You are on page 1of 18

Pagsulat sa Larangan ng

Agham: Pangkikritik
Humanidades Vs. Agham
Panlipunan
• Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at paksa ng
Humanidades gayun din ang Agham Panlipunan.
Ngunit kaiba sa humanidades, ang Agham Panlipunan
ay tinuturing na isang uri ng siyensya o agham. Kung
ispekulatibo, analitikal, Kritikal, at deskriptibo ang
lapit sa pag-aaral ng humanidades, sa Agham
panlipunan naman ay lapit-siyentipiko ang gamit
bagama’t iba iba ito depende sa disiplina. Gayunman,
sa kalahatan, kuwantitatibo, Kuwalitatibo, at
istatistikal ang paraan ng pagkuha ng datos dito.
Gumagamit din ito ng sarbey,
obserbasyon,pananaliksik sa larangan, at mga datos na
sekondaryo. Dayakroniko (historikal) at sinkroniko
(deskriptibo) rin ang pagsusuri o metodolohiya rito.
Nagsimula sa kanluraning pilosopiya ang Agham
Panlipunan noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Ito
ang tinuturing moral na pilosopiya ng panahon. Malaki
ang naging impluwensiya ng Rebolusyong Pranses
(1789-1799) at Rebolusyong Industriyal (1760-1840) sa
pagkabuo ng larangan ng Agham Panlipunan.
Ang mga makasaysayang pangyayaring bunga ng
panahon ng kaliwanagan o panahon ng katuwiran (Age
of Enlightment o Age of Reason) sa Europa noong ika-
17 siglo, ng binasura nila ang piyudalismo, pang-
aalipin, aristokrasya, pribilehiyo sa mga relihisoyo, mga
monarkiya, at kapangyarihan ng simbahan, ay
nagresulta sa pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng
mga tao, liberalismo, sekularismo, nasyonalismo,
sosyalismo, at modernong mga ideolohiyang politikal.
Nagdulot naman ang rebolusyong imdustriyal ng
pagbabgo sa sosyo-ekonomiko at kultiral na
pamumuhay ng mga tao bunga ng pag-unlad ng
teknolohiya, agrikultura, transportasyon,
komunikasyon, at kalakal. Sumulpot ang republika at
demokratikong mga gobyerno dahil sa pagkabuwag ng
mga monarkiya, aristokrasya, at piyudal na mga estado.
Katuwiran, indibidwalismo, at kaalaman sa halip na
tradisyon, pananampalataya, at pamahiin ang pinairal sa
lipunan sa panahong ito.
Kinikilala sa larangan ng Agham Panlipunan
sina Diderot, Rousseau, Francis Bacon, René
Descartes, John Locke, David Hume, Isaac
Newton, Benjamin Franklin, Thomas Jefferson,
gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie
Durkheim, at marami pang iba.
MGA DISIPLINA SA
LARANGAN NG
AGHAM PANLIPUNAN
SOSYOLIHIYA
SIKOLOHIYA
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG
AGHAM PANLIPUNAN
SOSYOLIHIYA- pag-aaral ng kilos at gawi ng
tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad
at pagkabuo ng mga samahan at institusyong
panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman
tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.
Gumagamit ito ng empirikal na obserbasyon,
kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo.
SIKOLOHIYA- pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng
tao. Gumagamit din ito ng empirikal na obserbasyon.

LINGGUWISTIKA- pag-aaral ng wika bilang sistema


kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon
nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, at gramatika. Deskriptibo o
pagpapaliwanag sa katangian ng wika ginagamit na lapit
sa pag-aaral nito, gayundin ang historikal na lapit o
pinagdadaanang pagbabago ng wika.
ANTROPOLOHIYA- pag-aaral ng mga tao sa
iba’t ibang panahon ng pag-iral upang
maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura.
Ginagamit dito ang participant-observation o
ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.

KASAYSAYAN- pag-aaral ng nakaraan o


pinagdaanang pag-iral ng isang grupo,
komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari
upang maiugnay ito sa kasalukuyan.
HEOGRAPIYA- pag-aaral sa mga lupaing sako
ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na
mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at
pagbabago rito, kasama na ang epekto nito sa
tao.

AGHAM PAMPOLITIKA- pag-aaral sa bansa,


gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso, at
sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-
politikal ng mga institusyon.
EKONOMIKS- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng
mga proseso ng produksiyon, distribusyon, at paggamit
ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang
bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-
ekonomiya ng isang bansa aymay epekto sa krimen,
edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan, at mga
institusyong panlipunan.

AREA STUDIES- interdisiplinaryong pag-aaral.


kuwalitatibo, kuwantitatibo, at imperikal na
obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik
dito.
ARKEOLOHIKA - Pag-aaral ng mga relikya, labi ,
artifact, at monumento kaugnay ng nakaraang
pamumuhay at gawain ng tao.

RELIHIYON - Pag-aaral ng organisadong koleksiyon


ng mga paniniwala, sistemang kultural, at ang pananaw
sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at
sangkamunduhan bilang nilikha ng isang superyor at
superhuman na kaayusan
PAGSULAT SA AGHAM
PANLIPUNAN
Ang pagsulat sa agham panlipunan ay

Simple
Impersonal
Direkta
Tiyak ang tinutukoy
Argumentatatibo

You might also like