You are on page 1of 2

Gerald S.

Reyes
BSA 2A

Reaction Paper: Baby Theresa

Patungkol ito kay Theresa Ann Campo Pearson o mas kilala bilang baby
Theresa Isinilang sa Florida noong 1992. ipinanganak itong may “anencephaly”
hindi karaniwang kapansanan kung saan ipinanganak sila na wala ang dalawang
importanteng parte ng utak ang “cerebrum” at “ cerebellum”. Naging maingay na
usapin ang kaso ni baby Theresa dahil sa kakaibang desisyon ang minungkahi
ng magulang nito na idonate ang mga “organs” ni baby Theresa ngunit sa
kasamaang palad hindi ito pinahintulutan ng batas Florida.
Sa usaping ito pinamimili tayo nito kung ani ba ang mas katanggap- tanggap
ang pagiging praktikal o pagiging moral na isang tao. Praktikal dahil sa gagawing
donasyon ng mga “organs” ni Baby Theresa ay marami ang mga batang
magkakaroon ng panibagong pagkakataon para mabuhay kapalit ng pagpatay sa
isang batang wala pang muwang sa buhay. Pagiging moral, at hahayaan na
mabuhay ang isang anghel hanggang mismong ang poong maykapal na ang
bumawi ng kanyang buhay sapagkat marami sa atin ang naniniwala na sya
lamang ang may karapatang bawiin ito ngunit kapalit naman ng gagawing ito ay
ang pagkakait ng panibagong pasimula sa mga batang labis na nangangailangan
ng “organs transplant”. Para sa akin mas pipiliin kong maging praktikal sapagkat
unang una pa lamang ay mismong magulang na ni baby Theresa ang nagpasya
nito isipin natin kung gaano kasakit sa isang magulang ang isuko ang kanilang
anak, para sakin sobra itong sakit at bigat sa damdamin ngunit nagdesisyon sila
ng ganon dahil alam nilang sa gagawin nilang iyon ay marami ang batang
kanilang matutulungan at isa pang dahilan na aking nakikita ay kung gaano
magiging mabigat ang bawat araw na lilipas hindi lamang para sa magulang ni
baby Theresa kundi para na rin sa kanya mismo. Ayon sa aking pananaliksik
wala pang indibidwal na may gantong karamdaman (Anencephaly) ang nabuhay
ng matagal na panahon karaniwan araw lamang ang kanilang itinatagal kung
kaya’t bago pa lamang ang iba ipanganak ay pinapalaglag na sila ng mismong
kanilang magulang na para sa akin ay mas higit na imoral na gawain.
Marahil marami sa atin ang magsasabing gawain itong masama ngunit tama
ba ng husgahan agad natin sila? Base sa aking pananaw at nabasa ipinakita ng
magulang ni baby Theresa at ng kanyang doctor ang tinatawag na “ethical
standard” kung saan nakatuon sila sa mabuting magiging resulta nito at hindi sa
mga taong manghuhusga sa kanila ngunit sa kabila nito hindi pinahintulutan ng
batas ng Florida ang gagawing ito. Sa gantong uring usapin ay wala namang
mabubuong desisyon na purong tama sapagkat bawat desisyon ay may kaakibat
na kapuna puna sa iba ang pinaka epektibong gawin ay ang pagrespeto sa
bawat desisyon sapagkat iba iba tayo ng pananaw sa buhay.

You might also like