You are on page 1of 9

ANG

MATALINO
NG PINTOR
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya
ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang
kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang
kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya
na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako
sa iyo."
"Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa
nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata na
maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi
pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at maaari
mo nang masimulan pagkakain mo."
Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa
mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng reyna
na di mababali.
Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo
namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na nasa
laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa
pag-aantay sa kanya, o di kaya'y naglalaro na at hindi na
siya hinintay.
Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-
dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang bakuran. "Sa
lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya
sa sarili. "Binabalak pa naman namin ni James na
ilampaso ngayon sina Henry."
Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa
sa lata ng pintura, natanaw niyang dumarating ang kapwa
bata ring si Vince.
"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang
narinig. Binilisan niya ang paghahaplos ng pintura sa
bakod.
"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"
Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at
sinipat ang napinturahan na.
"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."
"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."
Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at
ganadong-ganadong itinuloy ang pagpipintura. Maya't-
maya'y sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at
tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay
nakatungangang nagmamasid.
"Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito.
"Titikman ko lang magpintura."
"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang
nanay ko. Kailangang maayos ang pintura nito."
"Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang
trumpo ko, pagpintahin mo lang ako."
"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at
hinayaang magpintura ang kababata. Habang pinapanood
niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para
mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga
regalo.
Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod
namang naisahan ni Zandrey si Armel. Binigyan siya nito
ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod
naman dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si Richard.
Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang
inisa-isang bilangin ng matalinong si Zandrey - may yoyo,
trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi,
larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman,
mahabang tali ng borador, plastic na baril-barilan, singsing
na tanso....
Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan.
May makapal, may manipis, may paayon,
pasalungat, may kulang-kulang na pintura. Ngunit sa
paningin ni Zandrey, ang bakod ay napakaganda,
dahil ni-kaunti man ay di siya napagod at nakakamal
pa siya ng maraming yaman.

May mga aral pa sa buhay na kanyang natutuhan.


Ano kaya ang mga iyon?

You might also like