You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
BOBON SCHOOL FOR PHILIPPINE CRAFTSMEN
Bobon, Northern Samar
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
(2nd Periodic Test in Filipino 7)

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat item. Piliin at isulat sa sagutang papel ang TITIK
ng tamang sagot.

1. Ang _______ ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.Subalit kalauna’y nilapatan ito ng
himig upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o maisaulo.
a. Awiting Bayan c. Maikling Kuwento
b. Epiko d. Dula
2. Ang ______ ay ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagppasintabi sa mga bagay o pook tulad ng
puno ng balite, sapa, at ilog, punso at iba pang pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, malign,
at iba pang makapangyarihang Espiritu nang hindi sila makapanakit.
a. Bulong c. Alamat
b. Awiting Bayan d. Epiko
3. Ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig. Nagsasaad ito ng kabuuang damdamin at mga
saloobing ipinapangako ng pag-ibig.
a. Kundiman c. Kumintang
b. Diona d. Oyayi
4. Ang _______ ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol.
a. Kutang-kutang c. Soliranin
b. Oyayi o Hele d. Talindaw
5. Isa pang pampaalis ng pagod ay ang awit lansangan, ang __________ ay may layunin na magpatawa,
magpasaring, o manukso.
a. Kumintang c. Dalit o Imno
b. Kutang-kutang d. Diona
6. Bukod sa awit ng pag-ibig sa iniirog, mayroon ding awit para sap ag-ibig sa bayan. Tinatawag din
itong awit ng pakikidigma. Nagtataglay ito ng malungkot na himig na inaawit ng mandirigma.
a. Kundiman c. Diona o Ihiman
b. Kumintang o Tikam d. Dalit o Imno
7. Ang _______ naman ay ang awiting-bayan sa kasal.
a. Oyayi c. Diona o Ihiman
b. Soliranin d. Kundiman
8. Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika.
a. Lalawiganin o Diyalektal c. Balbal
b. Kolokyal d. Teknikal
9. Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap.
a. Pampanitikan c. Kolokyal
b. Teknikal d. Balbal
10. Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan.
a. Lalawiganin o Diyalektal c. Balbal
b. Kolokyal d. Teknikal
11. Uri ng antas ng wika na ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
a. Teknikal c. Kolokyal
b. Pampanitikan d. Balbal
12. Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan
kabilang dito ang matatalinhagang salita at pahayag na nagbibigay pahiwatig, simbolismo o
larawang diwa.
a. Pampanitikan c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin o Diyalektal
13. Ano ang akdang pampanitikan ang nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng tawag sa isang bagay?
a. Dula c. Epiko
b. Alamat d. Pabula
14. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa Alamat ng Bundok Kanlaon?
a. Kang at Laon c. Datu Ramilon at Sabunan
b. Alusina at Labaw Donngon d. Indarapatra at Sulayman
15. Saan ang tagpuan ng naturang alamat?
a. Negros Occidental c. Visayas
b. Mindoro d. Luzon
16. “Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang”, pagtatapat ni Laon. Ano
ang kasing-kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Pagkakawatak-watak c. Pagkakaibigan
b. Pagmamahalan d. Lahat ng nabanggit
17. “Humanda kayo at ating idadaos ang inyong pag-iisang dibdib sa kabilugan ng buwan.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Pagtatali ng puso c. igagapos ang dibdib
b. Kasal d. wala sa nabanggit
18. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salunnguhit?
a. Alipin c. alaga
b. Mandirigma d. kaibigan
19. Sa pahayag na “Maraming ilaw ng tahanan ang nangingibang bansa para kumita.” Anong antas ng
wika ang ginamit sa nakasalungguhit na salita?
a. Teknikal c. pampanitikan
b. Kolokyal d. lalawiganin
20. Sa pahayag na: “Bilmoko ng bagong damit.” Ano ang antas ng wika ng salitang may salungguhit?
a. Kolokyal c. balbal
b. Pampanitikan d. lalawiganin
21. “Siguradaong matutuwa ang kabataan kung maglalagay ng wifi o internet sa lahat ng pampublikong
lugar.” Ano ang antas ng wikang ginamit sa salitang may salungguhit?
a. Lalawiganin c. teknikal
b. Balbal d. pampanikan
22. “Sa isang kisap-mata, ay Nawala lahat ng aking pag-aalinlangan”. Ang salitang may salungguhit ay
halimabawa ng antas na wika na __________?
a. Teknikal c. pampanitikan
b. Lalawiganin d. balbal
23. “Ang gurangers talaga, nakikiuso ring manood kina Piolo at Sarah.” Anong antas ng wika ang
ginamit sa salitang may salungguhit?
a. Pampanitikan c. balbal
b. Lalawiganin d. teknikal
Para sa Bilang 24-26
Basahin at suriin ang bahagi ng awiting-bayan at bulong sa pamamagitan ng pagtukoy sa mensahe ng
mga ito. Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang TITIK lamang ng tamang sagot.

a. Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan


b. Nananalangin ng hindi maganda sa kapwa bilang ganti sa ginawang masama
c. Nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
d. Nagpapamalas ng pagtutulungan
24. “Sagwan, tayo’y sumagwan
Ang buong kaya’y ibigay.
Baka tayo’y tangayin,
Pagsagwa’y pagbutihin.”

25. “Tra,la,la,la.
Ako’y nagtanim ng binhi,
Umibol, nabuhay.
Di naglao’y namunga,
Ang bunga’y naging binhi.”

26. “Nagnakaw ka ng bigas ko


Lumuwa sana ang mata mo’
Mamaga ang katawan mo
Patayin ka ng anito.”
27. Ang Panimula ay bahagi ng banghay ng alamat kung saan dito nagaganap ang pagpapakilala at
suliranin ng pangunahing tauhan.
a. Tama c. b at a
b. Mali d. wala sa nabanggit
28. Papataas na pangyayari ang tawag sa bahagi ng banghay ng alamat kung saan nagtatangkang malutas
ang suliraning magpapasidhi sa interes ng mga mababasa.
a. Tama c. depende
b. Mali d. parang oo
29. Sa Kasukdulan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin. Tinatawag din iton climax
sa wikang Ingles.
a. Tama c. depende
b. Mali d. hindi ako sigurado
30. Dito sa parteng ito nalulutas ang suliranin patungo sa wakas. Tinatawag itong Pababang pangyayari.
a. Tama c. b at a
b. Mali d. lahat ng nabanggit
31. Sa Wakas madalas nagsisimula ng akda.
a. Tama c. depende
b. Mali d. hindi ko alam
32. Ang mga ________ ang gumaganap sa alamat. Maaaring pangunahin, pantulong, at iba pang tauhan.
a. Tagpuan c. banghay
b. Tauhan d. wala sa nabanggit
33. Ito ay elemento ng alamat kung saan at kailan naganap ang pangyayari sa akda.
a. Banghay c. tauhan
b. Tagpuan d. lahat ng nabanggit
34. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikang tuluyan na naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng
tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan.
a. Tula c. Awiting Bayan
b. Pabula d. Dula
35. Ang dula ay binubuo ng ______ na mga element.
a. Pito (7) c. Anim (6)
b. Walo (8) d. Lima (5)
36. Ang _________ o nakasulat na dula ang itinuturing na kaluluwa ng dula. Walang dula kapag wala
nito.
a. Manonood c. Iskrip (script)
b. Direktor d. Tanghalan
37. Sila ang mga gumaganap at nagsasabuhay sa mga tauhan sad ula.
a. tanghalan c. manonood
b. direktor d. gumaganap o actor
38. Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula.
a. tanghalan c. direktor
b. manonood d. iskrip
39. Ang _________ ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
a. director c. aktor
b. manonood d. tanghalan
40. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung wala ito. Mahalaga sila sa
pagsasakatuparan ng dula.
a. manonood c. tanghalan
b. iskrip d. actor
41. Sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, ang nagbibigay-buhay sa iba’t ibang damdamin at sila rin
ang binibigyang pokus ng mga manonood.
a. Gumaganap o actor c. manonood
b. director d. wala sa nabanggit
42. Ano ang layunin ng dula?
a. magpakitang gilas c. usigin ang lipunan
b. makapagyabang d. maitanghal sa mga manonood
43. Ang director sa dula ang ang nagsasagawa ng mga pagpapasiya ng mga nilalaman ng iskrip, mula sa
kasuotan ng tauhan, hitsura ng tagpuan at nakabatay sa kanyang interpretasyon ang iskrip. Kilala din sya
sa tawag na __________.
a. stage c. Tagadirehe
b. audience d. actor
44. Maaaring ang tanghalan ay sa plasa, bakuran ng isang bahay, kalya, sa loob ng klasrum, o sa
tanghalang pantanghalan mismo at iba pa.
a. tama c. b at a
b. mali d. wala sa nabanggit
45. Ito ay epektibong babasahin sa ating bansa at maituturing na anyo ng panitikang Pilipino. Binubuo
ito ng frames, teksto, at diyalogo.
a. diyaryo c. komiks
b. magasin d. pahayagan
46. Ano ang tawag sa lobong may iba’t ibang hugis kung saan ang ipinahahayag ng nagsasalita sa ay
kalimitang inilalagay sa loob nito?
a. frames c. speech balloon
b. teksto d. diyalogo

Para sa Bilang 47-50: Iguhit ang tamang hugis ng mga sumusunod na speech balloon.
47. Ordinaryo
48. Pabulong
49. Sa Sarili
50. Pasigaw

Maligayang Pagsusulit! 😊

Inihanda ni: Gng. RAQUELAMORES MORALLOS


Guro sa Filipino 7

You might also like