa aking sakit ngayon ako po ay walang trabaho dahil
po dito wala pong kakayahang tugunan ang aking medical na gastusin. Ako po ay humihingi ng awa sa
inyo na sana ako po ay inyong matulungan. Nagpapasalamat po ako sa inyo na sa maiibigay nyo na
tulong na kahit sa maliit na halaga ay malaking tulong at ginhawa na po na maidudulot sa amin upang
maibsan ang mga alalahanin. Ako at ang aking pamilya po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo.
Pagpalain nawa po kayo ng Poong Maykapal!

Lubos na Gumagalang,

_____________________________________________________
(Pangalan ng Pasyente na may Lagda)

You might also like