You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF CAGAYAN
BAGGAO SOUTH DISTRICT
BAGGAO NATIONAL SCHOOL OF ARTS AND TRADES
___________________________________________________________________________________
SECOND PERIODIC TEST IN FILIPINO 7
SY 2023 -2024

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saan sa sumusunod na linya ang may kaugnayan sa pampatulog ng sanggol?


a. “Ili ili, tulog anay, wala diri imong nanay.
b. Dandansoy, bayaan ko ikaw. Pauli ako sa payaw.
c. Ang halin puros kura Ang halin puros kura Igo rang gipanuba
d. Tong tong tong Pakitong kitong
2. Ano ang nais ipahiwatig ng tekstong ito?
“Si Pilemon,si Pilemon,nangisda sa karagatan
Nakahuli,nakahuli ng isdang tambasakan
a. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
b. Libangan sa mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
c. Pangingisda ang pinakasikat na kabuhayan ng mga Pilipino.
d. Laro ng mga Pilipino ang pangingisda.
3. Tumatahol ang aso sa harap ng malaking puno ng kapok.
a. May malignong nakatira sa puno. c. May malignong paparating
b. May maligno sa palibot. d. May malignong tinataboy ang aso.
4. Sinuway ng nanay ang anak nang nagwalis bago maghapunan.
a. Magkakaalikabok ang pagkain sa mesa. c. May takdang oras sa pagwawalis.
b. Matataboy ang grasya/swerte d. Nanay ang magwawalis.
5. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. materyal na kayamanan ng isang bayan c. kultura at kaugalian ng isang bayan
b. pagdurusang naranasan ng isang bayan d. politiko ng isang bayan
6. Alin sa sumusunod na linya ang oyayi o hele?
a. Dandansoy, bayaan ko ikaw, pauli ako sa payaw.
b. Ili, ili, tulog anay, wala diri imong nanay.
c. Tong tong tong, pakitong kitong, Alimango sa suba, gibantog nga dili makuha.
d. Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa kadagatan,
7. Ano ang masasalamin na nakagawian ng mga Bisaya sa awiting “Si Pilemon, si Pilemon?
a. Pangingisda ang pinakasikat na kabuhayan ng mga Pilipino.
b. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
c. Libangan sa mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
d. Laro ng mga Pilipino ang pangingisda.
8. Ano ang maibubulong mo kapag may nakita kang aso na umuungol sa harap ng malaking puno?
a. “Tabi, tabi po, dadaan po kami!” c. “May malignong paparating.”
b. ” May maligno sa palibot.” d. “May malignong tinataboy ang aso.”
9. Isa sa mga paniniwalang Pilipino ang matataboy ang grasya/swerte kapag_________.
a. nagsusuklay sa gitna ng lamay ng patay
b. kumakanta sa harap ng saingan kapag nagluluto
c. nagwawalis kahit gabi na
d. bumibili ng asin kahit dumidilim na
10.Noong una ito ay tulang may sukat at tugma at karaniwang iniuugnay sa kultura at kaugalian ng
isang bayan. a. awiting-bayan b. parabola c. bugtong d. bulong
11.Tumutukoy ito sa mga tradisyon at paniniwala, opinyon, customs, mga kwento, alamat, kultura
at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon.
a. akda b. pamahiin c. tradisyon d. politika
12.Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugalian sa panliligaw?
a. Pagsibak ng panggatong c. Pagtulong sa pagkukumpuni ng bahay
b. Pag-igib ng tubig d. Pagpunta sa bahay ng babae kapag tulog na ang magulang
13.Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang wika ay buhay at dinamiko?
a. Ang mga salita ay maaring magkaroon ng ibang kahulugan
b. Madagdagan pa ang mga salita sa ating diksyunaryo
c. May pag-iikli o pagkakaltas ng mga titik
d. Lahat ng mga nabanggit
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga balbal na salita ayon sa larawan.

14.

Chicks: a. babae b. nanay c. tita d. kaibigan

15.

Chibogan: a. handaan b. inuman c. laruan d. pagkain

16.

Tsekot: a. sasakyan b. van c. kotse d. trak

17.Ito ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.


a. Impormal b. Balbal c. Pormal d. Kolokyal
18.Ito ay mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa pagsulat ng
aklat at mga ulat.
a. Impormal c. Pormal
b. Balbal d. Kolokyal
19.Ito ay mga salitang naporma mula sa pagtatanggal ng ilang titik o pantig sa isang salita.
a. Balbal c. lalawiganin
b. Kolokyal d. Pormal
20.Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya ay partikular na
pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pormal
21.Ayaw niya munang magkasyota.
______________ ako naniwala.
Anong balbal na salita ang pupuno sa awit?
a. Hindi b. Dehins c. Hinds d. Dehin
22.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na kolokyal?
a. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
b. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
c. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
d. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
23.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na lalawiganin?
a. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
b. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
c. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
d. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
24.Bakit hindi natin puwedeng gamitin ang mga balbal na salita sa pormal na usapan o panitikan?
a. dahil hindi ka nila maiintindihan
b. dahil wala itong paggalang
c. dahil mag-iiba ang tingin sa iyo ng tao
d. dahil ito ay ginagamit lamang sa pangkaraniwang pag-usap o yaong salitang kanto

25.Ano ang karaniwang paksa na tinatalakay sa Alamat?


a. Katapangan at kagitingan c. Kababalaghan at hindi pangkaraniwang pangyayari
b. Pag-ibig at Kabutihan d. Lahat ng nabanggit

26.Ito ay isang kuwentong -bayan na maaaring pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari at maaari
rin itong kathang-isip lamang.
a. alamat b. epiko c. pabula d. duplo
27.Ano-ano ang mga taglay na magagandang katangian ng Alamat?
a. Kasamaan at kasakiman
b. Kataksilan at pagiging makasarili
c. Kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan
d. Kabutihan at kasaganahan
28.Sila ang mga dayuhan na nagdala ng mga kani-kanilang kulturang nakaambag sa patuloy na
pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
a. Amerikano at Arabe c. Tsino at Pakistan
b. Arabe at Malay d. Tsino, Indian at Arabe
29.Ito ay pagsasaayos ng mga salita na ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng ipinahahayag. Ano
ito?
a. Pagkiklino c. Pangulong tudling
b. Pagbasa d. Pang-gramatika
30.Ang anak ay (buti)________ kung marunong siyang sumunod sa payo ng magulang. Kaysa maging
suwail.
a. nabuti b. mabuti c. mabubuti d. nabubuti
31.Sa ngayon, (marami)________ kabataan ang nalulong sa paglalaro ng video games kaysa noong
nagdaang panahon.
a. maraming b. madami c. mararami d. marami
32.Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam)_________ pa ring paraan ng pagtuturo kaysa sa
labis na pamamalo o pananakit ng bata.
a. nainam b. maraming mainam c. mas mainam d. mainamnam
33.Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng puwedeng gawin ng anak
(masakit)__________ sa isang magulang ang pagsuway ng anak na humahantong sa sarili niyang
kapahamakan.
a. pinaka masakit b. masasakit c. mas masakit d. masakit siya
34.Kaya bata, piliin mo sanang maging (masunurin)________ ngayon kaysa noong bago mo mapag-
aralan ang ating aralin.
a. lalong masunurin c. pinakamasunurin
b. Higit na masunurin d. mas masunurin
35.Sinlaki ng butil ng monggo ang brilyanteng hikaw ng babae
a. pahambing na magkatulad c. pahambing na pasahol
b. pahambing na di magkatulad d. pahambing na palaman
36.Mas magtatagumpay ang taong masisipag kaysa taong walang ginawa.
a. pahambing na magkatulad c. pahambing na pasahol
b. pahambing na di magkatulad d. pahambing na palaman
37.Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng _________.
a. Balita b. pakikipagtalo ng editor c. kuro-kuro d. bajet sa pagpapaimprent
38.Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.
a. balita. b. paksa c. panahon. d.pangyayari.
39.Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan ang nagbibigay-tuon sa
kabayanihan ng pangunahing tauhan?
a. Maikling Kuwento b. Mitolohiya c. Epiko d. Nobela
40.Alin sa mga sumusunod ang maling ideya tungkol sa epiko? Alin sa mga sumusunod ang maling
ideya tungkol sa epiko?
a. Ito ay nagmula sa salitang “epos”.
b. Isinasalaysay nito ang kabayanihan ng lahat ng tauhan.
c. Orihinal itong nagmula sa anyong patula.
d. Ang pangunahing tauhan ay may natatanging lakas at di- pangkaraniwang kakayahan.

41.Piliin ang katangiang maglalarawan kay Labaw Donggon__________


a. Si Labaw Donggon ay makisig sa kanilang lugar
b. Si Labaw Donggon ay pinakamahina sa lahat
c. Si Labaw Donggon ay masipag na tao
d. Si Labaw Donggon ay matulungin
42.Anong tradisyon ng taga-Visayas ang ipinapakita ni Labaw Donggon sa mga kababaihan?
a. Pamamanhikan b. Pagsisibak ng kahoy c. Panliligaw d. Pagtatanim
43.Anong katagian ni Labaw Donggon ang di kabilang sa mga sumusunod:
a. mayabang b. malakas c. matipuno d. magalang
44.Sa pagliligtas ng anak ni Labaw Donggon sa kanya, anong kultura ng mga taga-Visayas ang
makikita rito?
a. Pagtalikod sa mga gampanin bilang anak c. Pagtakwil sa magulang
b. Pagsuway sa magulang d. Pagmamahal sa magulang
45.Ang mga magulang ng lalaki ang naglalahad ng magandang hangarin ng nanliligaw sa kanyang
sinusuyong dalaga. Anong kultura ang masasalamin dito?
a. Mahina ang loob ng manliligaw
b. Nanliligaw pati ang mga magulang ng lalaki sa dilag.
c. Malinis ang hangarin ng manliligaw sa nililigawang dilag.
d. Nagpapakitang-gilas ang mga pamilya ng lalaki sa nililigawan.
46.Si Asu Mangga at si Buyung Baranugun ay ang mga anak ni Labaw Donggon. Noong nalaman
nilang nakulong si Labaw Donggon dahil kay Buyung Saragnayan,pumunta ang magkapatid sa
malayong lugar upang mahanap at matulungan si Labaw Donggon. Anong pagpapahalaga ang
ipinapakita sa akda ng mga taga-Visayas sa kanilang magulang?
a. Pagsuway sa utos ng mga magulang c. Pagtalikod sa gampanin bilang anak
b. Pagtutulungan ng bawat pamilya d. Pagiging marespeto sa magulang
47.Madaling mahumaling si Labaw Donggon sa magagandang mga babae. Nagkaroon na siya ng
dalawang asawa ngunit nabalitaan niya ang gandang taglay ni Nagmalitong Yawa Sinagmalang
Diwata. Sa ikatlong pagkakataon, ninais muli ni Labaw Donggon na mapangasawa ang nasabing
diwata subalit hindi siya nagtagumpay. Bakit?
a. ayaw sa kanya ng babae c. pinigilan sila ng magulang ng babae
b. may asawa na ang babae d. kuwento ng sikolohiya
48.Alin ang sitwasyong nagpapakita ng mensahe ng epikong tinalakay?
a. Iniwan ni Mang Bert ang kanyang mag-ina dahil sa iba. Pagkatapos ng ilang taon, nagbalik
siya sa kanyang pamilya at humingi ng tawad. Muling siyang tinanggap ng kanyang asawa
at anak.
b. Si Leslie ay mabuting kaibigan ngunit walang respeto sa kanyang mga magulang.
c. Mas minabuti nina Grace na dalhin sa Home for the Aged ang inang matanda na sapagkat
abala sila sa trabaho.
d. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ni Ria upang ibigay ang kanyang mga
pangangailangan. Lingid sa kaalaman ng mga magulang, winawaldas lamang niya ang
perang ipinadadala sa kanyang mga luho.
Maya, Maya bakit ka masaya? Gapasan ng mapupulang butil
Masaya ako dahil gapasan na Butil ng humay na nagpasaya sa buhay.
Panuto: Buoin ang mga pahayag sa bawat bilang.
49.Ang awit ay tungkol sa: a. pulang humay b. magsasaka c. maya d. ani
50.Ang hanapbuhay na inilarawan sa awit ay:
a. pag-aani b. pag-aawit c. pagsasaka d. pangingisda

Submitted by: Checked by:

TEODORA M. TUPPIL ELWITO L. PATTAGUAN


Subject Teacher Head Teacher III

Noted:

EVELYN M. AGRON
School Principal
51.Ang sumusunod ay mga kaisipang nais iparating ng awiting bayan at ng bulong maliban sa isa:
a. Ang awiting bayan ay sumasalamin sa buhay at gawain ng mga magsasaka.
b. Ang panitikang Bisaya ay dala ng mga Espanyol.
c. Ang bulong ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Cebuano sa mga anito.
d. Naniniwala ang mga taga-Bisaya na dinggin ang kanilang mga kahilingan.

“Matud nila ako dili angay Matud nila ikaw dili malipay
Nga magmanggad sa imong gugma Kay wa akoy bahandi nga kanimo igasa

Halaw Mula sa Awiting: Matud Nila

52.Batay sa awiting nasa itaas anong tradisyon kalimitang nangyayari ang hindi pagpayag ng mga
magulang kapag walang kayamanan ang lalaking humingi sa kamay ng babae?
A. Binyag B. Panliligaw C. Lamay D. Pamamanhikan

You might also like