You are on page 1of 4

Ang Sapatero at ang mga Duwende

May isang sapatero na ubod ng hirap at may


materyales lang para sa isang pares na sapatos.
Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga
materyales para gawin sa umaga ang sapatos.

Anong laking gulat niya nang magisnan niya


kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay
husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili
niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales
para sa dalawang pares.

Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa


kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na
yari na ang dalawang pares na sapatos.

Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares.
Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.

Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.

“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,” tanong niya sa asawa.

“Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?” alok ng
babae.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na kurtina para
makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana
ang dalawang kalbong duwende.

Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na


parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din silang
tumalon sa bintana.

“Mga duwende pala!” sabi ng babae. “Kay babait nila, ano?”

“Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao.”

“Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi.”

Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila
iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.

Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang tumalon sa bintana na
suot ang mga bagong damit.

Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng
mag-asawa na marunong gumanti sa utang na loob.
Aral:

 Maging mabuti sa kahit na sino at matutong tumanaw ng utang na loob.


Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating. Kung
sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating. Kung
sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin kaya
naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang polo.
Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil
tila giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis ang damit ng
lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang
taong iyon.”

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalaki. Dinagdagan pa ng araw
ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat ang mga butones ng
polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.

Aral:

 Iwasan ang pagiging mayabang. Kadalasan ay wala itong mabuting naidudulot kanino man.
 Mas mainam sa tao ang may kababaang loob at hindi nagmamalaki. Higit siyang kapuri-puri kaysa taong
maraming sinasabi ngunit kulang sa gawa at wala namang silbi.
 Maging matalino sa bawat desisyong gagawin. Pag-isipan muna ng mabuti at makailang beses bago gumawa
ng desisyon upang hindi ka magsisi.

You might also like