You are on page 1of 2

NNVTHS – Kulaman Valley Extension

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Filipino 8
Pangalan:___________________________________________ Iskor:____________
I – Basahin at unawain ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek(∕) ang patlang ng mga pahayag na nagsasaad ng
katotohanan hinggil sa buhay ng tao batay sa nilalaman ng tulang “ Isang Punongkahoy”.
_____1. Ang buhay ng tao ay maaaring ihalintulad sa isang punongkahoy.
_____2. Kagaya ng puno, ang buhay ng tao ay walang katapusan.
_____3. Napagtanto ng makata na anuman ang marating ng tao sa buhay ang lahat ng ito ay maglalaho rin.
_____4. Sa kabila ng kanyang pagkalaos ay marami pa ring natuwa at tumulong sa kanya.
_____5. Sa umpisa ay taglay ng puno ang malalabay na sanga at malalagong dahon.
_____6. Sa buhay ng tao, ang pagkakaroon ng malalabay na sanga at malalagong dahon ay nangangahulugang siya ay
nasa yugto na ng kanyang katandaan.
II – Piliin ang kahulugan ng mga idyomang may salungguhit sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa patlang.
_____7. Ang mga basing sisiw ay dapat nating tulugan.
a. Kaawa-awa b. naghihirap c. bigo d. payat na payat
_____8. Laylay ang kanyang balikat nang siya ay umuwi galing trabaho.
a. Kaawa-awa b. naghihirap c. bigo d. payat na payat
_____9. Ang kanyang pamilya ay madalas magdilidil ng asin.
a. Kaawa-awa b. naghihirap c. bigo d. payat na payat
III - Magbigay ng hinuha sa kung ano ang ibig sabihin n mga taludtod na hingo sa balagtasang “Alin ang nakahihigit sa
dalawa: Dunong o Salapi? Titik lamang ang isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
_____10. Maging iyang minimithing pag-aaral mo, katalo
Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matututo.
a. Hindi na makakapag-aral ang mga taong talunan.
b. Mahirap mag-aral kung wala kang perang panggastos.
c. Wala nang gagastusin pa ang mga taong nag-aaral ng mabuti.
_____11. Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,
Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas.
a. Ang mayayamang mahina ang ulo ay kapintas-pintas.
b. Halos walang kapintasan ang mga taong mayayaman.
c. Mahirap mapintasan ang mga taong mayayaman at marurunong.
_____12. Kung mayroong manlilinlang na nanggaling sa katoto,
Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging tuso!
a. Kung may taong naloloko, ito ay bunga ng mga mapanlamang at tusong matatalino.
b. Madaling malinlang ang mga taong mayayaman.
c. Mahilig manlamang o manloko ng kapwa ang mga taong marurunong.
_____13. At kung sila’y (mga bayani ng lahing Pilipino) nanatili sa mahabang
Kamangmangan, baka tayo hanggang ngayon ay wala pang kasarinlan.
a. Kung nanatiling walag kaalaman ang ating mga bayani ay maaaring sakop pa rin tayo ng mga dayuhan sa
kasalukuyan.
b. Nahirapang makalaya ang mga bayani noon sa kamay ng mga dayuhan.
c. Sa kabila ng kamangmangan ay nakuha pa ring makalaya ng mga Pilipino sa mga dayuhan.
____14. Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang palibot,
Pag wala kang ibibili’y mabubusog ka sa lunos;
a. Ang maraming pagkain ay nakakawala ng pagod at lungkot sa buhay.
b. Mahirap bumili ng pagkain sa masisikip at mahihirap na pamayanan.
c. Walang halaga ang maraming pagkain kung walang pambili.
IV – Batay sa sanaysay na “ Amerikanisasyon ng isang Pilipino”, piliin ang salita o mga salitang kokompleto sa
sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
____15. Ang de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat nating gampanan sa
a. Hinaharap b. darating na taon c. kasalukuyan d. lalong madaling panahon
___16. Laganap ang Amerikanisasyon sa bansa sapagkat pangunahing ugat o dahilan nito ay ang sistema ng ating
a. Edukasyon b. pamahalaan c. lipunan d. pagkamamamayan
___17. Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na republikang Pilipino ay mabibigo habang
a. Ang sistema ng ating pamahalaan ay demokrasya.
b. Ang mga Pilipino ay patuloy na pupunta sa Amerika upang magtrabaho.
c. Ang mga amerikano ay nananatili sa ating bansa.
d. Ang sistema ng ating panturuang pambansa ay dayuhan.
____18. Habang mahina, habang d ganap ang pagka-Pilipino ng sangka-Pilipinuhan ay di tayo
a. Magkakaroon ng sariling wika at kultura c. makikilala sa buong mundo
b. Makakapagpatayo ng lipunang tunay na Pilipino d. magiging kagaya ng bansang Amerika
____19. Isang kababawan, kung di man katunggakan,ang mag-akalang tunay na
a. Ninais ng mga Amerikanong tayo’y hanguin sa kulturang barbarismo
b. Nagmalasakit ang mga Amerikanong gawin tayong estado ng Amerika.
c. Nagbuhos dito ng salapi at panahon ng mga Amerikano para sa ating sariling kapakanan.
d. Di nakinabang ang Amerika sa mga likas na yaman ng bansa.
V – Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na mga simbolo at pahiwatig na nakasalungguhit mula sa akdang
“Sarangggola”. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
_____20. “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
a. Maging marumi at mag-ulam ng asin.
b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay.
c. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin.
____21. “ Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”
a. Matutong magsarili sa buhay c. Maging matatag sa buhay
b. Lumakad o magbiyaheng mag-isa.
____22. Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina.
a. May nabuo nang maling kaisipan o paniniwala sa kanyang isipan.
b. May masamang plano nang nabuo sa kanyang isip.
c. Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming bagay.
____23. “Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo ... nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
a. Nakamit na niya ang tagumpay. C. naging mapagmataas na siya.
b. Mataas na ang kanyang katungkulan sa buhay.
____24. Ang iba namang guryon na lumipad ng pagkatas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga
tadyang, wasak-wasak.
a. Ang mapagmataas ay agad ibinabagsak ng Diyos.
b. Ang buhay ng tao ay tulad ng guryon na minsan nasa itaas at minsan nasa ibaba.
c. May mataas o kilalang tao na agad na nagtagumpay ngunit hindi nanatili sa kanilang kalagayan.
____25. “ Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.”
a. Ang matiyagang pangangaral at pagtuturo ng magulang ay daan tungo sa magandang kinabukasan ng mga
anak.
b. Walang magagawa ang magulang upang gumaan ang buhay ng kanyang anak.
c. Ugaliing magpaturo sa magulang upang ang buhay ay maging magaan.
____26. Ang dugo ay dugo kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad na ia.
a. Ang pagtaas ng dugo ng anak ang dahilan ng pagbisita ng ina sa kanya.
b. Labis ang pag-aalala ng ina sa dugo ng kanyang anak.
c. Hindi matiis ng ina ang kanyang anak dahil ito ay nagmula sa kanya.
____27. “Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na yong makatindig ka sa sarili mong paa.”
a. Tinuruan ng ama ang anak na matutong mag-isa at hindi ang umasa na lamang sa magulang.
b. Naging matatag siya sa pagpupundar ng kanyang negosyo.
c. Nanatili siyang nakatindig sa sarili niyang mga paa habang itinatayo niya ang kanyang negosyo.
VI – Salungguhitan ang mga pang-uring makikita sa bawat pangungusap at isulat sa linya ang kaantasan nito.
_________28. Ang aking mga magulang ay ubod ng mapagmahal.
_________29. Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya.
_________30. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
_________31. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
_________32. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
VII – Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita o mga salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
_____33. Kapag sira ang reputasyon ng isang tao ay wala nang magtitiwala sa kanya.
a. Sising-alipin b. siraulo c. basa ang papel d. pulbusin ang dibdib
_____34. Huwag mo siyang bugbugin o saktang mabuti para lamang magbago. Kausapin mo muna.
a. Sising-alipin b. siraulo c. basa ang papel d. pulbusin ang dibdib
_____35. Lubha siyang nagsisi o sising-sisi siya sa lahat ng kanyang kasalanan.
a. Sising-alipin b. siraulo c. basa ang papel d. pulbusin ang dibdib
_____36. Tila baliw siya sa sari-saring kasamaang kanyang pinasok.
a. Sising-alipin b. siraulo c. basa ang papel d. pulbusin ang dibdib
_____37. Pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos ang tangi niyang layunin.
a. Sising-alipin b. pagbabalik-luhod c. basa ang papel d. pulbusin ang dibdib
VIII – Kompletuhin ang kahon sa ibaba.
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

38.ipinanganak ipinanganganak
39.kilala kinikilala
40.nagtaguyod magtataguyod
41. ginagamit Gagamitin
42.ginawa gagawin

IX – Enumerasyon. Ibigay ang sumusunod.


a. Elemento ng tula b. Elemento ng maikling kuwento
43. 46. 49.
44. 47. 50.
45. 48.

You might also like