Professional Documents
Culture Documents
May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Isang
gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.
Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay
husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales
para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na
yari na ang dalawang pares na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na
pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.
Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.
"Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?"
alok ng babae.
Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na kurtina
para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok
sa bintana ang dalawang kalbong dwende.
"Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao."
"Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi."
Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging dwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa likod ng
kurtina.
Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa
kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.
Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang tumalon sa bintana
na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang dwende ngunit
nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti sa utang na loob.
Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. Umiiyak ito tuwing
lumulubog na ang araw sa kanluran. Nais niyang makita ang
kanyang mga magulang na matagal nang nawalay sa kanya. Dahil
naman sa pagkakagalit ng mag-asawa hindi na sila nagsamang muli.
Kung araw lamang makikita si Araw, kung gabi naman makikita si
Buwan.
Himala sa Kapaskuhan
May isang balon na kaniyang nadaraanan Patakbong umuwi si Raul, at nakita niya
sa pagbagtas sa kagubatan. Ito raw, ayon ang naghihintay niyang ina. Ito ay
sa sabi, ay pinagmumultuhan. Kung ikaw magaling na at parang hindi nagkasakit.
raw ay magdaraan at di maghuhulog sa
balon ng barya ay may hahatak sa iyo sa Nang nakapag-usap ang mag-ina ay
balon at di na muling makalalabas. sabay silang nagtungo upang magdasal ng
pasasalamat. Sila ay hindi sa katedral
Nang malapit na siya sa balon ay nagtungo kundi sa lumang simbahan.
nakarinig siya ng halinghing, isang
hinaing. Naalala niyang hindi Nang sila'y pumasok sa simbahan ay
nakapagdala ng barya panghulog sa halos nasilaw sila sa liwanag na
balon. Natakot si Raul at tumakbong nagmumula sa altar.
palayo.
Sa ganoong pangyayari ay naging
Subalit siya'y nadapa sa lugar na malapit maganda ito tulad sa katedral.
sa balon. May narinig siyang boses ng
isang bata. Anito: "Tulungan mo akong "Raul, bakit ganoon ang liwanag? Paano
makaahon dito. Ibigay mo sa akin ang at bakit ang isang kandilang munti ay
iyong kandila upang makita ko ang aking makapagbibigay ng ganoong liwanag?"
lalabasan." ang pasigaw na tanong ng ina ni Raul.