You are on page 1of 2

James Clein T.

Tang
12-STEM

Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng


mga Pilipino

Ang Pilipinas ay isang bansang nakaranas ng iba’t-ibang uri ng kolonisasyon


mula sa iba’t-ibang bansa. Ilan lamang sa mga bansang nanakop sa ating bansa ay ang
Espanya, Estados Unidos, at ang bansang Japan. Nang dahil sa mga pananakop ng
mga bansang ito, nagbigay daan ito sa iba’t-ibang uri ng pamumuhay ng mga tao sa
Pilipinas. Naapektuhan nito ang paniniwala, relihiyon, edukasyon, at wika ng Pilipinas at
makikita ito sa panahon ngayon. Dahil dito, napilitan aralin at ibahagi ng ating mga
ninuno sa kanilang pamumuhay na ipinasa sa mga henerasyon na sa kasalukuyan,
hanggang sa ang ating tunay na kultura at pagkatao ay tuluyang nawala sa mga Pilipino

Sa buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Sa taong ito, ang


tema ng Buwan ng Wika ay ang pagbibigay dangal at dignidad sa Wikang Filipino at sa
mga katutubong wika nito. Sa buwan na ito, binibigyang pansin ang mga katutubong
wika at sa kultura ng mga komunidad na nagmamay-ari nito. Sa aking palagay,
panahon na upang tangkilikin ang mga sariling atin at kalimutan ang mga ginawang
pananakop ng mga banyaga upang makamit ang dekolonisasyon at umirak muli sa mga
pag-iisip ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling bansa.

Hindi natin makaka-ila na maraming Pilipino ang mas tinatangkilik ang ibang
kultura kaysa sa sariling kulturang Pilipino. Batay sa Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF), ang mahabang panahon ng pagkakapailalim ng bansa sa ibat-ibáng
mananakop ay may tuwirang epekto sa kaasalang pangwika at pangkultura sa
kasalukuyan. Ayon rin sa kanila, ang dekolonisasyon ay pagwawaksi ng pagtatangi o
deskriminasyong pangwika at pangkultura sa bansa. Isinisigaw nito ang katotohanang
ang mga karunungang-bayan at porma ng sining sa bawat sulok ng kapuluan ay
karapat-dapat sa respeto, pagkilála, at tangkilik na ibinibigay ng madla sa kulturang
popular.
Ang wika ng mga katutubo ay ang pagkakilanlan o identity ng bawat Pilipino
bagamat ito ang naging pundasyon ng mga wika at dialektong umiiral sa bansa ngayon.
Ang mga wikang katutubo rin ay yaman ng ating kultura at kaluluwa ng mga katutubong
Pilipino at ng lahing Pilipino. Ang paglaho ng mga wikang katutubo ay pagkawala ng
isang malaking bahagi ng kultura kaya’t dapat sikapin ng bawat Pilipino ang
pagpapalaganap ng mga wikang katutubo.

You might also like