You are on page 1of 7

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na

leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay


nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang


daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog


mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong
likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang


pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot
ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay


kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang
mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na
ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa


lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang
leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa
lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang
kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya),
tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?”
Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar
ni Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay
makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang
tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at


ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-
Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo
sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat
niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko


sa’yong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa
plasa sa susunod na Linggo ng hapon.”

Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang


humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.

“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”

“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya


na mas malalaki pa sa akin.”

Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay


nasisiraan ng ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong


mag-isa! Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at


ipinaalam sa mga ito ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na
kumuha ng tig-isang pamalo na may habang tatlong dangkal at pumunta sa
plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang
mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno kaya
ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na


ang mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na
naghihintay sa kanila. Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang
hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga
gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na
nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na
humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng
mga ito.

Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng


kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan
ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-
Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-
Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng
pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng
pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na
kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas
ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari
hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi
makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na
patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit
simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga
alitaptap.
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng
taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng
taniman at sinabing, “panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan
tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani
bukas!”

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang


lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi,
matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang
patayin!”

“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga
kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang
mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak
ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!”
“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa
kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, “kung
sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipag-sunod ang mga iyon!
May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi
maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing,
“bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala
tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at


sinabing, “kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat
tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi
ang kanyang sarili!”

THANK YOU! GOD BLESS!

You might also like