Professional Documents
Culture Documents
pagwawakas ng pandemya
Sa nag daang isang taon nabalot ng takot hindi lamang ang Pilipinas ngunit ang buong mundo dahil
sapag litaw ng isang virus na tinatawag na CoVid-19 na nag mula sa china. Walang alam na solusyon ang
Pangulong Duterte upang mabawasan ang lumalaking bilang ng mga nag positibo sa CoVid-19 kaya’t
tulad na lamang ng ginawa ng ilan pang kalapit na bansa isninailalim ang ilang lugar sa Pilipinas bilang
“community quarantine”. Dito ipinag bawal ang paglabas ng mga labing walong taong gulang pababa at
mga may edad, hindi rin pinapahintulutan lumabas ang mga taong walang face mask at face shield.
Kinalugi ito ng ilang establisyimento dahil sa pagsasara ng mga ito, bumagsak ang ekonomiya ng
Pilipinas at nabaon sa utang dahil sa paggawa ng paraan upang mabigyang tulong ang mga pamilyang nag
hihirap sa gitna ng pandemya. Ngunit ngayon lumipas ang isang taon naging maluwag ng muli at
hinahayaan ng lumabas ang nakararami ngunit kailangan pa rin ng face mask at face shield.
Binalita kamakailan lamang ang paparating na bakuna o vaccine na pinangalanang Gamaleya (mula sa
Russia) or Sinovac. Ang vaccine ang sinabing magwawakas sa pandemyang mahigit isang taon ng
nararanasan ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Sinisikap ng Pangulong Duterte na mabakunahan
ang lahat upang masigurong matatapos na ang kalbaryong ating dinaranas. Ayon kay czar Carlito Galvez,
ito ay maaaring bakuna mula China. Malapit na umanong magkapirmahan ng kontrata ang China at
Pilipinas para sa Sinovac vaccine. Wala rin aniyang dapat ikatakot ang mga Pilipino sa bakuna na galing
China. Sinigurado ng mga ito na ligtas ang bakuna na ituturok sapagkat subok na ito ng iba pang bansa at
wala naman daw naibalitang masamang naging epekto matapos ang bakuna. Tanggal tinik sa’ting
lalamunan ang kaalamang maaari ng bumlik sa normal ang lahat sa pamamagitan ng vaccine.