You are on page 1of 3

Jean Andrea B.

Dipasupil

BSDC-2A

Kahirapan, Malulutas pa ba?

Masdan natin ang ating bansang Pilipinas.

Masaya, maganda, sagana at mayaman.

Ngunit alam niyo bang sa kabila ng kagandahang imahe ng ating bansa?

Ito ay nagkukubli ng matinding suliranin batid ng karamihan.

Pero bulag ang karamihan. Bulag rin sa kasagutan.

Nasaan ang hustisya para sa aming mamamayan?

Batid niyo ba ang aming mga hinanaing?

Kayo? Kayong mga nakatataas?!

Kahirapan, iyan ang suliraning kinakaharap ng ating bansa.

Isang problema na deka dekada ng problema ng ating bansa.

Isang suliranin na kahit anong gawin ay mahirap itong mawala.

At suliranin hindi lang naninira sa imahe ng ating bansa.

Kundi naninira rin sa ating kinabukasan o maging sa bawat isa sa atin.

Ngayon ang tanong ng karamihan mawawakasan pa ba natin ang kahirapan sa ating


bansa?

Para sa akin ay oo! Bilang kabataan dapat tayong namulat sa realidad at matuto sa
hinaharap.

Unawain natin na ang kahirapan ay ang bunga lamang ng ating pagiging ganid, tamad at
pagsasawalang bahala.
Kung sino pa ang mataas sila pa ang nagsasa walang bahala sa ganitong suliranin.

Imbes na ito ay kanilang bigyan solusyon ay kanila ito isinasawalang bahala.

Halimbawa nito ang programang para sa mahihirap na ayuda ay isang malaking ginhawa
ito para sa maralita.

Ngunit minsan ay kulang at bawas pa ang makakarating sa kanila at matatanggap.

Ngunit paalala ko ang ating pamahalaan ay hindi mismo gagawa ng ikagiginhawa natin.

Tayo mismo, matuto tayong magsikap matuto tayong mag sipag.

At hindi palaging naka asa tayo sa ating pamahalaan.

Ang kaginhawaan ay pinaghirapan at tayo mismo ang maga ang at sa ating sarili.

Ako bilang isang kabataan ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi
ako maging mahirap at hindi maituturing na isang basura lamang.

Sa aking simpleng paraan ako ay magsisikap na mag-aral ng mabuti at upang ako'y


makapagtapos ng sa gayon ay magkaroon ako ng magandang kinabukasan.

At nang sa gayon ay mapaunlad ko ang aking sarili nang hindi ko inaasa sa iba.

Hindi lamang ako, kundi ikaw, tayong lahat ay kailangang magsikap tungo sa kaunlaran.

Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bansa na magagamit


maipagmamalaki.

At higit sa lahat maipapamana natin sa susunod na henerasyon.

Ano pang hinihintay natin ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa?

Halina't magsikap habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay.

Sabi nga nila, kung gusto maraming paraan kung ayaw maraming dahilan.

Tayo bilang isang mamamayan dapat nating gawin ang mga tungkulin natin.

Huwag kayong umasa sa mga binibigay kundi paghirapan natin ang mga ito.

Ang pagpaguran natin dahil mas masaya ang mabuhay kung galing ka sa sarili mong dugo
at pawis.
Na kung saan magsumikap ka para maabot mo ang mga ninanasa mo sa buhay walang
tulong ng iba.

Matuto tayong tumayo sa mga sariling ating mga paa dahil tanging sariling natin ang ating
aasahan sa lahat ng pagkakataon.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may aasahan tayo hindi sa lahat ng oras may
matatanggap ka.

Paghirapan, pagsumikapan, pagbutihan, pagtiyagaan at huwag sumuko dahil ang taong


mabilis sumuko ay siyang walang patutunguhan ang buhay.

You might also like