You are on page 1of 3

COVID VACCINE

Ng dahil sa Covid vaccine nagkakaroon tayo ng kalayaan na kumain na sa labas


at makipagkita sa kaibigan o sa malalayong pamilya. Nagkakaroon ng kwentuhan,
tawanan, hindi magpapahuli ang biruan o ang mga asaran. Dahil din sa vaccine
nagkakaroon ng tagumpay o malayang komunikasyon ang bawat isa. Mahirap
makipag komunikasyon online dahil hindi maayos ang hindi pagkakaintindihan.
Kailangan ng sambayanan natin ang Covid 19 vaccine para kahit papaano ay
kampante tayo na may lalaban na sa Covid 19 kung tamaan man tayo ng sakit
na ito. Mahirap na sa panahon ngayon lumalala o lumalaki ang kaso sa bansa
natin kaya kailangan talaga natin mabakunahan. Kaya kumikilos ang mga taong
nasa mataas na posisyon upang mahikayat tayo na mag paturok. Hindi biro ang
covid, ilang milyon na ang taong namamatay at ilang milyon tao pa ang nag
dudusa dahil sa sakit na ito. Binigyan tayo ng pagkakataon upang mag pa
vaccine. Maraming mga magulang, trabahador, at estudyante na ang nahihirapan
ng dahil sa COVID 19 lahat naman tayo ay nakaranas ng hirap simula nung lock
down. Eto na yung tinatawag nilang new normal na naka face shield, face mask
at lagi kailangan mag alcohol. Bilang isang estudyante gusto ko rin naman
maranasan na lumabas na wala ng suot na face shield o face mask. Hindi na
kailangan mag alcohol at mag alala sa mga hahawakan sa paligid. Bilang isang
estudyante gusto ko na rin maranasan pumasok ulit sa eskwelahan kasama ang
aking mga kaklase na laging nag bibigay ng ngiti sa aking labi at ang mga guro
na nag papakaba sa aking dibdib. Kung lahat ng tao ay makikisama at mag pa
paturok magkaroon tayo ng tyansa upang mamuhay ulit na normal na buhay.
Walang GCQ, MECQ, GCQ AT MCGQ. Noon, ay kailangan nating mag ingat dahil
sa madraming pandaraya ang naganap ang ilang mga tao ay maaaring matuksong
bumili o gumamit ng mga kaduda-dudang produkto na nagsasabing makakatulong
sa pag-diagnose, gamutin at maiwasan pa ang sakit na coronavirus.
Ang FDA ay nakikipag tulungan sa mga gumagawa ng bakuna at gamot, mga
developer, at mananaliksik upang makatulong na mapadali ang pagbuo at
pagkakaroon ng mga produktong medikal. Samantala, ang ilang mga tao at
kumpanya ay sumusubok na kumita mula sa pandemikong ito sa pamamagitan ng
pagbebenta ng mga hindi napatunayan at illegal. Pero sa kasalukuyan ay salamat
sa Diyos dahil nagkaroon na ng libreng bakuna laban sa COVID 19 ang ating
bansa. Ayon sa aking pananaliksik ang mga bakuna ay nabuo ng napakabilis
ngunit walang ginawang anumang mga shortcut sa mga kinakailangang proseso o
pag kompromiso ng kaligtasan. Nag tulong tulong ang mga siyentipiko upang pag
aralan ang Covid Vaccine. Dahil sa dami ng nag boluntaryo napadali at napaikli
ang pag aaral sa mga bakuna na ibibigay sa bawat bansa. Gumana ang mga
pagsubok sa bakuna ng Pfizer ng matuklasan ng mga klinikal na pagsubok na
mabisa ang bakuna sa lahat ng edad, lahi, etnisidad at mga tao na may mga
umiiral na kondisyong medikal. Una munang nabakunahan ang mga may edad na
at ngayon naman ay nag lalabas na ng bakuna para sa mga menor de edad.
Pero hindi pa kasi pinapayagan ng awtoridad sa bansa ang pagbabakuna sa mga
menor de edad dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna. Kaming mga
estudyante ay hindi naman ganun nagmamadali mabakunahan, dahil nag aalala
rin ang aming mga magulang sa magiging side effects nito. Pero kung ako ang
tatanonging bilang isang estudyante, anak, at kapatid mas mabuti ring
mabakunahan ako dahil, kahit lagi ako ng nasa loob ng bahay at hindi lumalabas
mayroon paring tyansa na magkaroon ako ng Covid. Nasa hangin ang COVID
hindi ito nakikita at ang mga magulang namin ay laging nasa labas dahil
nagtatrabaho sila. Kung dadagdag pa ako sa mga taong matigas ang ulo at ayaw
mag pa vaccine baka hindi matupad ang pangarap kong makapasok ulit sa
eskwelahan. Mukhang maayos naman ang vaccine para sa mga menor de edad
dahil sa ibang bansa ay marami ng estudyanteng nabakunahan. Maraming bansa
na rin ang nag babalik eskwelahan at isa na rin ang Pilipinas ngunit bilang pa
lamang ang mga eskwelahan na pinayagan pumasok o mag bukas. Kaya maraming
ayad din mag pabakuma dahil. Meron kasing mga hindi kanais nais na epekto ng mga
bakuna sa ating katawan. Mayroon koneksyon sa pagitan ng bakuna ng AstraZeneca
at ang pambihirang kondisyon, na kasama ang pamumuo ng dugo at mababang antas
ng blood platelet. Ang tawag sa kondisyon ito ay Thrombosis with thrombocytopenia
syndrome (TTS). Iba iba ang pwedeng maging reaksyon ng bakuna sa ating
katawan kaya hindi ito pwede ibaliwala. Hindi rin lahat nabibigyan ng bakuna dahil
sa mga sakit nila at baka hindi kayanin ng kanilang katawa. Inaasikaso naman ng
mga doctor ang mga taong nag papabakuna. Sabi ng aking mama ay tinanong
muna siya kung may sakit ba siya o may nakaraan siyang sakit na malubha,
dahil baka mag karoon ng malalang malalang epekto ang bakuna sa kanyang
katawan. Una sa lahat ang mga matatandang may edad na may high blood hindi
pinapahintulot ng mga doktor na turukan ang matatanda kung ito ay may high
blood lalo na kung mataas ang dugo nito sa oras na ba bakunahan siya. Dapat
maging tapat tayo sa doctor na nagtatanong bago tayo bakunahan dahil tayo
ang mag aani kung mag sisinungaling tayo. Baka hindi maganda ang maging
epekto ng bakuna sa ating katawan kung karamdaman pala tayo. Mga dapat
nating gawin bago bakunahan. Kumain ng tama at masustansya.
Uminom ng sapat na tubig (8-10 baso kada araw). Matulog ng sapat at
siguraduhin nakapag pahinga (hindi bababa sa 7 oras kada gabi). Alam ko
nakakatakot ang pwedeng maging epekto ng bakuna sa ating katawan, pero kung
ito lamang ang tanging sagot upang magkaroon ulit tayo ng normal na buhay.
Wala tayong magagawa kung hindi makipag tulungan.

You might also like