PANUTO: Basahin at suriin ang mga piling taludtod o saknong na hinango sa tulang “Ang Sariling Wika.” Bilugan ang titik ng pangunahing ideya o damdaming isinasaad ng mga ito. 1. Ang sariling wika ng isang lahi Ay mas mahalaga sa kayamanan Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat Mula sa henerasyon patungo sa iba a. Wika ang pinakadakila sa lahat ng kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. b. Ang ating wika ang nagsisilbing kayamanan ng ating bansa na siyang naipapamana natin. c. Nakikilala natin ang isang tao o bansa sa pamamagitan ng pagkilala natin sa kanilang wika. d. Ang wikang minana natin sa ating mga ninuno ay dapat nating pangalagaan at hindi dapat sayangin. 2. Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso, Ang kanyang mga pangarapin . . . Pakinggan ang makahulugang salita Na sa kanyang bibig ay nagmumula. a. Wika ang pinakadakila sa lahat ng kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. b. Ang ating wika ang nagsisilbing kayamanan ng ating bansa na siyang naipapamana natin. c. Nakikilala natin ang isang tao o bansa sa pamamagitan ng pagkilala natin sa kanilang wika. d. Ang wikang minana natin sa ating mga ninuno ay dapat nating pangalagaan at hindi dapat sayangin. 3. Minanang wikang itinanim sa isipan Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman Pamanang yamang di dapat pabayaan Para sa kaunlaran di dapat masayang a. Wika ang pinakadakila sa lahat ng kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. b. Ang ating wika ang nagsisilbing kayamanan ng ating bansa na siyang naipapamana natin. c. Nakikilala natin ang isang tao o bansa sa pamamagitan ng pagkilala natin sa kanilang wika. d. Ang wikang minana natin sa ating mga ninuno ay dapat nating pangalagaan at hindi dapat sayangin. 4. Minana nating wika ay maihahambing sa pinakadakila Ito’y may ganda’t pino, aliw-iw at himig na nakahahalina Init nito’t pag-ibig mula sa musa Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha. a. Wika ang pinakadakila sa lahat ng kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. b. Ang ating wika ang nagsisilbing kayamanan ng ating bansa na siyang naipapamana natin. c. Nakikilala natin ang isang tao o bansa sa pamamagitan ng pagkilala natin sa kanilang wika. d. Ang wikang minana natin sa ating mga ninuno ay dapat nating pangalagaan at hindi dapat sayangin. 5. Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga Sa lahat ikaw ay maikokompara Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig Tulad mo’y walang katapusang awit. a. Wika ang pinakadakila sa lahat ng kayamanang ating natanggap mula sa ating mga ninuno. b. Ang ating wika ang nagsisilbing kayamanan ng ating bansa na siyang naipapamana natin. c. Nakikilala natin ang isang tao o bansa sa pamamagitan ng pagkilala natin sa kanilang wika. d. Wikang Kapampangan ay natatangi sa lahat dahil sa himig nitong malambing na nagdudulot ng tamis at pagmamahal. PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot na hinihingi ng bawat katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa patlang. 6. Isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o manguyam. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 7. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 8. Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 9. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 10. Karaniwang nilalaro ito sa lamay upang magbigay aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na natin. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 11. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula. a. Palaisipan b. Tulang Panudyo c. Bugtong d. Tugmang de-Gulong 12. Ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. a. Haba b. Diin c. Antala d. Punto 13. Tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita a. Haba b. Diin c. Antala d. Punto 14. Nagpapahayag ng tindi ng damdamin. a. Tono b. Diin c. Antala d. Punto 15. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. a. Tono b. Diin c. Antala d. Punto 16. Ang rehiyonal na tunog o accent. a. Tono b. Diin c. Intonasyon d. Punto 17. “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong pitasin.” a. nagbibigay-babala b. nangangaral c. naglalarawan d. nag-uuyam 18. “Ginto. Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di magkamayaw-nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mga ganga; samantala, pataas nang pataas, palago na nang palago ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinang at makikislap na kataasan ay sumisilaw sa lahat.” a. nagbibigay-payo b. naglalarawan c. nangangatwiran d. nagpapaalala. 19. Sa kalooban ni Lifu-o ay naroon din ang piping panalangin. Binigyan mo, Dakilang Kabunian ng masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito. a. nagpapaalala b. nagbibigay-payo c. nagsusumamo 20. “Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang canao. Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob sa akin ng kawa.” a. nag-uutos b. nangangaral c. nagbibigay ng papuri d. naglalarawan 21. Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang pipilay-pilay na lumipat at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakapangyayari na ang kanyang katauhan. a. nagsasalaysay b. nagbibigay-payo c. nangangatwiran d. nagtatanong 22. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng andiwa, pang-uri, at pang-abay pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula. a. simula b. gitna c. wakas d. wala sa nabanggit 23. Dito pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari. a. simula b. gitna c. wakas d. wala sa nabanggit 24. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang making o magbasa. a. simula b. gitna c. wakas d. wala sa nabanggit 25. Ang kuwentong “ Si Mangita at Larina” ay isang uri ng ________________. a. Parabula b. Pabula c. Alamat d. Maikling Kuwento 26. Ang kuwentong “ Si Mangita at Larina” ay alamat ng ____________. a. Lawa ng Calamba b. Lawa ng Cavite c. Lawa ng Bataan d. Lawa ng Laguna 27. Ang pulubing ipanagtabuyan ni Larina ay isa palang _______________. a. Diwata b. Paruparo c. Sirena d. Ibon 28. Ang tauhan sa alamat na inilarawan bilang maputi at nagtataglay ng mahaba at manila-nilaw na buhok bulait nagtataglay rin ng mga kasamaang ugali. a. Marina b. Mangita c. Larina d. Darina 29. Siya naman ay inilarawan bilang may kayumangging balat at may kabutihang loob. a. Marina b. Mangita c. Larina d. Darina PANUTO: Bilugan ang sa palagay mo ay angkop na motibo o pakay ng may-akda ukol sa pahayag na nakatala. 30. Ang ningning ay madaya. a. Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo. b. Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na nagniningning. c. Madalas nadadaya ang tao sa mga bagay na kumikinang. 31. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas sa halip an gating pahalagahan ay ang kadalisayan ng hangarin ng isang tao. b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkahumaling sa kinang ng sanlibutan ay mapagtagumpayan. c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng kasinungalingan at kapalaluan. 32. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating ugat ay magbalatkayo na maningning. a. Ang pagiging madaling mabighani ng mga Pilipino sa mga bagay na kumikinang na kadalasan ay bunga ng pagbabalatkayo ay nananalaytay na sa dugong dumadaloy sa ating ugat. b. Huwag tayong magtakang darating ang araw na ang mga taong nais sumakop sa ating bansa ay magbabalatkayong mabuting mga kaibigan lalo pa’t nakikita nila tayong mga Pilipino ay madaling humanga sa galing ng mga dayuhan. c. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas kaya di malayong mangyari na ang mga taong nais magsamantala sa atin ay magpapanggap na dalisay ang kanilang hangarin. PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahon. 33. Masayang kumandong ang apo sa kanyang mapagmahal na lola. a. humalik b. kumalong c. lumapit d. yumakap 34. Hindi maunawaan ng lola kung saan nahagilap ng apo ang mga balitang sinasabi nito sa kanya. a. nakuha b. nalaman c. narinig d. naunawaan 35. Nagtampo ang lola dahil sa marahas na tinig ng kanyang bunsong anak habang nakikipag-usap sa kanya. a. mabagsik b. malakas c. malamyos d. masakit 36. Hindi man lang natinag ang anak sa naging bunga o epekto ng kanyang ginawa sa kanyang ina. a. naapektuhan b. nalungkot c. nasaktan d. natuwa 37. Sa sobrang sakit na kanyang naramdaman ay parang tumigil sap ag-inog ang kanyang mundong ginagalawan. a. pag-ikot b. paglakad c. pagsikat d. pag-usad 38. Pahalagahan natin at alagaan ang ating mga lolo at lola sapagkat sila’y tunay na nangangailangan ng ating pagkalinga. a. pag-aaruga b. pakikiisa c. pagsuporta d. pagtitiyaga PANUTO: Suriin kung ang pangungusap ay naghahayag ng paghihinuha ng kahulugan ng salita o pangyayari sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay paghihinuha at ekis (X) naman kung hindi. _____39. Ang kayabangan at kasakiman ay tila nakaakay sa mga bagay na maliwanag. _____40. Ang tunay na pag-ibig marahil ay isang bagay na nakapagbibigay-liwanag sa buhay. _____41Maaring gumanda ang buhay ng taong may pera. _____42. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. _____43Ang magandang pag-uugali siguro ay isang bagay na ipinagmamayabang. _____44. Di malayong mabulag ang tao dahil sa mga bagay na maningning. _____45. Sa tingin ko dapat nating mas pagtuonan ng pansin ang mga bagay sa ating buhay. _____46. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging mayabang sa buhay. _____47. Baka dumami ang kanyang kaibigan dahil sa dami ng pera niya. PANUTO: Suriin kung ang pahayag ay ANAPORIK o KATAPORIK. Isulat ang sagot sa patlang. ___________48. Ang Senior Citizens Act ay mas pinabubuti pa. Ito ay malaking tulong lalo na sa matatandang mahihirap ang buhay. Ito ang magbibigay proteksiyon sa kanila upang masiguro ang kanilang kaligtasan pagsapit ng edad 60 pataas. ___________49. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda. Si Miriam defensor Santiago ay nagsusulong ng bagong batas para sa mga senior citizen. ___________50. May mga ahensiya na handing mangalaga sa matatanda sa bansa. Sila ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan. ___________51. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibinigay natin sa kanila ang mga pangangailangang ito. PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa akdang “Si Mangita at Si Larina”. Lagyan ng bilang 52-60. _____a. Agaw-buhay si Mangita nang bumalik ang matanda at kanyang napatunayan ang masamang ugali ni Larina nang hindi nito alagaan ang kanyang kapatid. _____b. Bumalik ang matandang pulubi sa tahanan ng magkapatid upang bigyan ng mumunting buto ng halaman si Mangita at nang gumaling ito sa kanyang sakit. _____c. Hindi nakayanan ni Mangita ang matinding pagod lalo na’t hindi siya tinutulungan ni Larina kaya’t siya’y nanghina at nagkasakit. _____d. Ipinagbilin ng matanda kay Larina na subuan ang kapatid ng mumunting buto oras-oras hanggang sa kanyang pagbabalik ngunit hindi ito ginawa ng una. _____e. Isang araw may isang matandang pulubing humingi ng kanin kay Larina ngunit sinigawan at itinulak lamang niya ito. Nakita ni Mangita ang nangyari kaya’t ginamot niya ang matanda at pinuno ng kanin ang mangkok nito. _____f. Naging isang magandang diwata ang matanda at pinarusahan si Larina dahil sa kasamaan ng kanyang ugali at isinama si Mangita sa kanyang tahanan sa pulo ng lawa. _____g. Namatay ang ama ng magkapatid kaya’t napilitang magtrabaho si Mangita upang sila’y may makain. _____h. Noong unang panahon ay may dalawang magkapatid na nirahan sa pampang ng Laguna de Bay na maagang naulila sa ina. _____i. Si Larina ay nasadlak sa lawa at walang tigili na sinuyod ang kanyang buhok upang hanapin ang mga butong kanyang itinago.
“Hindi lahat ng kumikinang ay nagbibigay-liwanag sa buhay”
Inihanda ni: Ipinasa kay:
MICHELLE F. JARANILLA AURORA G. SARIO Guro I – Filipino Ulong-Guro III-Filipino