You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A (CALABARZON)
Masaklaw na Pambansang Mataas na Paaralan ng Tanza
Daang Amaya II, Tanza, Cavite

DAYAGNOSTIK NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Ikatlong Markahan
Name:_____________________________________ Teacher:___________________________
Grade & Section_____________________________

F9PT-Ia-b-50: Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig o matatalinghagang pahayag na ginamit sa parabula.


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga pahiwatig o matatalinghagang pahayag na ginamit sa parabula sa
pamamagitan ng pagpiling letra ng tamang sagot.
1. Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli,” ay nangangahulugang
_____________________.
a. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. Lahat ay may pantay-pantay na Karapatan ayon sa napag-usapan.
c. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
d. Mahalaga ang oras sa paggawa.
2. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang ___________________.
a. pangangatuwiran c. pagpapayo
b. pangangaral d. pagdadahilan

3. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kaniyang ina.
Mula sa nagging pahayag, bigyang-kahulugan ang nais ipahiwatig nito.
a. Walang maidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.

4. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nalinis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?
Kung ikaw ang isa sa mga huling na isang oras lamang gumawa, sa paanong paraan ka tutugon?
a. Tatanggapin ang ibinigay na upa.
b. Pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa.
c. Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama.
d. Ibibigay ang sobrang upa sa nagrerelamo.

5. “Ikaw ang nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Mula sa naging pahayag,
bigyang-kahulugan ang nais ipahiwatig nito.
a. huwag pakialaman ang buhay ng iba
b. huwag magtiwala sa iba.
c. huwag sasama sa hindi kauri.
d. iwasan ang pakikipagkaibigan.

F9PN-IIId-e-52: Nasusuri ang mga tunggaliang (Tao vs Tao at Tao vs Sarili) sa kuwento batay sa mga pahayag
na naglalaman ng pag-uusap ng mga tauhan.
Panuto: Suriin ang mga pahayag na naglalaman pag-uusap ng mga tauhan. Tukuyin kung anong klaseng
tunggalian ang nasasalamin ang nais kong bilhin.
6.Tandang-tanda ko pa noong ako’y bata pa, nagpunta ako sa tindahan ng mga laruan, napakaraming
pagpipilian ngunit hindi ko maisip ang nais kong bilhin.
a. Tao vs. Tao c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Sarili d. Tao vs. Kalikasan
7. “Dalawang pera lang ang hinihingi niya noon sa kaniyang Tata Indo ay kailangan pa niyang maghapong
umiyak.” Sa ganitong pangungusap malimit ilarawan ni Ama ang kakuriputan at kabagsikan ng amain.
a. Tao vs. Tao c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Sarili d. Tao vs. Kalikasan
8. Nagkagulo ang mga tao. Nagsisigawan, nagsisiksikan, naggigitgitan at nagtutulakan upang makita ang
nakakulong si Tata Selo. Halos lahat ay hinuhusgahan ang matanda sa kaniyang ginawa.
a. Tao vs. Tao c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Sarili d. Tao vs. Sarili
9. “Wala akong hilig sa pag-aaral noon. Nakaiinip sa akin ang nag-upo sa desk sa loob ng eskwelahan. Inaantok
akong laggi sa pakikinig sa pagkukuwento ng aming maestro.”
a. Tao vs. Tao c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Sarili d. Tao vs. Kalikasan
10. “Magdasal ka” payo ni ama “iyang mga hinanakit mo’y kalimutan mo na. Masama iyang babaunin mo pa ang
mga iyan.” “Mahirap makalimutan Tiyo Julio, Natatandaan na ninyo noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan
ang libing ni ama’t Ina? Wala akong mauwian doon Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.”
a. Tao vs. Tao c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Sarili d. Tao vs. Kalikasan

F9WG-IIIf-55: Nagagamit ang mga pang-abay na (pamanahon, panlunan at pamaraan) sa pamamagitan ng


pagpunan ng pinakaakmang sagot sa bawat patlang ng mga pangungusap.

Panuto: Gamitin nang angkop ang mga pang-abay (Pamanahon, panlunan at pamaraan) sa pamamagitan ng
pagpunan ng pinakaakmang sagot sa bawat patlang ng mga pangugusap.

11. Lumuwas _________________ si Pepito upang kumuha ng kaniyang sustento sa kaniyang mga magulang.
a. Kumuha c. Maganda
b. Buwan-buwan d. Masino
12. Napakahirap ng buhay sa probensiya, _______________ nalalakad si Dador upang makapasok sa paraan.
a. matalino c. araw-araw
b. magulo d. mula
13. ___________ tanghali nakikita ni Aling Pilar ang isang matanda na nagtitinda ng tubig sa gilid ng paaralan
kasama nito ang kaniyang mga anak na may sakit.
a. tuwing c. dito
b. magalang d. ayon kay
14. Ang mag-anak ay nagtungo ___________ kahapon.
a. sa susunod c. bilisan
b. mainit d. sa parke
15. ___________ nakagawian na nilang pumunta sa probinsiya upang mabisita ang kanilang mga kamag-anak.
a. bukas c. taon-taon
b. maganda d. sa silid

F9WG-Ia-b-41: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay sa pamamagitan ng pagpili ng
titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong napiling letra.

16. Nais kong sumama sa inyo sa mall________ kailangan ko ng quarantine pass.


a. subalit c. ngunit
b. pero d. datapwat
17. Inihain ang mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay _________ ipagtanggol ang Pilipinas sa mga bagong
mananakop.
a. para c. upang
b. habang d. at
18. Libo-libong mga Pilipino ang nagpositibo sa Covid-19 _________ hinikayat ng pamahalaan na manatili na
lamang hangga’t maari sa loob ng tahanan.
a. at c. kung gayon
b. kaya d. bagamat
19. Marami na ang may Covid-19 sa Calabarzon ________ kailangan nating mag-ingat.
a. kaya c. para
b. kapag d. ngunit
20. Ang katawan ng tao ay kailangan ng bitamina ________ lumalakas ang ating resistensiya.
a. para c. upang
b. kaya d. subalit

F9pb-IIIB-C-51: Nasusuri ang mga elehiya batay sa: tema/kaisipan, tauhan, tagpuan, kaugalian/tradisyon, wikang
ginamit, pahiwatig/simbolo at damdamin.

Panuto: Basahin na may pag-unawa ang teksto. Suriin ang elehiya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan na may kaugnayan sa element nito batay sa: Tema/kaisipan. Tauhan, tagpuan, kaugalian/tradisyon,
wikang ginamit, pahiwatig/simbolo at damdamin.

ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, sinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang hindi mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak

Ano ang naiwan?


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, aklat
Talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklao na pangyayari, nagwawakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng panggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak.

__________21. Anong ang kaisipan/ temang nakapaloob sa elehiya?


a. pagdadamhati sa pagkamatay ng kaniyang kapatid
b. pag-aalala sa kabuihan ng kaniyang kapatid
c. pagsasalaysay sa naging buhay ng kaniyang katapatid
d. pag-aalay ng isang tula sa kaniyang kapatid.
__________22. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay. Ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito ay…
a. Ibigay ang buhay sa Maykapal
b. Paghihinayang sa buhay
c. Maagang pagkamatay
d. Mahalaga ang buhay
__________23. Ano ang damdaming namamayani sa elehiya?
a. Kabiguan
b. Paghihinayang
c. Kasiyahan
d. Pagdadalamhati
__________24. Ayon sa tula ang luha ay sumisimbolo sa _________?
a. Tagumpay
b. Kalungkutan
c. Kamatayan
d. Kabiguan
_________25. Ang elehiya ay isang halimbawa ng tulang_____?
a. Pandamdamin
b. Patnigan
c. Pasalaysay
d. Malayang taludturan

Inihanda ng mga guro sa Baitang 9:

KIMVERLY C. ARARACAP TAMARA JAZZ S. LEGASPI CHERYL H. TIBAYAN

ALEXANDER B. LEE EDNA A. SISTER HONEYLYN B. LAZONA

Iniwasto ni:

EFLEDA C. DE GUZMAN JOIE E. BUENDIA Ed. D


Ulongguro IV Punungguro IV
Kagawaran ng Filipino Tanza National Comprehensive HS

You might also like