You are on page 1of 17

PHILIPPINES

Ang Buhay ni Neneng

Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na kinaya
ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol. Eksaktong alas
diyes ng gabi ay isa nanamang munting tinig ang narinig ng mga taga-baryo, ang tinig ng kasisilang na
batang sanggol na babae. Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang
kanilang malusog na batang babae. Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal,
ngunit kung minsan ay nakakalimutan ni Neneng ang pagtitimpi.kung kaya napapasumo ito sa away.Si
Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa baryo na iyakin hanggang sa ito ay lumaki, iyakin parin
ito. Lumala pa ang pagka-iyakin ni Neneng ng ang kanyang tatay ay umalis at pumunta sa malaking
ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay ang pamilya ay naibigay parin ng mga
magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Isang umaga, ng si Neneng ay pagising palang
para maghanda sa pagpasok ay bigla lang siyang pinigilan ng kanyang nanay, nabigla si Neneng akala
niya ay may lakad sila ng Nanay.Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna,
inaantok kapa kasi eh! Neneng: eh paano po yung pasok ko nay? Nanay : wala naman kayong eksam
ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga ka naman. Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon
ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako. ( patuloy na natulog) Nang magisin g si Neneng ay
tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit lahat ang kailangan iligpit ay nagtungo ito sa
labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay. Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay.
Hanggang sa nakarating sa mga kapit-bahay ngunit di parin nakita ang kanyang Nanay.) Nay! Nay!
(paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain) Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat
wala pa ditto? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!! Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh! `Nanay : hala sige
pumanhik na kayo at para makakain na tayo. Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng
konting kape at asukal, sabay hapag sa dalawang piraso na tianapay. Nanay : hala sige at kumain na
kayo Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay si
nanay kaya, naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya nalang ng nanay
ang lahat ng pagkain sa dalawa. Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako. Neneng : Ako rin.
Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay. Neneng: Nay! Papel nalang kasi
tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda ninyo. Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi
di pa tayo nakakabayad sa kanila. Kuya; ah sige lang. Buong araw na walang bigas ang mag-ina.
Nagluluto nalang ang nanay ng saging upangpampatawid gutom sa kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan
ay humingi ang dalawang bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala silang bigas kaya ginawa
nalang niyang remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at ginawang lugaw
para lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi ito
makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising ng nanay ang
kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain. Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng
mag-ina. Di pa nakabangon ang mag-iina ay dumating ang tatay ni Neneng at may dalang maraming
pagkain.Dali-daling bumangon si Neneng at ang kuya upang kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng
luha ng Nanay. Nagtaka si Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro dahil di lang nakayanan ni Nanay
ang hirap ng buhay. Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na
maubusan sila ng bigas sa hapag-kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga
pagsubok. Ngunit, isa pang dagok ang dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing galling ang
pamilya sa birthday party ng Lola ay biglang nadisgrasya ang nanay na siyang naging dahilan sa
pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging mahirap ang buhay nila Neneng. Isang araw na
kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang: Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na
ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa niya kaya.at si kuya naman ay tutulong din sa gawain ditto.
Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay? Tatay; Oo! Si Neneng ang lahat na gumagawa sa

gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay tuwing gabi sa pag-ihi ng nanay kapag wala ang tatay.
Doon naranasan ni Neneng ang hirap ng trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan ay napapaliban sa klase
si Neneng kasi walang magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho. Sa pagkakataon
ding yaon ay naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa
nanay.Gabi-gabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa panginoon na
naway tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok na naranasan. Umiiyak na lamang ng sekreto si
Neneng dahil ayaw biyang makita siya ng kanyang pamilya na umiiyak. Hindi naman nagtagal ay dininig
ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging maayos ang kondisyon ng nanay.
Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito sa kama. Nang tuluyan na ngang gumaling
ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman ang natanggap ng pamilya. Tatay ; Natransfer ako sa
kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati. Nanay : Talaga? Tatay ; madadaragdagan na ng
malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag na tayo. Nanay : Oo nga at malaki din ang
matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating buhay. Oo ngat di masyadong malaki ang
kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo ngunit dalawang taon lang kasi nakabuntis. Si neneng naman ay
kasalukuyang nag-aaral at sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-aaral. Si bunso naman ay
nag-aaral din sa hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at di man niya
masyadong na eenjoy ang buhay ng bata ay di naman ibig sabihin ay habang buhay na siyang maging
malungkot. Darating din ang araw na siya ay magiging masayang-masaya..

CAMBODIA
Ang paglilitis
Noong unang panahon sa kaharian ng Cambodia, may isang binata ang umibig sa isang dalaga, sya ay
pumunta sa magulang nito upang sabihin na nais niya itong pakasalan. Gusto ko pong hingin ang kamay
ng inyong anak at kami ay magpapakasal. Ang sabi ng kanyang magulang, kailangan mo munang
dumaaan sa mga pagsubok. Kailangan mo munang ilubog sa tubig na hanggang leeg na nakatali ang mga
paa ng tatlong araw at tatlong gabi. Kahit na ikaw ay nilalamig, hindi ka maaaring gumalaw upang
mapawi ito. Kapag nalampasan mo ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari
mong makuha ang kamay ng aming anak upang magpakasal. At ang binata ay pumayag sa kasunduan at
sya ay tinalian at inilubog sa tubig.
Makalipas ang dalawang gabi at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa, nakita niya ang isang sunog sa
ibabaw ng burol. Sya ang pagod at nilalamig na, itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang apoy sa di
kalayuan. At sa pagkakataong iyon ang magulang ng babae ay bumaba sa may lawa at nakita ang kanyang
ginawa. At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na mainitan ang kanyang sarili sa apoy mula sa malayong
burol at di niya natupad ang isa sa mga kondisyon. At tumanggi silang magpakasal ang kanilang anak.
Ang binata ay nagalit ng dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa mahistrado. Inimbita ng
opisyal ang magulang ng babae at ang hinuhusgahan. Ang magulang ng babae ay pumayag at dahil sila
ay mayaman nagawa nilang magbigay ng mga regalo sa mahistrado. Subalit, ang binata ay mahirap at
walang maibigay sa mahistrado, at ito ay nagbigay ng hatol. ang binata ay di tumupad sa mga kondisyon
ng pagsubok sa pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili. Sya ay natalo sa paglilitis na ito. Hindi
niya maaaring pakasalan ang dalaga. At sa karagdagan, kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa
pamamagitan ng pabibigay ng salo-salo sa ating lahat. Ng marinig ng binata ang nagging hatol, siya ay
nagalit at nabalisa, sya ay umalis na nagrereklamo ng sobrang sakit. Sa kanyang paguwi, nadaan niya ang
hukom na kuneho. bakit ka nalulungkot, kapatid?ang tanong ng hukom ng kuneho. kailangan kung
umalis at maghanda ng isang salu-salo, ang sagot ng binata. ah ang sabi ng hukom na kuneho,
magpatuloy ka at maghanda ng piging; pagkatapos bumalik ka at akoy sunduin at isama sa handaan.
Maaari akong manalo sa kasong ito kung susundin mo ang sasabihin ko. Kapag naghanda ka ng pagkain,
huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw. Ilagay mo ang asin sa ibang putahe.
Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulunga siya ng hukom na kuneho. At sya ay umalis
upang ihanda ang salu-salo, siniguro niyang walang asin ang sabaw katulad ng sinabi nito. At kaniyang
inihain ang salu-salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at sa mahistrado. Nakita ng
mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong tinanong: Kapatid na kuneho, bakit ka naririto?
Naririto ako upang ikaw ay tulungan sa kasong ito ang sagot ng hukom na kuneho. Ahhh ang sabi ng
Mahistrado, Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito kasama naming?
At ng ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado. Dalawang malalaking subo sa sabaw ang
kanyang ginawa at nagsabi, Bakit hindi nilagyan ng asin ang sabaw na ito? ang hukom na kuneho ay
mabilis na sumagot sa kanya, Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng malayong burol mula sa binata ay
ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya. Paanong ang asin para sa sabaw, ng inilagay malayo sa sabaw
ay hindi nagbigay ng lasa dito? Ang Mahistrado ay napahiya at natahimik. Ang kaso ng binata ay agad
na binaliktad at inihayag na nanalo at agad na ipinakasal sa dalaga.

LAOS
Para Sa'yo
Sa kaharian ng Olympus ay mayroong mag asawang nagngangalang Ops at Saturn. Ang
lalakey tinaguriang amat Diyos ng kalangitan, kung kayat hindi maikakaila ang di
matumbasang at maipintang kaligayahan sa mga mukha nang malamang ang
pagmamahalan nilay nagbunga ng mga naggagandahat nagkikisigang mga bata na
pinangalanang hango sa Romano ----- Juno, Vesta, Neptune, Jupiter at Pluto. Ang mga
nagpipitagang mga binatat dilag na ngayon ay mga Diyos at Diyosa kung turingin ng
kanilang henerasyot kaharian sapagkat, silay isa isang susunod sa yapak ng kanilang
amat ina, na kapway taglay ang mga kakaibang angking galling, talinot kakayahan. Nang
biglang pinatawag ang mga itot humarap sa di mahulugang karayom na bilang ng tao na
dumalo sa naturang pagpupulong. At dito na nga inanunsyo ng Amang Haring Saturn ang
mga katungkulang nakalaan sa kanyang mga anak na kanilang obligadong gawin sa patuloy
nilang pagtahak ng kanilang mga buhay buhay. JUNO Goddess of Childbirth and Marriage
VESTA God of Home
NEPTUNE God of the sea
JUPITER Ruler of Gods
PLUTO God of Underworld.,Sa pagdaan ng ilang mga araw mula ng silay bigyan ng mga
katungkulan ay nagsimula na silang sa isang madugong pagsasanay na kung saan ang
kanilang tagapag sanay sa aspetong pilosopiya ay si Aristotle, ang magiting na Siyentista.
Layunin lamang ng mga magulang ng mga Diyos at Diyosa na mas lalo pa nilang
mapayabong, malinang ang kanilang mga abilidad at masubok ang kani kanilang lakas at
determinasyon sa buhay. At sa gitna ng kanilang pagsasanay, ay pansamantalang pinatigil
muna ang mga ito, para sa mahalagang bagay na kanilang pagtutuunan muna ng kanilang
pansin, hindi sa kanilang kaharian, kundi sa mundo ng mga tinatawag na mortal. Nagtaka na
lamang sila sa sinabi ng kanilang ama ngunit nang dumating na nga si Mercury, ang
dakilang Diyos ng mga mensahero, ay hawak hawak nito ang isang kasulatan na
nanggaling sa isang mortal na nagngangalang Eustaquio, isang Vietnamist na ang tanging
hangad nito ay matulungan ang kanilang bansa sa aspetong Agrikultura lalong lalo na sa
pamayanang Hanio na siyang kapital nito. Tinaas ni Haring Saturn ang kanyang kanang
kamay upang matunghayan kung gaano katotoo ang mga ito, at dooy nasilayan ang
patuloy na pagpapatatag ng mga tao sa kanilang sarilit loob sa walang hanggang pananalig
sa kanilang mga Diyos at Diyosa. Sa kanilang patuloy na pagsubaybay sa bansang Vietnam
ay kanilang nasaksihan ang mga hirap na pinagdaanan ng mga ito, lao nat, tanging
pagsasaka lamang ang karaniwang ikinabubuhay ng mga karamihan dito. Walang nagawa
ang mga tao, lao nat kaligtasan rin nilay kanilang pinangalagahan sa araw ng delubyong
iyon, kung kayat ang pagtanggap ng katotohanan na ang tanging sumambay sa kanilang
mga isipan tuwing naaalala nila ang sakit na dulot ng nakaraan na sa kanilay para bang
katapusan na ng lahat. Kung kayat hindi nag atubling tumulong ang mga Diyos at Diyosa,
sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundong ginagalawan. Sa gitna nga ng kanilang
seryosong konversasyon, ay hindi paring maiwasan na magkaroon ng kaunting hindi
pagkakaunawaan ng mga magkakapatid na nagiging sanhi ng awayan ng bawat isa. Ngunit
nang dumating ang Inang Reyna na may hawak na gintong helmet ay nagsitigil ang lahat.
Ang debatehan ay pansamantalang naudlot at minabuti ni Ops na siya na lamang ang pipili
kung sino ang karap dapat na tutungo sa mundo ng mga mortal. Ngunit bago ng pagpiling
iyon ay pinagkaguluhan ang bagay na hawak ng ina. Tinaas ang kamay na kung saan ang
bagay at sabay pagtangos ng kanyang ngoso na tila bay tinuturo sa direksyon na

kinatatayuan ng kanyang anak na si Pluto, na may malalim na inaiisip ang binata. Tahimik
itot para bang may kinikimkim. Binalingan siya ng tingin ng lahat at sabay sinigaw ang
kanyang pangalan, na doon lamang siya nagising mula sa mahabang, day dreaming.
Pagkaraan ng ilang minutong pagdedesisyon ng kanilang amat ina, ay nakapili na rin sila at
si Pluto nga ang siyang susubok upang makuha ang attensyon ng mga mortal upang
magbago. Sapagkat kung tutumpukin natin ay sila o tayong mga tao ang siyang gumagawa
n gating kapamahakan, ang tinutukoy ko ay ang hindi wastong paggamit sa likas na yaman
na siyang kapahamakan, ang tinutukoy ko ay ang hindi wastong paggamit sa likas na yaman
na siyang dahilan ng kakapusan n gating mga pangangailangan sapagkat tayoy lubos nang
umaabos sa Inang kalikasan. Hanggang, dumating na nga oras ng paglalakbay patungo sa
daigdig ng mga mortal, kung kayat siyay ginawang mukhang tao na mas kilala sa
pangalang Claudio upang siyay di mahalatang isa sa mga Diyos ng Olympus. Kasama niya
rin rito ang matalik na kaibigang si Ceres, ang God of Grains, ngunit kaibahan lamang nit
okay Pluto ay hindi siya makikita ng mga mortal, kung baga ay guardian angel lamang
siya ditto ngunit ang hindi malilimutan ng anak ay ang pagpapabaon ng kanyang ina ng
gintong helmet na tanging gagamitin niya bilang gabay at dagdag kapangyarihan ng binata,
ang pagiging invisible Sa kalagitnaan ng gabiy sinimulan na nga ng dalawa ang
pagpapanumbalik sa dating palayan ng mga magsasaka. Ginawan nila ito ng mga ritwal at
dasal sa tulong na rin ng mga ibat ibang kontribusyon ng mga Diyos sa kabilang mundo.
Mag u umaga na ng matapos ito. Sumisikat na ang araw at abala na rin ang mga tao sa
kanilang pang araw araw na Gawain, nang biglang namataan ni Ceres ang isang batang
mataba, maganda at maalon ang buhok ang umaaligid aligid kay Pluto, nang biglang
namukhaan nito na si Kupido, ang batang may hawak na panat taglay ang napaka red rosy
chicks, nang Makita ng binata ang isang bente anyos na dilag, simple lamang siyat lagpas
balikat ang haba ng buhok. Sa gitna ng pagkamanghat pasasalamat ng mga taong bayan sa
milagro ay gumawa na rin ng daan si Pluto na makilala ang dilag na ito, kinausap nito ang
dilag at napag alamang siyay si Cornelia. Sa tinig niyay muling naramdaman ng binata
ang bilis na pintig ng kanyang puso na para bang matutunaw na siya sa malamyos at mala
anghel niyang tinig, mala diyamanteng pagngiti, mula sa paglakad ng isang batikang
modelo, hanggang sa balangkinitan niyang katawan, mula sa malabituin niyang mga mata
hanggang sa wariy gabi niyang buhok, siguradong wala ka nang hahanapin pang ibang
katulad ni Cornelia. Kung kayat sa puntong yun ay hindi na pinakawalan ni Pluto ang dilag
ngunit nang dumating ang oras ng kanyang tuluyang pag alis ay hindi maipinta ang
pagkadismayang nararamdaman ng binata, ngunit nag iwan ito ng halik sa pisngi ng
binata. Kung kayat gumawa ng paraan si Pluto na masubaybayan ang bawat kilos at galaw
ng dilag, nang biglang naalala ang bigay ng kanyang ina, ang helmet6. Sinuot niya itot nag
mistulang stalker na siya ng itoy kanyang sinundan at pinagmamasdan araw araw,
ngunit ayon nga sa kanya, di balet akoy mapagod, maisakripisyo ko lahat ng akin,
basatat Makita ko lang siya makapiling para sa aking iniirog kaya kong gagawin ang lahat
kahit buhay ko pa ang siyang kapali Hanggang ang gitna ng katuwaan at kasiyahan sa
araw ng kapistahan ng bayang Hanoi ay pansamantalang tumigil nang biglang sinugod ng
mga grupong magsasakang ralehista ang Alkalde de Mayor na si Eustaquio na ama pala ni
Cornelia. Siya yung humiling noon sa kaharian ng Olympus nung panahong silay
nangangailangan. At sa puntong iyon, ay suot suot parin ni Pluto ang helmet kayat
anumang pilit na paghahanap at baling ng tingin sa ibat ibang direksyun ni Cornelia ay di
nito makikita ang binata, ngunit nang naisiwalat ang katotohanan sa taong bayan, doon
natanto ng lahat na ang kanilang alkalde ay likas na sinungaling. Ninanakawa at kinukuha
ang kaban ng bayan kung kayat anumang sakripisyot hirap na gawin ng mga trabahador

ay mapupundar lamang saw ala; mapupunta sa taong mukhang pera na walang inisip kundi
ang sariling karangyaan at sariling kapakanan. Nang biglang kinuha ng lalake ang baril nitot
tinutok saka pinutok sa Alkalde ngunit itoy tinakpan ni Cor nelia na agad din namang
sinaklolohan ni Pluto sa pamamagitan ng pagtanggal niya ng kanyang helmet kung kayat
siya ang natamaan ng bala at namataang nakahandusay sa kalsada na duguaan ang binata.
Nagulat ni Cornelia sa bilis ng pangyayari at walang nagawa ang dalaga kundi umiyak sabay
paulit ulit na sinasambit ang mga katagang, Claudio! Bakit? Mahal ko wag mo akong
iwan. Tumigil ang lahat ng makitang humahagulgol na si Cornelia na dulot ng sakit na
kanyang nararamdaman sa pagkawala ng kanyang iniirog. Sa kanyang paghihinagpis ay
yumakap sa kanya ang malakas na pagbugso ng ulan na sumabay rin sa kanya. Iniabot ng
batang paslit ang isang helmet na pagmamayari ni Claduio at ditto linabas ni cornelia ang
sakit na kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga taong nakapalibot sa
kanyat Claudio. Tumayo siya sa gitna ng maraming taot ulan habang hawak hawak ang
helmet at sabay tinantong, Kayo! Ang kapangyarihan ay hindi sapat upang ikay kilalaning
pinuno ng anumang samahan o pamahalaan, kundi ang pagmamahal sa kapwa, sa bayan at
tunay na serbisyo ang dapat ilaan.. muling lumingon si Cornelia sa bangkay ng kanyang
iniiro ngunit biglang may lumabas na anong liwanag at nagin kaaya aya na ang panahon,
tumila ang ulan at unti unting naging abo na laman ang katawan ni Claudio. Ngunit ang
helmet ay nasa kanya parin, buot walang kupas. Ang bagay na ginamit upang maisiwalat
ang katotohanan na siyang gumising sa damdamin ng buong sambayanan at magsisilbing
alaala niya at nila kay Pluto o mas kilalang si Claudio sa mundo ng mortal.
SINGAPORE
Jimjilbang
HINDI NAGKAKATUGMA ang kanyang mga mata at paa. Dahan-dahan ang kanyang mga
hakbang. May bigat sa pag-aatubili. Mabilis naman na sinakop ng kanyang paningin ang
buong kuwarto: hilera ng locker sa dulo, hilera ng shower sa gilid ng pader sa kanan, anim
na magkasing-laking bath tub sa gitna, at limang katre sa bandang pader sa kaliwa. Lahat,
sa bawat puwesto, mga babaeng nakahubad! Mag-inang nagsa-shower, magkakaibigang
dalaga sa isang tub, at karamihan matatanda. Ajumma. Lalo na ang mga nagkukuskos sa
mga nakabilad sa katre, o nagkukuskusan. Nabighani sya sa ibat ibang hugis, korte, kurba,
ng katawan. Ng laki at liit, tayo at luyloy ng mga suso. Ng umbok at patag ng tiyan. Ng kapal
at nipis ng tatsulok na gubat ng itim na buhok sa pagitan ng mga hita ng mga nakatayo, ng
mga akmang lulusong. Nahiya sya sa sarili sa aliw na naramdaman; sa pagkawili, sa
pagkabighani. Catholic guilt, kampante nya sa sarili, habang nakatutok sa dalawang dalaga
sa isang tub. Kapwa nakangiti ang mga ito. Natatawa pa nga sila. Masigla ang kanilang
boses habang nakababad sa maligamgam na tubig. Parang wala silang sakit na nais gamutin
kundi pagdiriwang ng pagkakaibigan. Naalala niya ang tatlo nyang kapatid na babae. Ang
kanilang Inang. Ang apat nyang tiya at sangkatutak na pinsan. Ang kanyang mga kaibigang
babae sa elementarya, sa hayskul, sa kolehiyo. Naririnig nya ang hagikhik ng mga ito
habang binubuksan ng susi ang locker. Yung parang kinikiliti, na kinikilabutan, dahil walang
ganito sa Pinas. At heto na nga, maghuhubad na rin sya buong-buo kitang-kita ang
lahat. At okey lang, talaga, dahil parang wala namang pakialam sa kanya ang ibang naririto.
Kinuha nya ang nakalawit na malaking bilugang hikaw. Tinago nya ito sa pouch sa loob ng
locker. Sunod nyang inalis ang relos. Ipinasok nya rin ito sa pouch. Pagkatapos, isa-isa,
hinubad nya ang suot: blusa, bra, maong na pantalon, panty. Maayos nya itong tinupi sa
loob ng locker. Pinalumpon nya ang nakalugay na mahabang buhok, bahagyang itinaas,

saka muling binagsak. Hinayaan nito itong nakalugay. Inalis nya ang suot na heels at
ipinasok din sa locker. Napansin nyang may kanya-kanyang maliit na basket ng gamitpampaligo ang karamihan. Sarili nilang dala. Hindi ito nabanggit ni Tony. May binigay na
pakete ng shampoo at conditioner at shower gel ang babae sa counter. Ito ang ginamit nya
sa pag-shower. Dahil bago lumusong, kailangan munang magkuskos, magsabon,
magbanlaw. Naisip nyang marahil paggalang din sa ginhawa na dala ng mainit na tubig.
Nabasa nya sa internet na sa iilang jimjilbang, hinahaluan nila ng ginseng o green tea ito:
tulong para bumuti ang daloy ng dugo, gumaling ang rayuma o ang sakit ng puso.
Nakareserba na ang susuotin nyang hanbok pangkasal. Sigurado sya sa gusto niyang
mangyari ngayon. Magbibilad sya sa katre. Hihilata. At magpapakuskos sa ajumma. Yun at
lulusong syat magbabad. Naghihintay si Tony sa lounge. PINAGMASDAN nya ang mag-ina
sa unahang tub. Nasa elementarya ang batang babae. Future ballerina, naisip nya, o di
kayay gymnast. Maganda ang ina, kamukha ng mga babaeng bida sa mga Koreanobela na
naka-dub sa Tagalog.Humilig sya pakanan at muling inunat ang mga paa. May pares ng
magaganda ring dalaga na nagkukwentuhan. Napansin nya na habang magkalapat ang
mga balikat ng mga ito, magkahawak-kamay din. Napangiti siya.Nilingon nya ang mga
ajumma sa hilera ng mga katre. May mga nag-aayos ng mga gamit sa kanilang kahubdan na
parang posible rin na nakahubad din sila sa kani-kanilang bahay habang nagluluto o
nagwawalis. Inalala nya ang mukha ng kanyang Inang. Sa halip, mga kamay nitong kulubot
ang higit nyang nakikita. Hindi sila sanay mag-ina na magyakapan o maghalikan, sa tuwa
man o lungkot. Walang iyakang mangyayari sa kanyang kasal. Gayunman, gustong-gusto
nya ngayon ihilig ang ulo sa balikat ng Inang, yung parang anak lang sya uli nito. Bigla
nya rin na-miss ang mga kapatid at kaibigan. Nakikita nya ang sarili: tumatakbo sa kalsada
ng Uijengbo, naka-hanbok pangkasal. Naghihintay sa lounge si Tony. Didiretso sila sa
Gangnam, sa pottery shop na yun, bibili ng kanyang panregalo.Matutuwa ang kanyang mga
biyenan. Bukas, titingnan uli nila ang wedding hall, dadaanan ang mga kamag-anak ni Tony
na tumutulong sa preparasyon, at kung anu-ano pa at marami pang iba. Simple lang ang
kanilang kasal, sabi nya sa pamilya at mga kaibigan.Medyo tradisyonal, medyo
modern.Darating na ang mga ito sa weekend. Natutuwa at matutuwa pa ang mga ito para
sa kanya, sa kanila ni Tony, lalo na dahil dadalhin nila dito sa jimjilbang na ito, na sigurado
syang babalik-balikan nya, hanggang marahil madiskubre nya kung ano ang nasa labas ng
langit.
BRUNEI
Tahanan ng Isang Sugarol
ANG MAPUTING ULAP sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang
bahaghari. Mabilis na pupunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Kasamaang dulot ng
sugal sa buhay ng mag-anak Nagiging dahilan ng paghihirap ng buhay Sanhi ng di
pagkakaunawaan ng mag-anak Napapabayaan ang mga anak Nagiging dahilan ng krimen
Minsan nakatutulong sa kabuhayan ang perang napanalunan
sa sugal Dahil tapos nang maglaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon.
Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya,
gusto niyang mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na
tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig.
Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon na mas
matanda kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chaisim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo

para kunin ang mga labada at isampay sa mga alambreng nakatali sa dalawang poste sa
loob ng kubong walang dingding. Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang
siya, nakatayo pa rin at nakapikit nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga
beinte singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang
kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo
siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling
mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak. Ang pugon ay yari sa luwad at
may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng
panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng
kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang
piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar. Abala sa gawain si Lian-chiao.
Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa
kanyang mukha. Walang makasisi sa kanya. Mula alas sais ng umaga, nang bumangon siya
para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon, maliban sa
sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umagay nanguha siya ng mga punla ng palay
at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy
na panggatong at namitas ng ta-feng-ho, isang damong panggamot na gagamitin niyang
pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya
handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailangan, anong mangyayari sa bahay
kung bigla na lang siyang ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi
humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop.
Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya?
Bukod sa gawaing bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na
nakatanim sa gilid ng bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Nang malaman ni Ah Yue na
pupunta sa ospital ang kanyang ina, kumibot ng kaunti ang ilong niya at ang bibig niya ay
lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.
Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Aalagaan mong mabuti ang kapatid mo.
Uuwi ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi
ang Tatay ninyo Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin Lian-chiao. Hindi niya
makayang isipin na aalis siya ng ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na
walang mag-aalaga sa kanila. Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid, at sa pagitan ng
mga hikbi, Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na
isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para
magamit mo muna Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi
siya makapagsalita dahil sa pag-aalala. Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata
gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo. Patuloy
ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-takhe-ta
at paminsan-minsan ng malakas na pung! Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit.
Malakas ang hihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumilos sa daan. Si Ah
Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad
patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay.

INDONESIA
Kay Estella Zeehandelar

Ibig na ibig kong makilala ng isang babaeng moderno iyong babaeng malaya,
nakapagmamalakit makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat
maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang
sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong
kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip koy
hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid
na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.Kung pahihintulutan lamang ng mga batas
ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga
nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga
lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon.
Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na
hebenerasyon. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga
kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Alam kong para sa aking sariliy
magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay
pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol
ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat
ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa
akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na
Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit
noong musmos pa akoy may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon;
may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa.
Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na
makatayong mag-isa. Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at
sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.Patuloy na
lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng
ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa
aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.Ngayoy kailangang sabihin
ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.Panganay ako sa tatlong babaing
anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si
Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto
para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran At mabilis pang
sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming
kalayaan.Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa
(bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang
naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan
kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang
para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang
babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang
mundo nagging usap-usapan ang krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa.
Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang
yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa
malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang
dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo
ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pagasawahin nang sapilitan.Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pagaasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim.At ang pag-

aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga
ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor
para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng
kaluwagay para sa kanya lang?Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig?
Paano namin maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila
kami iibigin? Hindi yata maaring mangyari iyon. Mahhigpit na pinaghihiwalay ang mga
kababatang babae at lalaki, at kailanma'y hindi pinapayagang magkakilala.
THAILAND
LIGALIG SA BAWAT SAKUNA
Kararating pa lamang namin sa bayan ng Mae Sot sa lalawigan ng Tak sa bansang Thailand,
naaksidente na ang isang babaeng taga-Burma na sumundo sa amin.
Madaling araw nang dumating kaming apat na Pinoy sa Mae Sot. Bandang tanghali, sinundo
kami ng apat na taga-Burma na siyang kontak namin doon. Tatlong babae at isang lalaki ang
sumundo sa amin sa hotel, pawang nakamotorsiklo. Naglakad kami hanggang sa isang
kainan. Pagkakain ng pananghalian, naglakad na kami patungo sa aming tinutuluyan, nang
ang babaeng lider ng mga sumundo sa amin ay sumakay ng kanyang motorsiklo.
Nakatakong pa siya, ngunit bago siya nakalayo sa lugar ay bumagsak na siya sa kanyang
motorsiklo, natulala siya. Matagal bago siya nakakilos, kaya tinulungan siya ng mga kasama.
Nasugatan ang kanyang siko, tuhod, at paa, at dinala agad ng kanyang kasama sa
pagamutan, sakay ng kanyang motorsiklo. Isa siya sa dapat na lagi naming kasama, ngunit
magtatapos na ang sampung araw na pananatili namin sa Mae Sot nang siya'y muli naming
makasama dahil kailangan niyang magpagaling.
Ikalawang araw ko sa Mae Sot, nakadaupang-palad ko ang isang migranteng manggagawa.
Putol ang kanyang isang binti. Naipit umano iyon ng kanyang sinasakyan sa kanyang
trabaho sa bukid. Ang manggagawa'y mula sa Burma, at nagtungo sa Thailand upang
magtrabaho. Nakakuha siya ng trabaho sa bukid, ngunit sawimpalad siyang naipit at
nawalan ng paa. Tanging limangdaang Bhat lamang ang binayad sa kanya. Mga pitungdaang
piso lamang iyon. Meron siyang artipisyal na paa sa tulong na rin ng kanilang samahan ng
mga migrante. Ang ganitong kalagayan ng mga migrante'y sadyang kaawa-awa, hindi na
nababayaran ng tama ang sahod, pag naaksidente pa'y di sinusuportahan ng pinapasukan
ang kanilang panggamot.
Ilang araw bago kami umuwi ng Pilipinas, nabasa ko sa facebook na ang dalawa kong
kasama sa opisina - sina Nitz at Bernie - ay nabangga ng isang kotse. Di ako gaanong
nakatulog noon sa tanggapan ng YCOWA. Ilang taon din kaming nagkasama nina Nitz at
Bernie sa tanggapan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), dahil doon na kami
nakatira sa opisina bilang mga pultaym na aktibista. Kinailangang operahan si Nitz, habang
malaki rin ang pinsalang natamo ni Bernie. Nagtulong-tulong ang mga kasama upang
matiyak ang gastusin at gamot ng dalawa. Nakulong naman ang nakabangga, at sa
pagkakaalam koy nagbigay din sila ng tulong sa dalawang kasama. Nawa'y gumaling na
sina Nitz at Bernie sa lalong madaling panahon.
Pawang sa mga sasakyan ang kanilang mga aksidente. Naalala ko tuloy ang dalawang
aksidente sa sasakyan na naranasan ko nuong bata pa ako, sa panahon ng aking kalikutan
at kakulitan. Apat na taon lang ako ng mabunggo ng pampasaherong dyip, sumama akong
mamalengke sa aking pinsan sa isang talipapa sa likod-bahay, ngunit nagtatatakbo ako
hanggang sa mabangga ng dyip na biyaheng Balic-Balic - Quiapo. Nagkamalay akong nasa

pagamutan na. Nasa Grade 4 naman ako nang mabangga ng bisikleta bago mag-Bagong
Taon, nakipagkarera kasi ako ng takbuhan sa isa ko pang kapatid, at di na nakita ang
dumarating na bisikleta. Nagkamalay akong buhat ng aking ama, habang kasunod ang
maraming taong nakakita ng aksidente. Sa dalawang aksidenteng iyon, akoy nagkasugat,
nabalian, at kinailangan kong magpahilot at magpagaling. Butit hindi malala. Ngunit mga
aral iyong hindi ko basta makakalimutan at babala iyon na dapat mag-ingat.
Mabuti na lamang at nitong malaki na ako'y di ako nakaranas maaksidente, dahil sadyang
kayhirap. Naranasan ko na ito't nakita ang sakit ng mga kasama't kakilalang naaksidente sa
sasakyan. Bagamat di natin mahuhulaan kung kailan daratal, sana'y hindi, ang anumang
aksidente, kailangan pa rin nating mag-ingat at maging alisto sa lahat ng oras. Kahit
papaano, sa ganitong paraan ay makaligtas tayo sa tiyak na kapahamakan, kahit man lang
gahibla.

MALAYSIA
Ah Khaw Goes to Heaven
Ang kuwento ay isang pagbabalik-tanaw sa mga araw ng kabataan ng tagapagsalaysay, na
si Sem. Ang tagpuan ay sa panahon ng okupasyon ng hapon sa Malaysia o noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Sang-ayon sa pagsasalaysay ng kanyang kabataan, ang mga hapon
ay walang sawang nang-uumit ng mga gulay at prutas mula sa mga pataniman ng
kanilang Kampung (village). At lalong walang tigil sa tinutugis ang mga intsik sa kanilang
lugar. Tahasang pagdakip sa mga Intsik na puno ng tattoo ang katawan. Hindi nabanggit sa
kuwento ang tunay na dahilan ng malawakang pagdakip sa mga ito ng mga sundalong
hapon. Sang-ayon sa kanyang alaala ang kanyang kaya Hassan ay bumalik sa kanilang
kampung ng panahong iyon nang may kasamang Intsik. At sinabing dinala niya ng intsik na
si Ah Khaw para maitago mula sa mga sundalong hapon. Ang edad ay nasa pagitan nng 50
hanggang 60 taon. Nanirahan sa tahanan ng pamilya ni Sem si Ah Khaw sa loob ng anim na
buwan at ditto umiinog ang kuwento.
Sang-ayon kay Sem sa loob ng anim na buwan ay itinuring nilang isang miyembro ng
pamilya si Ah Khaw. Palagay ang loob ng kanyang pamilya kaya itinuring niya itong parang
isang nakatatandang kapatid bukod sa kanyang Kuya Hassan. Gayundin ang kanyang ina na
halos ipagpilitan kay Ah Khaw na mag-asawa na ng isang Malay biyuda man o diborsyada
upang tuluyan nang manirahan ng pirmihan sa kanilang kampung. Napakabuti kasi ni Ah
Khaw sa kanilang pamilya--- tumutulong sa mga gawaing bahay, nagsisibak ng panggatong,
nauutusan sa pagbili ng kung anu-ano, naglilinis ng bahay at nag-aalaga pa ng mga
halaman. Sa madaling salita ay napakasipag na Intsik Ah Khaw. Hindi pa nakuntento ang
kanyang ina sa pagpupumilit na pag-asawahin sa isang Malay pinasusuot pa ng damit
Malay---sarung pelekat, baju kurung na hanggang tuhod at ang songkok sa kanyang ulo.
Maganda daw ang magsuot ng damit Malay upang hindi makilala ng mga sundalong Hapon
na isa pala siyang intsik. Ngunit kahit ano pa ang kanyang gawin ay halata pa rin sa
kanyang pananalita ang pagiging intsik. Si Ah Kaw ay isang rickshaw-puller. Sa loob ng anim
na buwan ng pamamalagi nito sa kanila ay natutunan nitong makaagapay sa mga kaugalian
at tradisyon ng mga Muslim sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kinailangan niyang sundin
ang mga panuntunan ng Muslim, halimbawa ang mga tuntunin bago at pagkatapos kumain.
Mahalaga ang pagsunod sa mga kostumbreng Malay para sa isang host family. Tanda rin kasi
ito ng paggalang at kagandahang asal. At isa sa pinakapinagbabawal ay ang pagkain ng
karne ng baboy. Ngunit isang beses ay hindi napigilan ni Ah Khaw ang sarili nang minsang
isama niya si Sem sa isang Chinese Opera at kumain ng karne ng baboy na isinumbong
naman ng batang si Sem sa kanyang ina. Binalaan ng kanyang ina ang kuya Hassan niya na
palalayasin niya ang kaibigan nitong intsik kapag hindi ititigil ang pagkain ng baboy.
Sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ng malubha ang intsik habang nasa kanilang
pangangalaga at natuklasan ni Sem sa kanyang ina na gaya ng kanyang kuya Hassan ay
gumagamit ng opium si Ah Khaw. Gaya ng laging kalakaran ang mga intsik ang siyang
lagging tagapaglaganap ng masasamang bisyo gaya na lang ng paggamit ng opium.
Napagtanto na ni Sem ang kaugnayan ng mga tattoo ng dragon, tigre, pusa at kung anu-ano
pa sa dibdib nito, ang pagkakasakit nito ng malubha, pagkakaratay sa banig at ng opium.
Pagkalipas lamang ng dalawang linggo ay namatay si Ah Khaw. Pinanghinayangan ng
kanyang ina ang pagkamatay ni Ah Khaw sapagkat hindi man lamang ito na-convert sa
pagka-Muslim. Malaki kasi ang paniniwala ng kanyang ina na ang pagiging Muslim ay isang

mabisang pasaporte papuntang langit. Gayunman ang nangyari ikinonsidera pa rin nila na
sa langit pa rin ang tungo ni Ah Khaw sapagkat namatay naman siya sa Bisperas ng Holy
Friday.

TAIWAN
Salamat sa Pag-ibig Mo

Lumabas na ang grade three class picture ni jessa at nasabi sa kanya ng kanyang
kaklase na mas maputi at mas singkit ang kanyang mata kaysa sa kanyang mga
kapatid na kanya namang ipinagtanggol at sinabing na pogi at maganda din naman
sila. Umuwi ng bahay si jessa at ipinakita kay Mang felix at Aling roffa ang larawan
at pilit ang tanong kung siya ba ay ipinaglihi sa Tsino.? Mas maputi din siya kaysa sa
mga kapatid na si sean john at robina kaya pilit itong nagtatanong. Nilapitan siya ni
Mang felixt at sinabing hindi Tsino ang kanyang balat kung hindi Taiwanese ito na
narinig naman ni Aling roffa at umakmang pigilang si Mang felix sa pagkwento
ngunit sa palagay ni Mang felix na ito ay napapanahon na. Nagkuwento si Mang
felix tungkol sa isang magandang dalaga na nagtitinda ng bibingka na
nakasalubong ang isang kotseng nagsabing papakyawin ang kanyang tinda kasama
siya. Tumanggi ang babae ngunit dinukot siya ng mga kalalakihan at dinala sa isang
lugar kung saan maraming kababaihan ang dinala. Pagtratrabahuin daw sila sa
ibang bansa ngunit alam naman niya talaga ang kanilang kahahantungan ng mga
babae doon. Dahil maganda si Christine ay nagustuhan ito ng anak ng namumuno
sa sindikato na Taiwanese at hindi pinatay si Christine ngunit anak lamang ito kaya't
hindi pa rin makatakas si Christine. Naging maluwag sila sa pagbabantay kay
Christine dahil alam nila ang relasyon nito sa anak ng pinuno kaya't minsan na
nahawakan ni Christine ang telepono ay tumawag siya sa NBI at nalaman ang
kanilang lokasyon. Sumugod ang NBI at napatay ang karamihan sa sindikato at
nahuli ang iba. Napalaya ang ibang mga babae at si Christine naman ay nakatakas
din. Nakabalik si Christine sa kanilang lugar at nagkita sila uli ni kenneth na matagal
ng may gusto sa kanya. Kahit na alam na ni kenneth na buntis si christine ay
pinakasalan pa rin niya ito. Natapos ang kuwento at natuwa si jessa sa action at
love story ng kanyang ama. Hindi nito naintidihan ang totoong ibig sabihin ng
kuwento. pero Pagkatpos ng usapan ay nagpasalamat si Aling roffa sa pag-big ng
kanyang asawa.

MYANMAR
At Natagpuan Ko Si Pablo Neruda.
Sa iba, pwedeng tingnan ito na pangkaraniwan lang na bagay o kwento. Meron din naman pwedeng mabili na rin sa
ating bansa ang mga libro ni Pablo Neruda. Para sa akin, di usapin kung anong edisyon, nagsalin at editor ang
nasabing libro. Yun nga lang, hindi ko maitatago na me kakaibang dating sa akin na mismong galing sa Chile at
tinubuang lupa ni Pablo Neruda ang libro. Hindi pa rin naalis ang ugali kong may pagka
romantisista/sentimentalista.Bakit nga ba mahalaga ang mga bagay na ito? Ano nga ba ang lalim at nasa likod ng mga
kwento? Isang simple nga lang bang paghahanap o may lalim o nais iparating ang paghahanap?Sa ibang hindi
nakasusubaybay ng aking blog. Si Ioannis Sapountzis ay isang Griyegong marino. Maiksi lang ang aming ipinagsama
sa barko. Kahit hindi siya nakarating sa pinas para sa binyag nang aking panganay na anak. Ipinaabot ko sa
pamamagitan ng sulat na isa siya sa mga ninong. Sa loob nang nakalipas na labing limang taon ay nasa tatlong taon
lang ang aming komunikasyon (sulat).Nakaraang taon ay nakatanggap ako ng sulat/postcard mula sa Thailand. Sa
pamamagitan nang kanyang girlfriend na taga Cebu ay nakontak niya ko. Nagpalitan kami ng komunikasyon at
numero ng celfon. Binigla niya ko nung nakaraang taon, bibisitahin daw niya ko dito sa pinas. Paano ko malililimutan
ang araw na iyon, bukod sa bertdey ni misis, yun ang araw ni Ondoy! September 26. Nagmungkahi ako na mag-aral
siyang mag e-mail. Nakatanggap ako na papunta sila sa Chile. May umuwing pinoy seaman kayat nakatanggap ako
ng package (dito na rin inihulog sa pinas). Isang postcard mula sa Santiago de Chile, may petsang Pebrero 12, 2010.
Kasama rin ang isang e-postcard mula sa Greece.Nilambingan ko siyang baka pwede niya kong padalan ng isang libro
ni Pablo Neruda. may pasubali naman ako kung di makakaabala. Marso 5, 2010 ang muli nilang balik sa Chile. Hindi
inaasahan ang paglindol nung Pebrero 28, 2010. Nag e-mail ako sa kanya na may tsunami alert at 8.8 intensity ng
lindol at higit na pag-iingat. Nagpauna na rin ako na huwag na niyang intindihin ang akin hiling na libro. Sino ba
naman ang aasa pa sa ganun sitwasyon. Itinulak na likhain ko ang tulang Pilit Mong Hinanap Si Pablo NerudaSa
huling palitan namin ng e-mail ay patungo na sila sa Australia. Nandoon ang pagpapalitan namin sa nagaganap na
krisis pampulitika sa Greece at sitwasyon nitong nakaraang eleksyon. Ang mainit niyang pangungumusta sa aking
pamilya. Pag-aalala ko sa kaguluhan sa Greece. Pagbabalik gunita sa pagkanta namin nang sabay ng Bella Ciao
kasabay sa paglagok ng beer. Pagbabalak niyang mag-negosyo sa pinas. Pasasalamat sa ipinadalang libro. Habang
tinintingnan ko ang kanyang diyaryong padala na El Mercurio. Sumagi sa aking alaala ang ibingay niyang ElGrafico
sa Guatemala nung 1993. Alam niyang kolektor ako ng mga mumunting bagay. Hindi man tuwirang sabihin, alam
kong gusto niyang makapagpaligaya sa ganun paraan. Ipinagmalaki ko pa nga sa kanya ang tipong collage ng mga
dyaryo at magasin na aking natipon nung dumalaw siya sa aming tahanan.Sinulyapan kong muli ang pabalat ng
libro.Tapat na umusal ang aking puso. Winika ang mga katagang. At Natagpuan Ko Si Pablo Neruda.

VIETNAM
Ang mga Bagay na Ipinadala Mo sa Akin
Kaninang umaga, pagkalaya ko mula sa bilangguan, Sumapi ako sa hukbo, Walang
nakapansin sa akin Wala ni isang matang nanipat Maging ako, sa aking salawal, Ay
di nagbusisi ng sarili. Binigyan ako ng mga kasama ng isang A.K.* Ang tumbong
nitoy napingasan ng bala Na siya ring kumitil sa isang kadre naming Habang
nakalapat ang pisngi ko sa baril, Tila kapagkit ng pisngi ko ang pisngi ng namatay.
Matapos ang isang depensiba, sa Baoquoc pagoda, Binigyan ako ng isang pares ng
sandalyas Sunog ang mga istrap, may bahid ng dugo ang suwelas Naitumba ang
kadre sa unang putok ng atake Masyadong masikip ang mga sandalyas Naglalakad
ako na tila ang paa koy paa ng naitumbang kasama. Sumunod na araw, pagbalik sa
base sa likod ng mga linya Binigyan ako ng mahusay na kumot Kumapit doon ang
pawis ng isang nawawalang kasama Nang gabing iyon, mailap ang pagkahimbing
Ang buong katawan koy siya ang naiisip Parang Sa loob ng dalawamput limang
araw Ang naka-asul na unipormeng rekrut Ay naging armadong kawal, may mga
linya sa braso At sa aming mga telang-ranggo Salamat sa lahat ng ipinadala mo sa
akin Tinatanggap ako maging ng mga mamamayan: Pagbati, kasamang kadre ng
paglaya! * isang uri ng baril Salin ng The Things You Sent Me, na isinalin sa
Ingles ni Alex Miller Pinagmulan: Fattah, Ziad Abdel et al (mga pat.). Lotus: AfroAsian Writings, Journal of Afro-Asian Writers Association, No: 57-1986. p. 132.
Hinggil sa may-akda:Si Nguyen Khoa Diem ay ipinanganak sa isang
rebolusyunaryong pamilya noong 1944. Sa kaniyang kolehiyo sa siyudad ng Hue
kung saan siya nagmula, sa panahon ng rehimen ng Estados Unidos sa Vietnam,
naging aktibista siya at ilang beses hinuli at ikinulong. Nang mapalaya siya ng
opensibang Tet noong 1968, nagpatuloy siya sa paglikha ng mga akda sa mga
pinalayang sona. May-akda siya ng mga koleksiyon ng tula: Dat Ngoai o (City Land,
1972), at Mat Duong Khat Vong (The Hopes of the Trail, 1974). Miyembro siya ng
Sekretaryat ng Vietnamese Writers Union, naging Kalihim ng Association of Art and
Literature sa probinsiya ng Binh Tri Thien sa Hue.

You might also like