You are on page 1of 5

Pagtanaw ng Utang na Loob

Pangalawang Pangkat

“Hindi resposibilidad ng anak ang kanilang magulang, dahil responsibilidad ng mga magulang ang
kanilng mga anak”

Mga tauhan:
Dave – Sr. Pedro (padre de pamilya ng pamilyang Cruz)
Ma Salomae – Sisa (asawa ni .Sr. Pedro at ina nila Barbie at Ken)
Jastine – Barbie (model sa US at panganay na anak ng pamilyang Cruz.)
Benedick – Ken (nakapagtapos bilang isang guro, pero nauwi sa pagiging tamabay at ama ni Ariel)
Lumen – Ariel (anak ni Ken at paboritong apo ni Sr. Pedro)
Mga kaibigan ni Aling Sisa: Roseby – Marie at Elsie – Tes

Christian – Cardo (security at personal assistant ni Barbie)

Unang tagpuan: Sa Sala

SR. PEDRO: Sana ngayong pasko ay maalala nyo parin ako …. (habang hawak ang picture frame)
ARIEL: Ayan na naman si lolo, hawak-hawak na naman ang litratong yan. Alam nyo lo wag na
kayong mag-alala dahil mamaya sa Noche Buena ay magkakasama na tayong lahat.
SR. PEDRO: Talaga ba apo? Nasaan naba sila? Si tita Barbie mo pupunta din ba?
ARIEL: Oo naman lo! Totoong totoo! Forda truth!

Ang pagdating ni Barbie ………………………………………. barbie music played.

BARBIE: Merry Christmass everyone! Its me Barbie! Oh tatay kumusta kana?


SR. PEDRO: Ang ganda naman ng Disney princess kong panganay! Okay naman ako anak at
maraming salamat sa tulong mo noong nagkasakit ako. Miss na miss na kita my Disney princess.
BARBIE: Tay! May dala akong lechon manok biba paborito mo ito SR. PEDRO?
SR. PEDRO: nako salamat anak pero letchon baboy nalang sana kasi negosyo naman natin yang
lechon manok.
ARIEL: Oo, nga tita mayaman ka naman eh.
ROBERTO: Maam Barbie, may urgent phone call po kayo from channel endorsement at
commercial sa shoppe.
BARBIE: Okay wait! Tay diba highblood kayo at diba nga sabi nila support your family business,
support local ganon! At ariel pamangkin gusto mo ba ng letchon o regalo?
ARIEL: hehe regalo nalang po!
BARBIE: GOOD GURL!

Habang naghahanda sa lamisa si Sisa………………………………………DUMATING ANG


MGA KAIBIGAN NYA!

MARIE AT TES: Namamasko po! Maring Sisa!


SISA: Nako! Pasok mga maring MARIE TES! Mabuti at nandito na kayo!
TES: Kami pa ba e palagi kaming updated sa mga pangyayari sa barangay natin.
MARIE: Tama! Tumpak ganern!
SISA: Sa bagay halata naman sa kobinasyon ng mga pangalan nyo. Mabuti pa at tulungan nyo
nalang ako dito.
MARIE AT TES: Sige maring Sisa…adlib

PANGALAWANG TAGPUAN…………………SA HAPAG KAINAN

SR. PEDRO: Ariel apo, tawagin mo na silang lahat at nang sa ganoon ay makakain na tayo ng
noche buena.
ARIEL: Opo, lo sige po forda go! HELLO MAGDALANG PEOPLE MABUHAY! KAINAN
NAH!
SISA: manalangin tayo! Maraming salamat po sa biyaya at maligayang kaarawan jesus.AMEN

DUMATING SI KEN NA LASING…………..(BINATI ANG LAHAT)

TES: Maring Marie, nandito na ang tambay na anak ni kamari nating si Sisa, lasing na naman.
MARIE: Diosmio, Maring Tes nakita ko yan sa tindahan may kasamang babae, duda ko jowa nya
yon at buntis pa.
TES: Ilista mo na! mukhang masusundan ang anak nyang si Ariel.
KEN: WHAT’S UP MADLANG PEOPLE! At welcome back ate Barbie.
SISA: Nako po! Ken, ngayon kapa naglasing e paskong pasko pa naman.
ARIEL: Si tatay naman oh, halika nga dito at kumain na tayo.
………………………………………………………………………………………………………
BARBIE: Talaga ba Ken? Ikaw na nga itong walang ambag sa pamilya, basag-ulo at palamunin
ka pa! Nakapagtapos ka nga ng pagiging GURO! Pero pagiging tambay yang pinili mo!
KEN: Bakit? Sino ka ba sa tingin mo? Nakapag ibang bansa kalang mayabang kana! Ano naman
kong palamunin ako? Diba nga responsibilidad ng magulang ang mga anak nila? At isa pa wala
kang alam kong bakit ako nagka ganito.

BARBIE: WOW! Ken, baka nakakalimutan mong ako ang nagpatayo ng bahay na ito, ako ang
nagbabayad ng tuition ng anak mo at ako ang nagpagamot kay tatay noong inatake sya! Ikaw ba
Ken anong ginawa mo? tumanaw na naman ng utang na loob sa magulang natin Ken! Imbis na
makatulong ka, binigyang mo pa sila ng bagong responsibilidad sa anak mo.

KEN: Ate hindi mo ako naiintindihan, hindi naman batayan ang pera sa pagpapakita ng utang na
loob sa ating mga magulang. Oo, tama ka wala akong narating sa pagiging guro ko pero kahit
minsan tinanong mo ba ako o sila mama kung bakit isinuko ko ang pagiging guro?

SISA: Ken, anak kami na ni tatay mo ang magkuwento sa ate Barbie mo.
Sr. Pedro: Barbie anak, sa totoo lang Malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo dahil simula ng
nagkasakit ako ay walang kahit isang oras o minute na hindi ako inilagaan at binantayan ng kapatid
mong si Ken sa ospital.
SISA: Tama ang tatay mo anak, dahil sa araw sa initake ang tatay mo ay siya ding araw sana na
ng board-exam ni Ken. Mas pinili ni Ken na alagaan ang tatay nyo kaysa sa pangarap nya.
SR. PEDRO: Dahil sa pangyayaring iyon, ay napariwara at nagkadipression ang kapatid mo.
Nakabuntis at nagbisyo.
SISA: Mga anak, ito ang tatandaan nyo, nagtagumpay man kayo o hindi? Ipinagmamalaki naming
kayo ng tatay nyo.
SR. PEDRO: At nagpapasalamat kami sa mga sakripisyo ninyo sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa
amin. Ang utang na loob ay naipapakita natin sa anumang paraan.
BARBIE: Ken, patawarin mo ako sa mga nasabi at pagtrato ko sa iyo. Bilang ate mo ay nagkulang
din ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang kapatid. Kaya Ken sorry na, ma, pa sorry!
KEN: Matagal na kitang pinatawad ate at nagpapasalamat parin ako sa iyo dahil sa walang sawang
pagsupporta mo sa ating pamilya maging sa aking anak. Alam mo ba na maswerte ako na ikaw
ang naging ate ko!
ARIEL: Maraming salamat po TITA!
SR. PEDRO: Lagi ninyong tandaan na, sa pamilya bawat isa sa atin ay may responsibilidad. At
dapat maging masaya tayo sa mga bagay na darating sa ating buhay. Pahalagahan natin ang mga
mahal natin sa buhay at huwag nating isipin na sa bawat pagkakataon o responsibilidad ay dapat
na may kapalit na utang na loob. Dahil ang tangin hangad lang namin bilang mga magulang ninyo
ay ang pagmamahal ninyo sa bawat isa at sa amin bilang mga magulang ninyo. Dahil sa huli ay
kayong magkakapatid rin ang magtululungan kung mawawala man kami sa mundong ito.
NAGYAKAPAN ANG PAMILYA……………………………………
MARIE AT TES: AHHHHH
MARIE: # ANG DRAMA NYO!
TES: Pwede na ba tayong kumain? Pwede?
SISA: OH sige na kumain na tayo.
MARIE: Maring Sisa, pwede bang maki SHARON?
ARIEL: Ano yun lola? May artista ba?
SISA: Hindi apo kanta yon!
MARIE AT TES: TAMA! (balutin moa ko…..)

END

You might also like