You are on page 1of 9

“RAINBOW"

Maikling Kwento
“Falling out, falling in, nothing sure in this world. No, no…..”

“Aray! Bakit mo naman biglang tinanggal ang earphones sa tenga ko?!”,

pasigaw na sinabi ni Sydney.

“Masakit ba? Magsisimula na ang exam pare. Tama na yang pagiging tulala

mo”, sagot naman ni Zach.

Mabilis na tinapos ni Sydney ang pagsusulit at nagmadaling umuwi ng

apartment niya. Nag-empake siya at pumunta sa terminal ng bus na

kaniyang sasakyan pauwi ng probinsya. Sa susunod na linggo pa siya dapat

uuwi ngunit kailangan niyang puntahan ang kaniyang pinakamatalik na

kaibigan, si JR.

“Gusto mo bang maglaro ng hotwheels?”, tanong ni JR sa umiiyak niyang

kaklase. Hindi kumibo si Sydney.

“Okay. Sa iyo itong kulay red at sa akin itong kulay blue. Palayuan tayo ng

kotse ha?”, makulit na sinabi ni Jr, sabay inilagay ang kulay pulang kotse sa

kamay ng kaklase.

Tumayo ang kaklase niya at umupo sa tabi ni Jr. Sabay nilang inihagis ang

kotse at napasigaw ng “Yes!” nang makita nilang tumigil ito. Nagtawanan

ang dalawa nang makita na pantay lang pala ang layo ng kani-kanilang

hotwheels.

“Sshhh!”, pabulong na sigaw ng guro sa kanila.


Nagtinginan ang dalawa at muling tumawa ng mahina. Mula noong araw na

iyon, lagi nang nakikita na magkasama at naglalaro ang dalawa. Sabi nga ng

mga guro, parang magkapatid na ang dalawa.

Biglang nagising si Sydney nang tapikin siya at iniabot ng konduktor ang

ticket niya. Tumingin siya sa paligid, nasa Tarlac pa lamang sila at malayo

pa ang Ilocos.

“Malayo pala ang Maynila, pupunta nga pala kami duon ngayong Sabado.

Anong mga gusto mong pasalubong?”

“Okay na ako sa bibingka at pudding, Jr. Hahaha!” Nagtawanan ang dalawa.

“Sydney maglaro tayo ng hulaan. Kapag tama ang sagot mo, pwede kang

magtanong ng kahit na ano sa akin at ganoon din sa’yo. Mauuna ako ha?”.

“Ano ang ilaw ng hindi naman talaga umiilaw?”

“Alam ko iyan. Ina, syempre”, sagot ni Sydney habang kita sa mukha niya

ang ngiting tagumpay.

“Tsamba naman yun e. Sige ano ang iyong itatanong sa akin?”

“Sino ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo? Yung tipong hindi mo

ipagpapalit sa kahit ano man?”

Ngumiti si Jr.. “Siyempre, sino pa ba? Walang iba kundi ang nanay ko.

Siguro kapag nawala ang nanay ko, hindi ko kakayanin ang buhay dito.
Walang kapantay si nanay. Siya na lang kasi yung nagpapatibay ng loob ko

e.”

“Oy! Paalala ko lang sa’yo. Hindi mawawala ang nanay mo. Atsaka, nandito

rin ako para suportahan ka sa lahat ng desisyon mo.”

“Sabi mo yan ha?!”, “Cross my heart, hope to die”

“Partners in crime, bradi?”, “Partners in crime, bradi!”

Nang linggong iyon umalis si Jr kasama ang kanyang pamilya papuntang

Maynila, kita pa ang ngiti sa kanyang mga mata ngunit hindi niya inakala na

iyon na pala ang huling araw na makakasama niya ang kaniyang nanay.

Nahulog sa ika-dalawampu’t dalawang palapag ng condominium nila ang

kaniyang nanay.

Agad na pinuntahan ni Sydney si Jr at hindi umalis sa tabi ng kaibigan niya.

“Alam mo. I hate funerals”, pabulong na sinabi ni Jr.

Mula noon ay hindi na bumalik ang dating sigla ni Jr. Tuluyan nang nagbago

si JR at pati ang mga naging kaibigan nila ay hindi na natuwa. Mas

mayabang na siya at bully ngunit sa kabila ng lahat ng pagbabagong

nangyari, nanatili parin si Sydney sa tabi ng kaibigan at sinuportahan sa

lahat ng kanyang ginawa. Unang beses mag-cut ng klase, mapunta sa

guidance, uminom ng alak at mag-yosi ay ginawa nila.


Noong ika-16 na kaarawan ni Jr, inaya niya si Sydney na ipagdiwang ito sa

kanilang resthouse sa Burgos. Nagluto sila ng spaghetti at nag-ihaw ng pusit

at tanigue. Habang nag-iinuman, napansin ni Sydney na malungkot na

naman si Jr.

“Hoy, bakit ka nakasimangot ha? Kaarawan mo ngayon. Ngiti ka nga jan!”,

sabi ni Sydney sa kaibigan.

“Anim na taon nang wala si mama, bradi. Anim na taon na rin na wala siya

tuwing kaarawan ko. Namimiss ko na siya.”, malungkot na sinabi ni Jr kay

Sydney.

“Alam ko na, tara!”

Inaya ni Sydney ang kaibigan paalis ng resthouse at pumunta sa tulay na

kanilang nadaanan papunta roon. Umakyat si Sydney sa halang ng tulay.

“Jr, tara. Puwede kang sumigaw at ilabas lahat ng iyang dinadala mo ngayon

at tatalong tayo pagkatapos. Kaya mo ba? Huwag mong sabihin na

nanlalambot ang katawan mo at nanginginig iyang tuhod mo? Hahahaha!”,

hamon ni Sydney.

“Go! Basta sabay tayo ha!?”, “Sige ba! Ilabas mo na!”

“Sana hindi nalang nawala si mama!!! Sana mas naiparamdam ko pa sa

kanya na mahal ko siya!! Sana nandito siya ngayon! Sana nagagawa ko pa

siyang yakapin. Sana kumpletong pamilya parin kami.”, maiiyak na sinabi ni

Jr.
“Bawal ang umiyak! Tara talon na!” sabi ni Sydney kay Jr. Sabay na tumalon

ang dalawa at nagtawanan pagkatapos ay tumalon ulit hanggang sa

magsawa sila.

Sa huling araw bago ang kanilang graduwasyon ay nag-roadtrip ang dalawa

papunta ng Pagudpud. Gumawa sila ng bonfire at nagkwentuhan sa tabing-

dagat.

“Alam mo bradi. Walang araw na hindi ko naaalala si mama. Namimiss ko na

siya”, sabi ni Jr, sabay ipinatugtog ang One Sweet Day ng Boyz II Zone at

Maria Carey

Hindi makasagot si Sydney sa sinabi ni Jr. Iniabot nalang niya ang bote ng

beer sa kaibigan. Naisip niya na kaya nagagawa ni Jr ang mga bagay na

hindi maganda ay dahil gusto niyang makalimot sa mga sakit na

nararamdaman. Suwerte pala siya dahil kilala niya ang totoong Jr at isa siya

sa nakakaintindi sa kaibigan.

Pagkatapos ng haiskul, hindi na sila gaanong nagkikita at nagkakasama pero

nag-uusap parin sila sa text at chat o sa mga iba pang social apps. Nakita ni

Sydney ang mga larawan ni Jr na naglalakbay sa iba’t ibang bansa at

masaya. Nakita niya na nagagawa na ng kaibigan niya na ngumiti tulad ng

dati.

“Jr: Musta na bradi? Kailan uwi mo? Labas tayo. Miss you, bradi!”
“Sydney: Uuwi ako pagkatapos ng linggong ito,. Miss na rin kita bradi! Alam

mo na ah. Marlboro red at sweet empanada.”

“Jr: Oo ba. Bradi, namimiss ko na si mama.”

“Sydney: Huwag kang malungkot dahil nandyan lang siya at nandito naman

ako ha! Marami kami na kaibigan mo. Sige, mag-exam na ako! See you

bradi!”

“Jr: Salamat bradi! See you!”

Hindi na siya makapaghintay na matapos ang linggo na iyon. Alas-kwatro ng

madaling araw ng kanyang huling pagsusulit ay nakatanggap siya ng text

galing sa kanyang kapatid na si Zedy.

“Boss, nandito na po tayo. Gising na po.“, sabi ng konduktor nang gisingin

niya si Sydney.

Umuwi kaagad si Sydney at pagkatapos magbihis ay pumunta sa bahay nila

Jr . Pumasok siya sa kuwarto ng kaibigan at tumayo sa harapan niya.

“Ang daming tao ah? Ano ang okasyon bradi? Nasaan na yung Marlboro red

at sweet empanada ko? Madami pa tayong ikukuwento sa isa’t isa. Hindi mo

man lang ako hinintay na makauwi. Akala ko ba you hate funerals ha?”

Hindi na napigilan ni Sydney ang kaniyang sarili na umiyak.


“Sydney, si Jr… naaksidente siya. Sumayad yung big bike niya at nagtamo

siya ng multiple fractures. Sorry Sydney, dead on arrival siya”, text ng

kanyang kapatid na si Zedy.

Hindi siya makapaniwala sa itinext ng kapatid niya hanggang sa nakita niya

ang pinakamatalik niyang kaibigan na wala nang buhay.

Pagkatapos ng libing ni Jr ay pumunta si Sydney sa pinangyarihan ng

aksidente, dala-dala niya ang paborito nilang meryenda. Inilabas niya ang

selpon niya at ipinatugtog ang paboritong kanta ng kaibigan.

“Say goodbye, say hello to a lover or friend. Sometimes, we never could

understand why some things begin and just end. We can really never tell it,

no”

Nang tumingala si Sydney ay may nakita siyang bahaghari. Naalala niya ang

mga sinabi ni Jr sa kanya: “Kung magmamahal ka, huwag yung sobra dahil

kapag iniwan ka niya, masasaktan ka rin ng sobra.”

Napangiti si Sydney at sinabi, “Minsan, hindi mo talaga mapipigilan ang sarili

mong magmahal ng sobra at kung minsan din ay hindi mo sila mapipigilan

na iwanan ka. Patunay lang na tao ka at lahat ng bagay ay may hangganan

pero okay lang magmahal ng sobra, okay lang din masaktan ng sobra dahil

ito ang magpapatibay sa’yo.”


Inilagay ni Sydney ang earphones sa tenga niya at sinindihan ang kaniyang

yosi.

“Even if there is pain now, everything will be alright. For as long as the

world still turns, there will be night and day. There’s a rainbow always after

the rain.”

You might also like