You are on page 1of 2

Ang Ama

ni Mauro R. Avena
Kapag naghihintay ang mga bata sa kanilang ama ay laging may halong takot.
Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na
iginisa sa itlog at gulay. Ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang
maubos niya nang mag-isa at hindi nagbibigay.

Ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata


lamang mapupunta ang lahat at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Ang mga bata


Anim lahat ang mga bata.

Ang pinakamatanda ay isang lalaki 12 anyos


Isang babae 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay
sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit.
Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos
Isang maliit na babae, 8 anyos
Isang 2 anyos na maliit pa lamang.
Lahat ng mga bata ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag-aagawan.
Sa paulit-ulit na ginagawa ito ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng
pansit guisado at kanila itong pinagsaluhan. Isa o dalawang beses lang ito naulit at
hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado at mapalad pa ang mga bata
kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog at tiyak na walang pagkain ang


mga bata ay nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na makainis sa
ama at umakit sa malaking kamay nito at dumapo sa kanilang mukha.madalas na
masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba.

May isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang mui mui
alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos
ng ama at itoy sisigaw kapag di pa huminto itoy lalapit at hahampasin ng buong lakas

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho
sa lagarian at hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang
bumagsak ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na
kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at nahimasmasan ito ng ina si mui mui
dahil sa malamig na tubig
Pagkamatay ng Anak
Pagkaraan ng 2 araw ay namatay c mui mui at ang ina lamang ang umiiyak habang
handang ilibing sa sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang
ama naman ay buong araw na nagmumukmok. May isang babae na umiikot upang
mangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad ng ama na nagsimulang humagolgol
papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong lasing.

Ang Pagsisisi
Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot namay
mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto di nagtagal
lumabas ito kinuha nito ang malaking supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga
bata at napunta ang ama sa tabing gulod lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot at
kanya itong inilapag sa puntod madilim na ang langit at malapit na itong umulan pero
patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag-iyak.

You might also like