You are on page 1of 2

COMPOSTELA NATIONAL HIGH SCHOOL

The Center Stage of Education Performance


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7
Pangalan__________________________________ Seksyon_______________________Marka__________
I-A. Tukuyin at bilugan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin kaugnay ng nakaugalian nating mga
Pilipino.
1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagluluksa at kalungkutan b. pag-ibig at pagkabigo c. paghihirap at gutom d. giyera at kaguluhan
2. Ang oyayi ay kaugnay ng:
a. bangka, pamingwit at isda b. walis, bunot at basahan c. ina, hele at sanggol d. rosas, gitara at pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pangangaso c. paggawa ng mga gawaing-bahay
b. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig d. paggaod ng Bangka
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagiging mapamahiin c. pagiging masayahin
b. pagiging masipag d. pagiging matampuhin
5. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. material na kayamanan ng isang bayan c. kultura’t kaugalian ng isang bayan
b. pagdurusang dinanas ng isang bayan d. politika ng isang bayan
B. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal.
__________________________6. Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng
Kaligayahan.
__________________________7. Uy, si Lola, emote na emote…
__________________________8. O sige, kaon na mga bata…. Tayo’y magdasal na muna.
__________________________9. Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe…..
__________________________10. Oh, so dami. Sira na naman my diet here.
__________________________11. Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa paghahanda.
__________________________12. Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para makilala kayong lahat.
__________________________13. Basta laging tatandaan, mga apo, ang pag-aasawa’y hindi parang kaning isusubo na
maaaring iluwa kapag napaso.
II-A. Piliin at isulat sa patlang ang salitang pupuno sa diwa ng bawat pangungusap.
baybayin humagulgol lulan nimpa naghahangad pumalaot
14. Ang pitong dalaga’y tila mga _____________________ dahil sa taglay nilang kagandahang hinahangaan ng madla.
15. Ang mga binate ay dumating _____________________ ng malalaking bangka.
16. Ang bawat isa sa kanila’y ________________________ na makuha ang kamay ng isa sa napupusuang dalaga.
17. ________________________ nang malakas ang kanilang ama dahil sa pagdaramdam sa ginawa ng mga suwail na anak.
18. Kinabukasan ay maagang ________________________ ang matanda upang hanapin sa karagatan ang kanyang mga anak.
B. Maghinuha tungkol sa katangian ng mga tauhan batay sa pag-uugaling ipinakita ng mga ito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
19. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan at
nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay…….
a. masayahin b. mapagwalambahala c. palakaibigan d. malaro
20. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani- kaniyang gawaing-buhay. Mahihinuha mula rito na
ang mga dalaga ay……
a. palautos b. malilinis c. masisipag d. masayahin
21. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.”Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga
binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papaya.” Mahihinuha mula rito na ang ama ay…..
a. magagalitin b. mainisin c. mapagmalasakit d. mapagbigay
22. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. Mahihinuha mula rito
na ang ama ay…..
a. may sariling desisyon b. magagalitin c. malupit d. mapagbigay
23. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda
ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang hindi nararamdaman ng ama sa mga sandaling ito?
a. labis na nasasaktan b. labis na nagdaramdam c. labis na nalulungkot d. labis na nagmamalaki
III-A. Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap at suriin ang kaantasan nito. Isulat sa patlang
ang L kung ito ay lantay, PT kung pahambing na patulad, PL kung pahambing na palamang at P kung pasukdol.
______24. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.
______25. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa palakihin sila sa layaw.
______26. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
______27. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa kabataan.
______28. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon dahil lagi itong nakikita at sa isang pindot lang
sa remote ay bubukas na ito.
B. Punan ng wastong kaantasan ng pang-uri ang bawat pangungusap. Gawing gabay ang salitang-ugat sa loob ng
panaklong gayundin ang diwang taglay ng pangungusap.
29. Ang (buti) __________________ anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.
30. Sa ngayon, (marami) _____________________ kabataan na ang nalululong sa paglalaro ng video games kaysa noong nag-
daang panahon.
31. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam) ______________________ pa ring paraan ng pagtuturo kaysa sa labis na
pamamalo o pananakit ng bata.
32. Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng maaaring gawin ng anak, ang (masakit) _________________
sa isang magulang ay ang pagsuway ng anak na humahantong sa sarili niyang kapahamakan.
33. Kaya bata, pilitin mo sanang maging (masunurin) __________________________ ngayon kaysa noong bago mo mapag-
aralan ang ating aralin.
IV-Kilalanin ang mahahalagang detalye mula sa binasa. Isulat sa patlang mayroon o wala ayon sa mga bagay at
pangyayari sa binasa.
_______________34. May mga taong nang-aagaw sa lupain ng mga Subanon at nanggugulo sa kanilang tahimik na pamumuhay.
_______________35. May mga tauhan ang pamahalaang nagtungo sa lugar upang ipagtanggol ang karapatan ng mga Subanon.
_______________36. May anak sina Ilig at Tam.
_______________37. May marangyang kasalang nangyari bilang isa sa mga tampok na pangyayari sa dula.
_______________38. May paghihiganting ginawa ang mga Subanon sa mga taong umagaw sa kanilang lupain.
V-A.Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng tamang panuntunan sa pagsulat ng
editoryal.
______39. Bigyang-pansin ang panimula at wakas ng editoryal dahil ito ay mahalagang bahagi nito.
______40. Dapat ito ay may kawili-wiling simula upang makaakit ng mga mambabasa.
______41. Gumamit ng mga salitang makasasakit sa damdamin ng tinutuligsa upang matuto sila.
______42. Gumamit ng mga paghahambing at pag-iiba-iba ng mga kalagayan sa pagsulat.
______43. Nagsasaad sa pinagmulan ng inilahad na kalagayan.
______44. Ibitin ang wakas ng editoryal.
______45. Ipahayag ang personal mong galit na nararamdaman sa sitwasyon o kalagayang isinusulat.

B. Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat sa sumusunod na mga pangungusap.

46. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan ang mga kapatid nating katutubo.

47. Tama! Lahat tayo’y puwedeng tumulong kung gugustuhin natin.

48. Tara, tulong na!

49. Ngayon na. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay baka huli na.

50. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.

You might also like