You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VI- KANLURANG VISAYAS
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
LUNGSOD NG KABANKALAN

Ikalawang Sumatibong Pagsusulit sa Filipino 8


2018-2019

I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang makabuluhang pahayag tungkol sa mga magulang ayon sa unang saknong?
a. Pinalaki ng mgulang ang mga anak upang sa pagtanda ay mayroong mag-aalaga sa kanila.
b. Pinalaki ng magulang ang mga anak upang ito ay lumaki rin tulad nila.
c. Pinalaki ng ga magulang ang mga anak dahil ito ang kanilang tungkulin.
d. Lahat ng nabanggit.
2. Bakit kinakailangang magsuot ng uniporme ang isang mag-aaral pagpasok sa paaralan?
a. Dahil ito ay magsilbing susi ng pagkakakilanlan.
b. Dahil ito ang tungkulin ng mga mag-aaral.
c. Dahil ito ang kasunduang pinirmahan ng mga magulang.
d. Lahat ng nabanggit.
3. Alin sa mga sumusunod posibleng mangyayari kapag ang isang mag-aaral ay hindi nakasuot ng uniporme pagpasok sa
paaralan?
a. Hindi makikilala agad kung ang mag-aaral ay bonafide student ng inyong paaralan.
b. Hindi ka papasukin ang guardiya dahil hindi mo suot ang ID.
c. Hindi ka makapasok dahil wala kang gate pass.
4. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mabuting anak o mag-aaral?
a. Mag-aaral at mag-aral kahit maraming gawaing bahay.
b. Pagbutihin ang pag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay.
c. Mag-aral ng mabuti at maghintay na lamang sa baong bigay ng magulang.
d. Mag-aral habang may oras pa.
5. Tukuyin kun anu ang nais iphayahag ng bahagi ng “ Pantang Makabayan”.
Inibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan Tahanan ng aking lahi.
a. Huwag mong ikahiya ang lahing pinagmulan, anuman ang iyong pangkat o tribo, tradisyon, paniniwala at kultura.
b. Pahalagahan mo ang sarili mo at bayan.
c. Maging masuri kung alin ang mga ugali ng mga dayuhan ang sundin.
d. Magaganda ang karunungang mula sa ibang bansa kaya ito ang nararapat na sundin.
6. Ano ang nais na ipahayag ng sumusunod?
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal.
a. Pilipinas ang baying nag-aruga at tumangkilik sa kanyang mga mamamayan.
b. Pilipinas ang may masaganang likas na yaman at mabubuting mamamayan.
c. Pilipinas ang baying may pagmamahal na ilaw ng tahanan.
d. Pilipinas ang bayan ng lahing may matatalino at matatalas na isip.

II. Panuto: Isulat ang tttik ng lamang sa sagutang papel ang angkop na hudyat ng pag-sang ayon at Pagsalungat.
a. Subalit b. bagamat c.oo d.talaga e. opo f.tunay g.tama
7. ___________ ka, ang mga kabataan ngayon ay higit na mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran
8. Maaaring mas Malaya sila ngayon ______________ makikita sa kanilang mga kilos ang pag-unawa sa responsibilidad
nila sa pamayanan.
9. ____________ , Ginoong Pangulo panig po ako sa inyong pala-palagay tungkol sa mga kabataan.
10. _____________ maraming dinaranas na pagsubok ang bayan, lagi silang umaagapay sa sinumang nangangailangan.

III. Isulat sa papel ang angkop na aspeto ng pandiwa batay sa daloy ng kaisipan ng talata.
a. Naglaro b. babawian c.mapupuna d.nalaman e.tinalakay
Sa kabila ng mapait na karanasan (11.)__________ sa dula, nakuha pa rin ng may-akda na pangibabawin ang isa sa mga
pinakamagandang katangian ng mga Pilipino- ang pagiging masayahin. Natural na natural ang daloy ng usapan. Waring
(12.)_____________ sa imahinasyon ng mga mambabasa kung paano naglalambingan, nagbibiruan , at nagtatawanan ang mga
karakter na ginamit sa dula (13.)_______________ rin saw akas ang pagiging madiskarte ng mga Pilipino. Inakala ng lahat na
totoong (14.) ____________ na ng buhay ang pangunahing tauhan. Iyon pala, isa lamang itong palabas, sa katotohanan pala, siya
naman ay “Walang Sugat”.

IV.A. Tukuyin ang paraan ng mga pagpapahayag. Isulat sa sagutang papel ang A.PL kung paglalarawan ; B. PS kung
pagsasalaysay ; C PH kung paglalahad; D. PW kung pangangatwiran.
________15. Kung ganyan ang mangyayari, naniniwala akong ang bawat Pilipino ay nararapat na magmamalasakit sa kanyang
kapwa.
________16. Ang edad ng mga bata ay itinatayang muli sa kabataan ay mula 13 hanggang bago mag 21 taong gulang.
________ 17. Payak lamang ang buhay ng mga katutubo, nabubuhay sila sa kagubatan at karagatan nang may kakaunting
pangangailangan. Simple ngunit payapa at maligaya.
________ 18. Isang araw, nagising ako dahil sa malakas na awitan. Pagdungaw ko sa bintana, nakita kong nagsasaya ang lahat!
Ngayon pala Araw ng Kalayaan.

B. Piliin ang titik ng pinakamalapit na interpretasyon ng sumusunod na mga pahayag.


19. Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika. Nagpapahiwatig ito na ___________.
a. naging katatawan na lamang ang sariling wika.
b. hindi na ginamit ng mga mamamayan ang sariling wika.
c. wikang dayuhan ang mas pinahalagahan kaysa sa sariling wika.
d. iisang wika lamang ang ginamit ng mga dayuhan.
20. Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
Nagpapahiwatig ito na ang taong tinutukoy ay ________________.
a. Kusang-loob na sumasang-ayon sa mga pang-aabuso.
b. Tumatahimik na lamang habang siya ay inaapi.
c. Lumaban kapag nadamang pinagsasamantalahan.
d. Umiiyak na lamang habang tinatapakan ang karapatan.
21. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop . Nagpapahiwatig ito na dapat iyakan ang _____________.
a. labis –labis na pagdurusang nararanasan b. napakaraming banyagang sumakop sa bansa
c. malungkot na kalagayan ng bayan d. kamatayan ng maraming bayani ng bayan
22. Kung ang araw sa langit mo ay lagi ng dapithapon. Nagpapahiwatig ang pahayag ng _______________.
a. kasiyahan sa buhay b. pagkainip sa ginagawa c. kawalan ng pag-asa d. katahimikan ng araw

C. Tukuyin ang payak na salita o salitang-ugat mula sa salitang may lapi.


23. kaarawan = ______________
24.mapula-pula =_______________
25. binuhay= __________________
26. nasinagan =_________________
27. katapangan =________________

Ibigay ang angkop na salita sa Eupimistikong pahayag na ito.

28. Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maaaring sabihing:
a. Pinatay na siya. B. Nagpakamatay na siya c. Tamad na siyang mabuhay d. Sumakabilang buhay na siya.
29. Para maging mas malambot o magaan ang dating ng sabihin:
Sa halip na sabihing “Gutom na gutom ako”, gamitin ang…
a. Hindi ba kayo, nagugutom? b. Patay gutom kayo! c. Patay kayo sa gutom d.Patay na ang gutom.

Isipin mong mabuti ang kasalungat ng salita na may kahon. Piliin ang titik lamang.

30. Pambihira ang kagandahan ni Beverly.

a. Natatangi b. Naiiba c. Karaniwan d. Payak

31. Pakakasalan ang Prinsesa ang sinumang magwawagi sa torneo.


a. mananalo b. matatalo c. magtatagumpay d. mananaig

32. Tumawag ang prinsipe sa kanyang mga kapanalig

a. Kalaban b. Kasama c. Kasapi d. Kaaway

33. Bungan g pagkakatalo sa labanan taglay ng Prinsipe ang Paghihiganti

a. Pag-aaway b. Paglalaban c. Pagpapaumanhin d. Pakikipagsundo


Pagsunod-sunurin ang mga salita batay sa sidhi ng mga damdamin.
34. ahas, taksil, traydor
35. lungkot, dalamhati, lumbay, pighati, pagdurusa
36.katuwaan, kagalakan, kaluwalhatian, kaligayahan, kasiyahan
37. nangibabaw, namayani, namayagpag, naghari
Batay sa tekstong binasa “ Katamaran ng mga Pilipino”. Magbigay nga dalawang epekto at di- mabuting epekto nito.

38-39 – Mabuting Epekto


40- 41 – Ang di-mabuting epekto nito.

42. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.


a. idyoma b. matatalinghagang pananalita c. simbolismo d. tayutay
43. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatlinhagang pananalita.
a. pandamdamin b. sanaysay c. malaya d. tradisyunal
44. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihan, “A negative mind will never give you a positive life”
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigy ng buhay na positibo”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibugyan ng positibong buhay.
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa inyo sa magandang buhay”
d. “ Ang pag-iisip ng negatibo ay magadadala sa iyo ng buhay na maganda.”
45.Ano ang ibig sabihin san g pahayag na ito:
Pilipinas kong minumutya.
Pugad ng luha ko’t dalita.
Aking adhika.
Makita kang sakdal laya!
a. Maganda ang Pilipinas tulad ng isang dalaga
b. Maraming pagsubok ang dinanas sa kamay ng mga dayuhan.
c. Maraming babaeng mahinhin at magaganda sa Pilipinas.
d. Maganda at masaya kung ang mga tao sa bansa ay maging malaya sa mga dayuhan.
46-50. Pagsulat : Sumulat ng isang saknong at apat na taludtod ng isang orihinal na tala.

Magsikap ka! Matutong gawin ang tama.

Inihanda ni:
Gng. Marlyn A. Basanta

You might also like