Isang araw may isang mahirap na sapatero, siya ay may materyales
nna para lamang sa isang pares ng sapatos. Kinagabihan, ginupit at
inihanda na niya ang mga materyales para gawin ito sa umaga. Kinaumagahan, laking gulat niya na makita ang sapatos na yari na at mahusay ang pagkakagawa nito. Dahil sa husay ng pagkakagawa, madali niya itong naipagbili kaya't nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares naman na sapatos. Pagbalik sa kanyang tahanan, inihanda na niya muli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Kinaumagahan paggising niya nakita niya muli na yari na ang dalawang pares ng sapatos. Kaya agad niyang ipinagbili ito, nang mabili ang dalawang pares ng sapatos bumili naman siya ng mga gamit para sa apat na pares ng sapatos. Inihanda niya muli ang mga ito sa ibabaw ng lamesa upang magawa niya sa umaga. Ito na naman ang nangyari, tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero. Kaya't napatanong ang sapatero sa kanyang asawa, "Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,". "Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?" sagot nito. Kinagabihan, nagkubli ang mag-asawa sa likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong duwende. Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Kumakanta at sumasayaw ang mga ito habang gumagawa, pagkatapos magawa ang mga sapatos, mabilis silang tumalon sa bintana. Dito nalaman ng mag-asawa na mga duwende pala ang tumutulong sa kanila. Kaya nakaisip ang asawa ng sapatero na ipagtahi ang mga duwende ng pantalon at baro bilang pasasalamat. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nagtago uli sila sa likod ng kurtina. Tuwang-tuwa ang mga duwende nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga