You are on page 1of 1

September 29, 2021

Office of the Senator,


Hon. Christopher Lawrence “Bong” T. Go

Mahal na Senador:

Mapagpalang araw po. Ako po si John Clark P. Gregorio, 30 taong gulang, nakatira sa 1505 Padrigal St.
Karuhatan Valenzuela City. Isa po ako sa mga may karamdaman sa aming pamilya. Type 1 Insulin Dependent
Diabetes Mellitus patient po ako mula pa noong 22 taong gulang hanggang ngayon, at noong nakaraang Marso
2021 ay kagagaling ko lang din po sa operasyon sa hospital dahil sa aking acute appendicitis. Isa po ang aking
ina na nakakasama ko sa aming tirahan na siya rin pong may sakit na RHD Rheumatic Heart Disease since
1996 at tatlong 3 beses narin po siyang na-stroke dahilan para hindi na siya makapag trabaho at magpagod.
Parehas po kaming PWD o “Person with Disability” at may mga maintenance na gamot, ang akin naman po ay
insulin injection na issued ng doctor ko as lifetime maintenance bukod pa sa mga oral medicine. Ang mga
kapatid ko po ay mayroon ding seryosong sakit na kinakaharap hanggang ngayon, ang kuya ko po na panganay
namin ay diagnosed Scoliosis at Anxiety Depression na hanggang ngayon ay kailangan ng patuloy na gamutan.
Ang bunsong kapatid ko naman po ay diagnosed Temporomandibular disorder o TMD at hanggang ngayon din
po ay nangangailangan po siya ng patuloy na treatment opearation.

Sa kabila po ng mga ito ay mayroong mas matindi kaming kinakaharap na pagsubok. Ang aming lola na si
Rosalina R. Pangilinan, 75 taong gulang, nakatira sa 1036 General Luis St. Barangay 165 Bagbaguin,
Caloocan City, ay nakikipaglaban ngayon sa hospital at kasalukuyang naka-tubo o “endotracheal tube” at
maraming kailangang gamot at proseso ng gamutan dahil sa diagnosed Severe Pneumonia, siya po ay Diabetic
patient din at may Hypertension. Siya ay naka confine hanggang ngayon sa Philippine Heart Center at patuloy
na ginagamot sa ICU.

Kami po ngayon ay lumalapit inyong mabuting opisina at kumakatok sa inyong puso upang humingi ng tulong
pinansyal para sa patuloy na gamutan at mga gamot na kailangang bilhin at billing sa hospital na patuloy pa
ngayong nadadagdagan.

Naniniwala po kami na ang inyong opisina ay bukas ang pintuan at bukas-palad sa pagtulong para sa katulad
naming lubos na nangangailangan. Umaasa po kami ng kanais-nais na sagot mula po sa inyong opisina.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

John Clark P. Gregorio

You might also like