You are on page 1of 118

MONTEMAYOR SAGA 3:

Isaac Montemayor

“Caught Up So Deep”
The Beginning of Legacy

Twisted Tides
Copyright © 2012 Jamille Fumah All rights reserved.

You are reading an old story

Beware of fake copies circulation online. Mostly in some FB Softcopies


Groups.

There’s a fan made stories of M.Saga under JF’s name, claiming to be


the original one. DO NOT BE CONFUSED.

Caught Up So Deep 1
Agatha
MONTEMAYOR CRUISE.

“Kumusta ka na ngayon?”

Lumamlam ang mga mata ko habang nakatingala sa


billboard na malapit sa hinintuan ng sinasakyan kong public bus.
Sa billboard ay naroon ang ads ng Montemayor Cruise. Ang luxury
cruise ship na pag-aari ng isa sa pinakamayaman at pinaka
makapangyarihang angkan sa asya, The Montemayors.

Who would have thought na isa sa mga Montemayor na


mahirap maabot ay naging kaibigan ko?

Naging kaibigan ng isang ordinaryong babae na katulad


ni Ma. Agatha Jimenez? It just happened. Kahit ako mismo, hindi
inakala na ang binatilyong nakabangga ko sa Infirmary noong 13-
year old ako ay isa pa lang Montemayor.

I was 13 nang mag-trabaho ang mama ko bilang crew sa


Montemayor Cruise. Nagkasakit si Mama, lumala ang diabetes at
nagkaroon pa ng complication ang isang kidney, kaya kinailangan
nang mag-resign. Ang mga nagre-resign sa Montemayor Cruise ay
nakaka-receive ng privilege na makasama sa three-month-round-
trip asia cruise for two. Ako ang isinama ni Mama.

It was a once in a lifetime experience for me.


Napakaganda ng barko. Nang dumalaw si Mama sa crew space,

Caught Up So Deep 2
ang private area na reserved for the staffs and crews na mga
naging kaibigan niya. Masyado akong na-amazed sa paligid kaya
naglakad-lakad akong mag-isa, hanggang sa hindi ko namalayang
nahiwalay na ako kay Mama. Napunta ako sa ibabang bahagi ng
barko.

Late na noong narealize ko na naliligaw ako. Wala na


akong nakakasalubong na mga tao sa hallway. Sa dami nang
pwedeng mapuntahan ay napadpad ako sa Infirmary, ang morgue
ng barko.

Yes, the cruise had its own morgue. With more than 5-
thousand passengers aboard, the luxurious ship was prepared to
address the unexpected passing of a guest or crew. Sa Infirmary
nilalagay ang mga bangkay, merong freezer sa loob at ilang stocks
ng body bags.

Sa edad na 13-year old noong panahong iyon, takot na


takot ako nang malamang sa labas ng infirmary ako napadpad.
Pagkabasa pa lang ng signage sa labas ng pinto ay para na akong
hihimatayin sa takot. Ngunit nawala ang takot ko nang
makabangga ko roon ang binatilyong nagtataglay ng magandang
mga mata.

I was about to cry that time nang asarin at paiyakin ako


lalo ng binatilyong iyon na nagpakilalang Isaac Montemayor.

Maloko si Isaac. Napansin na pala niya ako na naliligaw,


at sinundan niya lang ako. Nang makita niya akong paiyak na sa
harap ng infirmary ay saka lang siya nagpakita. Sa huli ay

Caught Up So Deep 3
inakbayan niya ako at inihatid pabalik sa crew space kung saan
naroon ang mama ko.

From that day, naging kaibigan ko na siya. He was 16


then. Para ko siyang kuya na laging nakasunod sa akin sa buong
tatlong buwan ko sa cruise. I was so happy to be with him, ngunit
nang matapos ang three-month cruise, hindi na ulit kami nagkita
pa.

Napailing ako nang umandar na ulit ang bus matapos


umandar ang nasa unahang mga sasakyan. Nawala na sa paningin
ko ang malaking billboard, kasabay ng pagkawala ng pag-asang
makikita ko pa ulit si Isaac.

Pagbaba ng Baclaran ay sumakay naman ako ng jeep.


Nang makarating sa BF Homes, Parañaque, ay makulimlim na ang
kalangitan.

“Mukhang uulan pa yata...” bulong ko habang naglalakad


papasok sa loob ng Masville.

Kung hindi lang traffic ay baka kanina pa ako nakauwi.


Galing kasi ako sa SSS para asikasuhin ang sickness loan ng mama
ko. Sa haba ng pila sa SSS ay inabot na ako roon ng tanghali at
rush hour nang nakauwi.

Hindi na rin ako nakapasok pa sa klase ko today. Working


student ako at kumukuha ng course na HRM sa Olivarez College
Parañaque. Graduating na ako ngunit mukhang nanenelikado pa
ang pangbayad ko sa last sem. Natanggal kasi sa trabaho ang papa

Caught Up So Deep 4
ko kung kailan mas nagmahal ang mga maintenance sa gamot ng
mama ko.

NAGTAKA ako nang maratnang umiiyak si Ilumina Jimenez, ang


mama ko, sa maliit na sala ng townhouse apartment na
tinitirahan namin. “Ma, anong nangyari?”

Puno ng luha ang mga mata niya. “Agatha…”

Dinaluhan ko siya sa sa sofa at hinagod sa likuran.


“Nasaan si Papa? Bakit nag-iisa ka? Bakit ka umiiyak?” sunod-
sunod ang tanong ko. Bawal kasi sa kanya ang mai-stress dahil
bukod sa tataas ang dugo ay kakaalis lang sa isang kidney niya.

“Ang papa mo...” Napasigok ang babae. “Naroon siya sa


baranggay ngayon. Inirereklamo tayo ni Aling Pacing dahil sa
ilang buwan na tayong hindi nakakabayad ng renta. Pinalayas na
tayo rito.”

Ilang buwan na kaming hindi nakakabayad ng renta kaya


posible nga talaga na paalisin na kami rito. Ngunit paano kami
ngayon? Katatanggal lang ni Papa sa trabaho at wala kaming
panglipat. Maski nga gamot na maintenance ni mama ay hindi pa
ulit kami nakakabili.

Mula nang magkasakit ang mama ko at nawalan ng


trabaho ay nahirapan na kami. Nabaon kami sa utang at naibenta
ang bahay na napundar. Ngayon tuloy ay narito kami sa Masville
at nangungupahan. Narito kasi malapit ang trabaho ng papa ko,

Caught Up So Deep 5
ang kaso ay wala na rin itong trabaho ngayon. Nasama ang papa
ko sa pagbabawas ng trabahante dahil over age na raw ito.

“Ma, may sasahurin ako. Pwede nating ipauna muna iyon


kay Aling Pacing para sa renta,” presinta ko.

Nagpa-part time job ako bilang bantay ng library tuwing


tanghali ng M-W-F, sumasahod ako roon ng three-thousand five-
hundred monthly, plus pa ang sahod ko sa pagka-cashier sa 7-
Eleven tuwing gabi.

Umiling si Mama. “Ibabayad mo iyon sa tuition mo, anak.”

“Pwede naman muna akong mag-stop this sem.”

“Lumina, Agatha…” malat na boses mula sa pinto ng


bahay.

“Samuel!” Napatayo si Mama at agad na sinalubong si


Papa. “Anong nangyari? Nagkaayos ba kayo ni Aling Pacing?”

Umiling si Papa. “Nagkapirmahan kami sa baranggay na


kapag wala tayong naibayad, kailangan na nating umalis. Binigyan
niya tayo ng palugit hanggang sa katapusan.”

Nasapo ni Mama ang kanyang noo. “Paano tayo ngayon?


Saan tayo kukuha ng ibabayad sa kanya? Naibuhos na natin sa
kuryente ang huli nating naiipit na pera.”

Caught Up So Deep 6
Matagal na nanahimik si Papa bago mahinang nagsalita.
“Sa mga Montemayor…”

Nanlalaki ang mga mata ni Mama nang magtaas ng


mukha. “Ano kamo, Samuel?! Sa mga Montemayor? Ikaw ba’y
nasisiraan na?!”

“Nagtrabaho ka sa kanila, baka naman pwedeng lumapit


ka sa kanila? Hindi ba’t nakita mo nang harapan si Donya Dorcas
at sabi mo’y mabait ito? Baka naman maari kang humingi ng
tulong at—”

“Magtigil ka!” Pabulyaw na saway ni Mama sa kanya. “Sa


tingin mo ba, kilala pa nila ako, ha? Isa lang ako sa libo-libong
tauhan nila! Isa pa, ni hindi ko nga alam kung paano ko sila ko-
contact-in! Hindi ordinaryong mga tao ang mga Montemayor para
basta mo na lang silang hagilapin para utangan!”

Natahimik muli si Papa, ngunit mayamaya ay sa akin siya


bumaling. “Ikaw Agatha, hindi ba't naging kaibigan mo sa barko
noon ang anak ni Donya Dorcas? Iyong si Isaac?”

“O-oho, Papa...” kabadong sagot ko. Parang alam ko na


ang susunod na sasabihin niya.

“Bakit di ka humiram ng pera sa kanya, anak?”

Namawis ang mga palad ko. “Pa, matagal na ho kami na


hindi nagkikita o nagkakausap ni Isaac…”

Caught Up So Deep 7
Naihilamos naman ni Samuel ang dalawang palad sa
sarilig mukha. Nanghihina itong napasandal sa pader ng kanilang
tahanan. “Paano tayo ngayon?”

Pigil ang luha na napayuko ako. Napakalaki ng problema


ng pamilya namin, ngunit hindi ko yata kaya na lumapit kay
Isaac…

Hindi ko kaya…

Baka hindi niya na ako kilala. Mahigit siyam na taon na


ang lumipas, malamang limot na niya ako…

Chapter 1
“AGATHA, MAY BISITA KA!”

Caught Up So Deep 8
Napakunot ang makinis na noo ni Agatha nang biglang
sumigaw ang papa niya. Nasa kusina siya at naghuhugas ng
pinagkainan nila. Wala siyang inaasahang bisita. Wala rin namang
dumadalaw sa kanya sa kanila dahil bihira sa schoolmates niya
ang nakakaalam kung saan siya nakatira.

“Sino raw ho, Pa?!” Nagpunas siya ng kamay sa tuwalyang


nakasabit sa pinto ng kanilang ref saka lumabas ng sala.

Malawak ang pagkakangiti ng papa niya nang pumasok sa


pinto. Nakangiti rin siya nang dikawasa'y mapatingin siya sa
matangkad at guwapong lalaki na kasunod ng papa niya.

Ganoon na lamang ang pagtambol ng kanyang dibdib


nang makilala ito. He may be taller now, probably over six feet,
more handsome than before, at nag-matured nang kauti, ngunit
hindi siya pwedeng magkamali.

“I-Isaac?!” gulat na sambit niya.

Ilang ulit siyang kumurap-kurap dahil baka dinaraya lang


siya ng kanyang paningin. Mahigit siyam na taon na ang lumipas,
imposible na basta itong makakaisip na puntahan siya!

Humakbang ito palapit sa kanya habang sa mapulang mga


labi ay naglalaro ang isang ngiti. “How are you, Agatha?”

Caught Up So Deep 9
Umawang lang ang mga labi niya sa sobrang hindi
pagkapaniwala. How could this be possible? Paanong nakarating
rito sa lugar nila ang isang Isaac Montemayor?

“Sorry if I am nine years late. I just came back from the


US.”

Nang maghiwalay sila sa cruise, nagsabi si Isaac na


dadalawin siya kaya ibinigay niya ang address niya rito. Hindi
naman niya alam na tototohanin nito at tatandaan ang address.
Ilang taon na ang nagdaan, kaya pala hindi ito agad nakapunta
dahil nasa ibang bansa pala.

Pagbaba ng mama niya mula sa second floor ng kanilang


bahay ay nagulat din ito nang makilala si Isaac. “Senyorito Isaac?!”

Tumingin ito sa mama niya at ngumiti. “Good afternoon,


Mama Lumina,” magalang na bati ni Isaac.

Napalunok siya. Hanggang ngayon ay tanda pa rin nito


ang pangalan ng mama niya? At hanggang ngayon, nakiki-mama
pa rin ito sa mama niya!

Sa cruise noon ay nakasanayan na ni Isaac na tawaging


“mama” ang mama niya. Noon ay wala lang iyon dahil mga bata pa
naman sila, ngunit ngayon ay nakakapanliit na sa hiya.
“Ku, nagulat din ako!” sabat ng kanyang papa na ang
pagkakangiti ay aabot na yata hanggang sa Edsa. “Bumibili ako sa
tindahan nang may itim na kotse ang pinagkakaguluhan sa
labasan. Pagsipat ko sa sakay ay nakilala kong si Isaac ito.”

Caught Up So Deep 10
Napatingin ulit siya kay Isaac. Nagtatanong ang mga mata
niya rito.

( Beware of fake copies circulation online. Mostly in


some FB Softcopies Groups. There’s a fan made stories of
M.Saga under JF’s name, claiming to be the original one. DO
NOT BE CONFUSED.)

“Hinahanap pala niya ang bahay natin dito,” dagdag ni


Papa. “Mabuti na lang at nakilala ko siya. Heto at dinala ko na nga
rito sa atin.”

“Senyorito, bakit kayo napadalaw?” nahihiyang tanong ni


Mama kay Isaac. “Hindi man lang kayo nagpasabi muna. Ni hindi
man lang kami nakapaglinis at nakapaghanda bago kayo
dumating.”

“It’s okay, Mama Lumina,” nakangiti pa rin si Isaac. Nang


tumingin ito sa kanya ay kumindat ito. “I just miss this girl right
here.”

Nang lumapit si Isaac sa kanya para pisilin ang pisngi niya


ay napalunok siya sa nerbiyos. Ganitong-ganito rin ito noon,
ngunit hindi na siya sanay ngayon. Ang tagal-tagal na since the
last time. 13 pa lang siya noon at ngayon ay 23 na.

And him? Nasa 26 to 27 na yata. Marami nang nagbago…

Caught Up So Deep 11
“So kumusta ka?” Inakbayan siya nito na ikinagulat niya.

Napatingala siya rito. He was smiling at her.

“Dalaga ka na, ah. May boyfriend ka na, `no?” Binibiro siya


nito na para bang ganoon pa rin sila ka-close, na para bang
parang kahapon lang nang huli silang magkitang dalawa.

“Naku, wala!” nakangiting sabat ng papa niya.


“Masyadong tutok sa pag-aaral `yang dalaga namin. Wala `yang
pinaaakyat ng ligaw!”

“That’s good to hear,” ani Isaac na nakatingin pa rin sa


kanya. “Mag-aral ka muna, Agatha.”

Napalabi siya at yumuko.

Lumapit ang papa niya sa mama niya upang manghingi ng


barya. “Pepsi sa may kanto Lumina, bibilihan ko ang senyorito.”

Nag-abot naman ng pera ang mama niya. “O sige Samuel,


madali ka. Mukhang init na init na ang senyorito sa paghahanap
ng ating bahay.”

Hindi pa rin umaalis si Isaac sa pagkaka-akbay sa kanya.


Ipinagpasalamat niya na lamang na maaga pa lang ay naligo na
siya, at least hindi siya amoy paksiw ngayon sa tabi ng binata.

Caught Up So Deep 12
“Naku nga pala, saan mo iniwan ang kotse mo niyan?”
naalalang tanong ng mama niya nang makalabas na ng bahay ang
tatay niya para bumili ng soda.

“Sa may labasan po,” sagot ni Isaac.

Napapalatak naman ang mama niya. “Baka mapagtripan


iyon!”

Nag-alala naman siya para sa kotse ng kaibigan. “Mama,


pupuntahan ko ho!” Aba'y nakakahiya kung may mangyaring
masama sa sasakyan ni Isaac dito sa lugar nila.

“Sasama ako,” ani Isaac na hindi naman mukhang worried


sa sariling kotse.

Ganoon siguro talaga kapag mayaman. Hula niya ay baka


nga nasa sampu pataas ang mga mamahaling kotse na meron si
Isaac. See? Ang layo talaga ng agwat nilang dalawa.

HABANG naglalakad sila sa kalsada patungo sa may kanto ay ilang


na ilang si Agatha. Nakaakbay pa rin sa kanya si Isaac. Nahihiya
naman siyang sawayin ito dahil baka ma-offend.

Parang balewala lang naman kay Isaac na akbay-akbay siya


nito. Walang malisya rito dahil mula pa noon, little sister ang
tingin nito sa kanya, ngunit sa kanya? May malisya. Matagal na
kasi niya itong crush. Tapos ang tagal pa nilang hindi nagkita.

Caught Up So Deep 13
“Ang laki na ng ipinagbago mo, Agatha,” narinig niyang
saad nito.

Hindi siya umimik. Nahihiya siyang kausapin ito. Nahihiya


rin siya sa mga kapitbahay na pasimpleng humahabol sa kanila ng
tingin.

Hindi sanay ang mga kapitbahay niya na may kasama


siyang lalaki maliban sa papa niya. At mas hindi sanay ang mga
kapitbahay niya na may saksakan ng guwapo at yayamaning
lalaki na pagala-gala rito sa street nila.

“Tumangkad ka slight,” saad ni Isaac na dama niya ang


pang-aasar sa tono.

Napanguso siya. Hanggang ngayon, hanggang balikat pa rin


siya ng lalaki. Kasalanan ba niyang maliit talaga siya at higanti
naman ito?

“Ako, di mo ba napapansin mga changes ko?” pangungulit


nito. Just like before, hindi pa rin ito tumitigil hanggang hindi niya
kinakausap.

Tiningala niya ito para sulyapan saglit. “Mas gumuwapo ka,


okay na?”

Alam na alam niya ang gusto nito, papuri.

Natawa si Isaac at ginulo ang buhok niya. “`Yan ang


hinihintay ko.”

Caught Up So Deep 14
“Yabang mo pa rin,” nakangiting bulong niya na ipinarinig
naman niya rito.
Lalo lang itong natawa. Nakakapag-usap na sila nang
katulad noon at unti-unti, nawala na ang pagkailang ni Agatha sa
lalaki.

Natigilan lang sila sa pagkukulitan nang matanaw na nila


ang sasakyan ni Isaac. May tatlong binatilyo na abala sa pagta-
tanggal ng gulong ng kotse.

Nanlaki ang mga mata ni Isaac, ngunit bago pa ito nakapag-


react ay nanakbo na siya. Hinubad niya ang suot na tsinelas at
buong lakas na ibinato sa isa sa mga kawatang binatilyo.

SAPUL!

“Hoy Mando!” Nangga-galaiting sigaw niya nang makilala


ang binatilyo. Isa ito sa mga tambay sa labasan. “Ibalik niyo iyan!
Mga animal kayo! Kotse iyan ng bisita ko dudugasin niyo pa!”

Nagulat naman ang mga kawatan. Kilala siya ng mga ito.


Mabait siya sa mga ito, ngunit alam ng mga ito na kaya niya ring
maging maldita kapag galit siya.

The last time na nahuli niyang nagnanakaw ng tsinelas ng


kapitbahay ang mga ito ay talagang nanguna siya pagpapa-
barangay kahit pa hindi naman niya tsinelas ang ninakaw. Hindi
niya lang maatim na kay babata pa ng mga ito ay gumagawa na ng

Caught Up So Deep 15
masama. Lumabas talaga ang pagiging pakialamera niya at
tinadtad ng sermon pati ang mga magulang ng mga ito.

“Naku nahuli tayo!” sigaw ng sinapul niya ng tsinelas sa ulo.


Alerto naman siya sa paghubad ng isa pang tsinelas. Wala
siyang pakialam kahit nakayapak siya. “Tantanan niyo `yan kung
ayaw niyong ipilit ko kay Kapitan na dalhin na kayo sa Boys Town
tutal di naman kayo nakikinig sa mga magulang niyo!”

Nagtayuan ang mga binatilyo at sabay-sabay na


nagtakbuhan palayo. Iniwan ng mga ito ang gulong ng kotse.

Si Isaac naman ay nakatulala lang sa tabi niya. Hindi ito


makapagsalita nang harapin niya. “Ayos ka lang?”

Nang makabawi ay tumango ito at ngumiti. “Siga ka pala


rito.”

Inirapan niya ito. “Hindi, ah.”

“Basta pala kasama kita, safe ako.”

Natawa siya. “Siraulo.”

Napakurap ito. “What?”

“Ha?” Natigilan naman siya nang marealized ang sinabi.

Caught Up So Deep 16
Montemayor ang kaharap niya, Montemayor si Isaac at
hindi simpleng tambay sa kanto. Natapik niya ang kanyang ulo sa
hiya.

“I mean, `sabi ko, uhm…” Hindi siya makatingin dito nang


diretso. “`Sabi ko, marami talagang siraulo rito sa amin kaya bakit
ba pumunta ka pa rito?”

Namulsa ito at may naglalarong ngiti sa mapulang mga labi.


“I told you, I miss you.”

“Sus.” Nilampasan niya na ito bago pa nito makitang


namumula ang mga pisngi niya.

Nakasunod naman ito sa kanya patungo sa kotseng


nakaparada.

“Dalhin mo na ito sa tapat ng bahay namin. Doon mo na


iparada.”

“Yes, Ma’am.”

SA DULO ng kalsada, sa gawing tindahan sa kanto, ay may isang


pares ng mga matang tila ba nasisiyahan na panoorin silang
dalawa. Tutok na tutok ito sa kanila habang nakangiti na tila ba
hindi pa man nito napa-plano ang isang bagay ay batid na nitong
ito'y magtatagumpay...

“Ang sagot sa aming mga suliranin...” mahinang bulong ni


Samuel Jimenez, ang papa ni Agatha. “Ikaw, Isaac Montemayor...”

Caught Up So Deep 17
Chapter 2
ISA NA NAGING DALAWA, hanggang sa naging tatlong beses.
Naulit pa ang pagdalaw ni Isaac kina Agatha. At labis naman iyong
ikinatuwa ng mga magulang ng dalaga.

Ngunit hindi mapakali si Agatha. Gaya nang mga gabing


nasa barko pa siya ay hindi na naman siya makatulog. Nasasabik
na naman siya sa pag-uumaga dahil malamang na makikita na
naman niya si Isaac.

Hanggang ngayon, crush niya pa rin ang lalaki. Hindi lang


pala basta crush, bago siya bumaba ng cruise noon, natiyak niya
nang si Isaac ang first love niya.

Her first love. The puppy love that she can never forget.
Siguro kaya hindi rin niya magawang magkagusto sa iba kasi
iniisip niya pa rin ito.

For her, wala na yatang mas pe-perpekto pa rito. Mabait,


magalang at kahit pilyo ay matalino. Kapag seryosong usapan na,
wala kang maririnig na sabaw mula rito. Bonus na lang talaga na
napakaguwapo at napakayaman pa nito.

Caught Up So Deep 18
Akala niya noon ay mawawala rin ang damdamin niyang
iyon sa binata, ngunit hindi pala. Parang bumalik lahat ng
nakaraan sa muling pagkakita niya sa lalaki.

KINAUMAGAHAN ay hindi nga nagkamali si Agatha ng sapantaha.


Naroon na naman ang binata sa kanila at may dala-dala na
namang mga pasalubong para sa kanila.

Gaya nang mga nakaraang pagdalaw nito sa kanila ay todo


estima na naman ang papa niya. Pina-pangaralan pa nga siya na
palaging mag-aayos para hindi naman daw nakakahiya sa bisita
nila.

“Naku, napapadalas yata ang dalaw mo sa dalaga namin.”


Ngiting-ngiti ang papa niya habang kaharap sa kanilang maliit na
sala ang binatang Montemayor.

Sa harapan na rin ipinapa-parada ng papa niya ang kotse ni


Isaac na bagong modelong Volvo. Tila ba nais ipagmalaki ng
kanyang papa na may isang mayamang lalaki na dumadalaw sa
kanila.

Pupusta pa siyang pinag-uusapan na siya ngayon ng mga


kapit-bahay nila. Malamang alam na rin sa lugar nila na ang
palaging bisita nila ay si Isaac Montemayor. Matunog ang
pangalang iyon sa buong Pilipinas. Ang angkan kasi ng mga ito
ang halos nagma-may ari ng ilang malalaking establisyemento sa
bansa.

Caught Up So Deep 19
Ngumiti si Isaac at saka tumingin sa kanya. “Sinusulit ko
lang ang bakasyon ko, Mang Samuel.”

Napa-palatak naman ang Papa niya. “Naku, babalik ka rin


pala sa ibang bansa? Malulungkot niyan si Agatha.”
“Samuel!” saway naman ng kanyang Mama.

“Ito namang si Lumina! Nagbibiro lang ako eh!” Kakamot-


kamot ng batok na sagot ng papa niya.

Tila balewala lamang naman kay Isaac ang mga panunukso.


Siguro kasi para rito, magkaibigan lang talaga sila.

“Natuwa lang naman ako dahil may dumadalaw ng lalaki


sa dalaga ko,” humihirit pa si Samuel. “Bente-tres na kasi ngayon
itong si Agatha ngunit ni hindi pa nagpapakilala ng boyfriend sa
amin ng mama niya.”

Natapik niya ang sariling noo. Ano bang problema ng


tatay niya? The last time na kausapin siya nito ay sinabihan siya
nito na sana saka na muna siya mag-boyfriend. Sana raw ay mag-
tapos muna siya ng pag-aaral at i-enjoy muna ang buhay bago
pumasok sa relasyon. Bakit ngayon ay parang nag-iba yata ang
ihip ng hangin?

“Alam mo ba, Senyorito?” humihirit na naman ang papa


niya. “Maraming naliligaw riyan kay Agatha. Iyong anak nga ni
Kapitan na engineer, ilang beses na nagtangka iyon, ngunit
nabasted lang.”

Caught Up So Deep 20
Bumaling sa kanya si Isaac. “Napakapihikan mo pala...”

Napatungo siya dahil dama niya ang pagapang ng init sa


kanyang mukha.

“Ku totoo ka riyan, Senyorito!” ang papa na naman niya.


“Mga guwapo at may kaya naman ang halos lahat ng nanliligaw
riyan, ngunit wala talaga siyang mapili. Siguro may hinihintay
kaya ganyan!”

“Papa!” Hindi na siya nakatiis na napasigaw.

Hindi siya pinansin ng ama. Patuloy ito sa pagsa-salita.


“Ngunit alam mo Senyorito... Sa totoo lang, hindi sa pagiging
ambisyoso ko... Nais ko sanang ang makatuluyan nang aming
anak ay isang may kayang lalaki.”

Pinanlakihan siya ng mga mata. “Papa, ano ba?!”

Hindi na din nakatiis na hindi manaway ang mama niya.


“Samuel!”

Dire-diretso pa rin sa pagsasalita ang papa niya. This time


ay seryoso na ito at hindi na nagbibiro. “Nagpapaka-totoo lamang
ako. Bilang ama ay nais kong mapabuti ang aming unica hija.
Mabuting bata itong si Agatha. Bukod sa masikap, masipag at
matalino ay maganda. Hindi naman lugi ang mapapangasawa niya
sa kanya.”

Caught Up So Deep 21
“Kaya nga ako nag-aaral, `Pa,” sabat niya na nagpipigil ng
inis. “Kasi gusto kong makaahon sa hirap at matulungan kayo ni
Mama. Hindi ko kailangan ang lalaki para—”

“Paano ka makakatapos kung i-stop ngayong sem?” Nagulat


siya nang matalim ang tonong barahin siya ng papa niya.
“Mag-stop ka?” nagtatakang tanong naman ni Isaac sa
kanya.

Hindi siya makasagot. Ang mga mata niya ay nakikiusap


sa ama na sana ay tumigil na ito.

Hindi nga lang nagpapigil si Mang Samuel. “Mag-stop siya


sa pag-aaral kahit pa graduating na sana siya, Senyorito.”

“Bakit ho?” Bakas ang concern at curiosity sa tono ni


Isaac nang balingan si Mang Samuel.

“Mangyari kasing nagkabaon-baon kami sa utang mula


nang mag-resign sa barko itong si Mama Lumina niyo. Hindi
naman akalaing lalala ang sakit niya. Nalugi rin ang maliit naming
negosyo noon; nabaon kami sa utang hanggang sa ngayon ay gipit
na kami.”

Matamang nakikinig naman si Isaac.

“Naremata ang isinangla naming bahay dati. Wala nang


natira sa amin. Ngayon naman ay natanggal ako sa trabaho dahil
sa edad ko…” Napayuko ang papa niya. “Baon kami sa utang at
wala pang pambili ng maintenance ni Mama Lumina niyo.”

Caught Up So Deep 22
Naaawa man sa ama ay nahihiling niya na sana kung
maari ay lamunin na siya ng lupa dahil sa hiya niya kay Isaac.
Kaya lang ay desidido talaga ang kanyang papa na i-kwento ang
lahat-lahat tungkol sa buhay nila.

“Masikap ang anak ko, Senyorito. Ngunit aanhin ang sikap


niya at tiyaga kung ganito ang nangyayari? Ultimo ang kikitain
niya sa kanyang mga part time job ay ibibigay niya pa sa utang
namin sa renta. Kahit pa yata makatapos sa pag-aaral si Agatha ay
hindi na siya makakawala sa mga responsibilidad niya sa amin.
Kaya gusto ko talaga na kung mag-aasawa ang anak ko ay sa may
kayang lalaki. Ayaw ko na habangbuhay ay maghirap siya.”

Naputol sa pagsa-salita ang papa niya nang sumabat na


ang mama niya. “Samuel, hamong tumigil ka na!”

Umalma ang papa niya. “Best friend iyan ng ating anak.


Ang kaibigan ng ating anak ay para na rin nating anak.”

Malugod namang nagpasalamat si Isaac. “Salamat ho,


Mang Samuel.”

“Basta iyon lamang ang gusto ko, Senyorito Isaac...”


nasisiyahang wika ng papa niya. “Gusto ko sana’y mayaman ang
mapangasawa ng anak ko para naman hindi niya na maranasan
ang paghihirap na dinaranas namin.”

“Isaac na lang ho, Mang Samuel. Hindi naman na ho kayo


iba sa akin.”

Caught Up So Deep 23
“Napakabuti mo talagang bata! Kaya hindi ako magagalit
kung ikaw ang makakatuluyan nitong aming si Aga—”

Napatayo na siya sa sobrang inis. Kulang na lang ay


sabihin ng papa niya na sana ay pakasalan na siya ni Isaac.

Hindi naman pinansin ng papa niya. Muli nitong hinarap


si Isaac. “Alam mo, Isaac? Crush ka niyang si Agatha.”

Muntik na siyang matapilok sa narinig. Napalingon siya sa


sala. “Papa, ano ba?”

Tumawa ito. “Crush lang naman, ano bang masama?”


Ikinampay nito ang kaliwang kamay na parang lasing.

Pinamulahan siya ng pisngi. “Hindi ko crush `yan!”


nabibiglang saad niya dahil sa sobrang kahihiyan lalo pa’t
nakatingin din ngayon sa kanya si Isaac.

“Hindi ba?” Kumiling ang ulo ni Mang Samuel. “May


picture ka nga niya na palagi mong tinitingnan. Nahuhuli kitang
madalas, ah!”

Iiling-iling na lamang ang mama niya.

Samantalang namilog naman ang mga mata ni Isaac.


Hindi naman mukhang naiinis, mukha pa ngang interesado ito sa
sinasabi ng papa niya.

Caught Up So Deep 24
MATAPOS ang meryenda ay nag-paalam muna ang papa niya na
tutungo sa kumpare nito. Mangungutang raw ito roon. Ang mama
naman niya ay umakyat muna sa kwarto nito upang magpahinga.
Suma-sakit pa rin kasi paminsan ang tahi nito tuwing magha-
hapon na.

Naiwan silang dalawa ni Isaac sa sala habang nanonood sa


kanilang lumang 19 inches colored T.V.

“Pasensiya ka na sa papa ko...” mahinang saad niya sa


pagitan ng katahimikan. Bilad na bilad na rito ang problema ng
pamilya nila kaya nahihiya siya.

Nagkibit-balikat lang naman si Isaac. Nanatiling nakatutok


ang mga mata nito sa palabas sa TV, bagamat alam naman niyang
wala talaga roon ang atensyon nito.

“Kalimutan mo na iyong mga sinabi ni Papa.”

Nilingon siya nito. “Ang sinabi niyang crush mo ako?”

“Naku hindi, ah!” Kanda-iling siya. Hindi pwedeng isipin ni


Isaac na may gusto siya rito. Hindi maaari. Ayaw niyang
magkalamat ang pagka-kaibigan nila.

Eh, ano iyong picture kong tinatago mo raw? Wala naman


akong maalala na binigyan kita ng picture ko.” Ang mga mata nito
ay nanunudyo. “

Caught Up So Deep 25
Napataas na ang boses niya. “Pwede ba `wag na iyon ang
pag-usapan natin, ha?”

Amused na tinitigan siya ng binata.

Kinuha niya ang remote sa center table at saka pinatay ang


TV. “Hindi naman tayo nanonood. Patayin ko na lang, sayang
kuryente.”

Tuloy nais niyang pagsisihan ang pagpatay niya sa TV.


Ngayon ay sa kanya na ang buong atensyon nito. Sa kanya na ito
nakatingin na para bang kinakabisado ng mga mata nito ang buo
niyang mukha.

“Napapadalas ka yata rito?” tanong niya at pampawala na


ng tensyon.

“Ayaw mo ba?” balik-tanong nito na nangingiti ang mga


labi.

“Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan dito sa Pilipinas?


Bakit palaging dito ka pumupunta? I’m sure naman na may iba ka
pang kaibigan maliban sa akin.” Humalukipkip siya at saka
sumandal sa sandalan ng sofa. “Sabihin mo na ang totoo, Isaac.”

Natawa ito. “Hey ano `yan, huh?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “May pinagtataguan ka bang


babae? Ganyan na ganyan ka sa barko noon kapag may

Caught Up So Deep 26
naghahabol sa`yong babae! Sa akin ang takbuhan mo.” Mapait ang
panlasa niya nang bitiwan ang mga salita.

Humalukipkip din si Isaac at sumadal sa sandalan ng sofa.


“Hanggang ngayon, judgemental ka pa rin.”

Tumawa siya nang mapakla. “Aminin mo na kasi, may


babae kang pinagtataguan.

“Wala nga.”

“E di wala.” Sumimangot siya. “Umuwi ka na nga.”

“Bakit pinapaalis mo na ako?”

“Kung gugustuhin mo ng makakausap, marami namang iba


riyan. Maraming babae ang gustong makasama ka, iyon mga iyon,
hindi ka ija-judge, promise.”

Nakangising lumingon ito sa kanya. “Marami talaga silang


gustong makasama ako.”

“Iyon naman pala e, sa kanila ka na.” Hindi na niya itinatago


ang pagka-asar sa tono.

“Maraming babae… Ngunit isang babae lang ang hindi


tinatablan ng charm ko,” mayamaya ay saad niya sa seryosong
tono, at saka siya pinakatitigan nang matiim.

Caught Up So Deep 27
“S-sino naman?” Sumikdo ang dibdib niya sa panibagong
kabang dulot ng mga titig nito

“Ikaw,” walang gatol nitong sagot.

Chapter 3
SO GANOON?

Hindi na nga bumalik si Isaac kina Agatha matapos ng pag-


uusap nilang dalawa. Siguro na-offend sa pagpapalayas niya ang
binata. Posible ring may “iba” nang pinagkakaabalahan.

Sabagay, sino nga ba siya para pag-aksayahan nito ng


panahon? Isang lost friend. Baka sa mga oras na ito, nagba-bar si
Isaac with his “real friends”. Baka rin kasama may mga kasamang
girls.

Hindi niya ito masisisi kung na-bored na sa pagpunta-


punta sa bahay nila. Wala naman kasing pwedeng gawin sa kanila
kung hindi magtitigan at manood ng TV. Wala pang cable ang TV
nila. Hindi nga naman worth it para sa bakasyon nito sa Pilipinas.

Napabuntong hininga siya. Okay na rin siguro na wag itong


bumalik. Siguro kung talagang hindi na babalik si Isaac ay mas
makakabuti. Mula kasi nang nagpakita ito sa kanya ay nag-iba na
ang kabog ng dibdib niya.

Caught Up So Deep 28
Nagsimula nang gumulo ang buhay niya.

Sana nga wag na itong bumalik. Sana wag na itong


magpakita. Sana makalimutan niya na ito.

“Anak, nagkaka-igihan na ba kayo ng Senyorito Isaac?”


Naglalagay siya ng pitsel sa ref nang biglang may magsalita
sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nasa likuran niya si Mang
Samuel.

“Pa, kaibigan ko lang iyong tao,” nakasimangot na sagot


niya rito. May tampo pa rin siya sa ama dahil sa ginawa nitong
lantarang pagbebenta sa kanya kay Isaac.

“Agatha, pasensiya ka na sa akin.” Nagkamot ito ng batok.


“Nahihiya rin naman ako sa ginawa ko… Ang kaso, natutuliro na
talaga ako sa mga problema natin at naaawa na rin ako sa inyo ng
mama mo.”

“Kaya lantaran niyo po akong ipinagtutulakan kay Isaac?”


sumbat niya. Nadidismaya siya rito dahil hindi naman niya
nakalakihang ganoon ang ama. Never siya nitong ipinagtulakan
kahit kanino, tanging ngayon lang.

Napayuko ito. “Dama ko naman kasing mabuting bata iyon,


hindi naman kita ipagtutulakan sa kanya kung batid kong hindi.”

Napatingala siya sa kisame para pakalmahin ang sarili.

Caught Up So Deep 29
“Gusto ko na maranasan mo ang magandang buhay, anak.
Awang-awa na ako sa `yo. Gusto ko rin na sana, magkaroon tayo
ng pera para maipagamot nang maayos ang mama mo. Anak,
masakit man sa pride ko, ngunit si Isaac na lang talaga ang
nakikita kong sagot sa lahat ng problema natin.”

“Magbebenta na lang po ako ng kidney,” malamig na sagot


niya saka ito nilampasan. “Kung wala kang maisip na paraan para
sa mga problema natin, pwes ibenta niyo na lang po ang kahit
anong lamang loob ko.”

“Anak naman…

Pigil ang luha na hindi niya na ito nilingon pa. Ayaw niyang
umasa ang mga magulang niya, at ayaw niya rin ang
nararamdamang pag-asa ng puso niya. Malabo sila ni Isaac.

Malabo talaga.

ANG BUONG AKALA ni Agatha ay naiparating niya na sa ama ang


pagtutol niya sa ginagawa nito. Akala niya ay napaintindi niya na
rito na hindi talaga sila pwede ni Isaac. Ngunit iyon lang ang akala
niya.

“Patawag sa telepono,” ani Samuel sa bantay ng tindahan


na nasa kanto ng street nila.

Caught Up So Deep 30
Nang maibigay ang landline phone sa kanya ay nagsimula
na siyang mag-dial. Lingid sa kaalaman ni Agatha ay hiningi niya
ang number ni Isaac at ngayon nga ay tatawagan niya ito.

Taas-baba ang dibdib niya sa kaba habang nagri-ring ang


number ng binata.

Wala pang 5 seconds ay may sumagot na kaagad ito sa


kanya. “Hello, Isaac? Si Mang Samuel ito na papa ni Agatha. Alam
kong busy kang tao kaya pasensiya na sa istorbo ko.”

Magalang na sumagot ito sa kanya na sanhi ng paguhit ng


ngiti niya. Mabait talaga ito.

“Pasensiya ka na ulit Isaac. Nag-aalala lang ako kay Agatha


dahil mula nang hindi ka na pumupunta ay hindi na rin siya
nagkakakain. Lagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto niya,”
pagsisinungaling niya.

Gusto rin niya kasing marinig kung mag-aalala ito kay


Agatha. Nang marinig ang pagtatanong ni Isaac ay napangiti siya.

“Oo Isaac, sa tingin ko ay magkakasakit na ang batang iyon


dahil sa pagmumukmok. Hindi naman nakikinig sa amin ng mama
niya kaya nag-aalala na kami sa kanya.

Saglit na nagsalita ang binatang nasa kabilang linya.

Caught Up So Deep 31
“Isaac, aalis kami ni Mama Lumina mo mamaya at maiiwan
sa bahay si Agatha. Maari mo ba siyang puntahan at piliting
kumain?”

Napangiti na naman siya nang marinig ang kompirmasyon


mula sa kausap.

“Sige, pangako iyan, ha? Maghihintay kami. Tiyak na


matutuwa ang anak ko kapag dumating ka! Salamat, Isaac!”

Nang wala na ito sa kabilang linya ay nagbayad na siya sa


bill sa tindera. Lumakad na siya pabalik sa bahay nila ng may ngiti
pa rin sa mga labi.

Hindi niya na mahintay ang katuparan sa kanyang mga


binabalak..

Ang pag-ahon nila sa kahirapan...

Ang nakaabang na kasaganahan...

“Mapatawad mo sana ako, anak...” piping dalangin ni


Samuel sa kanyang isipan.

Caught Up So Deep 32
Chapter 4
7pm nang gabi nang biglang may humintong brandnew black
Lamborghini sa tapat ng bahay nina Agatha.

“Naku! Narito na pala ang senyorito,” malakas na boses ng


papa niya.

Saglit itong dumungaw sa pinto at pagkuway nilakihan na


nito ang bukas ng pintuan.

Napaangat ang mukha ni Agatha mula sa pinggan na


kinakainan niya. Naghahapunan sila sa mesa na nasa gitna ng
kanilang bahay.

Ngiting-ngiti ang papa niya nang lumingon sa kanya.


“Agatha, narito ang senyorito.”

Napatitig naman siya sa pumasok na binata. Muntik siyang


masamid dahil sa di inaasahang pagdalaw nito.

“Hello, Agatha!” Nakangiting bati sa kanya ni Isaac.

Caught Up So Deep 33
Naka T-shirt itong kulay puti na may tatak na Lacoste at sa
pang-ibaba naman ay naka cargo shorts lamang ito. Guwapong-
guwapo ito kahit hindi ito naka-porma ngayon. Malinis na malinis
ang ayos at tila ba kay bango-bango pa.

“I-Isaac!” Nabu-bulol na napatayo siya mula sa silyang


kinauupuan.
Hindi niya alam na pupunta pa si Isaac ngayon. Kaliligo
niya lang at ni hindi pa siya nakakapagsuklay ng buhok dahil
inuna niyang maghain sa mesa.

Lumapit ito. Napansin niya ang mga dala nito. “Hi! How are
you feeling now?”

“H-ha?” Napaawang ang mga labi niya habang nakatitig


siya sa inia-abot nitong bouquet of white roses at maliit na basket
ng assorted fruits.

“These are for you, Agatha.”

“P-para saan naman? Bakit nag-abala ka pa?” Hindi naman


niya birthday at wala rin siyang sakit. Bakit may pa-roses at
fruits?

Tinanggap niya ang mga inaabot nito at inilapag sa ibabaw


ng mesa. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata ng mama niya na
nakatingin sa mga ibinigay ni Isaac.

Caught Up So Deep 34
Nang balingan niya ulit si Isaac ay nakangiti ito. Ngiting
nagpapakabog ng dibdib niya. Ano bang trip ng lalaking ito? Akala
ba niya ay hindi na ito pupunta? Bakit ito nandito ngayon?

At para saan ang mga dala nito?

Tumikhim ang papa niya at tumingin sa kanila. “Senyorito,


naghapunan na ho ba kayo? Pasensiya na kayo at ganyan lang ang
ulam namin.”
Lihim na napaismid siya. Ano bang problema sa ulam nila?
Ginisang sitaw at kalabasa? Healthy naman, ah? May MSG nga
lang dahil sa seasoning.

Tinapos lang niya ang pagkain at saka siya umakyat saglit


sa kwarto niya para magsuklay. Nang makapag-ayos na ng sarili
ay bumalik siya sa sala upang i-entertain ang kanilang “bisita”.
Nasa loob naman ng maliit nilang kusina ang kanyang mama at
papa na nakapagtatakang hindi umaalis doon.

Ilang minuto na silang magkatabi ni Isaac sa sofa na walang


nagsasalita sa kanila. Nagpapakiramdaman lang sila.

Ito ang unang bumasag sa katahimikan. “Kumusta?”

Napasulyap siya rito. Hindi ito nakatingin sa kanya. “Okay


lang.”

“Sorry, I’ve been busy the past days,” paliwanag nito na


hindi niya alam kung para saan na naman.

Caught Up So Deep 35
Bakit nag-e-explain ito? Tinatanong niya ba?

Sumandal ito sa sofa. “Gusto ni Dad kasi na wag na akong


bumalik sa US. Gusto niya na humawak na ako ng isa sa mga
family businesses namin dito sa bansa.”

Napalingon siya rito bigla. “Hindi ka na aalis?”

“Iyon ang gusto ni Dad.”


“Ngunit iyon ba ang gusto mo?” napakahina ng tanong niya.
She wanted to hear his answer. Gusto ba ni Isaac na mag-stay dito
sa Pilipinas?

Nakangiting tiningnan siya ng binata. “Do you want me to


stay?”

Nagulat siya nang akbayan siya nito. Hindi na lang siya


nagpahalata na kinabahan siya bigla. Para kay Isaac, wala lang
ang akbay, ngunit sa kanya iba.

“Baka nga mag-stay na lang ako rito. Ako lang naman ang
aasahan ni Dad sa ngayon.”

“Ah, oo nga…” naiilang na sagot niya dahil lalong humigpit


ang pagkakaakbay nito.

“Yeah. And wait...” Sa wakas, binitiwan siya. “Look at this.”


May kinuha ito sa back pocket ng suot na cargo shorts. Wallet
iyon at inia-abot sa kanya. “Open it.”

Caught Up So Deep 36
Nagtatakang tinanggap niya naman at binuksan ang leather
wallet. “S-sino ito?”

Napatitig siya sa nag-iisang picture na nakapaloob doon.


Sigurado siyang iyon ang nais ipakita ni Isaac.

“She’s lovely, isn’t she?” tanong rin ang isinagot nito sa


kanya.

Napalunok siya. Maganda at halatang mayaman ang


babaeng nasa picture. Mestiza at makinis. Half body lang ang shot
subalit hindi noon naitago ang sexy nitong pangangatawan na
suot na fiited golden yellow tube top.

“Parang model...” mahinang aniya. Parang alam niya na


kung sino ang babaeng nasa picture sa buhay ni Isaac.

“Right! She's a model. I met her in Paris last year. Her name
is Annie Chua. A half Filipina and a half Chinese.” Nakangiting
binawi nito sa kanya ang wallet na may picture ng kung sino
mang Annie na iyon.

“Bakit mo ipinapakita `yan sa akin?”

“Because I think I am in love with her.”

Nabitin ang paghinga niya sa sinabi nito. Nang lingunin ulit


siya ni Isaac ay pati ang magandang uri ng mga mata nito ay
nakangiti sa kanya.

Caught Up So Deep 37
“She’s staying in the country for good.”

“K-kaya mag-stay ka na rin?” kulang sa lakas na salita niya.


Nautal pa siya.

Natawa si Isaac dahil sa nakitang reaksyon niya. “Oh! Are


you surprised that I am capable of falling in love?”

“Oo…” wala na sa sariling sumagot siya. Bigla nang pumait


ang kanyang panlasa.

Aware siyang possible na ma-in love si Isaac, hindi lang


niya in-expect na kailangan pa talagang puntahan siya para ibalita
sa kanya. Fine, she was his best friend, but still hindi pa rin
makatarungan na sabihin sa kanya dahil may gusto nga siya rito.

Ang sakit lang kasi...

Natigilan siya nang marealized na hindi naman kasi alam ni


Isaac ang feelings niya. If ever man na malaman ni Isaac, dalawa
lang ang pwede nitong maging gawin, ang magalit or pagtawanan
siya.

Muli siyang inakbayan nito matapos ibalik sa loob ng bulsa


ang pitaka. “Yeah. She's nice, sweet, smart. A total package.”

“M-mukha nga...” Kailangan niya pang tumungo upang di


nito makita ang lungkot sa mga mata niya.

Caught Up So Deep 38
“I think, I finally found the one for me. She’s different from
the other girls that I’ve dated before.”

Marahan niyang inalis ang pagkaka-akbay nito sa kanya.


“Sana nga siya na ang para sa `yo para hindi ka na papalit-palit ng
babae. Hindi ka na bumabata, dapat matuto ka nang mag-stay sa
isang babae lang.”

Bigla itong sumeryoso. “You know what? You’re right. I'm


not getting any younger, and anytime soon, mag-aasawa na rin ako,
gaya ng gusto nila Mom. Alam mo naman kung gaano
pinapahalagahan sa aming angkan ang ‘pamilya’. Ayokong
dumating iyong araw na mapikot lang ako ng kung sino...”

Tahimik lamang siyang nakikinig sa binata. Mataman siya


nitong tinitigan pagkatapos ng wagas na speech nito.

“O para saan naman ang tinging iyan?” naiilang na tanong


niya rito.

“Ikaw ba? Wala ka ba talagang boyfriend? Wala ka bang


napupusuan ngayon?” Nagulat siya sa tanong ni Isaac.

Pilit siyang tumawa at iwinasiwas ang isang kamay. “W-


wala, no...”

“Why? You’re pretty, Agatha. You’re sweet and smart too.”

Talaga? Pareho sila ni Annie? E bakit hindi na lang siya ang


nagustuhan nito?

Caught Up So Deep 39
“Your father told me na napaka-pihikan mo. Kahit
matinong lalaki at may kaya sa buhay ang nanliligaw sa `yo, ayaw
mo.”

“Kasi nga iba ang priority ko.”

“Ano bang type mo sa lalaki?” Sumandal ito sa sofa at


pinakatitigan siya nang malalim.

“Gaya noong sabi ni Papa, gusto ko, mayaman.” Wala siyang


maisip na isagot dito kaya sa asar niya ay iyon na lang ang sinabi
niya, manahimik lang ito.

Napangiwi ito.

Napangiti naman siya sa naging reaction ni Isaac kaya mas


ginanahan pa siya na pag-tripan ang lalaki. “Tama si Papa. Ang
gusto ko ay iyong hindi lang basta may kaya, kung hindi iyong
mayaman talaga. Iyong maiahon kaming buong pamilya sa hirap.
Baon kami sa utang at kailangan namin ng pera. Dapat lang na
maging praktikal ako para makatulong ako sa kanila.”

“Wow, a good daughter, huh?”

A good daughter nga ba? O a gold digger?

“Kahit ba hindi mo mahal? Basta iyong mapera?”

Caught Up So Deep 40
“Madaling mahalin ang taong maraming pera,” sagot niyang
hindi tumitingin dito. So what kung ano ang isipin nito sa kanya?
Naiinis siya rito kaya wala siyang pakialam kung ano ang isiping
nito sa kanya.

Nanahimik si Isaac. Bahagya ring nagdilim ang guwapo


nitong mukha na hindi niya alam kung bakit. Galit ba ito sa mga
sinabi niya?
Ngumiti siya nang matamis upang mapawi ang
namamagitang tensyon sa kanila. “Hoy, Isaac! Bakit bigla ka yatang
sumeryoso, ha?!”

“Nothing.”

“Bakit? Dahil sa hindi mo ako kilalang ganoon? Dahil ang


pagkakakilala mo sa akin ay isang napakabait ko? Ganoon ba?”
Tumawa siya sa nakitang pag-asim ng mukha nito. “May masama
ba sa pag-aasam ng easy money?”

“Hey, Agatha. Pwede ka namang yumaman sa sarili mong


paraan, eh. If tungkol sa mga pagkaka-utang niyo, I can help you. I
can lend you money para maging capital niyo.”

Nagulat siya sa kasersyohan nito. Sasabihin niya na sana na


‘joke lang’, ngunit naunahan siya nitong magsalita.

“Pwede rin kitang ipasama ulit sa scholar ng foundation


namin para sa pag-aaral mo. Makakatulong ka sa mga magulang mo
kapag nakatapos ka na. Isa pa, matalino kang babae... Marami kang
mararating.”

Caught Up So Deep 41
Hay, sineryoso nga ang mga sinabi niya. Naniwala ito sa
kanya and she was, well, disappointed.

“No, Isaac.” Ngumiti siya nang tipid.

“Bakit?” Kunot-noong tanong nito.

“Wag mong isiping magpapahanap ako sa `yo ng rich guy,


pero kung may maire-reto kang mayamang kaibigan mo sa akin,
ayos lang.” Binuntunan niya pa iyon ng tawa. “Ano ka ba, Isaac! Ang
gullible mo naman, eh.”

Ngunit hindi nakikipagbiruan ang lalaki. “Bakit ba kasi?


Dahil mas madali kapag nag-asawa ka na lang ng mayaman?”
Madilim na madilim ang mukha nito na tila ba mananakmal na ano
mang oras.

“Hoy, wag ka ngang ganyan!” Natatawang hinampas niya


ang balikat ni Isaac.

“Kung ganon lang rin pala ang hanap mo, eh bakit hindi na
lang ako?” matiim ang titig na tanong nito.

“Ha?” Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya dahil


sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya? Namilog ang mga mata
niya habang nakatingin sa seryosong mukha ni Isaac.

“Agatha!” Ipinitik nito ang mahahabang daliri sa harapan


ng mukha niya.

Caught Up So Deep 42
Namula ang magkabilang pisngi niya. Napatulala na pala
siya. “A-ano nga iyong sinabi mo?” Nabubulol na tanong niya.

“`Sabi ko, bakit hindi na lang ako eh 'di ba mayaman din


naman ako? Bakit hindi na lang ako ang targetin mo?”

Nagsalubong naman ang kilay niya. Pinagti-tripan din yata


siya nito.

“What? Ayaw mo sa akin?”

“Heh! Manahimik ka riyan!” asik niya. How dare him say


that to her? Kung alam lang ni Isaac na para ng may naghahabulang
daga sa loob ng dibidb niya ngayon.

“Pinag-iisipan mo na ba, ha?”

“Baka pag ginawa ko nga iyan ay magsisi ka!” banta niya


rito. Gusto niya rin kasing malaman ang reaksyon nito.

Saglit namang natigilan ang binata. Parang hindi rin nito


inaasahan ang sinabi niya, para tuloy gusto niyang masaktan. Oo
nga pala, hindi naman siya type ni Isaac. Ang gusto nito ay iyong
mga sexy, model type at mga imported.

Ang awkward na ng hanging umiikot sa kanila. Mabuti na


lamang at lumabas na mula sa kusina ang mama at papa niya.

“Isaac!” Kay Isaac agad dumiretso ang papa niya.

Caught Up So Deep 43
Napatingin siya sa bitbit nitong bote. Saan nito iyon
nakuha? Lambanog iyon kung hindi siya nagkakamali.

“Okay lamang bang samahan mo akong mag-inom?” yaya


nito sa binata.

“Papa!” Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Alam


niyang umiinom si Isaac, subalit hindi pa ito nakaka-inom ng
lambanog.

Mas nanlaki ang mga mata niya nang pumayag si Isaac sa


alok ng papa niya na mag-inom.

“Lumina, pakidalhan kami rito ng baso, mahal!” utos ng


papa niya sa kanyang mama.

Lumapit naman ang mama niya na may dala-dalang tray na


may lamang dalawang baso at dalawang platito na pinaglalagyan
ng mani.

“Dahan-dahan, Samuel. Hindi sanay ang senyorito sa


inuming iyan,” paalala nito sa asawa.

“Sus! Nang makatikim naman ang senyorito ng kakaiba.


Aba'y puro imported na lamang yata ang tinatagay nito.”

“Hay naku! Ewan ko ba sa`yo kung bakit ngayon ka pa


nakaisip na mag-inom,” palatak naman ng mama niya at bumalik na
ito sa kanilang kusina.

Caught Up So Deep 44
Tahimik lang naman siya habang nakamasid sa pag-iinom
ng papa niya at ni Isaac. Noong una ay nag-aalala siya, habang
tumatagal ay natatawa na siya sa nakikitang pagkalukot ng
guwapong mukha ng binata dahil sa lasa ng lambanog.

“Ano Isaac, suko na ba?” kantyaw ni Mang Samuel matapos


ang ilang matataas na shots.

“Naku, hindi ho. Nanibago lamang ho ako sa lasa.”


Mapungay na ang mga mata nito kahit nakakailang tagay pa lang.
“Matindi pa po yata ito sa Bacardi.”

Inakbayan ni Mang Samuel si Isaac. “Ay, hindi ko alam


`yang Bacardi. Sanmig, Gin, Empi at itong Lambanog lang ang kilala
ko. Sa susunod ako naman ang dalahan mo ng imported na alak ng
makatikim, ha?”

Ilang shots pa saka niya napansin na puro kwento lang ang


papa niya at mukhang si Isaac lang yata ang panay na pinaiinom.

“Papa, tama na ho!” Umawat na siya. “Magda-drive pa si


Isaac.”

Hindi naman nagpaawat si Mang Samuel. “Ku, tumigil ka


nga riyan. Ngayon pa nga lang nag-e-enjoy itong best friend mo.”
Ilang salin pa ito sa baso ni Isaac kahit na hilo na ang huli.
Parang pinipilit na lamang nito ang sarili na uminom upang hindi
mapahiya sa papa niya.

Caught Up So Deep 45
“Isaac! Alam mo bang gustong-gusto kita!” Inakbayan ito ng
papa niya. “Napakabuti mong bata at napakabuti ng pamilya mo.
Hindi kayo matapobre at may isa kayong salita. Hindi kayo nang-
aagrabyado ng mahihirap.”

Natampal na lamang ni Agatha ang sariling noo. Nalintikan


na, mukhang lasing na lasing na ang kaibigan niya.

“Agatha, tumagay ka rin o!” Nagulat siya nang alukin din


siya ng papa niya.

( Beware of fake copies circulation online. Mostly in


some FB Softcopies Groups. There’s a fan made stories of
M.Saga under JF’s name, claiming to be the original one. DO
NOT BE CONFUSED.)

Tatanggi sana siya nang tumayo pa ang papa niya para lang
kunin ang kamay niya at ilagay roon ang baso na may lamang
lambanog.

“Sige na! Inumin mo na iyan, anak!” Nakangiting utos nito


sa kanya. “Minsan lang naman.

“Pa…” Ano bang nangyayari rito? Ayaw na ayaw nga nito na


iinom siya kahit light drinks, `tapos ngayon ay pinatatagay siya ng
lambanog?

Caught Up So Deep 46
“Sige na, anak. Ano ba? Ipapahiya mo ba ako rito kay
Isaac?” Lumungkot ang mukha nito. “Ngayon lang naman ito. Hindi
naman masama.”

Naupo siya sa katapat ng inuupuan ni Isaac. Ininom niya


ang laman ng baso kahit pa masuka-suka siya sa lasa. Nang bawiin
ng papa niya ang baso sa kanya ay tinagayan siya nito ulit.

“Isa pa, anak,” nakangiting balik nito sa kanya ng baso.


“Ngayon lang naman ito, hindi masama ang minsan lang. Saka kami
naman nitong kaibigan mo ang kainuman mo.”

Labag man sa loob ay tinanggap niya ang baso. Tiniis niya


ang lasa ng alak para lang makatulong sa pagkaubos ng laman ng
bote. Iyon lang ang magagawa niyang tulong kay Isaac para hindi
ito ang palaging patagayin ng papa niya.

Sa pangatlong tagay niya ay inagaw ni Isaac ang bote na


inaabot ni Mang Samuel. “Tama na ho, Mang Samuel. Baka malasing
si Agatha.”

Anong baka? Lasing na siya. Tatlo na nga ang tingin niya


rito. Ang lakas ng lambanog at dama niya na anumang oras,
babagsak na siya.

“Samuel?” Mula sa itaas ng bahay ay bumaba ang mama


niya. “Hindi pa ba kayo tapos?” Nagulat ito nang makitang pati siya
ay pinatatagay.

Caught Up So Deep 47
Nakangiting tumayo si Mang Samuel para lumapit sa
asawa. “Padespidida ko lang kay Senyorito Isaac kung sakaling
uuwi na siya sa Amerika.”

“Nababaliw ka na ba? Nilasing mo alam mong magda-drive


`yan pauwi?!” galit na paninita ni Mama. Halatang nagpipigil lang
dahil nahihiya sa bisita namin.

“Ito namang si Lumina , oo!” Inakbayan nito ang asawa.


“Syempre bago umuwi ay papahimasmas muna. Halika at samahan
mo na lang muna ako kina Mang Karyo.”

“Kina Mang Karyo? Aba’y gabi na.” Nagtatakang napatitig


ang mama niya sa papa niya. “Anong gagawin natin doon?”

Si Mang Karyo ang may ari ng isang hilerang paupahan sa


kabilang street. May ari rin ito ng malaking grocery rito kaya kilala
ng mga tao.

“Nakalimutan mo na ba na huling burol ng asawa niya


ngayon? Halika at makikilamay tayo.”

“Aba'y kailan pa kayo naging close ni Mang Karyo?”


nakangiwing tanong ng mama niya.

“Asus! Kama-kailan lang! Hala, mag jacket ka, aalis na tayo.”

Kahit umapela pa ang mama niya ay wala na rin naman na


itong magagawa sa kagustuhan ng kanyang papa.

Caught Up So Deep 48
“Agatha, iwan muna namin kayo ng mama mo, ha?”

Nang tumingin sa kanya ang papa niya ay nakita niyang


malinaw pa ang puti ng mga mata nito. Kilala niya ito kapag lasing,
walang parte ng mukha nito ang hindi namumula. Nasigurado niya
na hindi talaga ito uminom. Sa madaling sabi ay si Isaac lang ang
naka-kalahati ng lambanog na nasa bote!

Bago lumabas ng pintuan ay nilingon pa sila ni Mang


Samuel. “Pahimasmas ka muna rito, Isaac. Wag mo muna sanang
iwananan ang dalaga namin dahil baka madaling araw na kaming
makabalik.”
Nang umalis na ang mga ito ay sinubukan niyang tumayo
para lang mapaupo ulit. Nang lingunin niya si Isaac ay nakapikit na
ito habang nakasandal sa sofa.

Napalunok siya sa nakikitang itsura nito. Pulang-pula ang


mukha hanggang leeg.

“Isaac?” marahang tawag niya rito. Gusto niya lang i-check


kung tulog na ba ito.
Iwinasiwas niya ang palad sa ibabaw ng mukha nito.
Mukhang nalasing ito nang husto dahil hindi na gumagalaw ang
mahahabang pilik-mata.

“Isaac…”

Wala pa rin itong kakilos-kilos. Sinamantala niya ang


pagkakataon na pagmasdan ito. Ang guwapo kahit tulog. Wala

Caught Up So Deep 49
talagang pwedeng ipintas dito sa kahit saang anggulo.
Napakaswerte naman ng Annie Chua na nagugustuhan nito.

“Why are you staring at me?”

Muntik na siyang mapatili nang bigla itong magsalita. Nang


dumilat si Isaac ay daig niya pa ang nalunod sa malalim na ilog.

“I could feel you staring at me, Agatha.” Matiim ang titig


nito sa kanya. “Why?” And his voice, it was so husky.

“H-hindi. Nagkakamali ka.” Akma siyang tatayo nang


biglang umikot ang paningin niya.

“Hey, okay ka lang?” Maagap naman siyang naalalayan ni


Isaac.

Napakapit siya sa braso nito. “Ah... oo, nahihilo lang ako.”


Sabay sapo sa kanyang ulo.

Ngumiti ito.”Ang tapang ng lambanog ng papa mo.”

“Kaunti lang ang nainom ko subalit hilong-hilo na agad ako.


Ikaw pa kayang naka-ilang baso?”

Natawa ito. Hinila siya nito para umayos sila sa


pagkakaupo sa sofa, at nagpahinuhod naman siya. Kahit nakaayos
na siya sa pagkakaupo ay hindi siya binibitiwan ni Isaac kaya
nagtaka na siya. Lalo nang sumandig ito sa balikat niya.

Caught Up So Deep 50
“Ang sakit ng ulo ko, Agatha.” Narinig niyang halos ungol na
lamang nito.

Nakapikit ang binata habang nakasandal sa kanyang


balikat. Pulang-pula pa rin ang buong mukha nito nang silipin niya.

“G-gusto mo ba ng tubig, ha?”

“Yeah, but I know that you can’t stand. You’re drunk too.”

“Kaya ko.” Inalis niya ang pagkakasandal nito sa kanya at


inalalayan itong sumandal sa sofa. “Saglit lang. Ikukuha kitang
tubig.” Kumapit siya sa hawakan ng sofa at saka marahang tumayo.
Kukuha siya ng tubig para kay Isaac.

Nagpasalamat siya dahil this time, hindi na siya nabuwal.


Ikinuha niya ito ng isang basong tubig ref nila sa. Hindi niya alam
kung paano niya nagawang maglakad dahil sa hilo, ngunit natuwa
siya't nagtagumpay naman siyang ikuha ito ng maiinom.

“Ito na, Isaac.” Inabot niya rito ang basong puno ng tubig.

Dumilat ito at tumingin sa kanya. Ngunit ng akmang


aabutin na nito ang baso ay nabitawan niya iyon. Nabuhos sa
katawan ng binata ang laman ng baso.

“Damn!” Nabigla ito at napatayo.

“Naku, sorry!” Agad niya itong inasikaso. “Sorry, sorry.


Hindi ko sinasadya!”

Caught Up So Deep 51
Malaki ang baso kaya marami-raming malamig na tubig
ang tumapon kay Isaac. Basa ang T-shirt nito sa bandang dibdib
patungo sa patag na tiyan. Bahagya ring nabasa ang harapan ng
cargo short nito.

“It's okay,” sagot nito nang makabawi. Ngumiti ito sa kanya.


“Would you mind na hubarin ko muna ang T-shirt ko? Ang lamig
kasi.”

“H-ha? Sige...” Tama nga naman na maghubad dahil


malamig ang tubig. Ngunit ikinagulat niya pa rin nang hubarin ni
Isaac ang suot na T-shirt.

Para siyang napatulala sa isang hubad na demigod.


Napakaganda ng built ng katawan ng binata. Ang kinis pa ng balat
nito... pantay ang kulay.

Nakita niya na ito dati sa barko na naka trunks lang kapag


nagsu-swimming sa pool. But this time it was different, kasi hindi
na sila teen agers. Plus the fact na silang dalawa lang sa bahay
ngayon.

Saka mas lalo yatang lumaki ang katawan ni Isaac mula ng


huli niya itong makita ng ganito ang ayos noon.

“I-Ikukuha kita ng damit kay Papa...” nauutal na saad niya


rito.

Caught Up So Deep 52
“Kaya mo bang tumayo ulit? Nakita kong pagewang kang
maglakad kanina sa kusina niyo...” nag-aalalang saad nito.

“Okay lang...” Nginitian niya ito.

“Oh, no. Baka mahulog ka sa hagdan niyo. Dito ka na lang.”


Hinila nito ang kamay niya.

Ngunit huli na, nakatayo na siya. Sa paghila nito ng kamay


niya ay na -out of balance siya pabagsak sa kandungan ni Isaac.
Para siyang batang biglang napakalong rito.

“Isaac!” Napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla.

Ito man ay nabigla rin.

Bakit ba hindi? Gayong may kakaiba siyang naramdaman


dahil sa pagkakaupo niya sa kandungan nito. His hardness! She
couldn’t be mistaken, he was hard!

Namumula ang mukha niya ng itulak niya ang binata.


Ngunit isang maling hakbang ang ginawa niya. Dahil sa pagtulak
niya kay Isaac ay napahiga lang ito sa kanilang sofa, at dahil sa
hawak siya nito sa bewang ay nadala siya nito.

“Agatha...” Narinig niyang paos na tawag sa kanya ni Isaac.

Nag-angat siya ng tingin. Magkalapit na magkalapit na ang


mukha nilang dalawa at gahibla na lamang ang pagitan. Dagdag pa
ang katotohanang nakapatong siya sa binata.

Caught Up So Deep 53
“Isaac... Tatayo ako...” mahinang saad niya.

“Why? Are you scared of me?” maaligasgas ang boses na


tanong nito.

Namumula na talaga ang mapupungay na mata ni Isaac.


Malamang ay dahil sa alak.

Pinilit niyang hagilapin ang natitira pa niyang katinuan.


Hindi pwede ang nasa isip niya. Wala lang sa sarili si Isaac. Ayaw
niyang magkailangan sila kinabukasan.

Huminga siya nang malalim at saka nagsalita. “Isaac...


Tatayo na ako, ha? Pangit kasing tingnan, alam mo na... tayo lang
dalawa rito.”

Sumungaw ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. “I like it


this way, it’s not that bad,” anas nito. “And... You're so beautiful,
Agatha...”

Nabigla siya sa sinabi nito. Ano raw? Bigla yata siyang na-
boba sa English.

“And... Forgive me dahil may gusto akong gawin na labag sa


kagandahang asal.” And right then, nadama niya ang paghaplos ng
mga palad nito sa kanyang likuran

Nakalimutan na ba ni Isaac na mag 'best friend' lang sila?

Caught Up So Deep 54
“A-ano iyon?” Kinakabahan bagamat nae-excite na tanong
niya.

“I want to kiss you...” And he just did.

Napapikit na lang si Agatha nang maramdamang sakop na


ni Isaac ang mga labi niya.

Chapter 5
BASANG-BASA sila ng pawis habang magkapatong na nakahiga sa
mahabang sofa.

Isaac was so hard against her. Mas lalo nitong idinidiin


ang sarili sa kanya habang hawak nito ang kanyang mga kamay at
hinahalikan nito ang mga labi niya. His warm and firm lips was
dominating hers. The kiss was possessing and owning her in a
way she could never have imagined.

It was her first. First kiss and first make out. She couldn't
resist him. She didn't want to.

She looked at his eyes after the kiss. Kapwa habol nila ang
paghinga. Nasa mata nito ang purong pagnanasa at kawalan ng
pakialam sa paligid.

He kissed her lips again, tenderly at first, subalit muling


lumalim ang halik na iyon. Para bang mauubusan ito at gigil na
gigil sa kanyang mga labi.

Caught Up So Deep 55
Hanggang sa ang halik nito ay unti-unti ng bumababa sa
kanyang leeg.

“I-Isaac...” Halos mabaliw siya sa kakaibang damdaming


lumulukob sa kanya.

Ang init ng hininga nito at parang nais niyang matupok.


At ang mga haplos nito... It made her feel beautiful.

Hindi kayang ipaliwanag ni Agatha ang sensasyong


nadarama niya sa ginagawa ni Isaac sa kanyang katawan. Unti-
unti na ring nag-iinit ang katawan niya. Then she shamelessly
gave herself over to the pleasure he was giving her.

“Agatha...” anas nito sa pangalan niya habang patuloy ito


sa pagsamba sa kanyang katawan.

Kusang tumaas ang mga kamay niya para haplusin ang


malapad na dibdib ng binata. Napa-ungol ito sa ginawa niya.

Muli siyang hinalikan ni Isaac habang nadama niyang


dumako ang kamay nito sa likod niya para tanggalin ang pagkaka-
hook ng kanyang bra.

Pinagsawa nito ang mga labi sa kanyang dalawang dibdib.


Then he moved lower, kissing her bare stomach to her belly
button. Hinubad nito na halos magkasunod ang shorts niya at
underwear. Pumikit siya nang mariin nang maramdaman ang

Caught Up So Deep 56
mainit na labi nito sa pinaka-sensitibong parte ng kanyang
katawan. Tumulo ang mga luha niya sa pagpipigil ng emosyon.

Nang matapos si Isaac ay tumayo ito. He was unbuckling


his belt while his eyes were still fixed between her thighs. Pumikit
siya dahil nahihiya siyan panoorin ang paghuhubad nito, at ang
pagtitig nito sa kanyang katawan.

Naramdaman na lamang niya mayamaya ang pagpwesto


nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

“Agatha…” paos na tawag nito sa kanya.

Napahiyaw siya sa sakit dahil sa unang pagsasanib.


Umiyak siya sa sakit ngunit hindi siya nito pinabayaan. He did
everything to ease the pain. And suddenly, she felt like she had
reached a place she had never been to before.

“Mahal kita, Isaac...” bulong niya sa punong tainga nito.

He was there. Sa ibabaw niya, habol ang paghinga at


pagod na pagod. Kahit mabigat ay hindi niya hinayaang umalis ito
sa kanyang ibabaw. Sa halip ay niyakap niya ito nang mahigpit.

Si Isaac naman ay sumiksik lalo sa kanyang leeg.

Napangiti siya nang matamis... this was the sweetest


dream that she ever had.

Caught Up So Deep 57
Chapter 6
SAKTONG 7am, sa labas ng bahay nila Agatha ay huminto ang
isang kulay puting Ferrari, kasunod ng nakaparadang itim na
Lambo ni Isaac na kagabi pa naroroon.

Bumaba mula sa Ferrari ang isang babaeng nasa mid


forties. Ang babae ay larawan ng isang naka-aangat. Isang mula sa
alta sociedad, subalit napakaamo ng mukha at walang bakas ng
kahit anong kataasan. Pinasadahan nito ng tingin ang itim na
Lambo sa unahan. Kinikilala.

Mula sa kanto ng street ay paparating na naglalakad ang


mag-asawang Samuel at Lumina Jiminez.

“Madam Dorcas!” Labis na pagkagulat at pagtataka ang


bumadha sa mukha ni Lumina nang makilala ang dating amo.

Samantala si Samuel naman ay naghahalong kaba at


pananabik ang nadarama habang nakatanaw sa bahay nila.

Caught Up So Deep 58
“Lumina, kumusta?” Magiliw na niyakap nito ang mama ni
Agatha. “Balita ko ay may sakit ka. Kaya pala hindi ka na
nakabalik sa barko.”

“Oho, Madam...” nahihiyang sagot naman ni Lumina.


Minsan niya lamang nakaharap si Madam Dorcas Montemayor,
ngunit nakakagulat na hindi siya nito nakalimutan.

“Bakit ho pala kayo narito, Madam?”

Kagulat-gulat nga naman na ang isang Dorcas Montemayor


ay makakarating rito sa Masville, Parañaque.

“Nag-text sa akin ang anak kong si Isaac kanina at


pinapapunta niya ako rito. Hindi ko alam kung bakit.”

“Ho?” Napakunot naman ang noo ni Lumina. Nasa harapan


pa nga ng bahay nila ang itim na Lambo ni Isaac.
“Baka ho wala na?” sabat ni Samuel. “Lasing ho iyon kagabi
kaya malamang na nag-taxi na lang at iniwan muna rito ang kotse
niya.”

“Baka nga. But I was trying to call him, hindi siya


sumasagot kaya nag-alala na ako. Pinuntahan ko na itong location
na ibinigay niya. Nahirapan nga akong makarating rito, ngunit
mabuti at maraming nagturo sa akin mula sa labasan.”

Walang imik si Samuel. Ang totoo ay nasa bulsa niya


ngayon ang mamahaling iPhone 3G ni Isaac. Hindi na namalayan

Caught Up So Deep 59
ng binata kagabi na pasimple niya iyong kinuha upang mai-text
niya ang mommy nito.

Ngunit siyempre binura niya na agad ang mga texts upang


walang ebidensiya. At nasisiguro niyang nasa loob pa ng
kabahayan ang binatang Montemayor ngayon.

Para saan pa at hinaluan niya ng gamot ang lambanog.


Maliban na lamang kung bakla si Isaac. Nunca! Sa ganda ng
kanyang unica hija ay malayong hindi ito pag-interesan ng binata
kagabi.

'Para sa`yo ito anak...’ bulong ng isipan niya. Batid niyang


may gusto si Agatha kay Isaac... At alam niyang mapapabuti ang
anak niya kung magkakatuluyan ang dalawa.

Isa pa, nais nya nang guminhawa sila. Ang makaahon sa


kahirapan. Ang makawala sa mga utang.
Nakikita niya na ang magandang kapalaran ng anak niya
kapag ito'y napabilang sa angkan ng mga Montemayor.

“Madam Dorcas, pumasok ho muna kayo sa bahay namin,”


yaya niya rito. “Tara na, Lumina. Gisingin na natin ang anak mo at
may bisita kamo tayo.”

“Oo nga ho, nang mapag-kape naman namin kayo,”


nahihiyang yaya ni Lumina sa dating amo. “Pasensiya na ho kayo
sa bahay namin, maliit lamang.”

Caught Up So Deep 60
Habang patungo sa pinto ng bahay ay nagsasalita si
Samuel. “Nasa loob ang aming si Agatha. Nag-iisa lamang iyon
ngayon, eh..”

“Inumaga na ho kasi kami sa lamay kagabi kaya heto at di


namin nauwi ang aming dalaga,” ani Lumina. “Ito kasing si Samuel
ay ayaw pang paawat sa tong its sa patay.”

Natawa si Samuel. “Hindi rin naman sasama sa atin iyon


kung yayayain. Hindi palalabas si Agatha. Wala ring bisyo. Puro
bahay at eskwelahan lang. Hanggang ngayon nga, 23 na at wala pa
ring nagiging boyfriend.”

Nang makarating na sila sa harapan ng pintuan ng bahay


ay huminga muna nang malalim si Samuel. Taimtim siyang
nananalangin.

NAALIMPUNGATAN si Agatha dahil hindi na siya makahinga. May


mabigat na nakadagan sa kanya. Kakaiba rin ang pakiramdam,
ibang-iba na para bang may kayakap siya.

Nang marealized kung ano ang nakayakap sa kanya ay


napadilat siya. Nawala ang antok at hilo niya sa pagkagimbal.
“Isaac!”

Isaac was naked, almost on top of her. Nakahubad din siya


sa ilalim nito. Halos nakadagan pa sa kanya ang buong bigat nito
habang nagsi-siksikan sila sa kanilang sofa.

Caught Up So Deep 61
Tulog na tulog pa ito at bahagya pang nakasiksik ang
mukha sa kanyang leeg. Ang isang palad nito ay nakahawak sa isa
niyang dibdib. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang
maalala ang mga naganap kagabi.

Ngayon niya naramdaman ang ang kakaibang kirot na tila


pumupunit sa pagitan ng kanyang mga hita. Nananakit din ang
buo niyang katawan at para siyang magkaka-sakit.

HINDI PANAGINIP!

Napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi niya magawang


makatayo dahil sa nakadantay at nakayakap ito sa kanya. Ayaw
niyang magising ang binata dahil hindi niya pa alam kung paano
ito pakikiharapan.

Napapikit siya. Mariin.

Bakit niya hinayaang maganap ang hindi dapat maganap?


Kaibigan niya si Isaac, ngunit dahil sa nangyaring ito ay
malamang magkalamat na ang pagka-kaibigan nilang dalawa.

Bahagya niya itong nilingon. Tila bata itong natutulog dahil


sa kapaguran.

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa mga labi niya habang


nakatingin dito. Matatandaan kaya ni Isaac kung paano siya nito
paulit-ulit na inangkin kagabi?

Caught Up So Deep 62
Napahawak siya sa kanyang mga labi... Ang mga labing
ilang beses nitong inangkin.

Muli siyang bumaling rito. Napaka-guwapo talaga ni Isaac


sa kahit na anong parte at anong anggulo. Ang matangos na ilong
na nagpa-dominante sa anyo nito. Ang mahabang pilik-mata. Ang
natural na mamula-mulang labi nito...

Everything was perfect.

Hindi niya naiwasang pagmasdan ang katawan nito.


Makinis ang buong katawan nito. Maganda ang built na para bang
alaga sa gym. No wonder kung bakit ito pinagkaka-guluhan ng
mga babae. At kung bakit niya ito nagawang mahalin...

Ngunit hindi lang naman dahil doon. Mabait ito at maalaga


sa kanya. Iyon nga lang, wala namang malisya rito ang lahat. At
minabuti na rin niyang maging kaibigan na lamang nito. Hindi
naman kasi sila nababagay. Malabo naman siyang makita nito
bilang higit sa isang kaibigan lang.

NAHIMASMASAN si Agatha ng makarinig ng tila pag-uusap mula


sa labas ng kanilang bahay. Natitiyak niyang malapit na iyon sa
kanilang pintuan!

“Sila Papa!” Doon lamang siya tinamaan ng katotohanang


nasa bahay sila.

Caught Up So Deep 63
Dagli siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasehodang
magising niya si Isaac. Inabot niya ang mga nahubad na damit at
pilit itinakip sa kahubaran.

“Isaac! Gising!” Tinampal niya sa braso ang binata ngunit


umungol lamang ito.

Babangon na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan.

“MAHABAGING LANGIT!”

Mulagat si Lumina Jimenez, ang mama niya, habang


nakatingin sa kanilang dalawa ni Isaac. At hindi lamang ang mama
at ang papa niya ang dumating!

Sa likod ng mga magulang niya ay nakatayo habang


nakanganga sa gulat si Donya Dorcas Montemayor, ang mommy ni
Isaac.

Si Mang Samuel, ang Papa naman niya ay sumigaw nang


malakas. “Anong kahalayan ito?!”

Napaluha na siya sa takot at kahihiyan. “Papa...”

Dinuro siya nito. “Bakit, Agatha?! Binusog ka namin sa


pangaral at pagmamahal! Bakit mo kami binigo ng iyong mama?
Bakit mo ito ginawa?!”

Caught Up So Deep 64
Napalipat ang tingin niya sa kanyang mama na
humahagulhol na sa likuran ng nabibiglang si Donya Dorcas. Dahil
sa ingay ay nagising na rin si Isaac. Naalimpungatan na ito.
Pupungas-pungas itong umupo para lamang magitla sa makikita.

“Mom?!” Nanlalaki ang kulay tsokolate nitong mga mata


nang mapatingin sa kinaroroonan ng ina.

Hindi pa nakakabawi si Isaac nang sugurin ito ng papa niya.


“Anong ginawa mo sa anak ko?!”

Susuntukin na sana ito nang pumigil ang mama niya. “Tama


na, Samuel!”

Doon napagtanto ni Isaac ang lahat, lalo na noog napadako


sa kanya ang paningin nito. Tanging hinubad na T-shirt na lamang
kasi niya kagabi ang ipina-pantakip niya ngayon sa kanyang
kahubaran. Samantalang ito naman ay wala maski isang takip.

“Damn it!” Napapikit ito nang mariin.

Para siyang sinaksak ng punyal sa kanyang dibidb dahil sa


nakikita niyang galit sa mga mata nito nang dumilat. Oo, siguro at
malamang ay galit ito sa kanya...

Napatungo na lamang siya dahil hindi niya alam ang


sasabihin. Hindi niya alam ang dapat gawin. Magulong-magulo ang
isip niya.

Caught Up So Deep 65
“This is a dissapointment, Isaac!” matigas na saad ng Donya
sa binata. “I will call your dad! And we will fix this!”

“Dapat lamang, ho!” agaw ng papa niya. “Malinis ho ang


anak namin ng pakialaman siya ng anak niyo!” Itinuro pa nito ang
mantsa ng dugo na nasa sofa.

Siya naman ay nakatungong umiiyak lamang sa tabi ni


Isaac.

Hindi pa tapos ang speech ng papa niya. Galit na galit ito ay


may luha na sa mga mata. “Isaac, paano mo nagawa ito sa anak
namin? Ang akala ko ba ay magkaibigan kayo? Hindi mo man lang
ba naisip ang kinabukasan niya? Paano na siya ngayon?! Paano
kung mabuntis mo siya?!”

Nang mapasulyap siya sa mukha ng mommy ni Isaac ay


alam niyang galit din ang Donya sa anak nito.

“Son,” tawag nito kay Isaac. “You need to man up. Kailangan
mong panagutan ang ginawa mo.” Hindi iyon pakiusap... Kundi
isang utos na nagmula kay Dorcas Montemayor.

Umawang ang mga labi niya sa narinig. Tototo ba ito?


Pakakasalan siya ni Isaac?!

Caught Up So Deep 66
Chapter 7
NANG maiwan silang dalawa ng binata sa sala ay hindi mawari ni
Agatha ang nadarama. Hiyang-hiya siya sa itsura niya. Kulang na
lang ay mamaluktot na siya sa sofa upang maitago lamang ang
kahubaran niya.

“What the hell are you waiting for? Get dressed,” malamig
na boses ni Isaac ang nagpapitlag sa kanya.

Nang tingnan niya ang binata ay nakasuot na ito ng cargo


shorts nito.

Sinubukan niyang tumayo nang kumirot ang nasa pagitan


ng mga hita niya. Nag-iinit ang mukha na muli siyang bumalik sa
pagkakaupo sa sofa.

Caught Up So Deep 67
“Gusto mo bang bihisan pa kita?” Narinig niyang
sarkastikong tanong ni Isaac.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito. Bakit galit


ito?

“Come on,” naiinip na saad nito.

Kahit iinot-inot ay nagawa na rin naman niyang isuot ang


mga nahubad na damit. Hindi naman tumitingin sa kanya si Isaac
kaya nagawa niyang makapagbihis ng maayos.

Hindi naman niya na pinag-aksayahan pa ng laway na


kausapin si Isaac kasi malamang sa malamang ay galit ito sa
kanya. Parang gusto niyang matawa, ito pa talaga ang may ganang
magalit? Kahit pa siya ang babae, at siya talaga ang agrabyado
rito?

Nang bumukas ang pinto ay pumasok si Donya Dorcas.


Seryoso ang mukha nito nang harapin si Isaac. “Your dad and
older sister, Aria, are coming.

Hindi kumibo si Isaac.

Ilang oras pa ay magkakaharap na sila sa mesa habang


hinihintay ang pagdating ng iba pang kapamilya ni Isaac.

Nakakabingi ang katahimikan. Ni hindi pa nga nila


nagawang mag-almusal muna. Hindi siya nagugutom. Halos
mabali ang kanyang leeg sa kakatungo. Ayaw niyang salubungin

Caught Up So Deep 68
ang tingin ng mga ito. Lalong-lalo na ang nang-uusig na tingin ni
Isaac sa kanya.

Saglit lang ng may humintong mamahaling sasakyan sa


tapat ng bahay nila. Dahil bukas ang pinto ay natanaw nila ito
agad. Halos wala nang madaanan sa labas dahil sa tatlo na ang
sasakyan na magkakasunod doon. Mabuti na lang at maaga pa,
wala pang gaanong batang naglalaro sa kalsada at nakaalis na rin
ang pamasadang jeep ng kapitbahay nila.

Lumabas na muna ang papa niya upang salubungin ang


mga bagong dating. Pagbalik ni Samuel ay kasama na nito ang
daddy at ate ni Isaac. Parehong mga seryoso ang mukha.

Tumayo si Donya Dorcas at sinalubong ang asawa na naka-


corporate attire pa, mukhang papasok na sana sa opisina nang
ma-receive ang tawag ng asawa.

“Drake, I’m glad you came.”

“Where’s your goddman son?”

Itinuro ni Donya Dorcas ang nakayukong si Isaac sa sofa.

Nang makalapit si Senyorita Aria, the lady captain of the


cruise, sa nakababatang kapatid ay nagulat ang lahat. Isang sapak
ang pinawalan nito sa makinis na mukha ni Isaac.

“Aria!” Napatili si Donya Dorcas.

Caught Up So Deep 69
“Asshole!” Gigil na gigil si Senyorita Aria habang awat-awat
na ito ng ina. “You just came back here in the country just to
disappoint our parents?!”

“Aria, please!” awat ni Donya Dorcas sa panganay na anak.

“Don’t stop me, Mom!” gigil na kumawala ang babae sa


pagkakahawak ng ina. “So what now, Isaac? Did you just do this
para hayaan ka naming bumalik ng US? Is this your stupid plan,
huh? Seriously, sa ginawa mo ay lalo ka lang matatali rito sa
Pilipinas! We are not letting you get away with this!”

Ang mama at papa naman niya ay mga nakatulala na


lamang sa nangyayari. Kanina niya pa gustong magsalita kung di
lang sana naumid ang dila niya. Gusto niyang ipagtanggol si Isaac.
Gusto niya itong proteksyunan...

At gusto niyang punasan ang dugo nito sa mukha...

“Now young man, what is your plan?” malamig na tanong


naman ni Don Drake Montemayor sa anak.

Tumungo lamang si Isaac habang kuyom ang dalawang


kamao. She can tell, galit na galit na ito subalit nagtitimpi lamang.

“You have to marry her, son,” ani Don Drake.

Ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang


tumanggi si Isaac. “What? No!”

Caught Up So Deep 70
“And why no?!” Nanalim ang mga mata ni Don Drake sa
anak. “Wala sa pamilya natin ang umaatras sa responsibilidad.
Ginawa mo ito so face the consequences!”

Doon na hindi nakatiis ang papa niya. Sumabat na rin ito.


“Mawalang galang lamang ho, Senyorito Isaac. Huwag niyo naman
hong itulad ang anak namin sa ibang babae niyo. Oo nga't
mahirap lamang kami, oo nga't hindi sosyal ang aming anak.
Ngunit alam niyo naman siguro, kayo ho ang nakauna sa kanya.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na malinis niyong nakuha ang
dangal niya.”

Gusto niyang pamulahan ng mukha nang ituro pa ng papa


niya ang mantsa ng dugo na natuyo na sa may sofa ng kanilang
sala.

Ngunit lalong naging magulo ang reaksyon ni Isaac. “I don't


know what happened. She's my best friend. Hindi ko gustong
mauwi sa ganito. Hindi ko intesyon na...” Kusa na rin itong tumigil
sa pagsasalita.

Napalunok siya ng tumingin ito sa kanya. Bakit parang siya


ang sinisisi nito?

“Stop, Isaac!” Ang mommy na nito ang nagsalita.

Hilam ang luha sa mukha ng Donya nang lapitan ito.

“Please, Isaac, don't do this to us. Wag mong sirain ang


pangalan ng pamilya. You're a Montemayor, at hindi tayo ang mga

Caught Up So Deep 71
taong nang-aagrabyado ng iba. Wag mong sirain ang sinimulan ng
iyong Lolo Agusto. Be a man. You're not a boy anymore, honey.”

“But, Mom…”

“Responsibilidad mo ang ginawa mong ito. Paano kung


magbunga ang nangyari sa inyo? Maaatim mo ba na may isang
bastardong Montemayor na hindi mo kinilala? Marry Agatha dahil
iyon dapat mong gawin.”
Iiling-iling na napasabunot sa sariling buhok si Isaac.
Nilapitan ito ng papa niya at tinapik sa balikat.

“Senyorito, hindi kayo magsisisi sa aming anak. Mabait na


bata si Agatha, magiging mabuti siyang asawa sa `yo...”

“Okay.” Halos malaglag ang puso niya ng marinig ang tipid


at malamig na sagot na iyon ni Isaac.

Napapikit siya nang mariin. Hindi sa ganitong paraan niya


pinangarap ang kanyang fairytale love story.

Hindi ganito...

Hindi isang shotgun wedding...

Caught Up So Deep 72
Chapter 8
FOUR DAYS.

Apat na na araw na ang lumipas matapos ang insidente na


magpapabago ng buhay ni Agatha. Hindi pa rin siya
makapaniwala habang nakatingin sa harapan ng salamin. Totoo
ba talaga na pakakasalan siya ni Isaac Montemayor?

Hindi ba panaginip lang?

Napaka-imposible kasi na nakatakda na siyang mapabilang


sa angkan ng mga Montemayor.

Hindi lang naman ang angkan ni Isaac ang dahilan ng


pagkabog ng dibdib niya sa mga nakaraang araw. Dagdag na lang
ang katayuan ng binata sa buhay, dahil ang tunay na dahilan kung
bakit siya parating tila nalulunod sa excitement ay dahil mismo
kay Isaac. After the day na may nangyari sa kanila at mag-decide
ang parents nila na ipakasal sila, hindi na nanahimik pa ang puso
niya.

Caught Up So Deep 73
Hindi naman na siya umaasa kay Isaac, ngunit sa isang
iglap, nabuhay lahat ang pag-asa niya. Pati ang feelings niya na
akala niya ay pwede niyang balewalain, biglang tumindi at hindi
niya na mapigilan pa sa pagwawala. Nasasabik siya sa
kahihinatnan ng lahat ng ito.

She was beyond happy to be his fiancée. Kaya nga lang, sa


tuwing naiisip niya na hindi naman siya gustong mapangasawa ni
Isaac ay naglalaho ang lahat ng excitement at parang binabarena
ang puso niya sa sakit.

Kapag kasal na sila, matutunan din kaya siya nitong


mahalin?

Sumilip ang mama niya sa pinto ng kanyang kwarto. “Anak,


may mga dumating ulit na padala si Donya Dorcas…”

Napalingon siya rito. “Na naman po?”

Kahapon lang ay mga mamahaling appliances ang


dumating; isang high-tech na two doors ref, 40 inches TV flast
screen, home theater system at 5 seaters round dining set.
Nagkagulo sila kung paano pagkakasyahin sa maliit nilang bahay
ang mga gamit, hanggang sa nag-decide ang mama niya na ilabas
na lang nila ang mga lumang gamit, na agad namang
pinagtaghatian ng kanilang mga kapitbahay.

Caught Up So Deep 74
Hindi na niya naawat ang mga kapitbahay dahil ang papa
niya ang nag-utos sa mga ito na kunin ang mga lumang gamit nila.
Ipinamigay na nito kaysa naman daw maulanan sa bakuran nila.

Ano naman kaya ang ngayon ang dumating na padala ni


Donya Dorcas?

Sumunod na siya sa ina sa ibaba. Napanganga siya nang


madatnan ang maliit nilang sala na punong-puno ng mga paper
bags na may tatak ng ibat-ibang luxury brand.

Pumasok ang papa niya mula sa pinto na may bitbit na


tagdalawang malaking paper bags sa dalawang kamay. Pawisan
ito ng ibaba ang mga bitbit. “Kow, napakarami ng mga ito.”

“Sino ang nagdala, Pa?” Sinalubong niya ang ama at sinilip


ang labas ng gate nila. May papaalis na SUV. Mukhang iyon ang
pinaglagyan ng mga dumating na paper bags.

“Mga pinamili raw iyan ng magiging biyenan mo, anak.”

Nang tingnan niya ang ama ay maganda ang pagkakangiti


nito ay may kislap ang mga mata.

“E napakarami naman ng mga ito, Samuel,” anang mama


niya. “Ano ba ang laman ng mga ito?” Binulatlat nito ang mga
paper bags. “Mga bag at sapatos.”

Natapik niya ang kanyang noo na tila sumakit bigla.

Caught Up So Deep 75
“Naku anak, makakapagsuot ka na at makakagamit ng mga
branded na gamit o.” Masayang nakibulatlat na rin ang papa niya.
Itinaas nito ang Hermes bag na nakuha. “Uy, mamahalin talaga
ito! Nakita ko sa TV na may ganito si Kris Aquino.”

“Pa, hindi ako mahilig sa mga mahal. Alam niyo naman


iyon.”

Iningusan siya nito. “Hind ka mahilig kasi wala kang


pambili.”

Hindi niya ito pinansin. “Kakausapin ko si Donya Dorcas na


tigilan na ang pagpapadala ng kung anu-ano rito sa atin.”

“Tumigil ka, Agatha!” saway ng papa niya. “Nakakahiya sa


donya. Baka isipin niyon ay nag-iinarte ka.”

Natigilan naman siya nang marealized ang punto ng ama.


Baka nga ma-offend niya ang mommy ni Isaac kung bigla niyang
sasabihing wag nang magpadala sa kanila ng kung anu-ano.

Hindi niya lang talaga masikmura na tumanggap sa mga


ito. Hindi pa nga sila kasal ni Isaac, ngunit nakakarami na ang
pamilya niya. Nakakahiya na. Hindi naman sila mga materialistic
na tao. Ayaw niyang samantalahin ang generosity ng mga
Montemayor.

“Hayaan mo, anak.” Hinaplos ng mama niya ang kanyang


likod. “Kapag nagkita ulit kami ni Donya Dorcas, sisimplehan

Caught Up So Deep 76
kong sabihan siya. Maunawain naman ang donya, mabait siyang
tao. Maiintindihan niya na hindi mo gusto ang ganito.”

Wala sa loob na hinaplos niya ang mga paper bags. Hindi


pa man niya alam ang presyo ng mga iyon ay nalulula na siya.

Aware kaya si Isaac sa mga nangyayari? Alam ba nito ang


mga ipinapadala ng mommy nito sa kanila? Kung malalaman kaya
nito, ano kaya ang iisipin nito?

“Puro padala ang dumarating sa atin dito, ngunit ang


mapapangasawa mo, ni hindi na nagpakita kahit anino,” komento
ng papa niya. “Baka naman wala na iyong balak magpakita.”

“Samuel!” saway ng mama niya rito.

“Ay, ano ba, Lumina?” Dumilim ang mukha ng papa niya.


“Napaisip lang naman ako kung bakit bigla na lang hindi
nagparamdam si Isaac.”

Hindi na talaga tinatawag na “senyorito” ng papa niya si


Isaac dahil ayon dito, mamanugangin na raw nito ang binata.

“Buhat nang araw na iyon, hindi na siya bumalik,” litanya


ng papa niya. “Baka isipin nila ay ayos na sa atin ang mga
ganitong suhol. Aba, hindi maaari. Dapat matuloy ang kasal. Puri
ng anak natin ang pinag-uusapan dito at walang sapat na
kabayaran iyon kung hindi kasal.”

Caught Up So Deep 77
“Baka busy lang po. Alam niyo naman pong magsisimula
na siyang mag-train sa kompanya nila…” pagtatanggol niya kay
Isaac.

Tumango-tango ang papa niya. “Sana nga. Kapag bukas ay


wala pa siya, tatawagan ko na si Donya Dorcas.”

Napatingin na lang siya sa mama niya na hindi kumikibo.

Nasaan na nga ba si Isaac? Bakit hindi na ito bumalik?


Babalik pa nga ba ito?

Kilala niya si Isaac na ayaw na pinapakialaman sa buhay


kaya hindi imposible na maisipan nitong takasan siya. Pwede
itong bumalik sa US kung gugustuhin nito.

( Beware of fake copies circulation online. Mostly in


some FB Softcopies Groups. There’s a fan made stories of
M.Saga under JF’s name, claiming to be the original one. DO
NOT BE CONFUSED.)

NAIISIP pa lang ng papa ni Agatha na tawagan si Donya Dorcas


Montemayor nang dumating ang donya sa kanila. Huminto ang
white Ferrari sa harapan ng bakuran nila bandang alas-nueve
nang umaga, na sanhi para maglabasan at maki-usyoso ang mga
kapitbahay.

“Good morning, Agatha.”

Caught Up So Deep 78
Nahinto siya sa pagwawalis ng bakuran nang makita ang
mommy ni Isaac na papalapit. “Donya Dorcas.”

“Mommy,” nakangiting pagtatama nito sa kanya. “Masakit


sa tainga ang ‘donya’, sa totoo lang.” Hinawakan siya nito sa
kamay. “Where are your parents?”

“Nasa loob po…”

“Tara.” Ito na ang nagyaya at nanguna patungo sa pinto ng


maliit na townhouse. “Ilumina?”

Mula sa kusina ay lumabas ang mama niya. “Donya


Dorcas!”

“Busy ba kayong pamilya ngayon?”

Siyang baba naman ng papa niya mula sa ikalawang


palapag ng bahay. “Naku, Donya Dorcas, naririto pala kayo.
Naiisip ko pa lang ho sana kayong contact-in.”

“Good morning, Samuel. Kung hindi sana kayo busy,


yayayain ko sana kayo na sumama sa bridal couturier na kakilala
ko. Para sana bago man lang kami pumunta ng asawa ko sa Guam
for a one-month business trip ay mapasukatan na natin si Agatha
ng wedding gown.”

Caught Up So Deep 79
“Wedding gown?” Namilog ang mga mata ng mama niya.
“Diyos ko, ikakasal na nga talaga ang anak ko!” Naluha ito at
natutop pa ang bibig habang nakatingin sa kanya.

Natawa ang papa niya kahit parang bigla na rin itong


nagkaroon ng luha ang gilid ng mga mata. “Ano ka ba naman,
Lumina? Wag kang drumama riyan, nakakahiya kay Donya
Dorcas.”

“Dorcas,” saad ni Donya Dorcas. “Wag niyo na akong


tawaging donya dahil magiging isang pamilya na tayo.”

Nagkatinginan ang mga magulang niya. Halatang mga


nahihiya ang mga ito tawagin sa pangalan ang mommy ni Isaac.

“And you too, Agatha.” Siya naman ang nilingon nito.


“Magtatampo ako sa `yo kapag tinawag mo pa ulit akong Donya
Dorcas.”

Naiilang na yumuko siya. “S-sige po, Mommy…”

Nag-ayos na sila para sumama sa mommy ni Isaac. Sakay


ng Ferrari nito ay pumunta sila sa Greenbelt 5, Makati. Ipinakilala
sila nito sa isang sikat na couturier and designer, ang nasa mid
forties na half Filipina and half Chinese na si Ms. Veluz Sy.

Hindi lang siya ang pinasukatan ni Mommy Dorcas, pati na


rin ang mama at papa niya. Hiyang-hiya ang mga ito, ngunit halata
rin naman na mga masaya at excited.

Caught Up So Deep 80
Patapos na sila nang magtanong ang papa niya kay Mommy
Dorcas. “Donya—kuwan, Balae, si Isaac pala? Nasaan siya?”

“Pa,” mahinang saway niya sa ama.

“Hindi ba ay dapat naririto siya?” Hindi nagpaawat ang


papa niya. “Ilang araw na rin siyang hindi nagagawi sa amin.”

Hindi makasagot si Mommy Dorcas. Nakatingin lang ito sa


kanya.

“Naitanong ko lang naman, balae. Sana ay naririto siya para


masukatan na rin siya ng tuxedo niyang susuutin sa kasal.”

Ngumiti si Mommy Dorcas. “I’m gonna call him.”

Nagpaalam sa kanila si Mommy Dorcas at lumayo para


tawagan si Isaac. Ang mga magulang niya ay naging busy na sa
pagbubuklat ng mga wedding magazines sa sofa, samantalang
siya ay nakahabol ng tingin sa mommy ni Isaac. Nakita niya ang
tensyon ng ginang habang kausap sa phone ang anak.

Ilang minuto rin bago bumalik si Mommy Dorcas. Nakangiti


ito nang tumabi sa kanila sa sofa. “I told him to come here. Baka
sumunod na lang siya rito.”

Ngumiti nang matamis ang papa niya. “Salamat, balae.”

Ngunit natapos na lang ang araw na hindi pa rin


dumadating si Isaac. Hanggang kumain na sila ng lunch, merienda

Caught Up So Deep 81
at dinner sa Greenbelt ay wala ito. Inihatid na lang sila ni Mommy
Dorcas sa Parañaque na wala pa rin ang mapapangasawa niya.

Hindi na sila natuloy na pumunta sa wedding coordinator


kakahintay rito. Tahimik na at hindi kumikibo ang mga magulang
niya nang makauwi sila. Nang umalis na si Mommy Dorcas ay
lumavas ang papa niya at pagbalik ay may bitbit ng isang case ng
beer.

“Samuel, saan ka kumuha ng pambili ng alak?”


nakukunsuming sinalubo ito ng mama niya sa pinto.

“Inutang ko ito sa tindahan.”

Nabahiran ng galit ang maamong mukha ng mama niya.


“Bakit ka naman umutang?! Alam mong kapos tayo, umutang ka pa!
Mabuti at pinautang ka ng isang case, ang tanong ay paano mo nga
`yan mababayaran?!” Bihirang magalit ang mama niya, tanging
ngayon na lang ulit.

“Kapag wala akong pambayad, ay di ibebenta ko ang mga


gamit na padala ng mga Montemayor!” Nilampasan ng papa niya
ang mama niya. Tumungo ito sa kusina para kumuha ng pitsel at
baso.

“Pa…” Sinubukan niya itong harangin.

Tiningnan siya nito. Ang mga mata ng papa niya ay may


nakapaloob na lungkot at pait. “Patawarin mo ako, anak.”
Nilampasan na siya nito at lumabas ito sa bakuran nila.

Caught Up So Deep 82
Hindi palainom ang papa niya, ngunit sa ganitong
pagkakataon ay hahayaan niya itong maglasing. Naiintindihan niya
ang nararamdaman nito. Naaawa ito sa kanya, at siguro ay nagsisisi
sa mga nangyari. Siguro alam na nito na magiging mahirap ang
pagpapakasal niya sa isang lalaking wala namang pakialam sa
kanya.

“Samuel, totoo ba ang bali-balita na magiging don ka na


raw?” narinig niyang kantyaw ng isa sa mga kainuman ng papa
niya. “Ikakasal daw ang anak mo sa mayaman.”

“Montemayor, `tol!” isa pang boses ng kainuman ng papa


niya ang sumabat.

“Totoo na isang Montemayor? Ay, tiba-tiba ka, lintek!”


Ang lalakas ng boses ng mga ito. “Magiging Don Samuel ka na
nga!”

“Napakaswerte ng anak mo. Saan niya ba nakilala ang


lalaki? Saan kamo at nang mapapunta ko rin doon ang anak ko.”

“Gago ka, Juancho, may asawa na ang anak mo!” sigaw


rito ng isa sa mga kainuman. Nagkatawanan ang mga ito.

Samantalang ang papa niya ay tahimik lang habang


tumatagay.

“Anak…” tawag ng mama niya.

Caught Up So Deep 83
Umalis siya sa pagsilip sa may bintana. “Ma.” Nilingon
niya ang ina at nginitian. “Pahinga na po kayo. Ako na ang
magbabantay rito kina Papa.”

“Ay, magpalit ka muna ng pambahay, anak.” Nakisilip ito


sa labas ng bintana. “Ano naman kaya ang naisipan ng iyong papa
at biglang naglasing. Hindi naman lasinggero iyan.”

“Hayaan niyo na, Ma.”

Kahit siya ay gusto niyang uminom dahil masakit ang


dibdib niya. Masakit na masakit. Kung pwede lang sana ay sumali
siya ngayon sa mga nag-iinuman sa labas.

Maingay na ang mga ito matapos ang kalahating oraw.


Mga lasing na. Iiwan na sana niya nang kanyang marinig ang
boses ng ama. Ngayon lang ito nagsalita ulit. Nagulat siya dahil
masaya ang timbre ng pagsasalita nito.

“Pasok ho.”

“Aba'y, guwapings nga ang mamanugangin mo Samuel,


ah!”

“Ang gara ng kotse!”

“Good evening po,” baritonong boses na iba sa lahat ng


mga narinig niya. Boses na nagpawala sa puso niya sa tamang
lokasyon.

Caught Up So Deep 84
Napatayo siya mula sa sofa at napatingin sa pinto. It was
him, she couldn’t be mistaken. Si Isaac iyon! Nandito si Isaac!

Nang bumukas ang pinto ay nahugot niya ang kanyang


paghinga. Pumasok sa loob ang lalaking dahilan kung bakit siya
ilang araw at gabing balisa at nasasaktan.

Tama nga siya, si Isaac nga ang dumating. And he was


now looking at her with his cold eyes.

“Kumusta, Agatha?”

Chapter 9
KUMUSTA NGA BA SIYA?

Hindi alam ni Agatha ang sagot sa tanong ni Isaac. Hindi


niya alam kung kumusta siya. Ang alam lang niya, walang araw na
hindi siya excited sa pagdating nito, at wala ring gabi na hindi
nadudurog ang puso niya dahil hindi ito dumarating.

Isaac was wearing a white button-down long sleeve polo


and a pair of dark jeans. Bahagyang magulo ang itim na itim na
buhok at umaalingasaw ang napakabango nitong expensive men’s
cologne. Parang gusto niya itong takbuhin at yakapin dahil sobra
niya itong na-miss.

Caught Up So Deep 85
Gusto niya itong yakapin at halikan kahit sa pisngi, na
alam niyang hindi naman niya kayang gawin. Wala siyang kapal
ng mukha at lakas ng loob.

Wala siyang magawa kung hindi ang titigan lang ito, dahil
iyon lang ang kaya niya. Titig na titig siya rito kaya kitang-kita
niya kung gaano ito kalamig.

Ang magandang uri ng mga mata nito ay hindi


mababakasan ng ano mang emosyon. Formal ang guwapong
mukha nito. He hated her. She can read through him.

Binigyan niya si Isaac ng isang kiming ngiti. “N-napadalaw


ka…”

“Yeah. Visiting my fiancée,” walang kangiti-ngiti ang mga


labing saad nito.

Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang sarcasm sa


pagkakasabi ni Isaac, mas natuon kasi siya sa salita. Fiancée, inulit
niya iyon sa isip.

Bumaba mula sa itaas ng bahay ang mama niya. Napatingin


at lumapit agad ito kay Isaac. “Nandito ka pala, hijo!”

“Good evening, Mama...” Magalang namang nagmano ito sa


mama niya.

Caught Up So Deep 86
Mama? Tama ba? Tinawag nitong “Mama” ang mama
niya? Hindi “Mama Lumina” kung hindi “Mama” lang. Iba ang
dating niyon, iba ang kahulugan para sa kanya. Parang gustong
magwala ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib sa halo-halong
emosyon.

“Kumain ka na ba, ha?” magiliw namang tanong ng mama


niya rito. “Kung gusto mo ay ipaghahanda kita ng makakain. May
pagkain diyan sa ref, galing sa mamahaling restaurant. Inuwi
namin kanina nang isama kami ng mommy mo sa Greenbelt.”

“`Wag na, ho. Pumunta lang naman ho ako rito para kay
Agatha.” Bumaling ito sa kanya.

Napaawang naman ang mga labi niya.

Tila ikinasaya ni Mama ang sinabi ni Isaac. “Ilang araw ka


na ngang hindi nagagawi rito. Kanina ay hinihintay ka rin namin
sa Greenbelt, hindi ka rin dumating,” bakas naman ang hinampo
sa tinig ng Mama niya.

“Pasensiya na ho kayo, `Mama. Dumaan kasi ako sa


company ni Daddy. Magsisimula na kasi akong mag-train doon
dahil ako na ang papalit kay Daddy kapag nag-retire siya. Marami
akong inasikaso. Inuna ko iyon dahil gusto ko na by next month,
sa wedding month namin ni Agatha ay wala na akong gaanong
aasikasuhin sa kompanya.”

Napangiti na si Mama. “Ay, ganoon ba?”

Caught Up So Deep 87
“Ipinaayos ko rin kasi kahapon ang condo ko sa QC para
naman maging komportable si Agatha habang nandoon kami.”

“Condo?” halos sabay na ulit nila ng mama niya.

Ngumiti si Isaac. “Oho. Balak ko na ho sanang isama


ngayong gabi si Agatha papuntang QC.”

“Naku? Ngunit bakit biglaan naman yata?” Apela ng Mama


niya na bakas ang pag-aalala sa boses ng balingan siya.

Siya naman ay nanlalamig na sa kinatatayuan habang


nakatingin kay Isaac.

Hindi naman siya tinitingnan ng lalaki. Naka-focus ito sa


pagkausap sa mama niya. “Doon ho kasi sa condo ko ay mas
maaasikaso ko si Agatha.”

Asikaso? Ano ako batang dapat asikasuhin?!

“May dalawa hong kwarto ang condo ko so nothing to


worry about. Isa pa ho ay ikakasal na rin naman kaming dalawa
sa susunod na buwan. Makabubuti po na kasama ko siya palagi
para masanay at makapag-adjust na siya.”

Hindi naman makapagsalita ang mama niya. Tulala ito


kay Isaac.

“Nakausap ko na rin po ang mommy ko about this and


she already agreed. Desisyon niyo na lang po ang hinihintay ko,”

Caught Up So Deep 88
magalang at mahinahon ang boses niya. “Wag po kayong mag-
alala, Mama. Hindi ko po pababayaan si Agatha. Hindi rin po siya
maiinip kapag nasa kompanya ako, dahil buong week ay may
tutorial classes siya.”

( Beware of fake copies circulation online. Mostly in some FB


Softcopies Groups. There’s a fan made stories of M.Saga under
JF’s name, claiming to be the original one. DO NOT BE
CONFUSED. )

“Para saan ang tutorial?” hindi na napigilang tanong niya.

Doon lang siya tiningnan ni Isaac. Tipid itong ngumiti sa


kanya. “You're marrying a Montemayor. A soon-to-be CEO of
Montemayor Imports.”

Parang nanuyo ang lalamunan niya habang sinasalo ang


mainit na mga mata ni Isaac.

“As my wife, you need to be prepared on some formal


gatherings and corporate parties that we will attend in the future.
It can be here in the country or abroad. The tutorial is for you to
grow, at ang magkaroon ka ng kaalaman sa mundong
ginagawalan ko.”

Nakagat niya ang ibabang labi.

Caught Up So Deep 89
“You need that for yourself, too.”

“Kung gayon ay kayo ho ang bahala.” Nagulat siya sa pag-


sang ayon ng mama niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang papa niya. Namumula


ito sa kalasingan. Mukhang kanina pa ito sa may tapat ng pinto at
nakikinig sa pinag-uusapan nila. Nakahanap siya ng kakampi at
akmang hihingi ng tulong rito nang magsalita ito na malayo sa
kanyang inaasahan.

“Tama si Isaac, anak.”

“Papa…” gulat na anas niya.

Ngumiti ang papa niya at hinawakan siya sa kamay.


“Anak, para sa `yo iyon. Kailangan mo ang tutorial na sinasabi ni
Isaac para mag-fit in ka sa mundo niya. Para hindi ka maging
kawawa at alangan.”

Gusto na niyang maiyak. Pinisil nito ang kamay niya nang


marahan.

“Para makapag-adjust ka na rin sa piling niya.”


Sinulyapan ng papa niya si Isaac. “Dalawa naman daw ang kwarto
sa condo niya, at isa pa ay ikakasal na rin naman kayong dalawa.
Wala na sigurong masama kung sasama ka na sa kanya para
makapag-adjust na kayo sa isat-isa.”

Caught Up So Deep 90
Hindi siya makapaniwala sa pasya ng mga magulat.
Parang bigla na lang ay nawala ang pagiging old fashioned ng mga
ito. Gusto na siyang pasamahin sa lalaki kahit wala pang kasal?

Kahit pa may nangyari na sa kanila ni Isaac ay hindi pa rin


niya makita ang sarili na sasama rito at titira sa isang bubong ng
walang basbas ng simbahan man o huwes.

“Samuel, si Aling Pacing!” pasigaw na tawag ng isa sa mga


kainuman ng kanyang ama.

“Gabi na ah?” Nag-aalalang napabukas ng pinto ng sala


ang mama niya.

Dire-diretso naman ang nasa mid fifties nilang kahera ng


bahay. “Magandang gabi, Samuel at Ilumina. Sa `yo rin, Agatha.”
Pumasok ito nang tuloy sa kanilang maliit na sala.

Napangiwi ang kanyang papa nang salubungin ang


kahera. “Aling Pacing, napadalaw kayo?”

“Maniningil na ako ng utang niyo sa renta, Samuel.”


Umiikot ang paningin ni Aling Pacing sa bahay nila, iniisa-isa ng
kilatis ang mga bagong appliances.

Napakamot sa batok ang papa niya. “Sa katapusan pa


naman ho ng buwan ang napag-usapan sa barangay, `di ho ba?”

Doon lumipat ang paningin ni Aling Pacing sa kanya at


kay Isaac. “E di ba at makakapag-asawa na raw ng mayaman itong

Caught Up So Deep 91
si Agatha? Kalat na kalat na sa hanggang sa kabilang baranggay na
Montemayor ang nadali nitong batang ito. O ayan at may mga
bago na nga kayong gamit. May painom ka pa sa labas.”

“Aling Pacing naman, may bisita ho kami,” nakangiwi na


ang papa niya sa pagkausap sa kahera.

Hiyang-hiya na napayuko naman siya dahil naririnig ni


Isaac ang lahat ng sinabi ni Aling Pacing.

“Nag-aalala lang ako dahil baka mamalayan ko na lang na


umalis na kayo. Baka lumipat na kayo. Syempre nga naman ay
isang Montemayor ang mapapangasawa ni Agatha, alangan
namang manatili pa kayo rito. Syempre, bibili na kayo ng
mansiyon.”

“Aling Pacing, hindi pa po ikinakasal si Agatha,”


mahinahong saad ni Mama na halata sa tinig ang pagtitimpi. “Isa
pa ho, hindi naman po yata maganda na sasabihin niyo ang mga
iyan sa harapan mismo ng mapapangasawa ng anak namin…”

“Kaya nga bayaran niyo na ako,” pagmamatigas ng


babaeng kahera. “Nasa limang buwan ang utang niyo, 35 K lang
naman. Barya lang iyon, ano?” Tumingin ulit ito kay Isaac.

“Aling Pacing…” Inawat niya na ang babae. “Babayaran ho


namin kayo.”

“E di bayaran niyo na nga ngayon. Baka tumakas pa kasi


kayo e.”

Caught Up So Deep 92
Naglabas ng wallet si Isaac. Gusto niya itong pigilan
ngunit hinawakan ni Aling Pacing ang mga kamay niya. Hiyang-
hiya namang napatungo ang mama niya sa tabi. Ang papa naman
niya ay lalo yatang namula ang mukha.

Naglabas si Isaac ng tag 1K bill at hindi na binilang, inabot


na lang basta kay Aling Pacing. Agad naman iyong tinanggap ng
kahera at binilang. “40 K ito! Sobra!”

“Keep it.”

Namilog ang mga mata ng kahera. “Sige. Salamat. Madali


naman akong kausap.” Hinarap na ang kanyang mga magulang at
nagpaalam. “Maraming salamat, Samuel, Ilumina.”

Nang lumabas si Aling Pacing ay hindi makatingin nang


tuwid ang mama niya kay Isaac.

“Salamat nang marami, Isaac…” nahihiyang saad ng papa


niya. Para itong basang sisiw na tiklop na tiklop at nanliliit.
“Pasensiya ka na rin sa mga sinabi ng kahera namin.”

“Ayos lang ho iyon, Papa.”

Muntik na siyang maubo sa itinawag ni Isaac sa papa niya.

Ang papa naman niya ay ngumiti. “Salamat, anak.”


Hinawakan pa nito ang mga kamay ni Isaac at marahang pinisil.
“Salamat.”

Caught Up So Deep 93
“Kailangan na ho naming umalis Agatha para
makapagpahinga na rin po siya, Mama, Papa.”

“P-ngunit... Hindi pa ako nakakapag impake...” sabat niya.


Nagri-rebelde ang kalooban niya.

“You don't have to,” anito. “Nakaready na ang wardrobes


mo sa condo. Inayos na ng personal shopper mo ang mga
gagamitin mo. May stylist ka rin na pupunta bukas para maglista
ng iba pang kailangan mo at ang personal shopper mo na ang
bahala.”

Aangal pa sana siya kaya lang hinawakan na siya ng


binata sa kanyang kamay.

“Aalis na po kami ni Agatha...” paalam nito sa mga


magulang niya.

Napatingin siya sa kamay niyang hawak-hawak nito.


Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na tila ba ayaw na
siyang pakawalan pa. Na para bang tatakasan niya ito.

Seryoso ang mukha nito kaya hindi na lamang siya


umimik pa.

Para siyang papel na basta na lang tinangay ng hangin,


hanggang sa namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng kotse
ni Isaac at patungo na sila sa condo nito sa QC.

Caught Up So Deep 94
Chapter 10
KINAKABAHAN SIYA.

Anong naghihintay sa kanya sa condo nito?

Anong gagawin nila roon kapag sila na lang dalawa?

Anong magiging buhay niya sa piling nito?

Caught Up So Deep 95
Napakatahimik. Sobrang awkward. Parang ibang tao ang
kasama niya sa loob ng kotse, parang hindi niya kilala. Parang
hindi iyong lalaking naging kaibigan niya sa cruise. Iba.

Walang naririnig si Agatha kung hindi ang malakas na


kabog ng kanyang dibdib. Nang lingunin niya sa driver’s seat si
Isaac ay tahimik ito ay seryoso sa pagda-drive. Ang mga mata nito
ay naka-focus sa daan.

Hindi niya alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan


ngayon ng lalaki. Hindi man niya alam ang iniisip nito ay alam
niya na galit ito sa kanya.

Galit ito sa kanya kaya hindi niya maintindihan kung bakit


isinama siya nito. Bakit dadalhin siya sa condo nito sa QC para
magsama silang dalawa.

“May sasabihin ka?”


Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang
boses ni Isaac.

“Ha?” Naramdaman ba nito ang pagkabalisa niya sa


kanyang kinauupuan?

“Kanina ka pa tingin ng tinging sa akin. I can see you from


my peripheral vision,” pormal ang mukhang saad nito.

Pinamulahan siya ng pisngi. Mabuti na lamang at may


pagka dim ang ilaw sa loob ng kotse nito. Saad na nga ba,
nahuhuli siya nito sa pasimpleng mga sulyap niya.

Caught Up So Deep 96
“Come on, Agatha, what is it?” Untag nito sa pananahimik
niya.

“W-wala...”

“Ows?” Sinulyapan siya nito, may maliit na ngiti sa mga


labi.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito.
Nanunuyo na ang lalamunan niya sa tensyon. Ngunit ngumiti si
Isaac, kahit kaunting ngiti lang ay sumapat na.

Bakit nga pala ito ngumiti? Hindi na ba ito galit sa kanya?

“We’re already here Agatha, may magagawa pa ba ako?”


tanong nito na hindi naman nangangailangan ng sagot mula sa
kanya.
Parang may humiwa sa puso niya dahil sa sinabi nito. Kung
ganoon ay tama siya sa mga iniisip niya nang mga nakaraang
araw. Sunod-sunuran lang sa agos ang binata. Marahil ayaw
nitong maitakwil at mawalan ng mana kaya napilitan na lang
itong pakisamahan siya.

Napayuko siya. Naiintindihan niya ito.

Maiintindihan niya rin kung galit pa rin ito. Sana lang ay


dumating iyong oras na makalimutan nila kung saan nagsimula
ang hindi nila pagkakaintindihan. Sana dumating ang oras na
matutunan din nilang pakisamahan ang isat-isa.

Caught Up So Deep 97
He used to love her as his little sister, as his best friend,
matutunan din siguro siya nitong mahalin in the future as his
wife. Willing naman siyang maghintay.

Willing rin siyang gawin ang lahat para mag-work out ang
relasyon nila. Naniniwala siya sa kasal, naniniwala siya na hindi
dapat sila maging estranghero sa isat-isa. Siguro naman ay hindi
siya mahirap matutunang mahalin.

“Matulog ka muna diyan. Gigisingin na lang kita pag nasa


condo na tayo.” Muli na nitong ibinalik ang paningin sa harapan
ng sasakyan.

Sinunod niya ito. Tutal traffic at ang awkward ng hangin sa


pagitan nila, pumikit na lang muna siya at sumandal sa sandalan
ng passenger seat. Mas maigi nang magpanggap siyang natutulog
kasya naman magpanisan sila ng laway ni Isaac.

Hindi na namalayan ni Agatha na nakatulog siya. Nagising


na lamang siya sa mga mahihinang tapik sa kanyang pisngi

“Agatha, we're here.” Boses ni Isaac.

Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata, para lamang


makitang halos wala na pa lang pagitan ang kanilang mga mukha
ng binata.

“I-Isaac!” Agad siyang napatuwid ng upo.

Caught Up So Deep 98
Ayun nagkabungguan pa tuloy sila ng ulo ni Isaac. Hiyang-
hiya siya ng makitang nasaktan ito sa pagkaka-umpugan nila.

“Sorry!”

Himas-himas naman nito ang noo. “Okay lang. Sanay na ako


sa pagiging clumsy mo.”

Napasimangot siya.

“Come on, bumaba na tayo.”

Noon niya napansin ang paligid. Nasa parking lot na nga


sila ng condominium nito. Bumalik ang kaba niya kanina, kung
ganoon magkakasolo na nga talaga silang dalawa ni Isaac!

“We're here at Montemayor Condominium. Nasa Quezon


City na tayo. Pansamantala ay dito muna tayo.” Binuksan na nito
ang pintuan ng sasakyan. “Dito ako tumutuloy kapag nasa Manila
ako.”

Dali-dali naman din siyang nagbukas ng passenger seat


door. Ayaw niyang si Isaac pa ang magbukas niyon para sa kanya.

Sumunod siya rito patungo sa lobby. Ang laki ng building,


ang lawak at ang ganda. Lulang-lula siya dahil para siyang nasa
loob ng isang 5 star hotel. Nang sumakay sila sa elevator ay
pinagpawisan siya kahit malamig naman.

Caught Up So Deep 99
Lalo na nang bumaba na sila. Tensyonada siya at kahit sa
carpet ng hallway ay muntik pa siyang matalisod kanina.

Si Isaac naman ay amused at nangingiti na lang habang


simpleng tinitingnan siya.

Chapter 11

IT WAS A BIG ONE.

Condo talaga ng isang mayamang bachelor. White-walled


and minimalist. Kaunti ang mga gamit na alam niyang lahat ay
mamahalin. Ang leather sofa pa lang, sa tingin ni Agatha ay
lampas na sa 100K ang halaga.

Caught Up So Deep 100


Itinuro ni Isaac sa kanya ang magiging kwarto niya. Agad
siyang pumasok doon at nag-lock. Ni hindi na siya
nakapagpaalam sa binata sa sobrang taranta niya.

Totoo naman pala na may sarili siyang kwarto. Hindi siya


kakabahan masyado. Napangiwi rin siya dahil sa pagpi-feeling. As
if naman desirable siya kay Isaac. Isang beses lang naman itong
natukso sa kanya, noong uminom at malasing lang ito sa sipa ng
lambanog.

Inilingap niya ang paningin sa paligid ng kwarto. Malaki pa


iyon sa buong sukat ng bahay nila sa ibaba, mula sa sala hanggang
kusina. Walang electricfan at sariling TV rito sa loob, ngunit may
malaking split type aircon.

Lumapit siya sa queen size bed na ang cover ay light pink.


Napangiti siya nang damahin iyon ng kanyang palad. Ang lambot
ng texture, ang comfy.

Sumunod siyang pinuntahan ang built in closet na nasa


gilid. Malaki iyon at may anim na pinto. Binukan niya ang isa at
bumungad sa kanya ang ibat-ibang dresses. May mahahaba, may
maiiksi at may ilang balloon type. May mga price tag pa na hindi
niya na tinangkang i-check dahil baka hindi siya makatulog.

Sa pangalawang closet ay mga sleepwears. May


nightgowns, robes, partner na sleeveless and shorts, meron ding
long button-down long sleeve and pajamas, na lahat ay silk at
pastel colors. Wala nang mga price tag ang mga iyon at mukhang
napa-laundry na. Pumili siya ng isang pair ng silk sleeveless at

Caught Up So Deep 101


shorts. Kumuha rin siya ng bagong underwears sa drawer ng
closet saka pumasok sa banyo.

May sariling banyo ang kwarto niya kaya na-enjoy niya ang
pagsh-shower nang walang iniintindi. Pagkatapos maglinis ng
katawan ay nahiga na siya sa malambot na kama. Siguro sa pagod
sa byahe at sa pag-iisip kaya nakatulog siya agad nang
mahimbing.

Hindi na siya nagising kahit pa noong pumasok si Isaac sa


kwarto niya gamit ang duplicate key nito. He just stared at her for
a couple of minutes, at pagkatapos ay umalis na rin.

PAGKA-GISING ni Agatha kinabukasan ay naligo siya kaagad


matapos iligpit ang pinaghigaan. Isang simpleng T-shirt ang pinili
niya at isang fitted jeans sa kanyang pang-ibaba na tinernuhan
niya ng flat color black sandals.

Maganda na siya sa ganoon, at saka niya ipinuyod ang


hanggang balikat na buhok. Neat and simple. Napangiti siya ng
mamalas ang kabuuhan sa salamin. Ito ang simpleng Agatha na
nakilala ni Isaac noon sa barko. Nagpahid lang siya ng kaunting
lipstick at naglagay ng pulbo. May cosmetics na rin kasing
available sa dresser niya.

Dumiretso na siya kaagad sa kusina ng condo ni Isaac.

Caught Up So Deep 102


“Good morning...” mahinang bati niya sa binatang nagka-
kape sa dining.

“Good morning, kumain ka na,” pormal na utos nito sa


kanya. Nakita niyang naka office attire na si Isaac, malamang di-
diretso na ito sa opisina mamaya.

“Okay...” Kumuha siya ng mug niya at saka nagtimpla ng


kanyang kape. Sa gilid ng mga mata niya ay palihim niyang sinu-
sulyapan ang binata.

Paano nga bang naging ganito sila ka-civil sa isat-isa na dati


naman ay hindi? Nakaka-miss tuloy ang mga tawanan nila at
biruan noon.

Wala silang kibuan ni Isaac habang nag-a-almusal sila. Si


Isaac man ay abala na sa pagbabasa nito ng news paper
pagkatapos nitong magkape. Sinamantala naman niya ang
pagkakataon para bumanat ng kain.

Kinuha niya ang garapon ng imported speculous spread na


nasa mesa at saka ipinalaman iyon sa tinapay. Napangiti siya sa
lasa. Masarap. Masarap talaga pag mahal.

“Bilisan mong kumain aalis tayo.” Nagulat siya nang


magsalita si Isaac.

“O-oo!” nauutal niyang sagot. Nakita pala siya nito sa


slowmotion niyang pagkagat sa tinapay. Nakakahiya, ninamnam
niya pa ang pagnguya.

Caught Up So Deep 103


Matapos ang almusal ay inihatid na siya ni Isaac sa sinasabi
nitong magiging tutor niya. Sa isang building sa QC naroon si
Becky Solaiman, isang sikat na fashion consultant at fashion tutor,
etcetera. Nasa mid fifties yata ang socialite at magandang
transgender.

Matangkad si Becky na nadagdagan pa ng suot nitong


stilletos at payat ito. Makapal ang make up sa maliit nitong mukha
subalit sopistikadang tingnan. Burgundy ang kulay ng sobrang
iksi nitong buhok at ang suot naman nito ay amerikanang kulay
pink at super iksing skirt na kulay itim.

Sa boutique ni Becky ay sinalubong siya ng ibat-ibang


tingin ng mga tao. Mula sa mga empleyado hanggang sa mga
ibang clients ni Becky Solaiman. Parang expected na ng mga ito na
darating siya.

Halos malusaw siya sa klase ng mapanuring tingin ng mga


ito. Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit sa isang kagaya niya
lamang bumagsak ang isang Isaac Montemayor.

Pakiramdam niya'y isa siyang specimen na nasa ilalim ng


pagsusuri. Bigla tuloy siyang nanliit at nagsisi kung bakit
simpleng jeans at T-shirt lang ang isinuot niya.

Simpleng white t-shirt, ngunit Balmain, and her jeans,


Calvin Klein. Sa paahan niya ay flast sandals na Christian
Louboutin. Okay na rin pala kahit simple dahil designers brand
naman.

Caught Up So Deep 104


“So, she's the lucky girl, Isaac?” Lumapit si Becky sa kanila.
Sinalubong sila pagpasok sa glass door ng boutique.

Pinamulahan naman siya ng pisngi.

“Please, take care of her, Becky. Babalikan ko siya


mamaya.”

“Sure, Isaac.”

“I'll go ahead.” Tiningnan siya ni Isaac. “Be good, Agatha.”


Iniwanan na siya nito nang ganoon lang.

“Shall we?” malambing na yaya ni Becky sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang kay


Becky papasok sa isang glass door kaysa matusta siya sa titig ng
mga empleyado nito sa lobby ng boutique.

Magiliw naman si Becky sa kanya at mukha namang hindi


lang siya nito pina-plastic lang. Professional ito nang magsimula
na sa pagtu-tutor sa kanya.

Monday to Friday ang class niya with Becky. Five hours a


day. May tatlo itong assistant na tutulong sa pagtuturo sa kanya
ng proper etiquette for elite class people.

Meron ding bukod na private tutor ng English 101 na


tuwing Thurday and Friday lang, additional two hours. Ngayong

Caught Up So Deep 105


araw ay Dining Etiquette raw ang lesson nila. Paano higupin ang
soup, appropriate dressing as per occasion and placing the
cutlery right. Hindi siya mahihirapan dahil napag-aralan niya na
ang iba roon sa kanyang HRM course.

“Relax, darling.” Magaan ang ngiting hinaplos ni Becky


ang kanyang balikat. “You are a natural beauty.”

May tinawag itong dalawang babae. Bago raw mag-start


ang lesson niya ay ipa-pamper muna siya. Sasailalim siya sa
whole body scrub, nag-facial and foot spa rin siya at pagkatapos
ay manicure and pedicure.

Umandar ang oras na na-enjoy niyang talaga. Natapos din


ang first lesson niya nang maayos. Habang hinihintay ang
pagsundo sa kanya ni Isaac ay pina-make over siya ni Becky sa isa
sa mga professional beautician nito.

Kasabay ng pagmi-make up sa kanya ay ang pagha-hot oil


sa kanyang buhok. Ang dating hanggang bewang niyang buhok ay
pinutulan na hanggang sa balikat. Bumagay iyon sa kanya.
Natural make up naman ang inilagay sa kanyang mukha. Bahagya
ring inahit ang kanyang kilay para maging aristokrata nang kaunti
ang kanyang malambot na aura.

Kahit may umaasikaso sa kanyang beautician ay hindi


siya iniiwan ni Becky. Talang ina-assist siya nito sa lahat.
Lumampas sila sa five hours at inabot na ng gabi.

Caught Up So Deep 106


“Ang babagay sa `yo ay mga light colors na damit.” Inisa-
isa ni Becky ang closet na nasa loob ng boutique. Ipinili siya ng
mga bagay sa kanya at isa-isa iyong ipinasukat.

Lahat ay hakab sa kanyang balingkinitang katawan. Bagay


naman sa kanya, kaya lang ay gusto niyang i-protesta ang medyo
sexy na tabas ng mga damit. Sinubukan niyang sabihin kay Becky,
ngunit ang saad lang nito ay dapat masanay na siya.

Mahigit ten dresses ang pinili ni Becky sa kanya at saka


iyon ipinabalot sa mga tauhan nito sa boutique. Halos malula siya
ng malaman ang presyo ng lahat ng iyon.

“Five hundred thousand pesos?!” gulat na sambit niya.


Nilipad na yata lahat ng saya niya kanina.

Tumawa naman nang mahina si Becky. “My darling


Agatha, maliit pa iyon. You don’t have to worry about the price,
okay? You know, may deposit na ten million ang soon-to-be
husband mo sa akin. Uubusin natin iyon para sa `yo.”

Hindi na siya nag-usisa pa. Basta the whole time ay tulala


na lamang siya.

“We’re done for today, darling. Your prince charming is


now on the way to fetch you.” Nanunudyo ang himig nito nang
lapitan siya around 8pm.

Pinamulahan naman siya ng pisngi. Ano kayang magiging


reaction ni Isaac kapag nakita siya?

Caught Up So Deep 107


Ang suot niya ngayon ay isang semi fitted above the knee
sleeveless color white Chanel tweed dress. Sa paahan naman ay
Christian Dior white heels.

Tumawag ang staff ni Becky sa lobby na naroon na raw si


Isaac. Tinatambol ng kaba ang dibdib niya nang lumabas na sila.
Nakatayo si Isaac sa harapan ng malaking glass window nang
puntahan nila ito ni Becky.

“Isaac, your fiancée is here,” tawag ni Becky sa pansin ng


lalaki.

Nang humarap si Isaac sa kanya ay saglit itong napatanga.


Siguro ay nanibago sa ayos niya. Ngayon lang siya nito nakitang
naka-dess at naka-make up.

“What can you say?” Lumapit si Becky.

Isang tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ng binata


rito.

Bigla tuloy siyang nalungkot. Hindi ba okay kay Isaac ang


bago niyang anyo ngayon? Tahimik na lamang siyang lumulan sa
kotse nito matapos magpaalam kay Becky.

“How’s your day with Becky?” tanong nito habang nasa


pagda-drive ang atensyon.

Caught Up So Deep 108


Sa tono ni Isaac ay parang wala naman itong interes,
parang itinanong lang nito iyon sa kawalan ng sasabihin.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga


bago niya ito sagutin. “Okay lang naman. Mabait si Becky.”

“Well, that's good to hear.” At hindi na ito nagsalita pa


ulit.

Nanahimik na lamang rin siya sa upuan niya. Ano pa nga


ba ang ini-expect niya kay Isaac ? Mabigat tuloy ang pakiramdam
niya sa buong biyahe pauwi ng condo.

HUMINTO sila sa isang expensive resto para mag dinner.


Nangangatog pa nga ang tuhod niya ngunit sinikap niyang hindi
siya mawalan ng poise. Magna-nine na at gutom na siya. Nagutom
siya sa mga pinagagagawa niya sa boutique ni Becky.

Nagulat siya nang malamang nakapapa-reserved na pala


ang binata ng table para sa kanilang dalawa. Kanina pa ito
nakapag-book. Date ba ito?

“Steak iyong well done and aburi sushi please. Make it for
two,” ani Isaac. “And whiskey for drinks.”

“Right away, Sir, Ma’am,” Magalang na sagot ng waiter.


“Brand for whiskey if you have anything in mind?”

Siya na ang bida-bidang sumagot. “Canadian Club.”

Caught Up So Deep 109


Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang ngiting
sumilay sa mapupulang labi ni Isaac. Napangiti na rin siya nang
bumaling siya sa binata.

Nang maakalis na ang waiter ay mas lalong napa-ngiti si


Agatha nang biglang magsalita si Isaac.

“You're beautiful tonight...”

Pakiramdam niya'y biglang nagwala ang puso niya sa


loob ng kanyang dibdib.

Chapter 12
“`TAPOS KA NA BANG KUMAIN?”

Napansin ni Isaac ang pagtusok-tusok niya sa karne.

“You didn’t like it?” Salubong ang kilay nito habang


pinapanood ang pagkain niya, or ang pagdu- double dead niya sa
steak.

“Okay lang naman...” nabibilaukang sagot niya. Hindi niya


masabing hindi niya type ang steak.

Caught Up So Deep 110


Umiling-iling si Isaac. “Oh, I forgot na hindi ka pala mahilig
sa karne. Bakit kasi iyan ang in-order mo?” Naalala pa pala nito
noon nang nasa barko pa siya ay hindi siya nakakakain nang
maayos kapag inililibre siya nito sa mga resto roon. Hindi talaga
kasi siya mahilig sa karne.

Namula ang pisngi niya. “Eh ganito kasi ang halos lahat ng
kinakain ng mga tao rito...”

Lalo namang napasimangot ang binata. “Tsk, kailan ka pa


dumipende sa iba?”

Sabagay, never naman talaga siyang dumipende sa iba.


Kung anong gusto niya ay iyon ang ginagawa niya... Nagbago lang
ang lahat ng masadlak sila sa ganitong sitwasyon ni Isaac.

She wanted to please him. Gusto niya kasing maging


perpekto para kay Isaac.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may isang sexy at


magandang babaeng lumapit kay Isaac. “Oh gosh, is that you,
Isaac?”

“Annie?”

Nabitiwan niya ang tinidor nang marinig ang pangalan ng


babae. Annie? Si Annie Chua ba ito? Iyong picture sa wallet ni
Isaac?

Caught Up So Deep 111


“Hi, honey!” Naupo ang babae sa katabing silya ng kay
Isaac. “Fancy meeting you here!” Napakatamis ng ngiti nito.

Namilog ang mga mata niya ng makitang hahalikan ni


Annie si Isaac.

“Hey—” Kahit si Isaac ay nagulat din, umiwas agad ito.


Saglit pa itong napatingin sa gawi niya. Nag-iwas siya naman siya
agad ng tingin.

“Oh, I just miss you! Dalaw ka sa house sa Sunday, huh?


Uuwi sina Daddy from Paris. I'll introduce you to them.” Nahinto
lang ito sa kakadakdak ng mapatingin sa gawi niya

Agad na nangunot ang makinis nitong noo.

“Who’s she?”

“She’s Agatha. My fiancée.”

Umangat ang paningin niya nang marinig ang sinabi ni


Isaac.

“Hey? Are you fucking kidding me?!” Tumaas ang boses ni


Annie, sa sosyal pa rin naman na paraan.

“No, babe. Actually, our wedding is on the end of the


month.”

Babe? Sa harapan niya tinawag na babe ni Isaac ang babae?

Caught Up So Deep 112


“B-but...” Lumungkot ang magandang mukha ni Annie at
saka ito tumitig nang matiim kay Isaac. “You told me na wala kang
balak mag-asawa? You value your freedom more than anything...”

Tumikhim si Isaac. “Let's talk some other time, okay?


Nagdi-dinner pa kami...” malambing na saad nito sa babae.

“Oh!” Napa-irap naman si Annie sa gawi niya. “Just give me


a call...” Tumayo na ito.

“Sure.”

“Bye, Isaac... and bye, Agatha.” Ngumiti ito sa kanya na


hindi niya alam kung totoo ba o peke.

“Bye...” sagot naman niya. Ngunit iyong pakiramdam na


para kang may bara sa lalamunan.

Tinalikuran na sila nito at pakendeng-kendeng na bumalik


sa kung saang lupalop man ito nanggaling.

Lalo na siyang nawalan ng gana na kumain. Kibuin dili niya


si Isaac. Kaya heto, ang steak na naman ang pinagbuntunan niya
ng asar niya.

Hanggang sa kotse pauwi ng condo ay wala silang kibuan.


Kahit sa loob ng elevator paakyat ng building ay tahimik sila.

Caught Up So Deep 113


“Bukas maaga ka ulit kay Becky,” saad ni Isaac bago siya
pumasok sa kwarto niya

( Beware of fake copies circulation online. Mostly in


some FB Softcopies Groups. There’s a fan made stories of
M.Saga under JF’s name, claiming to be the original one. DO
NOT BE CONFUSED.)

Tinanguan niya lang ito. Papasok na siya sa kuwarto niya


nang tawagin ulit siya ni Isaac.

“Ah, Agatha...”

Lumingon siya.

Ngunit umiling ang binata. “Nothing.”

“Okay, matutulog na ako.

“Alright. Matulog ka na...”

NANG makapagbihis na siya at nakahiga na sa kama ay bigla


siyang napa-isip. May gusto kayang sabihin kanina si Isaac? Ano
kaya iyon? About that Annie ba?

Biling-baliktad siya sa higaan. Hindi siya dalawin ng antok,


kaya naisipan na lang niyang magtungo sa kusina para magtimpla
sana ng gatas.

Caught Up So Deep 114


Pagbukas niya ng pinto nang kwarto ay laking gulat niya
nang makitang nakatayo roon si Isaac.

“I-Isaac!” Muntik niya pa itong mabangga.

Kailan pa ito nakatayo sa labas ng pintuan niya? Saka bakit


hindi man lang ito kumatok?

“Hi,” bati nito sa kanya.

Napalunok siya. “H-hindi ka pa natutulog?”

“Obviously.”

Tumango siya. Pinasadahan niya ng tingin si Isaac. Naka T-


shirt ito na kulay puti at sweatpants na kulay itim yata o maroon.
Dim light kasi dahil walang ibang nakabukas na ilaw kundi ang
lampshade na nasa gawing gilid ng kama niya.

“Can I come in?” Husky ang boses nito. Ito naman ngayon
ang nagpasada ng tingin sa kanyang kabuuhan. Ngunit huminto
ang tingin nito sa gawing dibdib niya.
“Ha?” Pinamulahan siya ng pisngi ng matukoy kung saan
ito nakatingin.

Wala pala siyang suot na brassiere sa loob ng kanyang baby


pink silk sleeveless. Ang kanyang dibdib ay mayabang sa paningin
ni Isaac.

Caught Up So Deep 115


Ngunit ang higit na ikinagitla niya ay nang tuluyan na
ngang pumasok sa loob ng kuwarto niya ang binata. Ni hindi na
nito hinintay na sumagot siya.

“Isaac!” Napaatras siya kasi kung hindi ay tatama siya sa


matigas na dibdib nito.

“Hindi ko alam kung ano ang naganap sa atin ng gabing


iyon. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko iyon sa `yo Agatha.
You were my best friend. Pero nangyari na ang nangyari. Naiinis
ako sa sarili ko because I was so drunk then at wala talaga akong
matandaan...” Namumungay ang mga mata nito.

“Isaac...” Ilang beses siyang napalunok. His face was now so


close to hers that she could almost feel his hot and minty breath
fanning her face.

“Maliban sa...” Huminto ito sa pagsa-salita nang mapatitig


ito sa mga labi niyang bahagyang nakaawang.

“Ha?”

“Sa lasa ng mga labi mo... And I wanna taste it again.”


Ngumiti ang binata at saka inisang hakbang ang pagitan nilang
dalawa.

“Isaac!” Huli na para itulak niya ito.

Caught Up So Deep 116


Hinuli nito ang mga labi niya at hinalikan nang mainit at
mariin. He opened her lips with his hot and wet tongue, invading
her passionately.

‘Isaac...’ bulong ng puso niya.

A torrent of emotions coursed through her body. Her eyes


closed, her body trembled with need as her senses opened.

Napasinghap siya nang bumaba ang halik ng binata sa


kanyang leeg. His lips caressed her neck and shoulders. Wala na
siya sa tamang katinuan nang tuluyan na siyang buhatin ng binata
at dalhin sa kama. Nang dumagan ang bigat nito sa kanya ay
napapikit na lamang siya.

She missed him so much... And she wanted him more than
ever.

Walang salitang namagitan sa kanila subalit mas


lumamang ang aksyon sa buong magdamag.

Ilang ulit pa siyang nagising sa mga halik ni Isaac at sa


paulit-ulit sa loob ng gabing iyon ay inangkin siya ng lalaki, at
paulit-ulit siyang nagpaubaya rito.
PAGISING kinaumagahan ni Agatha ay wala na si Isaac sa tabi
niya. Gayon pa man ay may ngiti siyang bumangon sa kama.

Parehas silang nasa katinuan kagabi, wala sila sa


impluwensiya ng alak o ano pa man. It may be the start for them.

Caught Up So Deep 117


Nagmamadali ang mga kilos niya nang makitang mag-a-
alas diyes na pala ng umaga. Sa sobrang pagod niya, tinanghali na
siya nang gisng.

Pumasok na siya sa banyo at naligo. Isang kulay peach na


summer dress ang isinuot niya at coach na pink semi rubber
shoes. Ang ganda ng kinalabasan sa kanya ng kombinasyon.

Nagka-kape sa mesa si Isaac nang puntahan niya sa dining.


Nakasuot ito ng black V-neck shirt na pinapatungan ng grey tux,
sa pang-ibaba ay fitted denim jeans. Malayo pa lang siya ay
naaamoy niya na ang mabango nitong men’s cologne and
aftershave. Kung hindi lang nakakahiya ay gusto niya sana itong i-
kiss.

“Hi…” bati niya rito.

“Kumain ka na. I'll wait for you in the living room.


Sasabihin ko na lang kay Becky na mali-late ka today,” neutral ang
boses na sabi nito na hindi man lang siya tinapunan ng sulyap.

Bumagsak ang balikat niya. Bumalik na naman sa dati si


Isaac. Malamig na naman ito na tila ba walang nangyaring kakaiba
sa kanila kagabi.

Caught Up So Deep 118

You might also like