You are on page 1of 1

PAGBABAKUNA

Ang pagkakaroon at pagpapabakuna ay isa sa mga nakitang solusyon ng gobyerno ng Pilipinas


upang unti-unting wakasan at labanan ang pandemyang hanggang ngayon ay isa padin sa mga nagiging
problema ng bansa. Nagmula ang mga bakunang ito sa mga karatig na bansa kung saan ang paggawa ng
bakuna ay matagal ng isinagawa simula pa noong unang kumalat ang bayrus, dahil sa mabagal na paglika
at pagdating nga mga bakuna na ito, mayroon lamang limitado na bilang o suplay ang bansa na
naipapamahagi sa bawat mamamayan nito, kaya nama’y ipinatupad ng gobyerno na magkaroon ng
prayoritisasyon, kung saan uunahin na munang bakunahan ang mga Pilipinong nanganganip o mayroong
mas malaking tyansa na makuha o matamo ang pandemya tulad ng matatanda at mga manggagawa na
madalas nating tawagin ngayon na mga Prontlayner. Ang pagbabakuna na ito ay isang magandang
hakbang ng gobyerno na maaaring magresulta sa kalaunang pagwakas sa pagkalat ng pandemyang at
pagbalik ng mga gawain na itinigil upang maiwasan ang pagkalat ng pandemyang ito, ang pagbabakuna
na ito ay magsisilbing susi sa muling pagtaas ng ekonomiya ng bansa at pagkakaroon ng mas maayos na
pamumuhay ng bawat Pilipino sa ating bansa. Bilang isang butihing mar-aaral, ako ay makakatulong sa
pagwakas ng pandemyang ito sa pamamagitan ng pagiging isang magandang modelo para sa aking mga
kapwa mag-aaral, mamamayan, at iba pang parte na bumubuo sa mamamayang pilipino, sa pangunguna
sa pagpapabakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID at mawakasan na ang pandemyang
bumabalot sa ating bansa.

You might also like