You are on page 1of 4

Kalusugan

Walang sino man ang gustong magkasakit. Hindi lang ito matinding abala, ngunit napakagastoss
pa. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay napakahalaga lalo na ngayong
panahon ng pandemya. Ani nga ng iba ang kalusugan ay yaman, sapagkat ito ay natatangi at hindi man
kalian napapalitan. Sinasabing ang ating katawan ay hiram lamang mula sa poong may kapal, kung kaya’t
nararapat lamang na atin itong alagaan. Sa kasalukuyan, ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan
ay mahalaga laban sa mga nakababalahang sakit dulot ng mga samut-saring bacteria at virus gaya ng
Corona Virus Disease o Covid-19. Ang pag-usbong ng pandemya ang tumulak sa marami nating mga
kababayan na panatilihing malusog at malakas na pangangatawan. Sa panahon ring ito ay nasaksihan ng
karamihan ang pagkalat ng napakaraming healthy tips sa mga social media platforms upang higit na
maipakalat ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at ang mga paraan upang
mapanatiling malusog ito. Ngunit, ano ng aba ang malusog na pangangatawan? Ayon sa Department of
Health Philippines (DOH) ang pagiging malusog ay hindi lamang sumasalamin sa pisikal na kalusugan,
sapagkat nabibilang din rito ang pagiging mentally at spiritually healthy. Sa kabuoan, ang pagiging
malusog ay ang pagbabalanse sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Paano naaapektuhan ng Pandemya ang kalusugan ng mga mamamayan?

Ang pagkalat ng nakamamatay na Corona Virus Disease 2019 o Covid-19 mula sa Wuhan
China sa buong mundo ang nag-usbong ng panibagong dagok sa kasalukuyang panahon. Noong ika
labing-isa ng Marso taong 2020, idineklara ng World Health Organization o WHO ang Covid-19
bilang isang Global Pandemic, matapos itong kumalat sa buong mundo. Kalaunan, naglabas rin ng
mga protocols ang WHO upang mapanatili ang sarili na ligtas sa virus .Ika labing-apat ng Marso,
2020, idineklara ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang malawakang quarantine sa buong bansa
upang agarang masugpo ang lubos na pagkalat ng nakamamatay na virus. Ipinasara ang mga
paaralan, opisina, at iba pang establisyemento at lugar na maaaring maging sentro ng hawahan.

Gayunpaman, sa kabila ng mga paalala at pag-iingat, patuloy ang pagtaas ng bahagdan ng


mga nahahawakan ng Covid-19 at mga nakakaranas ng mga malalang kaso nito, sa mga una at
pangalawang quarter ng quarantine. Ani ng mga eskperto, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga
kaso-- maliban sa hindi pagiging handa ng bansa—ay ang mababang resistensya ng ating mga
kababayan. Isa sa mga dahilan na nakikita ng DOH sa pagkakaroon mahinang resistensya ay ang
labis na pagkahilig ng mga Pilipino sa mga fast foods na siyang talamak sa bansa—lalo na sa mga
lungsod. Kaya’t patuloy ang panawagan ng DOH na manatili sa mga kabahayan at pagtibayin ang
kalusugan upang maiwasan ang mahawa.

Sa pagsisimula ng malawakang quarantine nagsimula ring maging mulat ang mga tao na
panatilihing malakas at malusog ang kanilang pangangatawan upang maiwasan na mahawa sa
nakamamatay na virus. Sapagkat ayon sa mga eksperto, inaatake ng virus ang immune system ng
mga nahahawaan, na siyang nagdudulot ng panghihina at pagkaramdam ng mga sintomas gaya ng
pagkawala ng panlasa, hirap sa paghinga at lagnat. Kaya’t, upang maiwasan ang pagkahawa sa
sakit, samu’t-saring healthy tips ang umusbong sa mga social media platforms upang panatilihing
malakas at malusog ang pangangatawan sa panahon ng kalamidad. Nagsimula ring magsulpotan
ang mga samu’t-saring exercise tips na magagawa sa loob ng bahay, marami ring mga mamamayan
ang mahilig sa pagbibisikleta at pagja-jogging upang mapanatiling malakas ang kanilang katawan.
         Kung susumahin, malaking pinsala ang idinulot ng Pandemya sa bansa. Ayon sa mga datos,
lumobo sa mahigit na labing-dalawang trilyong piso, simula ng magsimula ang quarantine.
Sinasabing, sa kabila ng mapaminsalang epekto ng pandemya, ay nagdulot rin ito na maging mas
aktibo at malusog ang mga Pilipino upang maiwasan ang pagkahawa ng anumang sakit.

Kalagayang Pangkalusugan ng Pilipinas

Ayon sa The World Bank sa mahigit na tatlumpong-taong (30) taon ay walang ipinagbago sa
bahagdan ng mga mamamayang kulang sa nutrition. Ayon sa kanilang datos, isa mula sa tatlong
kabataang edad limang taong gulang ang mga bansot o “stunted” bunsod ng pagkakulang sa nutrisyon.
Itinala rin ang Pilipinas bilang panlimang bansa sa East Asia at Pacific Region na may pinakalaganap na
“Stunted Individuals” at nabibilang naman sa sampung bansa sa buong mundo na may pinakamaraming
stunted na mga kabataan. Laganap ang mga kabansotan sa mga lugar ng Bangsamoro Autonomous
Region ng Muslim Mindanao na lumalagpas sa apatnapung pursyento (40%) ng kanilang populasyon ang
mga bansot.
Sinasabing kakulangan sa nutrition mula sa mga kinakain na dulot ng kahirapan ng mga
mamamayan ang nakikitang sanhi ng pagkahantong ng bansa sa ganitong estado. Ayon sa pag-aaral labis
na laganap ang kakulangan ng nutrisyon sa Pilipinas. Mahigit sa tatlompu’t walo (38) na pursyento ng
mga supling na labing isang buwan ang nakakaranas ng kakulangan ng nutrisyon at dalawampu’t anim
(26) na pursyento naman sa mga supling na edad isa hanggang dalawang taong gulang. Ang hindi pagkain
ng tama at masustansiya ng mga nagbubuntis na ina ay nagdudulot ng malaking epekto sa kalusogan ng
mga bata. Ayon sa mga eksperto, ang mga kabataang may sapat na nutrisyon ay may mas malusog nap
ag-iisip, at mas nakatatagal at mas natuto sa klase, at mas malaki ang tiyansang makapagtapos at maging
matagumpay sa buhay.
Ang paglaganap ng malnutrisyon sa Pilipinas ay nagdudulot ng matinding epekto sa ekonomiya
ng bansa. Naaapektohan ng matinding kakulangan sa nutrisyon ang economic growth ng Pilipinas.
Tinatayang ang balakid na dala ng kakulangan ng nutrisyon sa bansa ay nagdulot ng pinsalang mahigit sa
4.4 bilyong piso o 1.5% ng GDP ng Pilipinas, noong 2015.
Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong ika-22 ng
Setyembre taong 2021, naitala na mahigit sa 7.6 na milyong katao ang nakakararanas ng matinding gutom
sa Pilipinas, dulot ng Pandemya. Tatlompu’t isa (31) pursyento ng mga pamilya ang nagsabing
nakararanas sila ng gutom sa nakalipas na tatlompung araw, at siyam na pursento naman ang nagsasabing
nakararanas sila ng matinding kagutoman. Itinatayang ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng mga
nagugutom sa loob ng dalawampung taon.
Upang labanan ang labis na epekto ng kagutoman at malnutrisyon sa Pilipinas, naglabas ng mga
suhestyon ang The World Bank upang maagapan ang matinding problemang kinakaharap ng bansa:

 Bumuo ng malakas at maayos na mga programang pang-nutrisyon;


 Maglaan ng pondo para sa pagsugpo ng malnutrisyon;
 Ipatupad ng maayos at mahusay ang direktang mga interbensyon sa nutrisyon;
 Tugonan ang mga problema sa nutrisyon gamit ang multisectoral approaches
 Pagsasaliksik at pagsugpo ng mga pangunahing dahilan ng problema;
 at Pangongolekta, pagsusubaybay, at pagsusuri ng mga datos ukol sa kalagayang pangkalusogan
ng bansa.

Paano Mapapanatiling Malusog ang Katawan?

Ang pagkakasakit ay parehong mahirap at magastos. Hindi maiiwasan na mabutas ang


bulsa ng mga mamamayan tuwing sila’y nagkakasakit  at maco-confine sa hospital. Kung kaya’t
naglabas ng ilang mga tips ang Department of Health (DOH) Philippines upang mapanatiling
malusog at malakas ang katawan lalo na sa kasalukuyang panahon.

• Kumain ng mga masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay, isda, at karne.-  ang
pagkain ng mga pagkaing siksik sa sustansya at mga bitamina gaya ng mga Go, Grow at Glow
Foods ay mainam sa pagpapanatiling malusog ang katawan. Sinisipsip ng katawan ang lahat ng
mga sustansya mula sa ating mga kinakain at dini-distribute ito sa lahat ng parte ng iyong katawan
na siyang nagpapanatili ng kalakasan ng katawan. Ayon sa mga eksperto, ang paglaktaw ng
pagkain—lalo na sa almusal— at hindi pagkain ng mga masustansyang pagkain ang siyang
nagiging sanhi ng pagkakaroon ng micronutrient deficiency, na nagre-resulta sa mahinang
pangangatawan. 

• Mag-ehersisyo sa loob ng bahay nang 30 minuto kada araw – Ang page-ehersisyo araw-
araw ang siyang laging pinapayo ng mga doktor, upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit.
Ilan sa mga ehersisyong pinapayo ng mga eksperto ay ang jogging, cycling, aerobics exercises, at
iba pa. Nagagamit ng katawan ang lahat ng enerhiyang nakukuha mula sa pagkain sa
pamamagitan ng paggalaw-galaw at pag-ehersisyo. 

• Magkaroon ng sapat na tulog. – Ang pagkakaroon ng sapat na tulog araw-araw ay mainam


upang maiwasan ang mga sakit sa puso at cancer. Napapanatili ng sapat na tulog ang pagkakaroon
ng malusog na pangangatawan dahil sa nakapag pahinga ang iyong katawan mula sa iyong mga
aktibidad. Laging ipinapayo ng mga eksperto ang pagkakaroon ng hindi bababa sa walong oras na
tulog araw-araw, upang mabigyan ng sapat na oras ang iyong katawan na magpahinga. 

• Mag-practice ng self-care – Hindi lamang makikita sa pisikal na pangangatawan ng isang


tao ang pagiging malusog, kundi pati sa kanyang pag-iisip. Napapanatili ng pagiging “mentally fit”
na malusog ang iyong pangangatawan. Ang simpleng pag relax o pakikipag-usap sa iyong loved
ones ay isang uri ng self-care. 
10 Kumainments
Bilang tulong sa pagtugon sa malalang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas, naglunsad ng kampanya ang
NNC “National Nutrition Council” noong Oktubre 23, 2014, para isulong ang National Guidelines for
Filipinos o NNC, na pinangalanang “10 Kumainments”. Ang 10 Kumainments ay naglalayong
matulongan ang mga mamamayan na maalagaan at mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan:

1. Kumain ng iba’t ibang pagkain.


2. Sa unang 6 months ni baby breastfeeding lamang; mula 6 months bigyan din siya ng iba pang angkop
ng pagkain.
3. Kumain ng gulay at prutas araw-araw.
4. Kumain ng isda, karne, at iba pang pagkaing may protina.
5. Uminom ng Gatas; kumain ng pagkaing mayaman sa Calcium.
6. Tiyaking malinis at ligtas ang ating pagkain at tubig.
7. Gumamit ng iodized salt.
8. Hinay-hinay sa mga maalat, mamantika, at matatamis.
9. Panatilihin ang tamang timbang.
10. Maging aktibo, Iwasan ang alak; huwag manigarilyo.

You might also like