You are on page 1of 12

ANG DALAWANG

MAGKAPATID
Gawa ng:
Group 2 (Velasco, Lagoyo, Cajucson, Sila,
Zonita, Flores) 9-Betelgeuse
Sa malayong nayon sa silangan, may nakatirang
dalawang magkapatid.
Tradisyon na sa kanilang bayan na kapag tumungtong sa
tamang edad ay dapat bumukod na sila mula sa kanilang
tahanan.
Bago umalis ay pinabaunan sila ng
kanilang ama ng isang maliit sa sisidlan
na puno g iba’t ibang buto ng mga
pananim, maraming tinapay, at iba pang
pagkain, tolda, saka isang bote ng tubig.
Napagdesisyonan nila na tumira sa isang
lugar na hindi kalayuan sa kanilang dating
bahay.
Ang napili nilang pook ay angkop sa
pagsasaka sahil sa mataba a malawak na
lupain.
Pagkadating ay nagpahinga saglit ang
magkapatid.
Si Nino na panganay sa magkapatid ay
masipag at matiyaga. Naisipan niyang
gumawa ng bahay na maari niyang tirhan.
Sinabihan ni Nino
ang kapatid na
magpatayo na rin
ng bahay para may
matulugan siya
ngunit tumanggi ito
dahil hindi pa daw
sapat ang
kaniyang pahinga.
Natapos na ang
bahay ni Nino
ngunit si Nilo ay
patuloy na
natutulog sa isang
tolda na ibinigay
sakanila ng
kanilang ama.
Nagsimulang maganim si Nino sa lupain na kanilang
tinitirahan. Ginamit niya ang mga buto na ipinabaon
sa kaniya ng kaniyang ama.
Hinikayat niya rin ang kaniyang kapatid na
magtanim ngunit sa muli, tumanggi ito.
Dumating ang araw na naubos ang pagkain na ibinigay ng
kanilang ama sa kanila.
Si Nino ay hindi nagutom dahil mayroon siyang pananim na
maari niyang anihin at gawing pagkain.
Sa kabilang banda, ang tamad na si Nilo ay nagutom dahil
wala na siyang ibang pagkukunan ng pagkain. Hindi man lang
niya kasi itinanim ang mga butong inihabilin ng kaniyang ama.
Pumunta si Nilo sa kaniyang kapatid uang manghingi ng pampapawi
ng kaniyang gutom.
Binigyan siya ng kaniyang kapatid ng makakakain. Mangiyak-ngiyak
na tinanggap ni Nilo ang mga ito.
“O aking kapatid, maraming salamat kapatid. Kung sana ay nakinig
ako saiyo ay hindi sana mangyayari ito. Kung masipag lang sana
ako kagaya mo.”
“Walang anuman. Sana ay natuto ka na mula sa
pangyayaring ito a magbago na,” ani ng panganay.
“Opo kuya, pangakong hindi na ako magiging
tamad simula ngayon at makikinig na ako sa mga
payo mo,” sagot ni Nilo
Magmula noon ay naging masipag na ang
nakababatang kapatid na si Nilo. Nagsisi
na siya sa kaniyang pagiging tamad noon.
Mensahe
Kung ano ang itinanim, siyang aaniin.
Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
Kahit ano pa ang nagawa natin na hindi
maganda, bukas palad pa rin tayong
patatawarin ng ating pamilya gaya ng ating
Panginoong Diyos.

You might also like