You are on page 1of 5

Pagbibigay-Kahulugan sa

mga Matatalinghagang
Ekspresyon, Tayutay, at
Simbolo
Filipino 8
Ikaapat na Markahan/ Modyul 3

Balikan

Bago natin ipagpatuloy ang ating talakayan tungkol sa pagbibigay - kahulugan sa


matatalinhagang ekspresyon, tayutay, at simbolo. Subukin nating bigyang- hahulugan
ang isang kasabihan.

Gawain 1: Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

“Ang buhay ng tao ay tulad ng isang puno may panahon


ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.”
___________________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 3: Ibigay ang kahulugan at isinisimbolo ng mga matatalinhagang salita na


nasa unang kolum. Kopyahin ang pormat sa iyong sagutang papel

Matalinhagang salita Kahulugan


Hal. Nagtataingang kawali Nagbibingi - bingihan
1. Kapilas ng buhay
2. Magsunog ng kilay
3. Nagbibilang ng poste
4. Lakad – pagong
5. Ilista sa tubig
Salita Simbolo
Hal. Puti Kalinisan
1. Pusang itim
2. Maria Clara
3. Kalapati
4. Linta
5. Tinik

SURIIN
Alam mo ba….

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal – sa


ibang salita hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kaniya – kaniyang salitang
nabuo. Ito ay di – tuwirang pagbibigay – kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian
ng isang lugar.

Ang matalinhagag ekspresyon ay maaaring tumukoy sa idyoma, salawikain, kasabihan,


kawikaan, at mga pariralang nagpapahiwatig ng sentimyento ng isang grupo.

Ang Tayutay (Figure of Speech) ay tinatawag ding “patalinhagang pagpapahayag.” Sa


pagtatayutay, sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita
upang sa ganoon ay magawang higit na maganda at kaakit - akit ang kanyang sinabi.

Mga Ilang Uri ng Tayutay na Ginamit sa akda

1. Pagtutulad (Simile) - Ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang magkaibang


bagay, tao, pangyayari at iba pa. Ito’y ginagamitan ng mga salitang; tulad ng, gaya ng,
para nang, kapara, kawangis, tila, at katulad.

Mga Halimbawa:
a. Parang bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga mata.
b. Mamula - mula ang pisngi niyang tulad ng isang mansanas.

2. Pagwawangis (Metaphor) – ito’y naghahambing din gaya ng pagtutulad ngunit


hindi ginagamitan ng mga salitang; tulad ng, gaya ng para ng, kapara, kawangis, tila, at
katulad sapagkat ito’y tiyakang paghahambing.

Mga Halimbawa:
a. Ang kamay ng manggagawa ay bakal sa tigas.
b. Si Luis ay elepante sa laki.

3. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa


kalagayan ng tao, bagay o pangyayari ang tayutay na ito.

Mga Halimbawa:
a. Nabasag ang aking bungo sa dumating na problema sa buhay namin.
b. Bumaha ng salapi nang dumating ang kanyang ama buhat sa ibang bansa.

4. Personipikasyon o Pagbibigay - katauhan - ito’y pagsasalin ng talino, gawa at


katangian ng tao sa mga bagay - bagay sa paligid natin.
Mga Halimbawa:
a. Lumuha ang langit nang masawi ang dakilang bayani.
b. Lumuhod ang mga tala sa kanyang kagandahan.

5. Eksklamasyon – pagbubulalas ito sa masidhing damdamin sa isang pahayag.

Mga Halimbawa:
a. Natulala ako noong nabalitaan kong naaksidente ka, kaya’t dinalaw kita sa ospital.
b. Labis ang aking kasiyahan dahil nakita kitang may mabuting kalagayan

6. Pagtawag (Apostrophe) – ito’y pakikipag - usap sa karaniwang bagay o sa isang

Isagawa
Gawain 6: Sumulat ng isa saknong na tula tungkol sa pagmamahal ng anak sa
kanyang magulang. Gumamit ng matatalinghagng salita,tayutay at simbolo sa
pagbuo ng tula.

Pamagat ng Tula

Tatayain ang iyong nabuong tula batay sa sumusunod na pamantayan

Kaayusan at kalinawan ng ideya……….…………………10 puntos


Kahusayan sa paggamit ng matalinghagang salita .……..10 puntos
Hikayat sa mambabasa …………………………………….10 puntos
Kabuuang grado ………………………………………….30 puntos
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga salitang may diin sa pangungusap, at tukuyin
ang kahulugan ng mga ito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Unang sulyap pa lamang niya kay Selya ay nabihag na ang kanyang


puso.
a. Inatake sa puso c. Nagkasakit na siya
b. Napaibig na siya d. Natusok ang puso

2. Naging bukambibig, ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng


tula.
a. Mga usap-usapan c. bantog o kilala
b. Tampulan ng tukso d. matalinong bata

3. Naiisip ni Florante ang kanyang mapanglaw na kahariang sinilangan.


a. Malungkot c. Magulo
b. Masaya d. Malayo

4. Umiral na naman ang pagtataingang-kawali ni Fidel nang tawagin siya ng


kanyang ina upang maghugas ng pinggan.
a. Pagbibingi - bingihan c. malaki ang tainga
b. Maghugas ng kawali d. makapal ang kawali

5. Ang mga karanasan niya ang nagpanday sa kanya upang maging isang
mahusay na manunulat.
a. Nagsanay c. naghubog
b. Nagpahirap d. nagpakilala

6. Nakalulunos ang mga nagdaang alala ni Florante sa kanyang pagkakagapos.


a. Nakatutuwa c. nakaiinis
b. Nalulungkot d. nakahihiya

7. Timba-timbang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi nang masawi ang


kanyang ina. Anong uri ng tayutay ito?
a. Pagtutulad c. Pagsasatao
b. Pagwawangis d. Pagmamalabis

8. Namilipit ang mga baging sa malaking puno ng Higerana

a. Buhol-buhol c. Nakasabit
b. Nakapalibot d. Tagpi-tagpi

9. Madamong kapaligiran na may basiliko ang kinagagapusan ng binata.


a. Malaking ahas c. Sawa
b. Mukhang butiki d. Tigre

10. Bahaghari ang kilay niyang balantukan. Anong uri ng tayutay ito?
a. Pag-uuyam c. Pagwawangis
b. Pagtawag d. Pagtutulad

11. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante ang


madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
a. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong
iyon
b. Ang mga kagubatang pinagmulan ng pangangailangan sa panahong
iyon
c. Ang mga kagubatang pinagtataguan ng mga Pilipino sa panahong
iyon

12. Ang kahabag-habag at nakagapos na binata sa isang puno ng higera.


a. Ang kawalang kayamanan ng mga Pilipino sa panahong iyon.
b. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong sa panahong iyon
c. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon
d. Ang kawalang kaalaman ng mga Pilipino sa panahong iyon

13. Ang mga syerpe’t (ahas o serpiyente) at basiliskong gumagala sa gubat.


a. Ang mga mananakop na nagpapahirap at nag-abuso sa mga Pilipino
b. Ang mababangis na hayop-gubat na handang pumatay anumang oras
c. Ang mga sakit o karamdamang maaaring dumapo sa sinuman
d. Ang pananakit at paniniil sa mga Pilipinong nagmamahal sa bayan

14. Ang balang bibig na pinagmulan ng katotohanan.


a. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nakukuntento tungkol
sa buhay ng may buhay
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa
pagmamalabis ng mga mananakop.
c. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang
pamumuno sa ating bansa.
d. Ang pagpipigil ng mga banyaga sa mga Pilipino na sumali sa mga
usapang pangkapayapaan

15. Lugami ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan sa panahon ng


pananakop.
a. Lupaypay c. Mabait
b. Matapang d. Takot

You might also like