Professional Documents
Culture Documents
THE PROLOGUE
Have you ever been so desperate that you have to live with a stranger?
Oh yeah... A hot and handsome stranger na self proclaimed HARMLESS and HONEST daw.
HANI LEMON.
Bangungot na maging daan din upang makilala niya ang lalaking magiging kaniyang
KATAPAT.
Falling in love is never a choice... ENJOY the TWIST of NOT so ordinary Love Story.
WARNING: This book contains violence and mature contents. Readers discretion is
adviced.
No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the
author's consent. Please obtain permission.
BOOK: Names, characters, places and incidents are products of the author's
imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales
or persons, living or dead, is entirely coincidental.
FB Page: JamilleFumah
FB Group: JFamily Wattpad
Twitter: @jfstories
Isa sa mga kwentong ginawa ko nong highschool ako.. hindi na ito na-edit.
JAMILLEFUMAH SPG 18
KASALUKUYAN...
Sa isang kalsada.
Dinumog nan g mga nagdaraan ang pinagkakaguluhan ng marami. Mga pulis, usyosero mga
byahero. Doon sa liblib na kalsada palabas ng Maynila.
Isang malamig na bangkay ang nakasako at basta na lang itinapon sa parting yun ng
kalsada.
Babae. Nakahubad. Lasog-lasog ang katawan.
PAGBABALIK-TANAW
Well... Hindi naman alam ng family nya of course. Atleast 18 na sya na nagpunta sa
bar with her friends. Fun!
Inom... sayaw... chika... ubusin ang gabi ng puro ganoon. Mga kabataang kulang sa
pansin ng mga magulang. Masaya sila ngayong gabi especially Kye.
"Haha ang alam nina mommy nasa isang resto lang tayo at treat ko kayo! They don't
have an idea na nagdi-disco tayo! And nag iinom! Hahaha! It's fun here!" sigaw ng
dalaga.
si Kye...
Napagod na sa pag-indak sa dance floor at kasalukuyan na lamang na umiinom ng
margarita sa kanilang table.
Sinipat niya munang mabuti ang bumati sa kaniya, mula sa ulo nito hanggang paa.
Kahit madilim ang parting yun ng bar ay batid nyang gwapo ang lalaki.
Hmmmmm... smells good. Very manly. At super cute ang guy, although serious type ang
dating. Tantya nya nasa edad 20-25 lang ito.
First time may pumansin sa kaniyang pogi! Kasi nga naman ngayon lang sya nag-ayos
ng pang dalaga... dati-rati para lamang syang neneng.
Isa pa, laging si Hani na bestfriend niya ang madalas mapansin ng mga boys. Ngayon
na alam nyang bar ang pupuntahan nila kaya talagang pumorma sya ng bongga. Sexy ata
sya sa kanyang outfit ngayong gabi.
Kwentuhan...
Masarap kausap ang lalaking ito. Hindi ito nagsasawang magkumento sa kanyang mga
pinagsasabi. Ni hindi ito natu-turn off kahit napakadaldal na nya.
"Bakit cute? Hindi ba pretty? Hmmm... dalaga na kaya ako." nakangusong tanong nya.
Medyo nainis sya. Bakit pag si Hani -pretty? Tapos pagdating sa kaniya eh 'cute'
ang sinasabi ng mga lalaki?
Tumawa ng bahagya si Sab. Bumawi ito nang mapansing sumama ang mukha niya. "Very
pretty..." Anito na nakangiti.
Para naman siyang kinikiliti sa kilig dahil sa sinabi ni Sab. Mas guwapo ito kapag
nakangiti! Iyong makalaglag panty sa ka-guwapuhan! Plus the mysterious type na
dating!
"18 na ko! Ikaw?" tanong nya.
Ngumiti si Sab. "Hindi mo na gugustuhing malaman kung ilang taon na ako Ms. Kye."
Seryosong sagot nito.
"Weh? Why naman? Mukha ka pa naming bata eh! Ikaw huh! Ang cute-cute mo talaga!
Siguro may girlfriend ka na noh??" parang tangang wika niya. Lango na kasi sya sa
nainom na alak.
"Hmp... Sinungaling... Sa pogi mong yan! I doubt. Siguro crush mo ako kaya ganyan
ka?"
"Um-w-wait san mo ko dadalhin??" tatawa-tawang tanong niya pero hindi naman siya
tumutol na itayo na siya nito. Nagpipilit siya na dumilat kahit ang totoo ay parang
hindi nya na kaya maski magsalita. Hilong-hilo na sya.
Wala na sya sa sarili. Basta gusto nya pa makasama ang binata. Wala na syang
pakialam sa mga kasama nya.
JAMILLEFUMAH KASALUKUYAN...
Nagkubli sya sa dilim yakap-yakap nya ang matabang sanga. Nagdarasal na sana'y
hindi maisipan ng mga demonyong humahabol na sya ay nasa itaas ng punong iyon.
"Nasaan na ang babae?" mula sa kung saan ay nadinig nya ang pag-uusap.
Pinigil makagawa ng kahit na anong ingay. Takot na takot sya. Hindi nya alam kung
anong kademonyohan ang maaring gawin ng mga ito sa kanya tulad ng ginawa ng mga ito
kay Kye!
"Alam ko." naaninag nya ang mukha ng nagsalita... Tila may ngiti ang mga labi nito.
"Bakit nasan ang babaeng yun?" galit na tanong ng isa sa mga kalalakihang humahabol
sa kaniya.
"Nasa itaas sya ng puno." nakangising sabat ng nananahimik na isa pang lalake.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hani. Napalakas ang paghagulhol nya. "Wag
po! -
parang awa nyo... parang awa nyo na!" umiiyak na pinilit nyang umakyat pa sa pinaka
ituktok ng puno.
"Wag ka ng umiyak Miss... Sayang lang ang luha mo... Ireserba mo na lang yan para
mamaya..." malambing na tugon nito habang inaakyat ang punong kinaroroonan niya.
"Wag po... Please! Babayaran ko kayo... Mayaman kami... Please... Hindi ako mag-
susumbong! Huhuhu..." nanginginig na takot na sagot ng dalaga.
Tumawa ang dalawang lalaki sa baba ng puno. "Marcus ingatan mo yan at baka mahulog.
Baka mabangasan yan ha..." nang-aasar na wika nito sa kasamahan.
"Ayoko ng may galos. Ayaw din ng mga bata ang marumi ang balat. Ingatan mo yan."
dagdag asar ng isa pa.
Nanghihilakbot ang dalaga sa mga naririnig. Parang sasabog ang ulo nya. Takot na
takot sya sa maaring gawin ng mga ito sa kanya. Alam nyang mga wala itong puso't
kaluluwa... Batid nya yun sa nasaksihan nyang pangbababoy at pagpapahirap na ginawa
ng mga ito kay Kye. Ayaw nya maski madikitan sya ng maruruming kamay ng mga hayop
na ito.
"Mga hayop kayo! Mga demonyo!" umiiyak na sigaw nya. Mas mamatamisin niya pang
mamatay kesa makuha ng mga ito.
"Grabe ka naman Miss... Hinuhusgahan mo agad kami. Baka pwedeng mamaya mo na lang
kami tawaging hayop at demonyo pagkatapos nang gagawin namin sayo." sarkastikong
wika ng papalapit ng lalaki. Isang sanga na lang at abot na sya nito.
Nanginginig ang laman ni Hani. Hindi sya papayag! "Hayop! Hindi ako papayag na
maranasan ko pa ang pinaranas nyo sa kaibigan kong si Kye! Mamamatay na lang
ako!!!" sinipat nya ang baba ng puno, sementado ang kalsada at may matutulis pang
mga bato sa bandang baba ng kinatitirikan ng puno.
Tingin nya ay mataas na talaga ang kinalalagyan nya. Huminga sya ng malalim at
bumitaw sa pagkakakapit sa malaking sanga...
Hindi nya man ikamatay yun alam nyang mawawalan sya ng malay at sana'y tumama nga
ang kanyang ulo sa mga bato o kaya'y mauna sana ang pagbagsak ng kanyang ulo sa
simentadong kalsada.
NANANAKIT ang likod nya na para bang may pilay nang magising siya. Basa sya ng
pawis...
Nasaan sya? Madilim... Inilibot nya ang mata sa paligid. Nasa isa syang kwarto!
Nang nagpatihulog sya sa puno para piliin na lang na mamatay kesa mapasa-kamay ng
mga rapist na mga walang puso at halang na kaluluwang sumalbahe kay Kye! -ang
kaibigan nyang si Kye...
Wala na si Kye...
Ni-rape at pinatay ng mga walang hiyang lalaking iyon!
"P-pero nasaan ako?" sapo ang nananakit na ulo ay nilisan nya ang kinahihigaan.
Pinakiramdaman nya ang sarili, masakit ang mga balikat nya at ulo. Bukod doon ay
wala na syang ibang nararamdaman. Nakahinga sya ng maluwag.
"Humanda ka kung sino ka man... Basag ang mukha mo pag sinubukan mong gumawa ng
masama.." bulong nya sa sarili't bagamat nanginginig sa takot. Maigi ng mamatay ng
lumalaban!
Bumwelo sya sabay hampas ng vase sa ulo nito. Buong lakas nya! pero nasangga lang
ito ng braso ng bagong pasok na lalaki.
"Shit-!" napamura pa ito sabay harap sa kanya. Nanlilisik ang mga mata na animoy
gusto syang pitpitin.
Napaurong sya sa takot at agad na pinulot ang isang bahagi ng nabasag na vase at
sabay tutok dito.
"Sino ka?! -wag ka lalapit! Sasaksakin kita nito!" nanginginig na umatras si Hani.
Sabay tutok muli ng bubog ng vase sa papalapit na lalaki.
Bagamat seryoso ang mukha ng lalaki ay nakuha pa din nitong ngumiti ng tila
nanunuya.
"Sa tingin mo naman natatakot ako dyan sa hawak mo huh?" inis na sagot nito.
"Hayop ka! Rapist! Walang hiya! Walang kaluluwa! Demonyo! Mamamatay tao!" galit na
galit na sigaw nya habang umiiyak.
Kahit takot ay lihim nyang tiningnan ang kabuuhan ng lalaking nasa harap.
Guwapo ito... Maputi, matangkad ay may pagka tsinito... at natural na mapupula ang
manipis na mga labi. Mukha din itong mayaman. Kahit sa suot nitong simpleng puting
T-shirt at kupas na pantalon ay nagmukha pa din itong maporma.
"Done?" nakangiting tanong ng lalaki sa kaniya. Napansin pala nito ang ginawa nyang
panunuri sa itsura nito.
Muli'y tumawa ang lalaking estranghero. "After ng pagligtas ko sa'yo sa mga halimaw
na yun ay ganyan pa pala ang magiging kapalit ko? Sa pagtataya ko ng buhay ko para
lamang makuha ka sa kanila? -Ang masabihan ng kung ano-ano? how nice of you.. "
malamlam ang mga matang wika nito habang nakahalukipkip na nakatingin sa namumula
niyang mukha.
... kung gayon? Kaya buhay pa sya ngayon ay dahil utang na loob nya iyon sa
lalaking nasa harapan nya ngayon?
"P-pero... Totoo ba talaga yan huh? Niligtas mo ako? Pero... papaano? Madami sila?
Tsaka... hindi kita nakita na... I mean panong nangyari yun? " Naguguluhan siya.
"Ganyan ka ba mag 'Thank you'? hmm?" Nakapaskil sa mukha nito ang amusement.
"Ok then... hindi ka pa pwede umalis. Yung mga lalakeng yun ay marami. At base sa
tantya ko isa silang samahan... Organization... Kulto... kung anong layunin bakit
nandurukot sila ng mga kababaihan upang gahasain, pahirapan at patayin ay hindi ko
alam. Pero isa lang ang alam ko. Delikadong makita ka nila. Kilala mo na ang mga
mukha nila. Kaya malamang hindi sila titigil hanggat di ka nila nahuhuli.
Mas makakabuting nasa ligtas kang lugar. Sa hindi nila malalaman." seryosong sabi
nito.
"Pero kailangan kong umuwi... Nag-aalala na ang parents ko! Tsaka kung totoo man
yun ay kailangan kong lumapit sa mga pulis! Makakatulong ako sa imbestigasyon! Lalo
na sa pagkamatay ni Kye! "
"Yan ang hinding-hindi mo pwedeng gawin. Pag umuwi ka, mas madali ka nilang
matutunton. Malalaman nila ang mga susunod mong kilos. At higit sa lahat ...
lahat ng mga taong malapit sa'yo including your parents ay maaring madamay." wika
nito. Umupo ito sa kama at sinenyasan syang maupo din sa tabi nito.
"Pero Mister! Hindi pwede! Paano ang mga magulang ko???" naiiyak na tanong ng
dalaga.
Hinagod nito ang likod nya at nginitian siya. Isang very 'cool' na smile. "Don't
worry I'll make sure na safe sila. Isa pa wala ka ding maitutulong if ever na umuwi
ka. Kung totoo mang isa itong maimluwensyang samahan... Pwedeng maski mga pulis ay
hindi mo pwedeng pagkatiwalaan. Maigi ng magluksa sa pagkawala mo ang mga magulang
mo... atleast in that way iisipin ng mga kalaban na talagang walang alam ang mga
magulang mo tungkol sa kinaroroonan mo. Mas safe sa ganun. I promise... tutulungan
kita."
Naisip ni Hani na tama nga ang sinasabi ng stranger na lalaking ito? Pero dapat nya
nga ba talaga itong pagkatiwalaan? Tinitigan nya ang lalaki. Seryoso ito. At bakas
ang katapatan sa pagsabing tutulungan sya nito. Wala na syang ibang choice kundi
pagkatiwalaan ito.
Muling sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Una sa lahat nakilala na din nila ako sa
pagtulong ko sa'yo... Pangalawa; hindi ako matatahimik na may ganitong klase ng
lagim na nagaganap. At huli may espesyal akong dahilan."
NALAMAN nyang nasa isa silang rest house sa Tagaytay. Pag-aari daw ito ng yumaong
mga magulang ng lalaki. Bukod sa kanilang dalawa ay isang katiwala na nagngangalang
aling Wena ang tao pumupunta-punta roon.
Doon muna sya hanggat inaayos pa ng lalaki ang sitwasyon. Nangako itong
pangangalagaan ang kanyang mga magulang. May mga koneksyon daw ito.
Hindi naman nakakainip dahil maraming DVD's sa sala para pagkalibangan niya. Sa
labas naman ng rest house nalilibang rin siya sa napakalawak na garden. Mahilig
kasi siya sa mga halaman.
Mabait din bagamat tahimik si Aling Wena. Ang pakilala sa kanya dito ng lalaki ay
'asawa nito'. Para hindi na din mag-usisa pa ang katiwala. Ang alam nito'y doon
sila nagha-honeymoon sa rest house.
Isang araw na silang walang kibuan. Tinungo nya ang terrace dahil alam nyang doon
lang naglalagi ang lalaki maghapon at tila ba may malalim palaging iniisip.
"Kasi... Ilang araw na tayong magkasama dito. Pero hindi ko pa din alam ang
pangalan mo. Maski ang pangalan ko'y hindi mo naman itinatanong eh! knowing na ang
pakilala natin sa katiwala ng resthouse mo eh asawa mo ako! Tapos bagong kasal
tayo diba? Pero magkaiba tayo ng kwarto at hindi pa tayo nagpapansinan."
Tumawa ito na lalong nagpa-singkit sa cute nitong mga mata. He's really handsome!
Nakakatupok ang tingin nito. Tinawag sya nitong 'beautiful'?! OH MY GOSH! Parang
gusto nyang matunaw sa kilig? Oo nga't maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya
at tinatawag siyang 'maganda'... pero iba pala pag sa lalaking ito nanggaling ang
papuri. As in kakaiba ang pakiramdam!
"Ah, eh... I'm Honey Lemon" nahihiyang pakilala nya sabay lahad ng palad.
Natawa muli ang lalaki. Mas malakas. "Nice name! Actually matagal ko naman ng alam
ang name mo. Of course pinaimbistigahan ko na ang pamilya mo para mas
maproteskyunan ko kayo. Pero mas nakakatawa palang marinig mula sa'yo. You are
sweet like HONEY hmm... and your surname is Lemon? Bihira yun." Mas pogi pala ang
mokong na ito kapag ganitong nakangisi!
Napangiti rin sya. "Ewan ko ba kina Mommy! Lemon na nga apelyido namin tapos Honey
pa pinangalan sakin! Call me 'HANI"
Masaya kakwentuhan ang lalaki. Tungkol sa mga palabas na paborito nilang pareho.
HBO din Fave channel nito. Kaya nagkasundo talaga sila sa mga series.
Tuwing hapon ay umuuwi na si Aling Wena sa bahay nito sa bayan matapos silang ipag-
luto ng hapunan. At umaga na ulit ang balik upang magdilig ng halaman at ipaglinis
at ipagluto muli sila.
Minsan ito ang nagluluto ng midnight snacks nila o heavy food. At nakakabilib dahil
kalalaking tao nito'y tinalo pa sya sa galing sa pagluto.
Kahit sino ay maniniwalang para nga silang mga honeymooners doon. Sa buong buhay
niya ay ngayon lamang siya naging palagay na may kasamang lalaki na hindi naman
niya kaano-ano.
PARANG ngayon...
Patay ang ilaw at tanging ang liwanag lang sa flat screen TV ang nagsisilbing
liwanag. Pero kitang-kita nya pa rin ang maamong mukha nito.
Perfect ang face nito... May ganun pa palang lalaki. Sa ugali at itsura parehong
winner.
Pinisil nya ang matangos nitong ilong sabay bulong sa tainga nito. "Hoy lalaki
tulog ka na ba?"
Natawa ang dalaga, sabay pabirong hampas sa ulo nito. "Tse! Iyan ba tulog? Pa-cute
ka ah!"
" Sab..."
Kinabukasan...
Balita sa T.V
Malabo ang kasagutan kung sino ang may pakana ng malalagim na pagpatay. Pero
nasigurado ng pulisya na hindi lang iyon iisang tao, kundi grupo. Grupo ng mga
kalalakihan.
Hindi ordinaryong grupo may gawa at hindi rin ordinaryong kaso ito.
Umpisa pa lang ng kaso ay namatay na agad ang hepe na nakatoka sa paghahanap, kung
pinatay ito o pinapatay hindi nila matiyak, basta alam nila na hindi magiging
madali ang trabahong iyon.
Isa sa mga biktima ay ang anak-mayamang si Kye -Nagluluksa ang parents nito maging
ang mga kaibigan. Kasalukuyan din pang nawawala ang isa pa nitong kasama ng gabing
yun-ang bestfriend nitong si Hani.
Hindi na rin umaasa ang mga kamag-anak ni Hani na matatagpuan pa nilang buhay ang
dalaga. Masakit para sa kanila pero tinanggap na nila 'yon. Mula ng makita ang
sasakyan nito malapit sa pinagkakitaan ng bangkay ni Kye (unang biktima) ay umaasa
na lamang silang makita ang bangkay ni Hani upang mailibing ng maayos.
SA VERANDA
Lumingon si Hani. Bagamat may lumbay ang mga mata ay pinilit nyang ngumiti sa
binata. "Sab... gusto ko ng matapos 'to." malungkot nyang wika.
Lumapit ang binata at niyakap sya. "Sshh... You're safe here... Hindi kita
papabayaan ha?" masuyong bulong nito sa kanyang tainga.
Mainit ang katawan ng binata. Pakiramdam nya'y ligtas talaga sya sa pangangalaga
nito. May tiwala sya dito. Utang na loob nya ang buhay nya kay Sab
"Sab... Si Kye... Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya... Gusto ko
pagbayadin ang mga lumapastangan sa kanya..."
Hindi nya napansin ang pagdilim ng mukha ni Sab sa pagsabi nya ng salitang
'Hustisya'.
Magkayakap.
"Sab... Kitang-kita ko kung paano nila babuyin, pahirapan hanggang sa mamatay ang
bestfriend ko... Wala akong nagawa kundi magtago... kundi umiyak..." napahigpit ang
yakap nya sa lalaki.
SAMANTALA...
Alam nya kanina pa may sumusunod sa kaniya. Nasinag niya ang isang pulang kotse
mula sa di kalayuan. At ang mga lalaking papalapit.
Ang huling alaala na lamang niya ay ang pagdilim ng paligid, pag angat ng kaniyang
katawan at ang matigas na mga brasong bumuhat sa kaniya.
...mga sumunod na sandali, ang pagmulat noya na tila ba mainit ang kanyang
pakiramdam.
SA KWARTO ni Hani
Narinig naman yun ni Sab na nasa sofa lamang katabi ng pinto ng kwarto natutulog
upang mas mabantayan ng maayos ang dalaga.
"S-Sab... huhu... Nakita ko... Nakita ko na naman ulit sila sa panaginip ko!!! Ang
ginawa nila kay Kye... huhuhu natatakot ako... Baka pag nalaman na nila kung nasaan
ako ay kung anong gawin nila sa akin..." Umiiyak na gumanti sya ng yakap sa binata.
"Tahan na... Hindi ka nila kayang saktan habang kasama mo ako... Hindi ako papayag
na masaling nila kahit dulo lang ng daliri mo... Hindi ako papayag na makalapit
sila sa'yo... Hinding-Hindi. Dadaan muna sila sa akin. !" seryoso at matigas na
wika ni Sab.
Totoo ang mga sinabi nya dito... Hinding hindi sya papayag na may mangyaring masama
kay Hani. Poproteksyunan nya ito kahit magging kapalit ang buhay nya.
Pinagmasdan nya ang maganda't inosenteng mukha nito... Hindi nya napigil ang
sariling haplusin ang maamong mukha na iyon.
Hanggang sa din nya namalayang lumalapit na din ang kanyang mukha upang halikan ang
natutulog na dalaga...
Tila mapapaso sya sa pagtitig ng binata sa kanya, tila inaarok ang buo nyang
pagkatao.
Dapat ay sampalin nya ito sa ginawang kapangahasan, pero hindi nya ginawa.
"Sab... Bakit mo ginawa yun..? " tila bulong na lang na nanulas sa kanyang mga
labi.
Hindi sumagot ang binata. Sa halip ay tumayo na ito at iniwan na syang mag-isa.
Bakit? Dahil ba sa nahuli niya itong akmang hahalikan siya noong nakaraang gabi?
AT napag-alaman niya pang umaalis na si Sab kapag gabi. Minsan pa'y bibilang ang
mga araw bago ito bumalik.
Naiinis sya bakit hindi man lang ito nagpapaalam sa kanya. At Nag-aalala na din
sya... Kung saan ito pumupunta ay di nya alam. Basta tuwing dumadating ito ay
mainit ang ulo at tila pagod na pagod.
Unang-una hindi nya pa ito ganoon kakilala subalit wala syang magawa kundi
magtiwala rito.
Madilim ang buong paligid, may mga ilaw man ay tila hindi sasapat upang bigyan
liwanag ang malawak na bulwagan sa pinaka sala ng mansyon na yon.
Mga lalaking nakatoga ng kulay itim ang nagtitipon sa gitna ng malaking bahay.
"Marcus kailangang makuha natin ang babaeng yun." Madiing bitaw ng isa sa mga
lalaking naroon.
Tumango bilang pag sang ayon ang iba pa. Subalit ang tinawag na Marcus ay
nanatiling walang imik at nakatungo.
"Mitsa sya sa ating samahan. Kung makakalapit sya sa mga pulis ay pwedeng-pwede nya
tayong ituro! Masisira ang mga pinaghirapan natin ! Nakilala nya na tayo at nakita
nya pa ang ginawa natin sa kaibigan nya!" muli'y wika ng lalaki.
Biglang bumukas ang malaking pinto. Umugong ito sa kalumaan at dahil gawa sa bakal
ay nakalikha ng pagsagitsit ang pagbukas noon. Napalingon ang lahat sa dumating.
Nakapantalong itim at jacket na itim ang bagong dating na lalaki. Seryoso ang mukha
nito at may bahid ng galit ang mga mata.
Naningkit sa galit ang mga mata ng bagong dating. "Sinabi ko na hayaan nyo na sya!"
Parang kulog ang boses ng bagong dating. "Wala akong pakialam sa inyo, pero kapag
hinawakan niyo siya ay papatayin ko kayong lahat!"
Tila naman mga bahag ang buntot na nagtunguan ang iba pang mga lalaki sa bulwagan.
Pero mula sa kung saan ay lumitaw ang isa pang nakatogang itim. Lumapit ito sa
bagong dating at nakipagsukatan ng tingin dito.
Tila naman nagkaroon ng tapang ang iba pang myembro ng samahan. Tila nagkaroon ng
kakampi.
"Tama si Master Leandro! Dapat hindi hayaang buhay pa ang babaeng yun!" tapang-
tapangan na wika ng isa pa.
"Oo nga Master Sab... Nanganganib tayo habang buhay pa ang babaeng yun. Masyado
syang maraming alam." wika naman ng pangalawa.
Tila nag isang tinig ang mga kalalakihan. "Patayin na dapat ang babaeng yun.!"
Biglang bugso ng galit kay Sab. Halos magdugo na ang kamao nya sa higpit ng
pagkakatikom noon.
"Kuya Leandro... Hayaan nyo na sya sa akin. Pinapangako ko... hindi sya makakagawa
ng kahit ano laban sa inyo." Pinili na lamang nyang makiusap.
Ngumiti ng mapait ang tinawag nyang kuya. "Sa tingin mo ba Sab... Magugustuhan ng
babaeng yan pag nalaman nyang isa ka sa dahilan ng pagkamatay ng matalik nyang
kaibigan? Sinugal nya ang buhay nya para sundan ka kung saan mo dinala ang kaibigan
nya. At napanood nya ang ginawa natin. Sa kabila ng lahat ng yun gusto mo pa din
syang hayaang mabuhay? at pino-protesyunan mo pa sya? Paano kung malaman nyang isa
ka sa gumahasa sa kaibigan nya? Paano?" Madiing wika nito.
"Pag mangyari ang bagay na yun. Hinding hindi nyo na ako makikita." Seryosong wika
ni Sab. At nilisan nya na ang lugar na yon.
May bago na namang biktima ang grupo. May mamamatay na namang naghihingalo ngayong
gabi. At may pamilya na namang magluluksa...
"Tulog pa siguro si Hani..." bulong nya habang pababa ng kotse. Sinipat nya ang
wrist watch 3:00 am ng madaling araw.
"Nakaisip ka pang umuwi! " Mataray ng wika ni Hani. Nakatayo ito sa harap nya at
nakapamewang. Nakataas ang isang kilay nito at halatang naiinis sa kanya.
Hindi nya pinansin ang galit ng dalaga bagkus ay umupo na sya sa sopa at hinubad
ang kanyang sapatos. Umakting pa syang pagod at akmang hihiga na para matulog doon.
Dinampot sya ng basong may natira pang tubig sa lamesita at ibinuhos sa mukha ng
nakapikit ng binata.
Inawat siya nito. Nagpupumiglas pa rin ang dalaga. Niyakap siya ng mahigpit ni Sab
para mapigil ang mga kamay niyang nananakit rito.
HINDI malaman ni Sab ang nadarama... Sa ginagawa nyang pag iwas kay Hani ay hindi
nya naisip na nasasaktan na pala nya ang damdamin nito.
"I Hate you..hhuhuhu... Uuwi na lang ako sa amin... Ayaw na kitang istorbohin...
gawin mo ang gusto mo.." Umiiyak pa din na wika ng babae.
"Alam mong hindi pwede... I'm sorry Hani. " malumanay na wika nya.
Iginaya nya paupo ang dalaga sa sopa. yakap nya pa din ito bagamat kalmante na ito
ay umiiyak pa din sa kanyang dibdib.
"I'm sorry Hani... Pinag-alala kita. Hindi na mauulit... Ayaw ko na kasing madamay
ka pa. Pinapahanap ko na ang mga lalaking yun... Ang mga pumatay sa mga kaibigan
mo. Wag kang mag-alala... Hindi matatapos ang buwan na ito ay magiging maayos na
ang lahat. At ako mismo ang maghahatid sayo sa inyo. Bibigyan natin ng katarungan
ang pagkamatay ng kaibigan mong si Kye. Yun ang pinagkakaabalahan ko ngayon. At isa
pa inaasikaso ko din ang proteksyon ng pamilya mo..." Mahabang wika ng binata.
"Yes... Yes, Hani..." Tinungo nito ang kaniyang noo at ginawaran ng magaang halik.
Sinasamahan na sya nito palagi, bagamat minsa'y nahuhuli nya itong tila may palihim
na kinakausap sa cellphone. Pero inisip nyang baka ang mga pulis iyon at inaasikaso
na nito ang paghuhuli sa mga kriminal.
Hindi nga nagtagal ay kinseng kalalakihan ang nakitang walang buhay sa tabi ng
kalsada. Nakaitim ang mga lalaking tila ba pinagbabaril na sanhi ng kamatayan ng
mga ito.
..At alam din nya dahil sa nangyari ay pwede na syang umuwi sa kanila.. subalit
dahilan na din yun upang magkahiwalayna sila ni Sab. Tapos na din ang pagpoprotekta
nito sa kanya dahil ligtas na nga sya. Tila may isang bahagi ng puso nya ang
tumututol...
Dinagsa agad sya ng mga reporters... Buong puso nyang kwinento ang lahat... Lahat-
lahat ng kanyang mga nasaksihan.
Na hindi lamang ordinaryong samahan ang mga lalakeng iyon...Hindi lamang sila basta
mga adik na nangkikidnap at nanggagahasa at pumapatay...
Pero hindi niya na nasabing malakas ang hinala niyang mga bampira rin ang kultong
iyon.
At halos himatayin sa takot si Hani ng ipakita sa kanya ng mga pulis ang mga
litrato ng mga nasabing mga natagpuang patay na na myembro ng grupong iyon.
"Hindi!!! -huhuhu...Hindi sila yan...! Hindi sila ang mga nakita ko... Huhuhu...
Hindi ako pwedeng magkamali... Hindi sila yan..."
"Si Sab... Kailangan ko si Sab.." Iyon agad ang pumasok sa isipan nya.
DARK MANSION
Halos ibalibag ni Leandro ang remote ng TV matapos mapanood ang interview sa nag-
iisang testigo-Si Hani Lemon.
"Dapat pinatay na natin sya noon pa!" galit na wika nga mga nakapalibot na lalaki.
"Master Leandro anong gagawin natin???" Alalang tanong ng isa pang lalake.
Tahimik subalit maririnig ang pagtatagis ng kanyang mga bagang. At ang kanyang mga
mata ay nababahiran ng galit...
Nag atrasan ang mga lalaki palayo kay Leandro, kilala nila ito pag galit... Kaya
nitong patayin silang lahat sa isang iglap lang.
Si Sab..
Dumating ito upang kausapin ang kanyang kuya, nabalitaan nya na ang nangyari...
alam nyang nasa panganib si Hani mula sa kaniyang lipi!
Tila papel na tumalsik ang katawan ng binata. Ibinalya sya ng kapatid. Duguan ang
kanyang bibig na bumagsak sa makinis at marmol na sahig ng mansyon.
"Tingnan mo ang kalokohan mo! Tingnan mo ang nagging epekto!" galit na galit na
akmang susugudin pa ni Leandro si Sab.
Blaggg!!!
Hindi nya dama ang mga galos sa katawan... Mas nararamdaman nya ang takot... Takot
para sa kaligtasan ni Hani.
Alam nya kasing pag magpaalam sya ay hindi din sya papayagan ng kanyang parents.
Kung titingnan sya ay hindi mapagkakamalang isang babae dahil sa ayos nya ay
nakapusod pa ang buhok nya at nakatago sa kanyang itim na sumbrelo, dagdag pa ang
kanyang salamin sa mata.
Umaasa syang matatagpuan nya ang binata sa rest house nito sa Tagaytay... Sa lugar
kung saan alam nyang ligtas sya...
Tila pinanghinaan sya ng loob ng makitang walang ilaw ang bahay sa gitna ng maliit
na hardin. Tila walang tao sa rest house.
Dahan-dahan syang pumasok bitbit ang kanyang susi (susing kinupit nya sa katiwalang
si Aling Wena.)
Napakadilim ng buong sala. Laglag ang balikat na tinungo na lang nya ang dating
kwarto.
Siguroy magpapahinga na lang muna sya at baka bukas ay umuwi din doon ang binata.
Pilit nyang sinipat ang pinanggalingan ng ungol na yun.. Kahit madilim ay pilit
nyang sinanay ang mga mata sakadiliman. Salamat sa munting liwanag mula sa buwan sa
labas ng bintana.
Tumatakbong nilapitan nya ang kamang kinahihigaan nito. Niyakap nya agad ang
binata. Wala na syang pakialam kung anong isipin nito.
Pero nagulat sya ng maramdamang mainit ito.
"M-May...may sakit ka?" alalang tanong nya. Kinapa nya ang noo nito. Napakainit !
At ang katawan nitoy nanginginig.
Nanghilakbot sya ng makitang puro pasa at galos ang katawan ni Sab. Putok ang bibig
nito at may pasa sa kanang pisngi.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. " Hani... Mabuti ligtas ka... Hindi ko papayagan
na saktan ka nila... Pipigilan ko sila.." Muli'y wika nito.
"Sinong sila? Nakita mo sila? Sila ba may gawa nyan sa'yo???" Alalang tanong nya.
Hindi na sumagot ang binata, sa halip ay niyakap sya nito. Sa kabiglaan ay di nya
nabalanse ang katawan ay nabuwal sya sa ibabaw ng binata.
Hindi sya makatayo dahil mahigpit ang kapit nito sa kanya. Yakap-yakap nito ang
katawan nya.
"Wag ka ng aalis... Wag mo akong iiwan..." Bagamat may nginig ang boses ay may
bahid ng pakiusap. Hanngang sa makatulog na ang binata.
Inayos nya muna ng higa ang binata at pinunasan ito ng basang tuwalya. Ginamot nya
rin ang mga sugat nito.
Habang tinititigan nya ang maamong anyo ni Sab ay di nya napigilan ang sariling
haplusin ang makinis na mukha nito.
Napaka gwapo nito, dumako ang kanyang mga daliri sa nakatikom na mapupulang labi ni
Sab...
Maiinit ang hininga nito, senyales na may sinat pa din ang binata.
HInalikan nya ang noo nito bago tumayo upang pumunta sa kusina.
Isang puting sasakyan ang nakita nyang nakaparada sa tapat ng gate. At isang
matangkad na lalaki na mukhang kagalang-galang ang nagdu-doorbell.
Mukhang kamag-anak ni Sab? Hawig eh.. bulong ni Hani. Inayos nya muna ang sarili
bago tinungo ang gate.
"Ah... Good morning po... Sino po sila?" Nakangiting bati nya sa bisita.
Ngumiti naman ang panauhin, bagamat seryoso pa din ang mukha nito. Napansin niyang
tulad ni Sab ay mahilig ding mag 'all black' ang panauhin.
Hiyang-hiya talaga sya. Muntik pa nyang batukan ang sarili sa sinagot dito.
Ano na lang ang sasabihin nito sa kanya? Anong klaseng babae sya at umagang-umaga
ay naroroon sya sa place ng kapatid nito. Knowing na sila lang dalawa magdamag
doon.
"Ah, pasok ho kayo... May sakit si Sab eh. Nasa kwarto sya..." Bawing muling salita
nya.
"Hindi na... Inalam ko lang kung naririto sya. Isa pa malakas yan kaya wag ka
masyado mag alala sa kanya..." Mahinanong sagot ng kuya ni Sab.
"Ah... Baka gusto nyo muna hong mag kape. Oo nga po pala ako si Hani. Kaibigan lang
ho ako ng kapatid nyo..." namumulang wika niya.
Parang nag-e-echo pa sa pandinig nya ang tinuran ng kapatid ni Sab. "Mahalaga daw
ako at kwinento pa sa kuya niya" tuwang-tuwa sya habang papasok sa loob ng rest
house.
"Hindi pwede Marcus... Alam kong kapag ginawa ko yun ay lalong magre-rebelde si
Sab. Maaring lalong masira ang samahan... Maraming pwedeng maging sanhi kung isa sa
atin ang papatay sa kanya,lalo na ako... hindi ko din maaatim na isumpa ako ng
aking... anak." Malamig na sagot nito.
"Pero paano iyon? Marami na masyadong alam ang babaeng iyon! Pinahamak nya na nga
tayo!" muli'y sagot nito.
SI HANI
Nakita nyang nakatayo na pala ito. Nakasalubong ang kilay at halatang hindi maganda
ang gising.
Kahit nakasimangot ang binata ay napaka gwapo pa rin nito. Lihim syang kinilig ng
maalalang sa iisang kwarto sila natulog kagabi at nakapatong pa nga sya dito :)
"Good morning mahal na prinsipe... Gising ka na pala! Nagluto ako ng almu-" naputol
ang sasabihin nya ng biglang nagsalita ang binata.
"Sino yung kausap mo sa labas? Huh?! " may bahid ng galit ang boses ng binata.
"Ahh... ehhh, yung kuya mo daw. Si Kuya Leandro..." alanganing sagot ni Hani.
Lalong naningkit ang mga mata ni Sab sa narinig. Nagtataka naman si Hani sa inaasal
ng lalaki.
"Wag na wag ka ng lalabas! Kahit sino pa ang dumating wag na wag mong pagbubuksan
ng wala kong pahintulot maliwanag ba?!" tila kulog ang boses nito.
"Teka! Kuya mo naman yun eh!" Naiinis na salag ni Hani. Medyo nabu-buwiset na sya
sa binata. Nakalimutan na ba nitong sweet sila kagabi? Tapos ngayon mag-iinarte ito
ng wala namang kongkretong dahilan.
"Kahit na! Basta makinig ka sa akin para wala tayong gulo!" malamig na pagtatapos
ni Sab sa usapan nila sabay talikod pabalik ng kwarto.
"Yes boss!" Pang aasar nyang sagot dito. Gusto nyang sapakin ito dahil napakasungit
na naman nito sa kanya.
'Meron ata kaya nagsusungit' Naiinis na bulong ni Hani. 'Ang arte-arte! kuya naman
nya yun! Palibhasa kasi pogi eh kaya siguro moody hahahaha pasalamat ka labs kita!
hmmppp...' at bumalik na sya sa kusina para ipaghanda na ng pagkain ang masungit na
si Sab. Sa bahay ng binatang si Peter.
Naging balisa na ang kaniyang lola mula ng bumalik ang Leandro Mondragon na 'yon sa
kanilang lugar...
Naniniwala siya sa mga kwento nito na matagal ng nabubuhay ang Leandro na yon sa
ibang katauhan...
Hindi sinungaling ang kaniyang lola... ito na lamang ang natitirang kamag-anak niya
sa mundo...
Madilim ang gabi... lakad takbo ang isang babae... pawisan na tila may tinatakasan.
Takot na takot...
"Takbo pa!!! HA-HA-HA pag naabutan ka namin yari ka!!!" sigaw ng mga lalaki.
-
Naputol ang panaginip...
Ang babae'y nakatayo sa dulo ng katre kung saan may sanggol na umiiyak sa kanyang
harapan.
Pinandidirihan nya ang sanggol na lalaki. Napaka cute naman nito para kanyang
pandirihan, pera may galit sya para sa batang iyon.
"Hindi kita anak... Isinusumpa ko na pumayag ako sa gusto nila Inay na buhayin at
iluwal ka sa mundong ito..." lumuluhang wika ng babae.
"Huuhh... Anong kasalanan ko??? Bakit sa akin pa nangyari ito??! Huhuhu... sira na
ang buhay ko dahil sa ama mo! Dahil sa demonyong ama mo!!! Hayup sila.... hayup
sila.... huhuhuhuu" umiiyak na nalugmok na lamang sa sahig ang babae.
-
ang karugtong ng panaginip...
"Leandro?! Ikaw??? Ikaw ang ???" takot na takot ang babae habang umaatras..
Nagpapasag naman ang luhaang babae. "Ikaw! Ikaw at ang mga alagad mo!! Kayo ang
dahilan ng pagkawala ng mga kababaihan dito sa baryo! Mga demonyo kayo!!! Pinapatay
nyo ang mga babae!!!" Takot na bulalas ng niya.
Tumawa ng malakas ang lalaki. "Oo Igma... kami nga yun. Nagpapalipat-lipat kami sa
ibat-ibang panig ng mundo at parte ng Pilipinas. Makapangyarihan kami... Hindi kami
tumatanda... Dahil sa mga sariwang dugo ng mga babaeng katulad mo! Iyon ay regalo
namin sa aming panginoong si Satanas! Ang pera, kayamanan, kabataan at
kapangyarihang mabuhay sa mundo ng walang katapusan... Iyon ang layuning ng aming
samahan. Ang mga babaeng aming dinudukot ay pahihirapan namin ,gagahasain ,sisirain
at yuyurakan... Hihimay-himayin hanggang sa malagutan ng hininga! Ang mga iyak at
sakit na magmumula sa inyo ang nagiging regalo namin sa aming sinasambang
panginoon..." Mahabang wika nito.
Ang lalaking akala nya ay mabuting kaibigan ay pinaikot lamang pala sya upang
makuha ang kanyang loob at maging biktima ng mga ito.
Nang matapos ito sa kanya ay iniwan na sya upang ang mga kasama naman nito ang
magpakasasa sa kanyang katawan.
Pero naawa ang langit sa kanya... Nakatakas sya bago pa man iyon...
Takot na napaatras sya. Ilang buwan ng wala syang balita dito. At ngayon nasa harap
nya ang demonyong yon parang nagbalik lahat ng galit sa kanya.
Tumawa ng pagak ito. "Nandito ako para wakasan na ang paghihirap mo."
"At pano mo gagawin yun? Ha?! Papatayin mo ako??!" Takot na wika nya.
"Hindi lang yun Igma... kukunin ko din ang anak natin." Nakakalokong sahot nito.
Nahintatakutan naman ang babae. Ewan bakit imbes na matuwa syang mawawala na sa
kanya ang sanggol ay bigla syang natakot. Ang pagiging Ina nya para sa anak ay
bigla nyang naramdaman. Hindi sya papayag mahawakan ng maruming kamay nito ang
kanyang sanggol!
"Hindi!!! hindi ako papayag na kuhanin mo sa akin ang anak ko!!!" Sigaw nya.
Lalo itong tumawa ng malakas. "At bakit hindi? Hindi ba't ayaw mo din naman sa
kanya? Kaya kukunin ko na sya... Hindi ba't lalaki ang ating anak? Gagawin ko syang
tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kapangyarihan ko bwahahahahahhaaa!!!!"
Kahit nakatawag ng tulong si Igma ay nakatakas na ang mga lalaki dala-dala ang
kanyang sanggol.
_____
"Lola... Pangako hahanapin ko ang ang anak nyo sa lalaking iyon..." sinserong wika
ng binata.
Ang hanapin mo ay si Hani. Alam kong lihim mong minamahal ang kaibigan mo...
Hanapin mo sya. Wag mong hayaang mawala sya sa'yo... At baka magsisi ka din sa huli
kagaya ko..." Malungkot na wika ng matanda.
SA REST HOUSE...
Tahimik na nanonod ng T.V si Sab. Napailing na lang si Hani. Hindi na naman sya
kinikibo ng binata.
Pero alam nya na sa gilid ng mga mata nito'y palihim sya nitong pinagmamasdan.
Hindi sya inaalis sa paningin.
Hindi sya pinansin o maski nilingon man lang ng binata. Nagkunwa-kunwari lang itong
nanonood at nagbi-busy-bisihan.
"E ikaw anong problema mo huh?! " Ganting tanong nya sa binata. "Para ka namang
others eh!" Nakalabing pang aasar nya pa kay Sab.
HINDI naman natiis ni Sab ang dalaga. Kapag ganoong tila naglalambing ito sa kanya
ay nawawala na lahat sa kanya. Nginitian nya ang dalaga at pinisil sa baba.
...Nauwi na naman sila sa kulitan... kilitian at walang humpay na asaran. Para bang
walang problema.
"Napaka mo huh! I'm sure naman nakarami ka na! Lalo sa Amerika ka lumaki diba? Kaya
malamang ang dami mo ng naging girlfriends!" Inis na wika nya.
Tumawa ang lalaki at pinisil ang kanyang pisngi. "Ang cute mo talaga..." Anito na
namumungay ang mga mata habang nakatitig sa kaniyang mukha.
"Hindi ako cute! -kasi maganda ako noh! Pero hindi pa ako nagkaka-boyfriend!" inis
na sigaw nya dito pagkuwa'y tinabig ang kamay ng binata.
"Walang nagkakagusto sa'yo? Siguro kasi suplada ka.." asar ng lalaki sa kanya.
Tumaas ang kilay nya. "Excuse me huh! I'm not suplada or whatever! Mabait ako yun
nga lang hindi palagi! Eh sa'yo? siguro kaya wala ka pang nagiging girlfriend kasi
topakin ka!"
Tumawa ng malakas si Sab. "Marami namang babae sa mundo eh.. Kaya lang wala talaga
kong magustuhan. Tska masyado akong busy sa pag-aaral ko at sa negosyo namin. Isa
pa volunteer din ako sa mga orphanage at mga kawang-gawa."
"Wow huh!? Nagkakawang-gawa ka? Ang galing mo naman." Amazed na bulalas ni Hani.
Grabe sobrang humahanga na tlaga sya sa lalaki. Hindi lang gwapo ay may golden
heart din talaga ito. "Ang swerte naman ng babaeng magugustuhan mo! Kasi mabait
kang tao."
Ngumiti si Sab. "Eh di ang swerte mo pala?" Biglang tanong nito sa kaniya.
Para namang sinilaban si Hani, bigla ang pamumula ng kanyang pisngi. Hinampas nya
sa balikat ang lalaki. "Hoy Sab ang landi mo huh! Ikaw huh! Womanizer!" inis na
inirapan nya ito, pero ang totoo tinamaan talaga sya sa sinabi nito.
Lalong lumakas ang tawa ni Sab. "Mas maganda ka pag nagba-blush ka." puri nito.
Nang...
Wala si Sab dahil bibili ito ng mga kailangan nila sa bayan dahil naubos na ang mga
stocks nila pati pagkain sa rest house. Nagpaalam naman si Sab at nagsabing uuwi
din agad.
"Good morning nandyan ba ang kapatid ko?" Nakangiiting wika ni Leandro sa kaniya.
Pero hindi dito nagulat ang dalaga kundi sa kasama ng kapatid ni Sab. Ang lalaking
yun! Hindi sya pwedeng magkamali! Isa yun sa mga humahabol sa kanya ng gabing
makatakas sya sa mga rapist at killers na pumatay sa kaibigan nyang si Kye!
"Hi Miss Hani. Ako nga pala si Marcus. Pinsan ni Sab." Nakangiting wika nito.
Lumapit sa kanya ang kuya ni Sab. Paikot sa kanya... Tila ba sya sinusuri...
Hinawi nito ang mga hibla ng kanyang buhok na bahagyang kumalat sa kanayng mukha
dahil sa kanyang pagkakatungo.
"Naku umiiyak sya." Tila naman nang-aasar na wika ng kasama nitong si Marcus.
Dinaluhong nya ang lalaki at pinaghahampas ito. Sa mukha, sa balikat o kahit saan
nya ito matamaan.
"Hayup ka!!! Ikaw yun!!! Ikaw yun demonyo!!! Ikaw yun hayop ka!!! Nasaan ang mga
kasama mo!!! Kayo ang pumatay sa kaibigan ko!!! Hindi ako pwedeng magkamali!"
Nagtititili siya.
Tumatawang umatras si Marcus. "Minsan kasi ang mga hinahanap mo eh nasa tabi-tabi
mo lang..." Makahulugang wika ni Leandro.
"Aalis na kami binibini... Kung may katanungan ka eh si Sab na lang ang tanungin
mo." Nakangiting wika ni Leandro at umalis na ang dalawang lalake.
Parang binagyo ang paraiso na nalikha nila ni Sab sa maiksing panahon na magkasama
sila...
"Pero bakit?" Naiiyak na napaupo sa sahig ang dalaga. Tila ba nawalan ng lakas ang
tuhod nya.
Si Sab... Kaya ba ganoon na lang ang tiwala nitong walang mangyayaring masama sa
kanya? Dahil kontrolado naman pala nito ang sitwasyon?
Bakit ngayon lang nya napagtanto? Umpisa pa lang kahina-hinala na kung paano nito
napagtagumpayang iligtas sya sa napakaraming lalaki na nagtatangka syang saktan.
Si Sab lang ang makakasagot ng mga katanungan nya! NAKATULALA si Hani habang unti-
unting bumabalik sa alaala niya ang mga naganap bago siya mapadpad sa poder ni Sab.
Sa bar...
Nakita nya noon na lasing na lasing na ang si Kye. Papalapit na sana siya rito nang
mapansing may kausap itong gwapong lalaki, at huli na ng makalapit sya. Nawala na
ang mga ito!
Nakita nyang wala ng malay si Kye! at pinagtulungan ito ng iba pang lalaki na
maipasok sa loob ng kotseng kulay pula.
Naalarma sya. Wala na syang naisip gawin kundi ang sundan ang mga ito.
Sakay ng kanyang kotse ay sinundan nya ang mga ito.
Napamura pa sya! nakalimutan nya ang cellphone sa table ! How can she call for help
now?
Ahhh wala na syang pakialam. She needs to know kung saan dadalhin ng mga ito si
Kye.
Subalit parang abandonado? o mga bakanteng unit pa lamang? sa dulo noon tinalunton
nya ang isang lumang gusali na parang tambakan ng goma. May bahay doon na tila
bungalow lang. Doon may limang lalake pang naghihintay.
Uniform?
"Eeeeehhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! W-wwwwaaggggggg!!!!!!!"
Nagtatawanan pa ang mga ito. Para syang lalagnatin sa mga nakikita... Mga hayop...
Mga baboy...
Wala syang magawa para tulungan si Kye... Wala syang magawa kundi umiyak na lang..
Matapos noon ay mahabang katahimikan.
Matalim ang kutsilyo at may kahabaan. Kakaiba iyon tila gawa pa sa pilak. Hindi nya
mawari.
Nakita nyang lumuhod ang iba pang lalaki. Mga walang saplot. Nakakadiri. Gusto
nyang masuka at pagsasampalin ang mga ito.
Matapos ang mga sigaw ng sakit at paghihirap... mga ungol na lamang ang pumalit...
at ang pagkalagot ng hininga ng biktima.
Wala na si Kye!
Kakaibang awit... masakit sa tainga... kakaiba ang tono at lenggwahe na tila galing
sa ilalim ng balon. Nakakakilabot! Tila sa Demonyo!
Kitang-kita sa liwanag ng buwan kinuha ng mga ito ang dugo ni Kye! ang sariwang
dugo ni Kye. May tila orasyon ant may kagamitan upang higupin ang dugo ng patay na
dalaga.
Inipon nila ang dugo... pero para saan? takang tanong nya sa sarili.
Sinalinan ang mga kopita ng dugo mula sa babasaging pitsel at sabay-sabay na ininom
ng mga iyon.
Napakasakit sa tainga.
Nakakaduwal.
Parang bangungot!!!
"Habulin nyo sya at wag hahayaang makawala." utos ng isa sa mga lalaking naroon.
--
KASALUKUYAN
Tiningnan nya ang supot na dala, binilhan nya ng mga prutas si Hani.
Alanganin namang tumawa si Sab. "Teka bakit ang sungit mo yata?" Kabadong tanong
niya sa dalaga. Parang... may mali dito?
Hindi nga ba't ito ang kanyang knight and shinning armor?
"Bakit?" kinakabahang tanong ni Sab ng makitang may nangingilid na luha sa mga mata
niya.
Akmang lalapitan siya nito pero umatras siya palayo sa binata. "W-wag kang
lalapit..." nauutal na wika ni Hani.
"Sino ka talaga?! Sino ka?!!!" Tuluyan ng nalaglag ang mga luha sa mata ng dalaga.
"Niloko mo ko... Pinaikot mo ko? Tama ba? Niloko mo ako... Akala ko kakampi kita...
Akala ko ikaw ang nagligtas sa akin... Pero isa ka sa pumatay sa kaibigan ko!!! Isa
ka sa mga demonyong yon diba?!!!" Gigil na sigaw ni Hani.
Masakit...
Sana hinintay nya muna itong magpaliwanag...kasi, baka naman nagkamali lang sya
diba? O kaya naman hindi naman talaga ganoon ang tunay na nangyayari?
Hindi nya na dapat pang isipin ang walang hiyang manlolokong yun!
Mapag panggap!
Sinungaling!
Manloloko!
Hayup!
Kahit nag-aalala ang mga magulang ni Hani ay pinili na lamang nila munang pabayaan
at hayaang maig-isa ang nag-iisang anak.
Samantala...
Si Peter.
"Hani!!! si Peter to'! kailangan kitang magkausap!!! "sigaw ng binata mula sa gate.
Kabilin-bilinan kasi yun ni Hani sa mga magulang nya na ayaw nya ng kahit sinong
bisita.
Habang tahimik na umiiyak si Hani sa kanyang kama ay nakarinig sya ng kaluskos mula
sa bintana.
Tayo agad.
May pananabik pang tinungo nya ang bintana. Nawala sa isip nya ang kasalanan nito
sa kanya.
"Hani... Hahhh... " Hinihingal na pumasok ang lalaki sa bintana papasok sa kanyang
kwarto.
"Hhhh Hani... kailangan kitang makausappp...hhh" Humihingal pang saad nito. Marahil
dahil sa pag-oover the bakod nito sa kwarto nya.
Niyaya nya ang kaibigang umupo muna sa gilid ng kama, pinainom nya muna ito ng
tubig para kumalma.
"Ano ka ba naman Peter?! Mamaya mahuli ka ng mga guards namin eh! Ano bang pumasok
sa isip mo ginawa mo yun huh? Ano ka magnanakaw?" May halong sermon na sita niya sa
kaibigan.
Nang makapag relax ay umayos ng upo si Peter at matamang tinitigan sya sa mukha.
"Hani okay ka lang ba? Totoo bang nakaligtas ka ha??? Anong nangyari sayo??? Nag-
aalala talaga ako!.."Sunod-sunod na wika ni Peter.
Ngumiti ng bahagya si Hani. "Mahabang kwento Peter... pero 'oo' okay lang ako.
Mahirap ipaliwanag eh... basta..."
"Mabuti naman okay ka... Ikwento mo sa akin please! May kailangan din kasi akong
malaman sa'yo, sa nangyari sa'yo... May sasabihin din kasi ako na maaaring
makatulong sa kaso! " Seryosong wika nito.
"Oo Hani... Si Lola! Kilala nya ang mga suspek na pumapatay ng mga kababaihan, at
hindi lang yun! Alam nya ang dahilan kung bakit nila ginagawa yun! Lahat-lahat alam
nya!"seryosong wika ng lalaki.
Sinasabing mga adik ang mga kriminal subalit wala namang nahuhuli ang mga
kapulisan.
Ikwinento ni Peter na ang lola nya ay naging isa na din sa mga biktima ng nasabing
grupo ilang taon na ang lumipas.
At tulad nya ay milagrong nakaligtas, subalit huli na din dahil nagahasa na ito ng
pinaka Pinuno ng samahan na yun-Si Leandro Mondragon...
Ginagamit nila ang yaman upang maitago ang katotohanan, binabayaran ang dapat
bayaran.
Pero sa kasamaang palad ay nalaman ni Leandro na nabuntis ang babaeng si Igma (lola
ni Peter) . Kaya kinuha din nito ang sanggol matapos mabigong patayin si Igma.
Huli na dahil hindi na nalaman kung nasaan na ang grupong iyon dahil bigla na
lamang naglaho sa Sta. Catalina si Leandro at ang angkan nito.
Hindi pinapaniwalaan ng mga tao si Igma, itinuring lamang nila itong disgrasyadang
babae.
Wala din namang nakakakilala sa Leandro na yon. Dahil ng mga panahong iyon ay ibang
katauhan ang kanyang gamit.
Nalaman ni Igma na nangibang bansa na ang lalaki, kayat di na din sya umasa pa na
makikita ang kanyang anak na ninakaw nito.
Doon naman ay nakilala nya na ang lolo ni Peter at bumuo na sila ng bagong
pamilya...at bagong buhay...
Kung ganoon? Hindi lang sila basta mga halang ang kaluluwa kundi totoong kampon ng
demonyo???
"Hani... Wag kang mag-alala... Hindi kita papabayaan. Walang mangyayari sa'yong
masama." Sabi ni Peter at ginagap ang kanyang dalawang kamay.
Dinurog at pinaglaruan!
Tinitigan sya ng seryoso ng binata. "Kasi Hani... itinago ko sa'yo ito... noon
pa... Buhay pa si Kye. Masaya pa tayong lahat... Hani, natatakot lang akong umamin.
At talikuran mo't pagtawanan... Ayoko masira ang pagkakaibigan natin...
Pero Hani...noon pa man, MAHAL NA KITA... Ayokong mahuli na naman at magsisi pag
nawala ka ulit. Sobrang natakot ako ..."
Matapos nila mag usapan nila ni Peter, ay umalis na ang binata. Hindi pa din
makapaniwala si Hani. Hindi nya masyadong pansin ang pagtatapat ng pagibig ni Peter
sa kanya dahil kaibigan lang talaga ang turing nya sa lalaki.
Kung totoo ngang mga bampira ang samahan na yun maaring si Sab ay ganoon din.
At kahit pa ata pagsamahin ang yaman ng pamilya nila at ng pamilya ni Kye- idagdag
pa ang yaman nila Peter ay hindi sasapat para mapatumba ang isang Don Leandro
Mondragon.
At isa pa wala namang maniniwala kung pagbibintangan nila ang mayamang Don.
Minamahal at iginagalang ang Don dahil isa sya sa mga Pulitikong tumatakbo sa Sta.
Catalina, malamang pagtatawanan lang sila ng mga taong nagmamahal sa mayamang Don.
Nag-ngingitngit sya sa galit.
"I'm sorry sis... wala na yatang pagasang matulungan kitang makuha ang hustisya..."
tumulo ang kanyang luha sa picture ng bestfriend na si Kye.
Hawak nya ang picture kung saan nakalarawan ang masayang mukha ng bestfriend nyang
nagging biktima ng mga bampirang iyon.
Pinahid nya ang mga luha at inayos ang sarili tsaka tumayo at lumapit sa bintana.
"Peter may nakalimutan ka ba-" Nagulat sya ng hindi si Peter ang mapagbuksan.
"Hani mag-usap tayo... Please...!" -si Sab. BUMAHID muli ang poot sa mukha ng
dalaga. Pilit nyang isinasara ang bintana pero malakas si Sab, Halos maibalya nito
ang window pane.
"Ano ba!?!" Napaatras si Hani dahil tuluyan na ngang nakapasok si Sab sa loob ng
kanyang kwarto.
"Hani please kahit kaunting oras lang... making ka naman sa akin..." Pakiusap nito.
Kita niya sa mukha ni Sab ang labis na pagdurusa.
"I hate you! Get out of my room kung hindi sisigaw ako! Ipapakulong kita!!!" galit
na tungayaw nya.
Lumapit ito sa kaniya. "No. Hindi ako aalis hanggat di mo ako kinakausap.."
Seryosong wika ng binata habang nakatitig sa kanya.
Pero sa totoo lang ay alam naman nya sa sarili na hindi nya kayang ipahamak ang
lalaki. Saka... miss na miss niya na rin ito.
Marahang tumawa si Sab. "Hindi mo ako kayang ipahamak..." Nakangiting wika nito,
may kasiguraduhan ang pagbitaw ng mga salitang iyon.
Hindi kumibo si Hani sa halip ay umupo sya sa gilid ng kama. Namumula ang kaniyang
mukha sa hiya.
Pabalandrang humiga naman si Sab sa kaniyang kama, nakadipa ang mga braso tila ba
pagod na pagod at pumikit pa.
Ang mapupungay na mga mata ng binata, pakiramdam ni Hani ay matutunaw sya sa klase
ng tingin ni Sab sa kanya...
"Niloko mo ako... I hate you!!!" umiiyak na kumakawala na tinutulak nya ang binata.
"Hani, sana pakinggan mo muna ako. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka o maski
lokohin ka. God knows..."
Nanlilisik ang mga matang tiningnan nya ito. " Wag na wag mong idadamay ang
pangalan ng Panginoon sa mga kasinungalingan mo Sab! Umpisa pa lang niloloko mo na
ako! Hindi ka ba nakokonsensya? Sa araw-araw na magkasama tayo paniwalang-paniwala
ako sa'yo! Ikaw sa lahat ng tao sa mundo ang tanging pinagkakatiwalaan ko! Pero
wala kang konsensya! Hindi nga ba't mamamatay tao ka?! Killer! Murderer! You son of
a demon!" Gigil na gigil nyang litanya dito.
"Hindi ako mamamatay tao!." Madiing salag naman ni Sab. Bagamat seryoso ang mukha
nito ay mababakas pa din na labis syang nasaktan sa mga binitawang salita ng
dalaga.
First time nyang nakita na masaktan ang binata sa mga sinabi nya. Nasaktan nya ang
damdamin nito. Pero pinili pa din nyang tigasan ang damdamin.
"Mamamatay tao ka... Pinatay nyo si Kye! Mga halimaw kayo! Demonyo ka!" Patuloy
nya.
"Sarado na nga talaga ang isip mo... Siguro kahit magpaliwanag ako ay wala na ding
saysay... dahil maging ang puso mo ay sarado na din.." Malungkot na pagsuko ng
binata.
Tumayo ito at lumapit sa bintana, pero bago ito sumampa doon ay nilingon muna sya
nito.
Gustong pagsisihan ni Hani ang mga sinabi nya at habulin si Sab pero pinanghinaan
sya ng loob.
" I'm sorry Hani. Hindi kita pipigilang kamuhian ako... Pero sana 'wag mong isiping
sa lahat ng oras na magkasama kita ay puro pagpapanggap lang ang ipinakita ko
sa'yo. Mag-iingat ka. Umasa kang hindi kita papabayaan... kahit malayo ako sa'yo,
po-protektahan pa din kita. " Pagkasabi noon ay tumalon na paalis sa bintana ng
kanyang kwarto si Sab.
Sana hinintay nya muna itong magpaliwanag... kasi, baka naman nagkamali lang sya
diba? O kaya naman hindi naman talaga ganoon ang tunay na nangyayari?
SAMANTALA...
Habang naglalakad palayo si Sab sa bahay nila Hani ay hindi nya maiwasang muling
lumingon.
Mahirap para sa kanya na iwan ito gayong alam nyang mabigat ang pinagdadaanan ng
dalaga.
SA Mansyon ni Leandro.
Mula sa bukas na pinto ay pumasok ang dalawa pang lalaking ganon din ang kasuotan.
(Itim na t-shirt at itim na pantalon)
"Master Leandro... Wala rin po si Master Sab sa rest house. Pina-check na din namin
ang mga hotel pero wala din po sya. Hindi nya ginagamit ang mga credit cards nya
kaya nahihirapan po ang mga tauhang i-trace ang kinaroroonan nya. Wala din sya sa
ilang properties natin sa Probinsya o kahit sa Condo nya sa Manila. Malamang hindi
din po sya lumabas ng bansa dahil wala din syang record sa kahit saang Airport.
Pero 'wag ho kayo mag-alala, hindi ho kami tumitigil sa paghahanap." mahabang
report ng naunang lalaking naka itim.
Tumikhim si Leandro at tumayo mula sa kinauupuan. Dinampot nito ang baston na nasa
tabi ng upuan.
"Wag na kayong mag abalang maghanap. Hindi madaling hanapin ang taong ayaw
magpakita. Isa pa malamang nasa tabi-tabi lang sya... Hindi nya hihiwalayan ang
babaeng iyon lalo pa't batid nyang any moment ay pwede tayong kumilos para patayin
ang babaeng kinababaliwan nya." Puno ng galit ang mga mata ni Leandro
"Bakit hindi na lang natin patayin ang babaeng 'yon para matapos na ang lahat ng
ito Master!" Mungkahi nito.
Nagpantig ang mga tainga ni Leandro sa sinabi ni Marcus. Ubod lakas nyang inihampas
ang baston sa mukha nito na halos ikahati ng bungo ng lalaki. Tumalsik ang
masaganang dugo sa marmol na sahig ng mansyon.
"Tonto! Hindi ka nag-iisip. Pag pinatay natin ang babaeng yon malamang lalong hindi
na magpakita pa sa atin ang anak ko!" Tila kulog na sigaw ni Leandro.
Dinaluhan nila ang nakalugmok na si Marcus sa sahig. Hati ang mukha nito.
Naglabasan ang mga uod sa mga mata at butas ng ilong ng lalake. Ang dugo nito ay
may halo ng tila lumot na nakakasuka ang amoy.
Ang dura nya ay malapot na tila ba may halong asido na nakakasunog at may mabahong
amoy. Nakakasulasok.
Ilang daang taon na ang nagdaan, napaka straight lang ng buhay ng kanilang angkan.
Si Leandro ang nag-iisang anak ng kanilang pinaka Pinuno sa kanilang kauna-unahang
tribo.
O higit pa...
Dracula o bampira...
Allin man sa dalawa...
Si Sab ang nagbigay ng kaligayahan sa kanilang Master Leandro. Kitang-kita nila ang
kasiyahan mula ng nasa poder na nito si Sab.
Lumaki itong may takot sa Diyos na may lalang sa sangkatauhan. Lumaki itong
tumutulong sa kapwa at may mabuting puso. Pero kahit kailan hindi ito kumontra sa
buhay na ibinigay dito ni Leandro, kailanman ay hindi ito nagtanong kung saan ito
nagmula.
SIYA SI SAB
Kinilala nyang nakatatandang kapatid si Leandro at hindi na sya nag-usisa pa kahit
pa pakiramdam nya ay may kulang sa buhay nya.
Lumaki sya sa Amerika sa isang ampunan. 7 years old na sya ng kuhanin sya ni Marcus
at ipakilala kay Leandro bilang kanyang kapatid. Sinadya iyon ni Leandro dahil ayaw
nyang lumaking naguguluhan si Sab. Kaya naman kahit malaki na sya ay tumutulong pa
din sya sa simbahan.
Pitong taon na sya ay tila tatlong taon pa din ang kanyang itsura, subalit buo na
ang kanyang pag-iisip sa batang gulang nya.
Lumaki syang matalino. Kaya inilayo na agad sya ni Leandro dahil batid nyang
kakaiba si Sab at maraming tao ang mag-uusisa dito.
Ngayon kahit si Sab ay hindi nya alam kung ilang taon na ba talaga sya. Pero sa
tuwing humaharap sya sa salamin ay isang binatang may maamong mukha ang kanyang
laging nakikita.
Day off ng mga katulong nila dahil araw ng linggo kaya't dalawa lang sila ng
kanyang abuela sa bahay.
Habang naglalakad patungo sa main door ay nag-iisip sya. Wala syang inaasahang
bisita sa araw na 'yon.
Nilingon nya muna ang paligid kung may kahina-hinalang nakasunod dito. Nakahinga
sya ng maluwag ng makitang nag-iisa nga lang ang dalaga.
"Bakit ka nandito? bakit di ka man lang nagpasama sa mga body guards mo?" Alalang
tanong ng binata.
Naka pantalong kupas at naka t-shirt na may patong jacket na blue ang dalaga. At
nakapuyod ang kanyang mahabang buhok at nakatago sa sombrelong kulay puti. Inalis
nito ang shades at tiningnan sya.
"Look.. walang makakakilala sakin sa porma ko." Nakangiting wika nito at tsaka
umupo sa sofa.
Matalino,mabait at maganda. Hindi ito maarte katulad ni Kye. Simple lang si Hani
pero magaling itong magdala. Kumbaga simple but rock!
SI HANI
"Baka naman matunaw ako nyan?" Natatawang hinampas nya ang kaibigan.
Medyo naiilang na sya kay Peter mula ng magtapat ito ng feelings sa kanya.
Nakangiting binawi naman ng lalaki ang tingin sa kaniya. "Kumain ka na ba?" tanong
nito.
Tumayo si Peter at hinawakan ang kamay nya. "Tara... gising na ata si Lola." Yaya
nito.
Umakyat sila sa 2nd floor ng bahay nila Peter kung saan naroroon ang kwarto ng
matandang babae.
Nag bless sya sa matandang babae at pumasok na sila sa loob ng silid nito.
Kilala naman na sya ng lola ni Peter dahil madalas sila sa bahay na yon noong buhay
pa si Kye. Doon sila lagi gumagawa ng projects at tumatambay pag weekends
Ngumiti ang matanda. "Mabuti at napadalaw ka hija... kamusta ka na?"
"Lola naman!" sabat ni Peter. Ayaw nyang nagsasalita ng ganoon ang kanyang lola.
"Eh totoo naman... Ito talagang batang ito. Dapat ay pinaghahandaan mo na nga ang
pag-alis ko... dadating din ang araw na iiwan din kita.." nakatawang wika ng
matanda bagamat may pait ang boses.
"Lola! hindi. Hindi mangyayari yan. Mabubuhay ka pa ng matagal kasama ko. Aalagaan
mo pa ang mga magiging apo mo sa akin diba?" Kahit naiiyak ay pinili na lang nitong
magbiro.
Tumawa muli ang matanda pagkuway pinisil ang palad ni Hani. "Aba'y bilis-bilisan
nyo na at baka di na ako umabot, Kahit sa panganay nyo man lang ay maalagaan ko at
mayakap."
Kahit bulag na ang matanda ay malakas pa din ang pakiramdam nito sa paligid.
"Eh hindi ka pa nga ata sinasagot, anak na agad ang nasa isip mo. Aba eh nanliligaw
ka na ba?" Tanong ng matanda.
"Hani? Gusto mo ba ang apo ko? Alam mo, gustong-gusto ka nya... laging ikaw ang
bukang bibig. At ng mawala ka ay ilang araw yang di nagkakakain. Alalang-alala
sa'yo..." Pangbubuko ng matanda habang mahinang tumatawa.
Tumikhim si Peter, Naramdaman nitong naiilang na si Hani. "Ah... Lola, ang sadya
pala dito ni Hani ay tungkol sa pagkawala nya... tungkol sa pagkamatay ni Kye...
Tungkol po kay don Leandro." simula ng binata.
"Si Leandro? Ang demonyong iyon ba?" Seryosong tanong ng matanda. Umayos ito ng
upo.
"Opo Lola. Lola gusto ko pong malaman ang lahat. Lola nakilala ko po si Leandro! "
"Nakilala mo sya? Anong ginawa nya sa'yo?" Alala at may halong galit ang boses ng
matanda.
"Opo Lola... Pero wala po syang ginawa sa akin. Nakilala ko po ang kapatid nya...
Iniligtas po ako ng kapatid nya! Sya po ang nagtago sa akin sa isang rest house sa
Tagaytay. Maayos po ang nagging lagay ko. Nung umpisa hindi ko po alam ang totoo!
Pero ng malaman ko ay tsaka lang ako umalis." Pahapyaw nyang isinialaysay ang
lahat.
"Siguro ay may binabalak na masama sayo ang lalaking iyon kaya kinuha nito ang loob
mo." Wika ni Peter. Hindi mata-tatwang nagseselos ito kay Sab.
Nakadama naman ng pagtutol si Hani sa sinabi ng binata "Hindi. Dahil kung may balak
syang masama sa akin, sana umpisa pa lang! Nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon
para gawan ako ng masama pero hindi nya ginawa. Prinotektahan nya ako. Sya ang
nagligtas sa akin sa kanyang samahan. Kahit kailan hindi nya ako pinakitaan ng
masama." Pagtatanggol nya kay Sab.
"Bago ako pagtangkaang patayin ni Leandro ay ikwinento nya sa akin ang lahat...
Isa pa, kilala na sila sa buong bayan noon. Nag-iisang anak lang sya. Lahat ng
myembro ng samahan nila ay puro kalalakihan hindi ba? Sina Carlo, Marcus, Victur,
Timoteo, Zander... pero wala akong matandaang Sab ang pangalan...."
...at isa silang buong pamilya Iisang angkan... Iniingatan nila ang lihim na iyon
kaya hindi maaring magsasama sila ng bagong tao... Siguro'y pwede silang mag-
ampon..." Natigilan ang matanda sa pagsasalita.
"Medyo tsinito po at matangkad... Matangos po ang ilong nya at manipis yung lips...
Kahawig nya po si Leandro. Mga 23 or 25 years old po yata sya." Sagot naman nya.
"Hija... Kastilain si Leandro... Wala sa lahi nila ang ang singkit..." Mahinang
anas ng matanda.
"Ah opo! Parang mata ni Peter? Parang ganoon po, hawig sila ng kaunti eh." Wala sa
loob na wika ni Hani.
"Lola! Masama syang tao! Kahit sya pa ang anak nyo ay hindi natin masisiguro na
hindi ka nya sasaktan!" Galit na tutol ni Peter.
"Hindi masamang tao si Sab!" napatayo na si Hani. Kanina pa sya naiinis kay Peter.
"Apo... Kasalanan ko ito... Anong nangyari sa anak ko? Nasaan na ang anak ko...
Huhuhuh... "
[SPG]
Alalang-alala naman ang parents nya dahil sa ginawa nyang pagtakas. Pero hindi nya
na pinansin pa ang mga ito.
Pero matatapos ang gabing iyon ay wala man lang maski anino ng binata.
MULA naman sa kadiliman ng gabi ay isang anino ang dahan-dahang pumasok sa kanyang
silid.
"Hindi ko gustong saktan ka... Hindi ko gustong lokohin ka... Gusto lang kitang
protektahan..." bulong nito.
Bahagyang umayos ng higa ang dalaga. Inayos ni Sab ang kumot ni Hani na natanggal
sa pagkilos ng binata.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama... Lagi lang ako sa tabi mo ...
Hindi kita papabayaan..." At ginawaran nito ng magaan na halik ang pisngi ng
natutulog na dalaga.
Sinilip nya agad ang labas ng bintana. Pero wala din siyang nakita doon na kahit
anino ng hinahanap niya.
"I missed you..." Napahikbi siya. Miss na miss niya na si Sab. Parang batang
pinaghahampas niya ang kanyang mga binti.
8 ? 8
SA MANSYON
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ." Malamig ang tinig na wika ni Leandro sa
baging dating.
"Ano ang mapapala mo sa babaeng 'yon? Walang puwang ang mga babae sa ating samahan!
Sila ay mga parausan lamang na tagabigay ng kaligayahan sa atin at sa Panginoonng
Diablo na ating sinasamba!" Wika ni Leandro.
"Sinasamba nyo lang. wag nyo akong isali." Matigas na pagtatama niya. Sawang-sawa
na siya sa paulit-ulit lang na litanya ng kaniyang kapatid. "Spare me!" Iritableng
dagdag niya pa.
"Hanggang kailan mo iiwasan ang kapalaran mo? Hanggang kailan mo itatakwil ang
angkang pinagmulan mo?!" Gigil na tanong ni Leandro.
Lalong nanggalaiti sa galit si Leandro. "Napakatigas ng ulo mo! Kung alam ko lang
na magkakaganyan ka hindi na sana kita binuhay sa mundong ito!"
Agad siyang napalingon dito. "Sana ginawa mo nga 'yan Kuya. Hindi ko tatanawing
utang na loob sa'yo ang pagbuhay mo sa akin. Sa buong buhay ko tinanong mo ba ako
kung masaya ako?" Puno ng hinanakit na tanong nya.
Nagbago ang reaksyon ni Leandro. "Sab... " Iyon lang ang nanulas sa mga labi nito.
LEANDRO
NAPATITIG siya sa mukha nito. Ngayon nya lang nakitaan ng kalungkutan si Sab.
"Sa ampunan? Saan? Sa piling ng mga plastik na madre? Kaya ka nila inaalagaan ay
dahil sa milyon-milyong donasyon ko sa simbahan nila! Gusto mo bang pag
eksperimentuhan ka ng mga tao dahil hindi normal ang paglaki mo? Gusto mo bang
pagkaguluhan ka nila dahil sa kakaiba mong talino? Ako ang pamilya mo! kami ang
pamilya mo!"
SAB
Lalong tumawa ng malakas si Leandro. Tawang may halong pang aasar. "Wag mong
sabihing seryoso ka na talaga sa kanya? Sinasabi ko sa'yo... walang lugar ang mga
babae sa pamilya natin. Kung gusto mo ay gamitin mo na lamang sya para magkaroon ka
ng anak. Hindi kayat init lang ng katawan ang nararamdaman mo sa kanya?"
Pakiramdam ni Sab ay wala ng patutunguhan ang usapan nila ng kanyang kuya kaya't
iniwan nya na lamang itong mag isa.
Malayo na sya pero dinig nya pa din ang mala demonyong halakhak ni Leandro.
Hindi sya papayag na madampian man lang ng maruruming kamay nito maski dulo ng
daliri ni Hani.
8 ? 8
Sa bulwagan.
"Wag po... Huhuhuh" Tangis ng isang babae. Nakahubot-hubad ito habang pinapalibutan
ng mga kalalakihang naka-itim.
Lumapit ang isa pang lalaki sa nakahubad na babae at buong lakas itong hinampas ng
kahoy sa likuran.
Umubo ang babae at sumuka ng dugo. Sadsad ito sa sahig at tila mangisay-ngisay sa
tinamong hampas.
"Oo dalawa yan eh. Tapusin nyo muna yan." Sagot ng kinausap nito.
"Sige hahahahaha... Pagsasawaan muna namin yung isa pa." Sagot ni Timothy.
SAB
MULA sa bintana ng kanyang kwarto ay tanaw na tanaw ni Sab ang mga nangyayari.
Gustong-gusto ng kanyang kuya ang ganoong mga pangyayari. Gusto nitong nakikitang
nahihirapan ang mga biktima bago ito patayin.
At kukuhanin ang dugo ng mga babae at kanilang iinumin para sa walang hanggang
kabataan...
"Siguro dapat na tayong kumilos..." wika ng isang lalaki ding naka itim.
Sumang ayon naman ang mga kasama nito. "Matagal na nating pino-protektahan ang
samahang ito. Hindi pwedeng dahil lang sa babaeng iyon ay masira na lang ng tuluyan
ang lahat ng pinaghirapan nating buuhin sa loob ng ilang dekada."
"Tama. Pagdating kay Sab ay masyadong mahina ang ating Master Leandro. Mahirap ng
dumating ang araw na lumambot ang puso nya." sabat pa ng isa.
"Tama... Dapat natin itong pagplanuhan... hindi dapat malaman ni Master ang plano
nating ito."
8 ? 8
Hindi na siya lumalabas ng kwarto. Ilang gabi na din syang walang tulog.
Simpleng T-Shirt na Pink at tokong na maong hanggang tuhod ang pinili nya. Itinali
nya ang mahabang buhok.
Malayo-layo na ang nalalakad nya, nagtago sya sa mga guards sa Subd. nila.
Balak nyang bumalik sa rest house, baka nga naman naroroon si Sab!
Habang nag-aabang ng taxi ay isang Pajerong kulay abo ang huminto sa harapan nya.
Nahihintatakutan si Hani.
Akmang tatakbo sya pero maagap syang nahawakan sa kamay ng tinawag na Timothy.
Tila may kakaibang pwersa ang palad nito. Parang mapapaso ang kanyang braso sa
higpit ng pagkakahawak ng lalaki.
Naramdaman nya na lang ang pagkahilo at pagkawala ng kanyang malay ay bumagsak sya
sa katawan nito. Sinikmurahan sya nito upang mawalan sya ng malay at tsaka isinakay
sa loob ng sasakyan.
"Bilisan mo. Sa lumang rest house tayo sa Olonggapo." Utos ni Timothy sa nagda-
drive.
"KUYA!!!" tila kulog ang boses ni Sab ng pumasok sa loob ng lumang mansyon.
Galit na tinabig niya lamang ito. Halos tumalsik ito sa lakas ng kanyang
pagkakatulak.
Namumula ang mga mata nya sa galit. Wala ng iba pang nagtangkang awatin pa sya.
Ang lahat ay nag-atrasan dahil sa nakikitang galit sa mga mata ni Sab. Ngayon
lamang nila nakita ng ganoon si Sab.
Kilala nila itong tahimik at walang pakialam sa mundo. Pero ngayon tila isa itong
mabangis na leon na nakahanda silang sakmalin lahat.
"Bakit Sab?"
"Wala sya dito..." Sabat naman ng nangingig na lalaking naka itim sa tabi ni
Timon.
"Santi nasaan ang babaeng iyon???!!!" tanong ni Leandrong nagbabaga ang mga mata sa
poot.
Naramdaman ni Sab na wala ngang kinalaman ang kanyang kapatid sa pagkawala ni Hani,
subalit di pa din mapatid ang kanyang galit.
"Utusan mo ang mga hayop na 'yan na ilabas si Hani !. Kapag hindi sya lumitaw ng
ligtas hanggan matapos ang gabing ito ay pagbabayarin ko kayong lahat !" Galit na
wika ni Sab bago ito tuluyang umalis ng Mansyon. "Uubusin ko kayo!"
SI LEANDRO...
"Sino ang may sabi sa inyong pakialaman ang babaeng iyon?!" Nagpapalit-palit ang
galit na tingin ni Lenadro sa mga alagad.
"Sino 'yan?" Takang tanong nya. Nakasimagot pa din ang kaniyang gwapong mukha.
"Master Sab alam ko po kung nasaan nila dinala ang babae..." May takot sa mga boses
nito.
Si Kiron ang nagging yayo niya noon habang lumalaki sya. ito na din ang nagging
kapatid-kapatiran nya sa samahang iyon. Kumbaga ito lang ang nakasundo nya.
"Sinong 'sila' ang tinutukoy mo?" Tanong niya rito.
"Sila Timoteo at Marcus! Sila ang nag plano! Hindi ito alam ng Pinuno... inilihim
nila ito. Master, sagipin mo sya... ngayon lang kita nakitang ganyan sa isang
babae. Wag mo syang hayaang masaktan nila Marcus. Masama ang binabalak nila. Mag-
iingat ka..." Susukot-sukot na wika nito.
- o -
Mahihinang hikbi at pagtulo ng luha. Pero hindi sya sumisigaw para magmakaawa.
"Napaka tapang mo naman... Ikaw lang ang bukod tanging babaeng hindi nagmakaawa sa
amin." Nakangising wika ni Timothy.
"Hinding hindi ko gagawin iyon! Kahit kailan hindi ako magmamakaawa sa mga halimaw!
Mga demonyo! Kahit patayin nyo ako ngayon wala kayong maririnig sa aking
pagpapaawa!!!" Matapang nyang sabi. Kahit ang totoo ay sobrang takot na takot na
sya.
Dinampot nito ang gunting na parang kutsilyo ang laki at itsura sa tabi ng upuan at
lumapit sa kanya.
"Ano kaya ang maganda naming gawin saiyo?" Nakangising parang asong ulol ang
lalaki.
"Napakaganda mo nga naman talaga... kaya naman nahumaling sa'yo ng husto si Master
Sab ano?" Hinaplos-haplos nito ang kanyang pisngi.
pababa sa leeg...
..sa braso...
Diring-diri si Hani.
"Wag mo akong hawakan demonyo ka!!!" Gigil na sigaw nya sa mukha nito.
Halos mapatili si Hani ng hawakan sya nito sa maselang parte ng kanyang katawan.
Walang pandidiring dinilaan lang ng lalaki ang laway na idinura nya sa mukha nito.
Parang hihimatayin naman si Hani sa baho ng laway ng lalaki, kahit mga gwapo ang
itsura ng mga ito pakiramdam nya ay pinapalibutan sya ng mababangis na mga hayop.
Natitilihan naman sya, pero wala syang magagawa kundi magdasal na sana kahit ngayon
lang... maalala sana sya ni Sab.
Nakangising lumapit ang isang lalaking naka-itim din para sundin ang utos na iyon.
Naghalo na ang pawis at luha sa kanyang mukha pero pilit nya pa ding tinitigasan
ang reaksyon. Ayaw nyang bigyan ng kasayahan ang mga ito kung magsisisigaw sya at
mag-iiiyak.
Nakangisi naman ang ibang mga kalalakihan habang tila hayok na hayok na pinapanood
ang unti-unting pagkawala ng mga saplot nya sa kanyang katawan.
"Napaka-ganda mo..." Nakatawang lumapit sa kanya ang isang lalake doon at hinawakan
ang kanyang bewang pababa sa kanyang balakang. Mainit ang palad noon na parang
ikakapaso ng kanyang manipis na balat.
Bahagya syang napaigtad ng sapuhin nito ang kanyang dibdib at pisil-pisilin iyon.
"Tingnan mo kami... Dumilat ka... Lahat kami, bawat isa sa amin ay gagahasain ka ng
paulit-ulit at pagkatapos ay pahihirapan ka namin... Lalapnusin namin ang makinis
mong balat ng nagbabagang bakal. Dudukutin ko ang iyong mga mata ... Pero hindi pa
iyon ang katapusan. Magiging impyerno ang bawat araw mo na mas nanaisin mo pang
mamatay... Sa huli gagayat-gayatin ka namin at iyon na ang ikakalagot ng iyong
hininga! Itatapon namin sa dagat ang mga labi mo na maski ang mga isda ay hindi ka
makikilalang tao!" Wika nito na tila ba isang hayop na npakalaki ng boses.
Nakakarindi.
Alam nya sa sarili na wala na talaga syang pag-asang maiwasan ang kapalaran nya
ngayon.
"Ako na ang magsisimula!" Wika ng isang lalaking naroon, may dala-dala rin itong
isang patalim.
Pagkalapit nito ay isang daplis agad ang iginawad nito sa makinis nyang pisngi
sanhi upang tumagas doon ang kapirasong dugo. Nilapitan pa siya nito upang dilaan
ang dugong umagos mula sa daplis na ginawa nito sa kaniyang pisngi.
Diring-diri si Hani.
Kahit gwapo at may magagandang katawan ang mga ito parang gusto pa din ni Hani na
isiping mga demonyo ang kanyang mga kaharap. Nasusuka sya sa pagmumukha ng mga ito.
Hubot-hubad na nakaharap sa kanya ang mga lalaki, ipinikit nyang muli ang mga
matang basang-basa sa luha.
PERO bago pa makalapit ang inutusang lalaki ay isang malakas na putok na ang
kanilang narinig.
Bumagsak ang lalaking kaharap niya at sumargo sa sahig ang masangsang at malapot
nitong dugo mula sa halos nabasag nitong ulo.
"SAB!" halos tumalon ang puso nya ng makilala ang lalaking parating. Umagos ang
luha ng dalaga at nakatanaw sya ng pag-asa.
"Master Sab!" Gulat na gulat ang mga kalalakihan, parang mga nakakita ng multo at
takot na nag atrasan ang mga ito.
Takot sila sa binata dahil may taglay din itong kakaibang lakas na alam nilang
kahit magsama-sama sila ay hindi nila ito makakaya.
"Mga hayop kayo sinong nagbigay ng pahintulot sa inyong galawin nyo sya?!!!" galit
na galit ang binata.
Alam nilang mga tingga ang mga balang laman noon at isang bala lang sa kanilang mga
ulo ay ikamamatay nila iyon.
Kahit mga nakahubad ay nagtakbuhan paalis ang mga lalaki, nagkandadapa-dapa pa ang
mga ito sa pagmamadaling magsitakas.
"Hayop ka Marcus.." Nagtatagis ang kanyang mga bagang habang papalapit sa lalakeng
alam nyang utak ng lahat.
Naka itim na jacket si Sab ang naka cap ito ng kulay puti. Nasa delikadong
sitwasyon pero di nya mapigil na humanga sa kagwapuhan ng binata. Miss na miss nya
na talaga ito...
"Kailangan ko itong gawin Master Sab" matigas na wika ng lalaking tinawag na
Marcus.
Itinutok ni Sab ang dulo ng baril sa sentido ni Marcus pero hindi umiwas si Marcus.
Alam nitong isang kasalanan ang pagsuway sa iniuutos ng kanilang Pinuno at handa
nitong tanggapin ang kaparusahang igagawad niya dito.
"Magpaliwanag ka...!" Galit na wika ni Sab. Hindi niya kayang pumatay ng hindi
lumalaban.
Ngumiti ng mapait si Marcus. "Ang babaeng yan ang mitsa sa ating samahan! Kapag
hinayaang namin syang mabuhay ay sya ang magiging kahinaan mo! At ikaw naman ang
kahinaan ni Master Leandro dahil anak ka nya!"
Natigagal naman si Sab sa narinig. Na focus ang kanyang isip sa sinabi nitong anak
sya ng kanyang kuya Leandro.
"Oo Master Sab... Ama mo ang Pinuno! Sya ang ang iyong Ama! Anak ka nya sa isang
babaeng naging biktima namin noon! Ang babaeng iyon ay nakatakas kaya nakapagbuntis
sya at ikaw ang batang iyon! Itinago sa'yo yun ni Master Leandro at pinalabas nyang
inampon ka lang namin sa isang ampunan sa Amerika upang hindi ka na magtanong pa
kung sino ang iyong Ina!" Pagsisiwalat ni Marcus.
Tigmak na ang luha sa mga mata ng binata. "Niloko nyo ako... Nasaan na ang Ina
ko?.." Parang batang tanong nya.
Hindi nya sigurado kung totoo ang mga pinagsasasabi ni Marcus pero isang bahagi ng
kanyang puso ang talagang naniniwala na dito.
"Hayop kayo!" Galit na hinampas ni Sab ang lalaki ng baril sa mukha sanhi upang
tumilapon ito sa dingding.
"Hayup kayo!!! Sinira nyo ang buhay ko! Sinira nyo ang normal na buhay na dapat
meron ako ngayon! Hayup!!!" Patuloy sya sa pag sapok sa lalaki.
"Tama na Sab!!!" Umiiyak na sigaw ni Hani na nakatali pa din sa di kalayuan.
Awang-awa sya sa binata. Ngayon alam nya na hindi ginusto ni Sab ang lahat.
Ng marinig ni Sab ang pag-awat ni Hani ay tsaka pa lamang ito tumigil sa pagbasag
sa mukha ni Marcus.
Ngayon lamang ito nakita ni Hani nang ganoon... Iyong Sab na galit at tila isang
mabangis na hayop na handang pumatay.
"Master Sab... P-patawad... patayin mo..na ako... Papatayin din na-man ako ni
Master Leandro... parang awa mo na...Mas gusto ko pang mamatay sa mga kamay mo... "
Pagmamakaawa nito.
Luhaang napayakap si Hani kay Sab, akala nya katapusan nya na kanina.
Wala na syang pakialam kahit nakahubad sya at nakatambad sa binata ang kanyang
katawan.
Umiiyak na humigpit ang yakap nya sa binata, marami silang dapat pang pag-usapan
pero sa ngayon gusto nya muna itong yakapin.
Bahagyang tumayo si Sab at hinubad ang suot nitong jacket upang isuot sa kanyang
halos hubad ng katawan.
"Anong ginawa nila sa'yo??? Okay ka lang ba?" Alalang tanong nito habang sinisipat
ang kanyang katawan kung may mga galos ba hanggang sa dumako ang tingin ng binata
sa kanyang pisngi na may bahid ng gasgas.
"Okay lang... wala ito..." saad nya. Ayaw nya ng mag-alala pa si Sab.
"Nagtitiwala muli ako sa'yo... Kahit kanino man..." Seryosong sagot niya.
Wala na syang pakialam kahit ano pa man ang plano ni Sab, gusto nyang makasama ang
binata at wag ng mawalay pa dito... Baliw na nga sya para pagkatiwalaan ito ng
buhay nya... But wala na syang choice... At kung meron man iyon pa din ang pipiliin
nya.
MALAKAS pa din ang kabog ng dibdib ni Sab. Hindi niya kaya na may mangyaring masama
sa babaeng ito.
Ini-start niya na ang sasakyan. Doon muna sila sa isa pa nilang rest house.
Nakatulog na si Hani habang nagba-byahe papunta sila papunta sa isa pa nilang rest
house.
Tuwing sumasagi sa isip nya ang posibilidad na nahuli sya ng ilang oras pa sa
pagsagip dito ay baka may masama na ngang kinahantungan ang dalaga...
Ng makarating sa rest house ay binuhat nya ang babae, ingat na ingat sya na wag
itong magising. Akmang ihihiga nya na ito sa kama pero yumakap ito sa kanya.
Magkayakap silang dalawa buong magdamag. Hindi natulog si Sab, binantayan nya lang
ang pagtulog ng dalaga. Parang ni hindi nya kayang pumikit dahil ayaw nyang mawala
sa kanyang paningin ang babae. xI Love him... I really do.x
Dali-dali syang umalis sa kama at tumayo, wala na syang pakialam kung ang tanging
suot nya lang ay ang manipis na puting T-Shirt na isinuot sa kanya ni Sab kagabi,
at ang nasa loob lamang nito ay ang kanyang under wears.
Isang mahabang gabi ang naganap kahapon... Kaya naman tinanghali na ata siya ng
gising.
Naka tapis lamang ito ng tuwalyang kulay asul sa pangbaba nito at the rest... ay
wala na itong ibang suot!
Tumutulo pa ang basang buhok nito patungo sa balikat at dibdib. Halatang di na ito
nakapag-punas sa pagmamadali at pag-aalala kung bakit sya sumigaw kanina.
Natawa naman si Sab at tuluyan ng lumapit. "Naligo lang po ako mahal na prinsesa,
na-miss mo agad ako." Malambing na saad nito. Hinawakan siya nito sa kaniyang mga
balikat at marahang iginaya paharap dito.
"Ayoko nga!" Parang batang sagot nya at lalo pa nyang ipinikit ang mga mata.
Nakatitig pa din si Sab sa kanyang mukha. "I missed you..." seryosong anas nito.
"Shhh..." Alo ng binata sa kaniya. Yakap yakap na sya ng mainit na katawan ni Sab.
"I hate you... I miss you... Ang sama sama mo... I hate you! I hate you so much
pero mahal kita! Nakakainis ka talaga!!!" Parang batang nagmamaktol si Hani kasabay
ng kanyang mahinang pag-iyak.
Nakangiti ito.
Sukol na sya, wala na syang nagawa kundi umamin. Tumango sya sabay irap sa binata.
"Oo na, mahal na kita!" Nakangusong saad niya.
Natatawang hinapit sya lalo ni Sab at walang sabi-sabing kinintalan sya ng mabilis
na halik sa labi.
"Hoy ano yun huh?!" Nabiglang napahawak sya sa kanyang labi. Pero para naman siyang
nakuryente dahil sa nakaw nitong halik na iyon.
"It means 'I love you too'" Nakangiting wika ng binata sabay kindat sa kanya.
Para silang tanga, after ng mga nangyari nakuha pa nilang magharutan ngayon. Pero
masayang-masaya ang dalaga, kasi ngayon alam nya na ang totoo, ang totoong
nilalaman ng kanyang puso.
Mahal na mahal niya si Sab at wala na nga siyang pakialam pa kung ano ba talaga ang
pagkatao ng binata.
Tumutulo ang tubig mula sa basang buhok ni Sab. Lalo lamang napakagwapo ng lalaki
dahil sa itsura nito.
Agad na ipinilig ni Hani ang kaniyang ulo. Mukhang ang aga-aga ay iba ang tumatakbo
sa isipan niya.
Sobrang na-miss niya din ang binata. Sure na siya sa feelings niya at hindi niya na
kaya pang i-deny iyon.
"Is it crazy for me to still love you after all the things we've been though, I
still feel the same way about you. I still need you and I miss everything about you
Sab." Maramdaming wika niya dito. At talagang napakaligaya niya ngayon.
OH MY!
And si Sab naka-towel lang ang suot sa pang-ibaba. Muli syang nag panic sabay tulak
dito.
Lalong nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, gusto nyang pumikit pero parang huli
na ang lahat. Nakita nya na ang di nya dapat makita!
NABIGLA din naman ang binata, di nya alam kung pupulutin ang tuwalya o babalik sa
CR.
Kahit bagong gising si Hani ay napaka ganda pa din nito, diba nga ang tunay na
kagandahan ng isang babae ay makikita mo kapag ito ay bagong gising?
Halos litaw na ang kulay pink na panty nito dahil sa bahagyang umaangat ang T-Shirt
na pinahiram nya dito. May kanipisan din ang suto nito.
Kahit na libo na ata ang babaeng nakita nyang nakahubad ay iba pa din ang dating ni
Hani sa kanya.
Pero kaagad ding napalis ang katinuang mayroon siya dahil sa nakakahibang na halik
na ipinagkakaloob nito sa kaniya.
Napapikit siya at tila may sariling buhay ang kaniyang mga braso na pumulupot sa
leeg ng binata.
Maybe she's crazy. Okay lang, wala na din naman yata sa sarili si Sab so quits
lang.
Hanggang sa maramdaman niya na ang pangahas na pagdama ng binata sa kaniyang
katawan. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapa-ungol na lamang. Anyway it feels
good... To be caress by his great hands.
Never niya pang naramdaman ang mag-init nang ganoon. At higit pa sa yakap at halik
ni Sab ang nais niya. Pikit-mata niyang ipapaubaya ang sarili sa lalaking mahal
niya.
"Mahal na mahal kita Hani..." Usal ni Sab habang sinasamba ang kanyang katawan.
"I love you most..." sagot nya, para na syang tinatangay ng kakaibang hangin.
At
Bahala na bukas...
JAMILLEFUMAH
Leandro's POV
"Binaril po sila ni Master Sab at saka nya kinuha ang babae. Hindi ho namin alam
kung nasaan na sila." Sumbong ng isa sa kaniyang mga alipores.
"Nang dahil sa babaeng iyon nasisira na ang ating samahan. Hindi ko na hahayaan
pang lumala ang kahangalan ni Sab. Kung kinakailangang ako na mismo ang kumitil sa
buhay ng Hani na yan ay gagawin ko! Sukdulan pang kamuhian ako ng sarili kong anak!
Kailangang tumino si Sab! " Nag-iigting ang mga bagang niya sa galit.
Lalong nag-alab ang poot sa dibdib ng samahan na sumasamba kay Satanas. Sila ay mga
uri ng tao na bagamat immortal na ay mga tao pa din o masasabing isang bampira.
"Hmmm?" Tamad na ungol ng binata, sumubsob pa ito sa kanyang leeg kaya muling
napahiga si Hani.
"Yung classmate ko; si Peter, kasi yung lola nya nakausap ko the last time. May
ikwinento sya. Nangyari sa kanya maraming taon na ang nakararaan... dinukot sya ng
Leandrong yun. Tapos ginahasa sya, but before sya ipasa sa mga kasamahan nya eh
nakatakas sya. Nabuntis sya ni Leandro, but when he founds out about the baby
binalikan nya si Lola Igma para kuhanin ka. I'm pretty sure ikaw yung baby na yun."
Siguradong kwento niya sa nobyo.
Samantala tahimik lang na nakikinig si Sab. Nakatitig lamang ito sa kaniya na tila
ba may inaalisang kung ano sa isipan.
"Sab, buhay pa yung mama mo. Hindi naman sila nagtagumpay patayin sya ng kuhanin ka
nila. Alam mo ba hindi ka nya nakalimutan kahit minsan... Lumaki kang may mabuting
puso, katulad nya. Hindi ka naging katulad ng ama mo. Malayong-malayo ka kay
Leandro..." Ikinulong niya sa kaniyang mga palad ang maamong mukha ni Sab at saka
ito hinalikan ng isang masuyo at mabilis na halik sa mapupula nitong mga labi.
Naroon naman ang pag-aasam sa mga mata ng binata. Buong pagmamahal siya nitong
tinitigan. "Salamat Hani. Gusto kong makita ang mama ko..."
Natuwa naman si Hani. Gusto niyang makatulong sa binata. Hindi pa sapat yon para sa
lahat ng mga naitulong nito sa kaniya.
Nagkasundo silang papuntahin sa rest house si Lola Igma. Subalit bago muna ang
lahat ay muli pa silang nagsalo sa isa pang mainit na tagpo nang kanilang mga
katawan.
MATAPOS niyang maligo ay tinawagan niya agad sina Peter at pinapunta sa rest house.
Noong una ay ayaw pa ni Peter pero wala na din itong nagawa sa kagustuhan ng lola
nito.
Hindi natapos ang araw na yon ay dumating na ang maglola.
Hindi malaman ni Sab kung paano haharapin ang ina na matagal ng nawalay sa kaniya.
Nagyakap ang dalawa, kapwa may butil nang luha sa mga mata.
"Patawarin mo ako anak... Sinisi kita sa lahat, huli na ng matuto ako, inagaw ka na
sa akin ni Leandro. Hindi ako tumigil sa pag-aasam na makikita pa kita. Alam ko sa
sarili ko na ikaw ang anak ko..." Umiiyak na pinaghahalikan ni Igma ang mukha ng
binata at paulit-ulit itong niyakap.
"Hindi pa naman po huli ang lahat..." Nakangiting niyakap din ni Sab ang matanda.
Ngayon niya lang nakitang ganoon kasaya si Sab. Maluha-luha pa ito habang niyayakap
si lola Igma. Matagal na panahon ang ninakaw sa mag-ina...
Iniwan muna nila ni Peter sila Sab sa sala para makapagsolo ang mag-ina.
"Mabuti syang tao. Dahil kung hindi wala sana tayong lahat dito ngayon. Lalo na
ako!" Inis na sagot nya.
"Doon man sya lumaki at nagkaisip. Lumaki naman syang mabuting tao!" dugtong pa
nya.
"Hindi sya tumatanda... Kung tutuusin Tito ko na sya diba." Matabang na wika nito.
Nanunuot sa kanya ang matiim na pagkakatitig ng mga mata ng binata.
Nakipagtitigan din siya kay Peter. Peter is a nice guy, alam niyang nabubulagan
lamang ngayon ang kaniyang kaibigan. Nginitian niya ito. "Peter, iba si Sab.
Mabagal ang paglaki nya, kaya nga palipat-lipat sya ng tirahan at eskwelahan.
Kakaiba kasi sya. Sobra sya sa talino at may kakaiba din syang lakas. Ganoon pa man
may mabuti syang puso, alam ko yun" dugtong pa nya.
"Wow huh? Ganoon kayo ka-close?" Sarkastikong sabi pa ni Peter. Nabahiran ng inis
ang guwapo nitong mukha.
"Pwede ba?!" Naiinis na din si Hani sa kaibigan. Hindi naman ganito si Peter eh.
Marahan syang tumango bilang pag-amin. Ayaw nyang saktan si Peter, pero 'yon ang
totoo..
Alam niya, hindi niya man ginusto ay nasaktan niya na ang damdamin ng kaniyang
kaibigan. Mahal siya ni Peter, pero si Sab naman ang mahal niya.
Umaasa na lamang siya na sana isang araw ay maunawaan din siya ng binata.
NANATILI pa ng mas maraming araw ang mag-Lola sa rest house kaya't damang-dama ang
pagkaka-ilangan nina Sab at Peter.
Hindi na din lingid kay Sab ang pagtingin ni Peter kay Hani.
Alam nyang nagsi-selos si Sab tuwing nag-uusap sila ng kaibigan, kaya pinipili na
lamang nyang lumayo.
"May gusto sya sa'yo?" Tanong ni Sab ng mapagsolo sila sa beranda isang gabi.
"Normal sya... Ako hindi. Panganib ang dala ko sa'yo..." Malungkot ang tinig ng
binata. May halong insecurity.
Napangiti siya sa nakikitang pagsi-selos sa mukha ni Sab. "Ako ang panganib... Saka
wag ka ngang mag-inarte dyan huh! Tandaan mo may pananagutan ka pa sa akin!" At
kinurot nya sa tagiliran ang binata.
Natawa naman si Sab. "Oo nga pala... Sorry po!" At pagkuway niyakap sya nito.
"Bawal mag-inarte ha!" Biro pa nya. Ayaw nyang nalulungkot si Sab eh.
WALA naman ng problema si Hani dahil panatag na kahit paano ang kanyang loob.
Sa ngayon kasi ay nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang, kaya alam niyang
malayo sa kapahamakan ang mga ito.
Nasa isang business seminars kasi ang parents niya, at ang alam ng mga ito ay nasa
probinsiya naman siya ngayon at doon muna naglalagi.
Hindi niya na muna sinabi sa mga ito ang totoong nangyayari, para na din mag-alala
sa kanya ang mommy at daddy niya.
Alam nya bilang na ang mga araw na mahahanap din sila ni Leandro.
Kinuha nito agad ang mga baril na itinago nya noong nakaraang gabi, para iyon sa
kanilang proteksyon.
Kasalukuyan sila ngayong nasa sala at doon sila natulog ng magkatabi sa malaking
sofa. Doon sila natutulog na dalawa kapag gabi... Magkayakap sila at ninanamnam ang
bawat sandaling sila ay magkasama...
Malamlam ang mga mata na nakatingin sa kanya si Sab. Kinuha nito ang kanyang kamay
at inilagay doon ang isang 45.
"Ang bala nito ay purong tingga na ibinabad sa holy water... Mapapatay mo sila kung
sa ulo mo sila papatamaan. Wag kang matatakot sa kanila pag nakita mo sila. Para
lamang silang bampira na handang manunggab pero may kahinaan din sila. Gamitin mo
ito para ipagtanggol ang sarili mo. Lumayo na kayo ni Mama. Isama nyo na si Peter.
Nasa likod ang sasakyan... Ako ng bahala dito." Walang hintong bilin nito. Ibinigay
din nito sa kaniya ang isang travelling bag na may lamang dalawa pang baril.
Nangilid ang mga luha ng dalaga. "Dito lang ako sa tabi mo..." Naiiyak na sabi nya.
Kumapit pa siya sa mga braso ni Sab.
"Makinig ka sa akin Hani. Tatapusin ko na ang gulong ito... Para sa'yo... Para sa
ating lahat. Para sa bukas na naghihintay para sa atin..." At ginawaran sya nito ng
mainit na halik sa labi.
Gumanti ng yakap ang binata, hinagod nito ang buhok ng dalaga at pinaliguan ng
halik sa mukha.
"I love you too... Mag-iingat ka." At dahan-dahan ng uumalis ang dalaga.
Nanginginig ang katawan ng dalaga habang hinahanap kung nasaan ang mama ni Sab.
Kailangan nilang makaalis... Ito na ang kinatatakutan niya. Ang simula ngunit
pwedeng maging wakas na din ng lahat.
Mabilis ang mga kilos ni Hani. Dala-dala niya ang baril na ibinigay ni Sab.
Nakakatakot ang mga naaaninag niya sa labas ng rest house.
Malayo sila sa kabayanan kaya malamang na wala pang dumating na tulong mula sa
labas. Isa pa, hindi ordinaryong mga tao ang kalaban nila.
Umabot hanggang sa gate ang pagtalsik ng mga pira-pirasong kahoy at bato mula sa
labas.
Nakikita nya sa bintana ang tila mga paniki na kulay itim subalit kakaiba ang laki.
Nabanaag nya si Sab, para itong bida sa matrix na pelikula mataas palang tumalon
ang binata.
Hawak nito ang baril at sunod-sunod na paputok ang pinawawalan nito sa mga
demonyong nagtatangkang pumasok sa Rest house.
Sab's POV
Hinawakan niya ang braso niyang bahagyang nagdurugo. Wala sa kaniya ang sugat na
iyon, malamang ilang oras lamang ay kusa na din naman iyong maghihilom. Isa iyon sa
mga kakaibang kakayahang namana niya sa kaniyang ama na si Leandro. Ang pinuno ng
mga bampira sa kanilang angkan.
At tanging pilak na tingga lamang sa ulo ang makakapatay sa kanila. O kaya naman ay
kuko ng isa sa mga kasama nila.
"Master Sab!"
Napalingon siya sa lalaking nasa likuran. Nakasuot din ito ng itim na kapa subalit
kahit madilim ay naaninag niya ang itsura nito.
Mahahaba ang kuko nito na nakaamba sa likuran ng binata, pero mabilis si Kiron agad
nyang iniharang ang sariling katawan para maisalba si Sab.
"Napakahayop nyo!!!" Nagniningas sa poot ang mga mata ng binata, at kusang humaba
ang kanyang mga kuko at na tila sa isang mabangis na hayop.
Galit na pinagbalingan nya ang tila halimaw na na si Timoteo, isa sa kanang kamay
ng kanyang kuya Leandro.
"Dapat noon pa lamang pinatay ka na namin Sab... Ikaw ang sumira sa ating lahi!
Dahil hindi ka purong Mondragon kaya may konsensya ka pa ding tinataglay na sisira
sa ating angkan! At ngayon nagawa mo pang patayin ang mga kasama natin!" Nagliliyab
ang mga mata ng halimaw na papalapit sa kanya.
"Hindi ko ipagpapasalamat ang pagbuhay nyo sa akin mga demonyo kayo! Kailanman
hindi ako nagging masaya kapiling ang mga halimaw na katulad ninyo!!!" Sinalubong
ni Sab ang pag sugod ng halimaw.
Isang malakas na kalmot sa balikat ang pinawalan ni Timoteo para kay Sab, halos
malapnos ang balikat ng binata at napasigaw sya sa sakit.
Subalit malakas rin sya kaya ng sya naman ang maka buwelo ay halos mapugutan nya na
ng ulo si Timoteo sa lakas ng kanyang mga kamay.
Higit na mas malakas siya sa kanilang lahat at hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Bata pa lamang siya ay hindi na manalo-nalo sa kaniya ang kaniyang mga kalahi pag
nagpapanumbuno sila.
Para silang mga hayop na nag-aaway.
Humahagupit ang lakas ng hangin sa bawat pag undayog ng mga kamay nila.
8?8
Hani's POV
"Ikaw...?!" Takot at gulat ang rumagasa sa kanyang buong katawan ng malingunan ang
isang lalaki na nakatayo doon at nakatitig sa kanya.
Namumula ang mga mata nito at kulubot ang balat. Nangingitim ang mga pisngi nito.
Nakakatakot ang itsura nito na kulang na lamang ay maagnas ang buo nitong katawan
na nababalutan ng itim na kapa. Kung alam lamang ng buong Sta. Catalina na ganito
ang tunay na itsura ng minamahal at hinahangaan nilang Mayor.
Hindi sya makahinga, parang malalagot na ang kanyang paghinga ano mang sandali.
Naramdaman nya ang dugo sa mga kamay ni Leandro, umaagos iyon sa kanyang katawan.
"Bitawan mo sya!" Mula sa likod ay tumatakbo si Peter dala ang isang baril.
"Si Sab ba ang kailangan mo diba? Wag mo syang idamay..." May halong pagbabanta at
pakiusap na wika ni Peter kay Leandro.
"Oo si Sab nga ang kailangan ko... Pero kailangan ko ding patayin ang babaeng
iyan." Nakangising sagot nito.
"Pwes hindi ako papayag!!!" Galit na ipinutok ni Peter ang baril sa dibdib ni
Leandro.
Bumaon ang tingga sa loob ng dibdib ng lalaki, kumalat ang umaalingasaw na dugo
subalit muli ding naghilom ang sugat.
Di bale ng ikamatay nya basta makatakas lamang si Hani, iyon na lang ang magagawa
nya para sa babaeng minamahal.
HINDIIIII !!!!!!!!!!
Kitang-kita niya ng dukutin ng mala halimaw na Leandro na yon ang bituka ni Peter!
Ang kaibigan niyang si Peter!
Ipinikit niya ang mga mata ng walang buhay na kaibigan at tska pinagbalingan ng
tingin ang lalaking may gawa ng karahasan na yon.
"Hayup ka!!! Halimaw!!! Mamamatay tao! Demonyo!!" Galit na nagsisigaw si Hani sa
pumatay kay Peter.
Alam nyang kung sa ulo nya papatamaan ang lalaki ay mamamatay ito.
Kahit nanginginig ang kanyang kamay ay itinutok nya pa din sa sentido nito ang dulo
ng baril.
"Napakatapang mong babae." Seryoso na ang mukha ni Leandro, papalapit ito sa kanya.
Isang malakas na sapak ang dumapo sa mukha ni Hani, halos liparin sya sa kanyang
pagtalsik.
"Napakahangal mo! Itinakwil mo na ang sarili mong lahi para lang sa babaeng iyan!
Walang kapatawaran ang pagpatay mo sa ating mga kasamahan! " Akmang susugod ito
upang pagbalingan si Hani.
Kapwa malakas.
Parang pader na nagka-crack ang tunog sa tuwing magpapalitan ng suntok ang dalawa.
"Hani umalis ka na!" Sigaw ng binata. Duguan na ang bibig ni Sab.
Nakita nyang iniangat ni Leandro ang binata gamit lamang ang isang kamay nito.
Pagkatapos ay itinutok ang isang kamay sa bandang dibdib ni Sab na tila anumang
oras ay dudukutin nito ang puso ng binata.
"Gusto mo bang makita ang itsura ng puso ni Sab? Dudukutin ko yun at iaabot sa'yo."
Tila demonyong nakangisi si Leandro habang nakaharap sa kanya.
"Gusto mo ba syang iligtas? Kung gayon handa mong ibigay ang buhay mo para sa
kanya?" Tanong ni Leandro.
"Oo! Oo! kahit ano... Please wag mo lang syang sasaktan... Please! Anak mo sya
diba... Maawa ka sa kanya! Parang awa mo na!" Napahagulhol na siya.
"Wag mo syang papatayin... Mahal na mahal ko sya! Ako na lang please... bitawan mo
na si Sab! Pagbigyan mo syang mabuhay ng masaya... ng normal na buhay... maawa ka
sa kanya.." Umiiyak na lumalapit ang dalaga.
"H-Hani..! Pl-please umalis kan- na! Hindi ko na din gugustuhing mabuhay-kung wala
ka na..." Hirap na sambit ni Sab. Pumatak na ang mga luha sa mata ng binata.
Pero nakadagdag iyon sa galit ni Leandro. "Mga hangal kayo... Magkatuluyan man kayo
ay hahabulin naman kayo ng sumpa ng ating angkan Sab!" Galit na sabat ni Leandro at
lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal ng mala bakal nyang kamay sa leeg ni Sab.
"Ikaw babae! Itutok mo ang baril na yan sa ulo mo! Kung gusto mong mabuhay pa si
Sab! Patayin mo ang sarili mo sa harapan namin." Utos ni Leandro.
Di bale ng mamatay sya. Ayaw nyang may mangyaring masama kay Sab. Hindi sya
papayag...
Gusto nyang maranasan din ni Sab ang buhay na normal kagaya ng naranasan nya...
NEAR END
TIGMAK ang luha sa mga mata ni Sab habang nakatingin sa dugong nasa sahig.
At isa pa...
Napasapo na sya sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad at patuloy pa din sa
pagyugyog ang kanyang mga balikat dahil sa pag-iyak.
Mula sa itsura nitong tila isang mabangis na hayop ay naging isang normal na tao
ito.
Bahagya nyang hinawakan ang kalahating mukha nito. Sumama sa kanyang palad ang
malapot na dugo na nagmumula dito.
"Kuya I'm sorry... Kuya..." Paulit-ulit sya habang pinipilig ang kanyang ulo at may
kasabay pang sabunot sa kanyang sariling buhok.
Hindi nya pansin ang presensya ng dalaga sa isang tabi na patuloy pa din sa pag-
iyak.
Biglang tumayo si Sab at bigla ang kanyang pagkilos patungo sa loob ng rest house.
"Ma!!!" Sigaw ng binata. Halos ibalibag nito lahat ng madaanang gamit.
Nagkalat ang mga umpok ng tila buhangin sa kahit saang parte ng kabahayan.
Ganoon naman pag namamatay ang mga bampira hindi ba? Matapos ang ilang sandali ay
nagiging abo sila.
"Ma?!!!"
Dilat ang mga mata, alam nya na dinukot ang puso nito sa dibdib.
Nasa bunganga ng matanda ang sariling puso na tila ba pilit pinagkasya ng kung sino
mang hayop na gumawa noon.
Bawat pagtangis ni Sab ay parang hinahagupit ang kanyang puso para sa binata.
Kapwa tikom ang bibig nila habang nililinis ang kalat sa buong lugar.
Nilikom nya na din ang iba pang nagkalat na sirang gamit at pinunasan ang mga
nagkalat na malansang dugo na kumapit na sa mga dingding.
Maghapon na nyang ginagawa ang bagay na yon..gusto nyang magging maayos ang huling
hantungan na kanyang ginawa.
"Mama... Peter... Sa huli nakasama ko pa din kayo, tapos na po... Tapos na po ang
lahat..." Napahikbi siyang muli. Marahas nyang pinahid ang kanyang luha. Ang unang
beses na umiyak siya nang ganoon.
"Mama... Magpahinga na kayo... Sorry at wala akong nagawa... Wala akong nagawa para
ipagtanggol ka sa kanila... Pero mama... Tapos na po... Patay na ang demonyong
lumapastangan sa inyo... Patay na sila... Tapos na... Matutupad na ang inaasam mong
katarungan para sa mga babaeng nagging biktima nila... Wala na pong magdudusa..."
Napalugmok sya sa harapan ng puntod.
Tulad nya alam nya sa maghapong iyon ay hindi pa din ito kumakain at nagpapahinga.
Nagsindi sya ng dalawang kandila at tsaka matamang ipinagdasal ang kaluluwa ng mga
ito.
Nagpasalamat sya sa Ina ni Sab at gayon na din sa kaibigang ibinigay ang sariling
buhay para sa kaligtasan nya.
Napakaganda...
Puno ng bulaklak ang paligid.
Magdadapit hapon na...
At magpahinga na sila...
Doon nabuo ang magandang samahan... doon binawi ang ilang taong pangungulila sa
isat-isa.
"Sab... Hindi kita iiwan... Hindi kita iiwan Sab... Kahit kailan mananatili ako sa
tabi mo, hindi kita iiwan..." Umiiyak na wika nya.
"Promise yan?"
"I love you Sab..." Masuyo nyang wika sabay kintal na halik sa labi nito.
Saglit lamang ang nais nyang gawing halik pero nagulat sya ng tuluyan na syang
kabigin ng binata. Nagtagal ang halik na yun na tila ayaw na sya nitong pakawalan.
Masuyo ang pag-angkin nito sa kanyang malambot na labi.
"I love you Hani..." Kumalas na ang binata, kapwa habol ang pag-hinga.
Pero hindi alam ng dalaga na iyon na pala ang huli nilang pagkikita ni Sab sa
ngayon...
JAMILLEFUMAH Hatred does not cease by hatred, but only by love; this is the eternal
rule. -Budha
8x8
Isang linggo...
Wala na si Sab.
Wala siyang ideya kung nasaang lupalop na ito ngayon. Napakabilis ng mga pangyayari
mula noon. Masakit man pero dama ni Hani na kusang umiwas na sa kaniya ang binata.
Life must go on... Kahit pa pakiramdam niya ay matagal na siyang namatay mula ng
mawala si Sab.
Ang huli nyang balita ay may nasunog na lumang mansyon sa Sta. Catalina...
Kamusta na kaya si Sab? Ni hindi man lang ba siya nito naaalala? Ganoon na nga ba
talaga ito ka-busy para makalimutan siya?
Ang huli nilang pag-uusap ay ang pagpapaalam nitong uuwi ito sa Amerika para ayusin
ang mga ari-arian na iniwan ng Ama nitong si Leandro.
Ang mga ari-arian namang naiwan ng Mama nito ay inaayos na din ng binata.
Masyado itong busy...kaya nga kahit text ay hindi sya nito maalalang kamustahin man
lang...
Humalik ito sa pisngi nya. "How's your day my princess?" Magiliw na tanong nito.
Napangiti sya...walang kaalam-alam ang kanyang mommy sa mga pinagdaanan nya... Ayaw
din nya itong mag-worry pa sa kanya...
"Of course Mom. Iyon na lang ang magagawa ko para makabawi sa inyo ni Dad eh."
naiiyak nyang sagot.
Pinahid ng babae ang kanyang luha. "Don't cry na... May meeting pa tayo later sa
President ng Princess Honey Corporation diba?" Tukoy ng mommy nya sa kumpanyang
nakikipag-merge sa kanila.
Napangiti sya.
Oo nga pala...
Medyo hindi pa nga sya sang-ayon sa pakikipag-merge na iyon, subalit tiwala ang
kanyang mga magulang kaya wala na syang magagawa.
Kailangan nyang magging presentable dahil nakasalalay doon ang tagumpay ng kanilang
kumpanya.
Ngumiti ang mommy nya. "Naku anak... Napakaganda mo talaga. Manang-mana ka sa akin
eh! Naku baka magkagusto pa sayo si Mr. Tan n'yan." Masayang niyakap syang muli ng
ina.
Natawa na din sya, balita nya masungit ang Presidente ng Company ng Princess Honey,
pinapalakas lang ng mommy nya ang kanyang loob.
Nasaan ka na ba Sab? bulong ng puso niya. Miss na miss niya na ito. Hindi siya
nagbo-boyfriend o kahit nagpapaligaw man lang. Umaasa siyang babalik si Sab at
pormal siyang liligawan.
Nakalimutan na nga yata talaga siya ni Sab. Sabagay, maayos na ang buhay nito
ngayon. Masakit... masakit kasi hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito.
Mahal na mahal niya ito.
Siya kaya? tunay kaya siyang minahal din ni Sab? Ah... parang nagda-dalawang isip
na siya tungkol sa bagay na iyon.
Naagaw ang atensyon nila ng may biglang kumatok sa pinto ,biglang sumilip ang
kanyang secretary.
Nakapagtataka...
Akala nya ay isang matandang lalaki ang kanilang imi-meeting pero base sa tayo nito
ay bata pa ang lalaki.
Naka amerikana itong kulay itim at tantya na ay nasa 6" ang height nito.
"Hi Mr. Tan... This is our daughter Hani. She's the President in charge in this
Company." Nakangiting basag ng kanyang mommy sa katahimikan.
"Hani, hija, ito si Mr. Tan. Napakabuti nyang tao and I hope maging maganda ang
samahan ninyong dalawa as business partners. Our company is in good hands dahil
kaibigan ko na sya at subok ko na ang kagalingan nya paghawak ng negosyo." Wika ng
Daddy nya.
Si Sab ?!
SI SAB nga!
Ang mga matang iyon... Mga matang tumutupok sa kanya sa tuwing sya'y titigan nito.
Hindi sya pwedeng magkamali dahil maski ang kanyang puso ay nakikilala ang lalaki!
Naramdaman nya ang papabilis na tibok ng kanyang puso. Para na ngang sasabog ang
dibdib niya.
Ang business attire na suot nito at ang mukha nito na puno ng kapormalan... Hindi
na ang Sab na punong-puno ng pagmamahal ang mga mata kung iyong titingnan.
Naging maayos ang deals na iyon at kasundong-kasundo ito ng kanilang board members
at magging kanyang mga magulang.
Nang sya na ang makikipag-kamay dito ay nanginginig ang kanyang mga kamay.
Naramdaman nya ang marahang pagpisil nito sa kanyang palad na kanyang ikinapitlag.
"I'ts nice meeting you Ms. Lemon..." Wika ng binata habang matamang nakatitig sa
kanyang mukha.
Oo nga pala mag-di-dinner ang mga ito, niyaya pa sya nito pati ang binata pero
kapwa sila magalang na tumanggi.
Nagulat siya nang biglang ini-lock ng lalaki ang pinto ng conference room.
"I missed you mahal..." Anas nito habang unti-unting lumalapit sa gawi niya.
Para naman siyang itinulos sa kinatatayuan. How dare this man?! Anong alam nito sa
salitang 'miss'?! Gosh! Kung alam lang nito kung paano siya mamatay sa lungkot
dahil sa pangungulila at pag-aalala dito!
Di na sya nakahuma dahil bigla na lamang nitong hinapit ang kanyang bewang, sukol
sya sa gilid ng table at bigla sya nitong kinuyumos ng maalab na halik sa labi.
Natulala na lang siya sa bilis ng mga pangyayari. Pero nang mahimasmasan ay pumalag
siya at nanulak! No not this fast! Kailangan niya pa ng paliwanag mula dito!
SAB
Naramdaman ng binata na bahagyang kumakawala si Hani mula sa kaniya kaya lalo nyang
hinigpitan ang pagkakayapos dito.
Labis talaga syang nangulila sa babaeng minamahal. Nagdurugo ang puso nya sa tuwing
minamasdan ito sa malayo pero ni hindi nya ito malapitan man lang...
Binigay nya din ang panahon kay Hani na makapag-isip-isip ito at mai-ayos din ang
buhay nito na ginulo nya noon...
HANI
Natalo na din siya ng sariling pagnanasang madama muli ang init na nagmumula dito.
Dinama nya ang init ng katawan ng binata at gumanti sya ng yakap at halik.
Ng mapagod ay naghiwalay silang kapwa habol ang hininga.
Takang napatitig ito sa mukha niya matapos niya itong sampalin. Bahagya pang namula
ang kaliwang pisngi nito, but for sure hindi naman iyon ininda ni Sab.
Aba't! Ang walanghiya! May ganang pang magtanong sa kaniya kung para saan daw iyong
sampal? The nerve of this man!
Matalim ang tingin ang iginawad niya dito. "Para sa ilang taong pang-aabandona mo
sa akin magaling na lalaki!" Galit na bulyaw niya sa napaka-guwapong mukha ni Sab.
Natawa si Sab, at muli siyang hinila palapit dito. "Kahit kailan hindi kita
inabandona Hani..." Nangingiting saad nito.
"Hindi ako nawala sa lahat ng oras. Believe me Hani, nasa tabi mo lang ako palagi.
Mula sa graduation mo, sa unang pagpasok mo sa business o kahit out of town trip.
Hindi ako kailanman nawala... Palagi akong nasa paligid mo lamang. Sa mga
seminars... Sa pag-sisimba mo... Kahit sa pagpapa-Salon mo... o sa pamamasyal
n'yong pamilya." Lumamlam ang mga mata nitong habang nakatitig sa kaniya. "Kahit
tuwing pumupunta ka sa rest house para dalawin ang puntod nila Mama... sa lahat ng
pagkakataon... kahit sa pagtulog mo...
Naroon ako...
Tumulo ang mga luha niya dahil sa rebelasyong iyon. Naiinis na hinampas niya ito sa
dibdib. "I hate you... Alam mo bang hirap na hirap ako... Dahil miss na miss na
kita... Iyon pala ay nasa tabi-tabi ka lang!"
Masuyo namang pinahid ni Sab ang mga luha niya. "Shhh... My princess Honey..."
"Mas nahirapan ako mahal... Pero tiniis ko iyon, dahil mahal na mahal kita.
Gustuhin ko mang lapitan ka ay pinipigilan ko ang sarili ko. Hinintay ko ang tamang
pagkakataon na magiging karapat-dapat na ako sa pagmamahal mo... At ngayon hinding-
hindi na kita papakawalan pa!." Nakangiting wika ni Sab.
"Basta I hate you pa rin!" Irap niya dito. Pero ang puso niya ay unti-unti ng
nalulunod sa kakaibang kaligayahan.
Natatawang niyakap sya ng mahigpit ni Sab. Mahigpit na para bang hindi na siya
pakakawalan pa.
"Oy! baka naman mapisa na ako nyan!" Natatawang tulak nya dito, pero ang totoo
kinikilig na sya.
Hindi na sya sumagot... Sa halip ay sya na mismo ang kumabig sa mukha ng binata
para halikan ito.
------------WAKAS-----------
JAMILLEFUMAH
FB PAGE: JamilleFumah
Twitter: @jfstories
� Jamille Fumah | All Rights Reserved | 2013 First published at some Facebook pages
last 2012. Revised now for EBOOK version ??? E O S ???
THE GR 2
For The Love of Eos
May pag-asa pa bang magbago ang isang ito... Kung isang araw, makatagpo niya ang
babaeng magiging karugtong ng kaniyang hininga?
Sana ay mahalin niyo din siya, kagaya ng pagmamahal niyo kina Hani&Sab. Happy
reading po! God bless! XOXO
JAMILLEFUMAH
8 ?88 ?88 ?8
(Nilikha noong ako ay Highschool... Sana ay hindi kayo masyadong naguluhan hehe)