Professional Documents
Culture Documents
Pahina 1
Anchor 1: Dahil sa gyera sa Ukraine ini-utos ng POEA ang deployment ban ng mga
Pilipino. Narito si Mary Mae J, Todara, para sa buong balita.
Linker: May mga ilang mga Pilipino sa Ukraine at sa Europa ang ayaw umalis at
bumalik sa Pilipinas sa kadahilanang doon na sila naninirahan at ang kanilang pamilya,
ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Samantala,
maraming seafarer ang onboard at mahigit kalahati na raw ang naibalik nila sa
Pilipinas. Bago lamang iniutos ng POEA ang total deployment ban ng mga Pilipino sa
Ukraine dahil sa patindi ang ang sigalot doon na naranasan ng mga nakatira sa
Ukraine. Ilan pang mga Pilipino ang natitira sa mga nasabing bansa at nakakaranas ng
pangamba dahil sa gyera. Mary Mae J. Todara para sa bayan.
Anchor 2: Matapos naganap ang eleksyon ay agad inilabas ng COMELEC ang resulta
ng halalan at nagkaroon agad ng kilos-protesta.
(Record)
Matapos naganap ang eleksyon noong Mayo 9, 2022 ay agad naman inilabas ng
COMELEC ang resulta ng halalan at agad naman nagkaroon nqg kilos-protesta noong
Martes ng mga ilang grupo na naganap sa tanggapan ng Commission on Elections sa
Intramuros, Maynila para kuwestiyunin ang naging resulta ng halalan
Anchor 1: Mayo 10, 2022, Iprinoklama ng City of Mati Commission on Election ang
mga nanalo sa naganap na 2022 eleksyon sa Mati City. Narito si Roman Paring para
sa sa karagdagang Impormasyon
Linker: “Dirty Linen” — na may tagline na , “Stained by lies, washed by truth, handle
with care” —sa direksyon ni Onat Diaz and Andoy Ranay. Na-i-reveal ang cast sa story
conference ng proyekto na ginanap sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City.
Kasama sa mga nangungunang bituin sa serye ang mga screen veteran na sina Janice
de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Nanding Josef, at Soliman Cruz.
Kasama rin sa cast members sina Epy Quizon, JC santos, Christian Bables, Aubrey
Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, at
Jennica Garcia, na nagmarka sa kanyang unang Kapamilya project sa “Dirty Linen.”
Kabilang sa mga dumalo sa story conference ay ang ABS-CBN executives:
Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, Star Magic head at ABS-CBN TV
production head Lauren Dyogi, at COO Cory Vidanes. “Dirty Linen” ay pangalwang
teleserye ni Gutierrez’s bilang Kapamilya pagkatapos ng “Marry Me, Marry You.”
Makakapareha niya sa unang pagkakataon si Marudo, na kasalukuyang napapanood
sa "The Broken Marriage Vow."
Anchor 2 Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lang ang aming website sa
www.balitangbayan.com.ph
Anchor 1: At yan ang mga balitang patas at maaasahan, ako po si Fernand Tibay
Anchor 2: At ako naman si Rheem Quiroga, maghahatid ng mga makatotohanang
balita para sa bayan.
Anchor 1: Para sa nagkakaisang
Anchor 1 and 2: Balitang Bayan!