You are on page 1of 4

TANGING PANGAR

Ang suliranin ng isang pamilya ay dapat lutasin ng mga bumubuo nito.


Ang pakikialam ng iba ay maaaring makasama pa sa halip na makabuti.
Ang daigdig ay isang larangan ng pakikipagsapalaran. Ibigin man o hindi, balang
araw mapapabuyong makipaglaban upang matamo ang pangarap na tagumpay. Sa
pakikipaglabang ito, gawing puhunan ang katatagan ng loob, pagsisikap, katapatan,
mabuting pakikipagkapwa at matibay na pananalig sa Maykapal. May sandaling
nadarapa at halos mawalan ng pag-asa, tumayong muli. Ang mga pagsubok sa buhay
ay lalong magpapatatag sa paninindigan. Ang magaganda at makabuluhang mga
kaisipan, huhubog sa mabuting katauhan at magagamit na gabay upang lalong maging
kapakipakinabang na mamamayan.
Mataas na ang araw nang lumabas si Dodong sa kanilang bahay. Aliwas ang
kanyang mukha na tila walang problema, sa kanyang matipunong pangangatawan,
matangos na ilong, sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinagdilim ng
kanyang malagong kilay at nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga.
Araw nanaman ng pasukan; dahil sa musmus pa lamang ang kanilang dalawang
anak, sa tuwing umaga ay kinakailangang ihatid patungo sa paaralan. At tuwing hapon
ay muli silang susunduin.
Madaling araw palang ay gising na si Nene upang ipagluto atihanda ang mga
pangangailangan ng mga anak. Dahil sa sobrang mabait at mapag-aruga si Nene,
halos hindi kumakapa ang kanyang asawa sa mga gawaing bahay. Kaya’t saka na
lamang babangon kapag mataas na ang araw kapag nakahanda na ang pagkain.
Araw ng lunes, ngunit hindi pa bumabangon si Nene. “Tanghali na Nene, ba’t
hindi ka pa bumangon ng makapagsaing ka na?” Malakas na wika ni Dodong sabay
hablot ng kumot na nakabalot sa katawan ng asawa.
“Masama ang aking pakiramdam Dodong, kaya’t maaari’y ikaw muna ang kikilos
ng hindi mahuli ang mga bata sa kanilang klase.” Ang wika ni Neneng na nanlulumpay
ang mga mata.
“Aba!!! Kung makapag-utos ka, kala mo kung sino!!! Sabay hapit sa kumot at
ipinagpatuloy ang pagtulog.
Dahil sa ayaw ni Nene na lumiban sa klase ang bata, pilit niyang dinilat ang mga
mata na halos mapakurap-kurap dahil sa pagkahilo. Kinusot niya ang mga mata at
bumangon. Ganito nalang ba lagi? Tanong niya sa sarili na may umaagos na luha sa
mga mata.
Pagkatapos niyang isaing ang kanin agad niyang isinunod na lutuin ang ulam
sapagkat maya-maya’y tanghalin na at kailangang makakain ang mga bata. At ng
maihanda pa niya ang mga gagamitin. Pagkaraan ng ilang sandali’y tinawag ang mag-
aama para kumain.
“Dodong, Dondon at Rica, bangon na riyan at makakain” Paasik ang pagkatawag
ni Nene. Nalulumpay siya at payuko-yuko dahil sa masama ang pakiramdam. Habang
ang asawa’y paunat-unat na tila walang naririnig.
Sa hapag kainan, habang ang mga mag-iina’y kumakain. Napansin ni Dodong
ang ina na walang ganang kumain.
“Inay bakit po mukhang wala ata kayong ganang kumain? at mukhang umiyak po
kayo? Ang tanong ni Dodong habang nakatitig sa kanyang ina.
“Ah, hindi anak mausok lang kasi kaya ganito.”
“Ganoon po ba? Oo anak,” kaya’t mabuti pa’y kumain na tayo ng sa gayo’y hindi
kayo mahuli sa klase. Nagpatuloy sa pagkain ang mag-iina.
Iniligpit ni Nene ang pinagkainan. Pagkatapos ay pinalugan ang mga bata at
binihisan. Sa daan habang sila’y naglalakad, natanaw niya ang kanilang alagang
kalabaw na halos walang makain. Iyon ay muli siyang napaluha at naglalaro sa
kanyang isipan kung bakit nagbago ang kanyang asawa na dati dati’y masipag at
maalalahanin sa alagang kalabaw, sapagkat malaki ang naitutulong nito sa kanyang
pagsasaka.
Iyon ang ipinagtaka niya. Nagbago na ang kanyang asawa.
Nang maihatid ang mga bata, agad siyang bumalik sapagkat mayamaya’y
mataas na ang araw at kinakailangang maililim ang kalabaw.
Habang siya’y palapit na palapit sa kanilang bahay. Mula sa taas ay tanaw niya
ang kanilang sawaling pintuan ay sarado, kaya’t alam na niya na hindi pa bumabangon
si Dodong. Sa kanyang pagdating, kalabog niyang tinulak ang pintuan.
“Bakit hindi ka pa bumabangon? Malakas na tanong ni Nene. Paunat-unat sa
higaan.
“Nagtanong ka pa?”
“Ngayon at narito ka na ihanda mo na ang mga pagkain at ako’y gutom na.
Namumuot sa galit si Nene, ngunit hindi niya nagawang bulyawan at sagutin ang
asawa. Sapagkat alam niyang malakas na sampal ang babagsak sa kanya.
Pagkatapos niyang ipaghanda ang asawa, dali-dali siyang lumabas upang
tumungo sa bukid at ililim ang alagang kalabaw. Pilit niya na lamang binabaliwala ang
masamang pakiramdam.
Sa kanyang paglalakad sa makitid na daan, baku-bako at may matutulis na bato,
lubak na may magkukulay-luntian tubig. Naitanim sa kanyang isip ang maaaring pang
mangyari sa kanyang pamilya kung patuloy na magbabago ang kanyang asawa.
Nakadama siya ng takot na baka hindi kayang tustusan ang pangangailangan ng
mga anak.
Dapit hapon, oras nanaman para sunduin ang kanilang anak.
“Dodong, tumungo ka sa paaralan at sunduin mo ang mga bata” tugon ni Nene
sa kanyang asawa habang siya’y abalang-abala sa pagliligpit ng mga gamit.
“May pupuntahan ako Nene”, at hindi pa ako sigurado kung makakauwi ako o
hindi.”
“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Nene.
“Lahat na lang ba ng galaw ko dapat mong malaman?”
“Syempre mag-asawa tayo, kaya’t dapat lang na malaman ko kung saan ka
tumutungo.” Tumalikod na lamang si Dodong at padabog niyang binuksan ang pintuan.
Dali-dali siyang lumabas.
Pagkatapos ng ilang sadali’y tumungo si Nene sa paaralan para sunduin sina
Rica at Dondon. Sa kanyang pagdating, agad na sumalubong ang magkapatid kaya’t
hindi na niya hinanap ang mga ito.
Sa bahay, muling kumilos ang ina sa mga gawain habang ang magkapatid ay
masayang-masaya sa paglalaro. Sa tuwing pinagmamasdan ang mga bata, ito ang
nagbibigay saya at nagpapawid ng pagod sa kanya. Nag-aagaw dilim na kaya’t tinawag
ang mga bata at ipinaghanda ng pagkain. Habang si Dondon ay naghuhugas ng kamay,
siya’y lumingon sa lamesa. “Gabi na ngunit wala pa si itay?” Tanong ni Dondon. Dati
rati kasi, tuwing sila’y kumakain ay naroroon sila lahat. Walang kumakain hangga’t hindi
sila buo.
“Marahin may pinagkaabalaan kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi.”
Kinabukasan ay araw ng sabado, kaya’t pinagpasiyahan ng mag-iina na magtungo sa
syudad para mamasyal. Nakasanayan kasi nila na tuwing walang pasok ang mga bata
ay binibigyang oras para maglibang. Kahit naa pag minsa’y kapos sila sa
pangangailangan.
Habang sila’y naglalakad patungo sa park, sa paglingon ni Nene ay nakita niya
ang mga nag-uumpukang mga tao sa isang lumang bahay. Napahinto ang mag-iina
habang nakitingin sa mga tao, ngunit ni isa sa kanila ay walang lumingon.
Sa kanilang pagdatin sa lugar na iyon, sina Dondon at Rica ay abalang-abala sa
pakikipaglaro habang ang ina’y nakaupo at pinagmamasdan ang mga ito. Samantala,
sa kanyang isip ay naglalaro kung nasaan ang kanyang asawa.
Tanghali na nang umuwi ang mag-iina. Sa kanilang paglalakad, muling lumingon
si Nene sa mga taong nadadaanan. Siya’y napahinto, sapagkat sa paslit na paglingon,
nakita niya si Dodong na abalang-abala sa pakikipagsugal. Dali-dali niyang nilapitan at
sa pagdilim ng kanyang paningin ay binigyan ito ng mag-asawang sampal.
“Tinamaan ka ng lintik na lalaki ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman.
“Kung di pa kami napadpad dito, hindi ko po alam na ganyan na pala
pinaggagawa mo.
Napatigil si Dodong, ang pingping nito’y halos mamula-mula. Hindi umimik si
Dodong ngunit sa kanyang mga mata’y galit nag alit dahil sa ginawa ng asawa. Agad
nitong nilapitan at binigyan ng paulit-ulit na sampal. Ang kanilang mga anak na nanonod
ay napatdan ng dila kayat nakapagsalita ng pagtutol. Si Nene ay napatunganga na
lamang habang ang mga anak ay sisiguk-sigok sa pag-iyak.
Iniwan ni Dodong ang mga mag-iina, nakatingin sa mga bata si Nene na wari’y
nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin, sa kanilang pagdating naupo si Nene sa
pintuan habang pinagmamasdan ang dalawang anak, maya maya’y tinawag ang mga
ito, at pinaupo sa magkabilang tabi.
“Nagbago ang inyong ama mga anak,” Unti-unting nauubos dina ng mga ari-
arian natin. Sigurado sa paglipas pa ng mga araw ay walang mamatira. Kaya’t
pinagpasiyahan kong umalis muna tayo dito dahil kinakailangang magtrabaho ako, para
hindi kayo mahinto sa inyong pag-aaral.
Noo’y ibinenta ni Nene ang kakaunting lupa na ipinamana ng kanyang mga
magulang upang sa ganun ay may puhunan siya para sa kanyang negosyong patitinda
ng mga gulay.
Dahil sa walang mag-aalaga sa kanyang mga anak. Pinagpasiyahan niyang
tumira sila sa mga magulang. Mula sa kanilang bahay, naglalakad sina Dondon at Rica
patungo sa paaralan. Dahil sa nasa unang taon na sila sa sekondarya. Hindi na sila
hinahatid ng kanilang ina. Kaya’t nakakapagtrabaho siya sa tamang oras. Siya ay lalong
nagsisikap sapagkat gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga
anak.
Merkules ng hapon, habang si Nene ay abalang abala sa pagliligpit ng mga
paninda habang hinihintay ang mga anak. Isang traysikel ang huminto sa tapat. Ilang
sandali’y may bumabang lalaki, wakwak na kamiseta ang suot nito, mahabang pantalon
na ginagamit na lamang sa bukid. Mula sa kinatatayuan ni Nene, kitang kita niya ang
lalaki. Sa paglapit ng lalaki, halos panganga si Nene dahil sa hindi mapaniwala sa
kanyang nakita.
“Nene, musta na kayo? tanong ng lalaki.”
“Eto, kahit may kahirapan bumabangon padin, eh ikaw kumsuta?”

“Eto, walang saysay ang buhay,” sambit ng lalaki habang sa kanyang mga mata
umaagos ang luha.
“Patawad Nene, malaki ang aking nagawang kasalanan.” Narito ako para
pagsilbihan kayo at pagsisikapan kong ibalik lahat ng nawala.”
Buong puso na tinanggap ni Nene ang kanyang asawa. At sa paglipas ng mga
araw, nakikita niya ang totoong pagbabago ni Dodong. Muling nabuo ang kanilang
pamilya at namuhay ng masaya. At ang tanging pangarap ni Nene na makapagtapos
ang dalawang anak ay natupad.

You might also like