You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Langgam

Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na sobrang


sipag. Mula ama hanggang sa ina at mga anak ay makikitang
nagtatrabaho na sila pagsikat pa lang ng araw. Marami ang
naiinggit sa samahan ng mag-anak dahil lahat ay nagtutulungan.

Ang kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya


naman kapansin-pansin ang tuwina ay masagana nilang ani.

Sa kabila ng masaganang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod ang


mag-anak. Habang gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo
silang sumisipag.

"Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad," madalas ay payo ng


matatanda sa iba.

Nagkaroon ng tag-gutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na


baha ang mga pananim. Karamihan sa mga taga-roon ay hindi
nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang
makapagtatanim.

Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak.


Hinati nila sa mga kababayan ang mga pagkaing inipon nila.

"Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi


inaasahan," anang ama ng pamilya. "Maging aral sana sa lahat
ang pangyayaring ito."

"Napakayabang mo naman," wika ng isang lalaki na minasama ang


narinig. "Nakapagbigay ka lang ng kaunti ay ang dami mong
sinabi."
"Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho
tayong maging handa sa panahon ng pagsubok,"

"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa


sa inyo!" diin ng lalaki.

Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda.


Sinabi nito na mas kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-
away.

Hindi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto


ang lalaki na dahil makitid ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi
ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na humantong sa kamatayan
ng mag-anak.

Nagluksa ang buong bayan.

Nanghinayang sila sa pagkawala ng pamilyang nagbukas sa isip


nila sa halaga ng kasipagan.

Ilang buwan makaraang mailibing ang mag-anak, dalawang


matanda ang dumalaw sa nasunog na bahay.

Agad ay napansin nilang ang isang grupo ng maliliit na insektong


namamahay sa isang bahagi ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at
bawat isa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.

Nagkatinginan ang dalawang matanda. Alam nilang ang mga


insektong iyon ay ang masisipag na mag-anak. Tinawag nila itong
mga langgam.

You might also like