You are on page 1of 2

Ang tumataas na bilang ng kabataang nabubuntis

Naniniwala tayong mga kabataan sa katagang iniwan sa atin ni Rizal na,”Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan,”ngunit umiiba na yata ang ihip ng hangin na habang tumatagal ay nawawala o
nalabo na yata ang hangarin nating mga kabataan na maging maunlad at isang matagumpay ang
ating kinatatayuang bansa ngayon na sinasabing tayo ang susi sa tagumpay ng lahat. Ngayon ba
ay pag-asa pa rin tayo ng ating bansa? Ang lahat ng ito ay dahil sa isang isyu na lumalaganap sa
ating bansa ngayon na maraming mga kabataang babae na ang maagang nabubuntis na wala pa
sa tamang edad o tinatawag na Teenage Pregnancy. Marami sa atin ay nawawalan na ng respeto
o pagpapahalaga ng bawat isa sa sarili na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis.
Nakakalungkot isipin na hindi na marahil na tawagin pa tayong mga kabataan ang pag-asa ng
bayan. Bihira na rin ang may pagmamahal sa bansa, Edukasyon at mga pangarap. Ang teenage
pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa, ito ay isang malaking health risk.
Ang murang edad ng mga teenager ay hindi lamang nangangahulugan na hindi pa sila hinog o
tama ang pag-iisip. Ang kanilang katawan ay hindi pa rin handa sa mabilis na pagababago na
kaakibat ng pagbubuntis. Marami sa kanila ay nahihiyang magpacheck-up, hindi maayos na
nutrisyon at nahaharap sa risk ng maternal death. Tumataas nga ang bilang ng mga teenagers na
namamatay dahil sa pagbubuntis. Sampung porsyento sa kanila ang namatay noong 2013. Ayon
sa Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS), dalawa sa dahilan ng mga kabataang nagbubuntis
ay ang pagkasira ng kanilang buhay, pamilya ay pagkawalan ng maayos na female role models sa
kanilang tahanan.Maliban dito,marami sa mga teenage mothers ay maralita,at maraming eksperto
ang nagsasabi,ang teenage pregnancy ay sintomas ng kahirapan. Malaking isyu ang teenage
pregnancy sa pamilya at lipunan.Unang una, malaki ang epekto nito sa buhay ng batang
nagsisilang at isisilang. Marami sa mga teenage mothers ay tumitigil mag-aral,bago pa man
mabuntis o habang buntis at nahihirapan ng mag-aral pa o maghanap ng kasanayan dahil sa
kanilang bagong obligasyon.Ang sanggol at ang ina ay maghihirap at papahabain uli ang siklo ng
kahirapan ng kanilang pamilya. Nakakagulat ang datos ukol sa teenage pregnancy sa ating bansa
.Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA) kada oras 24 na sanggol ang
isinisilang ng mga teenage mothers.Mga 14% ng mga Pilipina na may edad 15-19 ay buntis o di
kaya mga ina na.Mataas ang bilang na ito,lalo na kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa
Southeast Asia. Tayo ang pinakamataas sa rehiyon,at atin lamang tumataas ang bilang ng
teenage pregnancy. Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito. Sa kasalukuyan
parami na ng parami ang isyu tungkol sa “teenage pregnancy” o ang maagang pagbubuntis.
Lumalaganap na ito sa iba’t- ibang parte ng bansa. Kaya kailangan mag-ingat sa pagpili ng mga
kinakasamang barkada,sila ang nagdudulot minsan ng ating ikakapahamak. Marahil ay sila pa
mismo ang nag-uudyok at nagtuturo na gawin ang hindi nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom
ng alak , paglalakwatsa , paninigarilyo at iba pa kahit na dati’y hindi mo ito ginagawa. Ang iba
nama’y sadyang agresibo lang talaga, walang pinag-aralan, naku-curious,gustong maranasan at
nakikisabay sa uso. Alam naman nating lahat na likas sa ating mga kabataan ang pagiging
“curious” sa mga bagay- bagay sa ating paligid at gustong maranasan ng iba. Problema din ang
kulang sa disiplina ng mga magulang. Adik, walang respeto sa sarili at nasa lahi na talaga ng iba
na nagagaya lamang dahil sa kung anong pinagmulan ay maaring siya rin ang bunga.Ang kawalan
ng gabay ng ating magulang ay may malaking epekto sa pagkatao nating kabataan dahil sila ang
humuhubog ng pag-uugali,paniniwala at pagkatao nating mga kabataan.Sila rin ang responsable
sa pagtutuwid ng mga kamalian natin habang tayo’y bata pa dahil mahirap na itong maituwid
kapag may sarili ng pag-iisip ang isang kabataan. Ang paggahasa rin ay nagdudulot ng dahilan ng
pagbubuntis ng kabataang babae. Madalas itong nangyayari sa mga liblib na lugar kung saan
lumalabas ang kababaihan upang bumili ng ipinag-uutos ng magulang at hindi nila namamalayang
may nakaabang na pala sa kanila.Sa kabila ng mga sanhing ito mayroon din itong naidudulot na
mga epekto o bunga .Paghihirap ang pinakasentrong epekto nito sa karamihan. Mararanasan nila
ang hirap ng pagdala ng bata sa sinapupunan sa murang edad sa loob ng siyam na buwan,ang
hirap ng panganganak, pagpapalaki sa bata,pagbigay ng sapat na nutrisyon,disiplina at maging sa
edukasyon nito.Posible ring”single mom”dahil karamihan ngayon ang mga lalaki ay di marunong
managot sa kanilang responsibilidad. Mga dapat isipin ng pagkakaroon ng
anak na bata pa,una isipin niyo na lang ang mangyayari dahil sa wala kayong trabaho sa
kadahilanang hindi kayo nakapagtapos ng kolehiyo kaya wala kayong makain at ipapakain sa mga
anak niyo kaya sa magulang na lang hihingi ng tulong tiyak na hindi kayo pababayaan noon dahil
gaano pa kalaki ang kasalanan ninyo hindi pa rin kayo matitiis ng magulang niyo dahil mahal
nila kayo.Kaya kung nagbabalak na mag asawa ng maaga at magkaroon ng anak na wala pa sa
tamang edad ay isipin muna ang mga posibleng mangyari na hindi niyo aasahan na mangyari kaya
tayong mga kabataan ay mag-aral ng mabuti at mangarap ng mataas para sa kinabukasan at ng
bansa.Tandaan hindi bawal mangarap sapagkat ito’y para sa lahat ng taong gustong mangarap at
gustong may marating sa buhay.Mahalin niyo muna ang sarili niyo bago kayo magmahal ng iba na
hindi niyo naman kayang mapanindigan. Tayong mga kabataan ay may
karapatan para mabuhay ng maayos at malayang magmahal ngunit may limitasyon para
magmahal ng labis dahil maaaring masira ang mga plano sa buhay ng isang kabataan ang
maagang pag-aasawa o pagkakaroon ng anak ng wala sa tamang
edad. Tayo na’t magising sa katotohanan, mahirap ang maging
batang ina.Dagsa ang mga nakaabang na mga responsibilidad.Wala itong maidudulot na
kabutihan para sa atin sapagkat ito’y nakakasira sa ating magandang kinabukasan.
Ikaw,ako,siya,tayong mga kabataan ang siyang daan ng pag-unlad ng isang bansa,hindi bukas,
makalawa o sa bagong taon kung hindi ngayon kaya tara na’t simulan nating mga kabataan ang
pagbabago ng ating buhay bilang pag-asa ng bayan.

You might also like