You are on page 1of 9

Kahalagahan ng wika

1.)Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan


nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa
pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong
ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan
ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

2).Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa


bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang
bansa rin.

3).Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon


ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga
karatig bansa nito.

 Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan


 Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan
 Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng
damdamin at diwa ng mga mamamayan
 Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao

5.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika


sa sarili
sa kapwa
sa lipunan

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

May iba’t ibang pa’raan ng pagpapakahulugan sa pananaliksik. Halos bawat awtor ay


may kani-kaniyang depinisyon sa terminong ito. Sa kabutihang-palad, bagama’t may iba’t
ibang iniaalok na depinisyon ang iba’t ibang dalubhasa, kakikitaan naman ng mga komong
elemento ang kanilang mga depinisyon. Pansinin natin ang ilan sa mga ito na isinalin ng
mga may-akda ng aklat na ito sa Filipino:

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri
sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong
paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap
niyang datos ay mahaharap siya sa isapangesensyal nagawain – angpaghahanda
ngkanyang ulat-pampananaliksik.

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o


impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).

Halos gay on din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece (1973) na
nagsasaad na ang pananaliksik… ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon
sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

1. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang pangiinahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad
ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ng pananaliksik ay nakatuon sa layuning ito. Wika
nga nina Good at Scates (1972), The purpose of research is to serve man, and the goal of
research is the good life.

Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng


pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang penomena.
Ang alkohol ay isa nang batid na penomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik,
maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa
gasolina.

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at impormasyon.
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit
sa pamamagitan ng mga intensibo at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring
malunasan na sahinaharap.

3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o


produkto.
Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at tekriolohiya,
napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng
kompyuter, cell phone, fax machine at iba pa. Inaasahang bunga ng patuloy na
pananaliksik sa larangang nabanggit, higit na sopistikado at episyente ang mga
kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa hinaharap.

4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.


Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga ng
pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100). Isandaan labingwalo (118) na
ayon sa pinakahuling ulat.

5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substances at elements.


Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga negatibong epekto ng amphetamine
hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang
ipinagbabawal na gamot.

6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,


pamahalaan at iba pang larangan.
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hayskul ay kulang na
kulang sa kaalaman at kasanayang kailangan sa kolehiyo. Ito ang naging isa sa dahilan
upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang
edukasyon kung kaya7t sa kasalukuya’y ipinatutupad na ang K-12.

7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.


Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng
kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng
tinatawag na incubator.

8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.


Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga
mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di
kaya nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga
katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda,
mangangalakal at maging ng mga mamimili.

Sa paaralan, karaniwan nang pinapagsaliksik ang mga mag-aaral. Isa itong akademikong
pangangailangan sa halos kahit na anong larangan o disiplina. Ang dahilan nito’y ang
katotohanang walang larangan o disiplina ang hindi maaaring umagapay sa patuloy na
nagbabagong panahon. Samakatuwid, ang pananaliksik ay isang esensyal na
pangangailangan sa ano mang propesyon. Kung gayon, masasabing ang paggawa ng
pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda sa propesyong pinagpapakadalubhasaan
ng mga mag-aaral na kalaunan ay kanilang kabibilangan, at isa rin itong pagsasanay sa
siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa makatotohanang larangan na
tinatawag nating…buhay.

Kaakibat ng pananaliksik ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o pamanahong papel.


Sa mga paaralang gradwado, tisis o disertasyon ang tawag dito. Isa itong paraan ng pag-
oorganisa at paglalahad ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Isa itong
pinakamahusay na manipestasyon ng kasanayan sa akademikong pagsulat na ayon sa ilang
mga pag-aaral ay hindi gamay ng maraming Pilipinong mag-aaral. Kung tutuusin, may
mga propesyonal na ngang hindi pa rin nakasusulat ng mga akademikong ulat na
kailangan sa kani-kanilang propesyon. Samakatuwid, ang pagsulat ng papel-
pampananaliksik o pamanahong papel ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin sa
akademya. Isa ito sa mga pangunahing layunin ng aklat na ito na inaasahang makakamit
sa pamamagitan ng mga pagtalakay, gawain at pagsasanay na nakapaloob sa kabanatang
ito hanggang sa Aklat B ng seryeng ito.

C MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK

Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyong ito ay


mahahango na natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na
binigyan ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan:

1. Sistematiko. May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang


tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa’mang nilalayon sa
pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong
.magaganap sa subject na pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol.
Ito ay kailangan lalong-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao
na mayroong limang tao sa loob ng isang silid, magiging katanggap-tanggap ang datos
na iyon kapag naobserbahan nga at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng
silid na ‘yon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag
sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o
dalawa.
Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya’y hindi
naman lima ang multo kundi higit na kaunti o marami. Ito ay sa kadahilanang ang mga
multo ay halimbawa ng . mga di-empirikal na datos.

4. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang


kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa
mga datos na kanyang nakalap, Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng
mga na-validate nang pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang
masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling. Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon
ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Kailangan ding walang personal na
biases sa pagsasagawa ng pananaliksik. Walang puwang rito ang mga pansariling
pagkiling.
6. Gumagamit ng mga Kwantetibo o Estadistikal na Metodo. Ang
mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng
estadistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa,
ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at
limang tanong bawat respondente (distribusyon) ay mga halimbawa ng kwantetibong
datos, kumpara sa mga pahayag na tulad ng marami, Hon, humigit-kumulang na walang
malinaw na estadistikal na halaga.

7. Orihinal na Akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng


mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga primaryang
sorses o mga hanguang first-hand.
8. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon. Bawat aktibidad na
pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay
humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng
konglusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktuwal na ebidensya.
9. Matiyaga at Hindi Minamadali. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng
pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na
minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi
matitibay na kongklusyon at paglalahat.
10. Pinagsisikapan. Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap.
Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
11. Nangangailangan ng Tapang. Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat
maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May
mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-pagsang-ayon ng publiko at
lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang
mananaliksik.
12. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat
na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-
pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis, disertasyon) para sa angkop na
dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral
presentation o defense.

1. MGA URI NG PANANALIKSIK


Maraming mga uri ang pananaliksik. Maaari itong mauri batay sa layunin, antas ng
imbestigasyon, tipo ng analisis, lawak o saklaw ng paksa, saklaw ng panahon estadistikal
kontent. Ngunit para sa layunin ng pagtalakay na ito, ang ilan sa mga uri ng pananaliksik
ay ang sumusunod:

1. Analisis. Sa pananaliksik na ito, kinakalap ang iba’t ibang uri ng datos at pinag-aaralan
upang hanapan ng patern na maaaring magsilbing gabay sa mga susunod pang
hakbangin.
2. Aral-Kaso o Case Study. Inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang subject
sa isang sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaaring
maging tugon o reaksyon sa panibagong kaligiran.
3. Komparison. Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o subject ang pinag-aaralan dito
upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
4. Korelasyon-Predikasyon. Sinusuri rito ang mga estadistikal na datos upang maipakita
ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa’t isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan
ng mga baryabol sa katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.
5. Ebalwasyon. Inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga
itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at
sinusuri kung nakamit ba ang mga inaasahang bunga.
6. Disenyo-Demonstrasyon. Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mga tuklas ng
nakaraang pananaliksik upang subukin ang baliditi at relayabiliti ng mga iyon.
7. Sarbey-Kwestyoneyr. Sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret sa
pananaliksik na ito ang mga gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preperensya ng iba’t
ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin.
8. Istatus. Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga
natatanging katangian at kakayahan.
9. Konstruksyon ng Teorya. Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang makahanap o
makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanag sa pagkabuo, pagkilos o ang
pangkalahatang kalikasan ng mga bagay-bagay.

10. Trend Analisis. Hinuhulaan dito ang maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o
pangyayari batay sa mga napansing trend o mga pagbabagong naganap sa mga
sitwasyong sangkot sa pag-aaral.

1. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK


Sa naunang pagtalakay, nailarawan na ang mga katangian ng pananaliksik. Halos gayon
din ang masasabi sa mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkilala at pag-unawa sa mga
katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pananaliksik, mahihinuha na rin natin kung
ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Ngunit para sa
pagtalakay na ito, bigyan natin ng diin ang limang katangiang esensyal upang maging
matagumpay ang isang mananaliksik sa kanyang gawain. Ang isang mananaliksik, kung
gayon, ay kinakailangang maging:

1. Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsiyasat


sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa ng pananaliksik. Hindi maaaring doktorin ng
mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya,
mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan para sa
kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwiranang kongklusyon.
2. Matiyaga. Kakambal na ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos,
kailangang maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang
kumpleto na ang mga datos, maaaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang
pagdaragdag sa nauna nang mga nakalap na datos. Samakatuwid, kailangan niyang
pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang pangangalap ng mga datos
mula sa iba’t ibang hanguan tulad ng mga aklat, magasin, pahayagan, journal, tisis,
disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer, teyp, video, cd, palabas sa tv,
radyo, interbyu, sarbey, imbestigasyon, obserbasyon at mga website sa Internet.
3. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangang
maging maingat ang isang mananaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa
pinagkunan ng datos at pinagmulan ng ano mang ideya. Ang pag-iingat ay kailangan
upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng pananaliksik. Kailangan ding
maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng paksang sinisiyasat at maingat na tiyaking
may sapat na katibayan o balidasyon ang ano mang posisyon o interpretasyong ginawa
sa pananaliksik.
4. Sistematiko. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.
.„… Samakatuwid, kailangang sundin ng hang mananaliksik ang mga

hakbang nito ayon sa pagkakasunod-sunod. Halimbawa, hindi maaaring unahin ang


paglalagom at pagbuo ng mga kongklusyon nang hindi pa nakapapangalap ng mga datos.
Sa pangangalap ng mga datos, kailangan din niyang maging sistematiko nang hindi
maiwawaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ang mga ito.

5. Kritikal o mapanuri. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.


Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip. Samakatuwid, kailangang

maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-eeksamen

ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon upang matukoy kung

ang mga ito’y balido, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa

madaling salita, kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran

ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa

mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.

1. MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK


Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang
ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at
iba pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito na:

1. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos,


2. bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala,
3. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng
karampatang pagkilala, at
4. hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang
argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw
(Atienza, et al., 1996).

Idinagdag pa nina Atienza, et al., (1996) ang isa pang napakahalagang pananagutan ng
isang mananaliksik – ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng
interpretasyon na kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng
kanyang mga datos na nakalap.

REPORT THIS AD

Unang bahagi: Ang Kulturang Pilipino at Kahalagahan nito

Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating kultura ang


siyang nagbuklod at gumabay sa ating mga Pilipino. Simula sa
madugong pakikipag laban sa Mactan, sa masidhing pakikibaka ng
mga Katipunero, sa matapang na pagtuligsa ng mga Propaganidsta,
sa pakikipagsagupaan ng mga HUKBALAHAP, sa pagsalungat sa
diktatoryal na pamamahala ni Marcos, sa ating pagtutulungan upang
mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga nasalanta ng Bagyong
Yolanda, hanggang sa patuloy pag-iimbestiga sa pork barrel ay
namayani pa rin ang kulturang ang layunin ay ang kabutihan ng mga
mamamayan. Mapalad tayo dahil ang kulturang ito ay nanatiling
buhay sa puso ng bawat Pilipino.

Ang mga Pilipino ay Maka-Diyos.

Ang pagiging maka-Diyos ay likas na sa ating mga Pilipino. Ang


linggo-linggong pagsisimba, pagdiriwang ng mga kapistahan bilang
pasasalamat, pag-awit ng mga religious songs, at pamumuhay ng
naayon sa salita ng Diyos ay ilan sa mga tradisyong patunay ng
kulturang ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo sumusuko sa
anumang hamon ng buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng
katapangan na bumangon at magsimula muli. Ito ang dahilan kung
bakit mayroon tayong mga ngiti sa mukha. Ito ay nagsisilbing
tanglaw sa panahon ng karimlan. Ang ating pananalig ay ang
nagpapatibay at nagbubuklod sa ating mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay Makatao.

Bayang magiliw, ito ang kauna-unahang linya sa ating


pambansang awit na Lupang Hinirang, ang linyang ito ay malinaw na
sumasalamin sa ating kulturang pagiging makatao. Ang
pagiging hospitable o magiliw ay isa sa mga katangi-tanging
katangian ng mga Pilipino. Tayo ay naniniwalang mahalaga ang
ating kapwa dahil sila ang kaloob ng Diyos sa atin upang tulungan
tayong mabuhay. Sinasalamin din ating pagiging matulungin ang
ating pagiging makatao. Ito ay ang susi sa pagkakaroon ng pantay
na pagtingin sa bawat isa. Ito ang nagapatunay sa kagandahan ng
kaloban ng mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay Makakalikasan.

Ang ating pagiging makakalikasan ay nag-ugat pa sa ating mga


ninuno. Mayroon silang paniniwala na tanging ang kalikasan ang
makapagbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan.
Mahalga ang kulturang ito dahil ito ay magbibigay ng maayos na
kapaligiran para sa bawat isa. Patunay dito ang mga batas tungkol
sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang mga Pilipino ay Makabansa.

Tayong mga Pilipino ay pinapahalagahan ang sariing bansa.


Ang ating matapang na pagharap sa mga mananakop ay isang
patunay nito. Ang pagbibigay rin ng karangalan sa bansa ay
maituturing na isang gawaing makabansa. Ito ay nagbibigay sa atin
ng katapangan at lakas ng loob na maipagmalaki at maibandera ang
ating bansa higit sa anumang bagay.

Ikalawang bahagi: Ang Kulturang Pilipino at ang Pagbabago ng


Panahon

Sa paglipas ng panahon, tila paunti na nang paunti ang mga


Pilipinong nagmamahal sa sarilng kultura. Ang pagbili ng mga
kagamitang imported, maling pagtatapon ng basura, at di
mabilang pagpapatayan ay tila nangibabaw nang higit na sa ating
mga kultura. Kadalasan nga, tuwing mga kapistahan mas inuuna pa
nga mga tao ang pagluluto ng mga handa kaysa sa pagsisimba.
Nakakalungkot ang mga pangyayaring ito dahil ang dapat na
mentalidad ng mga Pilipino ay nawala na.

Sana ay kaya nating ibalik ang lakas ng ating kultura.

You might also like