You are on page 1of 2

(Juan Tamad) Nagsimula ang lahat nang bumiyak ang isang kawayan at lumitaw ang dalawang unang tao,

si Malakas at si Mahina. Nagkaroon sila ng maraming anak, na sinumulan ng lahat ng lipi ng Pilipino. Isa sa mga kaapu-apuhan nila si Juan Tamad. Si Tata Selong Matangkad at Aling Bertang Pandak ang mapalad na naging magulang ni Juan. Isang araw, umuwi na galit na galit si Tata Selo sapagkat nakalimutan na naman ni Juan ang kaniyang mga tungkulin at gawain sa kanilang bukirin. Nakalimutan niyang linisin at pakainin ang kanilang kalabaw. Wala talagang kuwenta yang anak mo na iyan! ang sabi ni Tata Selo sa kaniyang asawa. Wala na ngang itinutulong, nagiging pabigat pa! Hindi na nga naglilinis ng bahay, nagkakalat pa! Mas mabuting hindi nalang tayo nagkaanak kaysa naman na ganyan ang magiging anak natin! patuloy na sabi ni Tata Selo. Hindi niya alam, nasa may pintuan lamang si Juan noon. Narinig niya ito lahat. Lumayas si Juan dahil sa sakit na nadarama mula sa kaniyang mga narinig. Hindi na niya napansin ang kaniyang nilalakaran. Nadali ang paa niya sa isang batong nakaharang. Nadapa siya at tumama ang ulo sa lupa. Nawalan ng malay si Juan sa pagkakabagok ng ulo niya. Nang nagkaroon na siya ng malay, isang babae ang una niyang nakita. Sino ka? ang tanong niya sa babaeng nakabantay at nakatingin sa kaniya. Ako si Mariang Masipag tugon ng babaeng ito. Nakita ko kayong nakaratay sa kalsada kagabi. Ginigising ko kayo ngunit hindi kayo bumabangon. Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko upang buhatin ka papunta dito. Mukhang maamo naman ang iyong mukha kaya hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka. ang patuloy na sabi niya. Makalipas ng ilang araw, lubos na gumaling na ang sugat ni Juan ngunit ayaw parin niyang umuwi sa kanila. Dahil tamad si Juan, lagi siyang kinaiinisan ni Mariang Masipag. Ngunit kahit naiinis siya, mahaba parin ang kaniyang pasensya sa kaniya. Tinuruan ni Maria si Juan ng mga gawaing bahay. Upang mapasaya si Maria, lahat ng ito ay ginawa niya ng buong puso. Araw-araw ay unti-unting sumisipag si Juan, ngunit hindi lang niya ito namamalayan. Juan, maari ka bang pumunta sa bayan at bumili ng mga gulay na lulutuin ko hiling ni Maria sa nagwawalis na binata. Papunta si Juan sa bayan, nabalitaan niya sa mga nandoon na nagkasakit ang kaniyang ama. Walang nagawa si Juan kundi bisitahin si Tata Selo. Nanumbalik ang sigla ni Tata Selo ng makita ang kaniyang naglayas na anak. Nanibago ang mga magulang niya sapagkat ang mga gawaing bahay na datiy hindi niya ginagawa ay inaasikaso na niya ngayon. Maganda ang naging impluwensiya ni Maria sa kaniya. Nalaman ng mga magulang ni Juan ang lahat ng mga nangyari sa kaniya. Gustong makilala ng mga magulang niya ang naging dahilan ng kasipagan ni Juan.

Nagustuhan agad nila si Maria nang una nila siyang nakita. Pinagtulakan nilang pakasalan ni Juan si Maria dahil parehas naman silang masaya sa piling ng isat-isa. Nagtuloy-tuloy na ang pagiging masipag ni Juan. Hindi na siya umaasa sa iba at dahil kay Maria ay nagkaron na siya ng dahilan upang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.

You might also like