You are on page 1of 5

Liham sa Patnugot

Dear Ed

Labis akong nagagalak pagkat akony nakuha sa naganap na screening para sa Tagabaunsod
bilang isang editorial writer.

Jim

Dear Jim,

Maging ako rin ay nasisiyahan para sayo. Malugod ka naming tinatanggap sa aming grupo,
naway pagbutihin mo ang iyong mga tungkulin na dapat mong gampanan.

Nagmamahal Ed

Dear Ed,

Ako poy nababahala sa mga estudyanteng nalilimutan ang mga patakaran sa eskwelahan. Nais
ko po sanang humingi ng payo sa kung paano natin masosolusyonan ang lumalaganap na suliraning ito.

Amorcela

Dear Amorcela,

Tila gumaan ang aking puso nang may isang katulad mo ang sumangguni sa amin. Sa ngayon, ay
patuloy pa rin ang pagpapalaganap naming mga Tagabunsod staffers kasama ang SSG at ang iba pang
organisasyon sa mga patakaran na kinakailangang sundin.

Nagmamahal, Ed
Netizens, umalma sa pagbabawal ng unli rice

Maraming netizens ang umalma sa naging pahayag ni Villar, ang iba ay dinaanan sa katatawanan
sa Twitter ang mga sentimiyento.

Ang pagbabawal ng unlimited rice promos sa mga restaurants ang makatutulong umano upang
mas maging mainam ang kalusugan ng mga Pilipino at mapanatili ang sapat na supply ng bigas sa bansa.

Ayon kay Villar ang ibang bansa ay inilulunsad ang balanseng pagkain sa pamamagitan ng
konting kanin at madaming gulay.

In schools in Japan, the students even discuss the nutritional value of their meals for the day
before they eat. They also harvest the vegetables they eat from the garden in their school. Of course, we
want our children and childrens children to grow up healthy, dagdag ni Villar.

Nilinaw ni Sen. Cynthia Villar na wala siyang balak ipagbawal ang pagkain ng unlimited rice.

I am not planning to make a law banning unli rice, not at all. I just voiced out my concern that
eating too much rice is one of the main causes of high blood sugar that leads to diabetes, wika ni Villar
ngayong Huwebes.

Ngunit aminado ang senadora na hindi niya mapipigilan ang pagtangkilik ng nakararami sa
unlimited rice.

I cannot prevent people from eating unlimited amount of rice. It is their choice. It was a
genuine expression of concern on my part, sabi ni Villar.

Sa kasalukuyan, 97 percent rice self- sufficient ang bansa.


Silid ng Karunungan

Sunod- sunod na sirena ng bumberoang bumasag sa namamayaning katahimikan ng buong


lugar. Madilim, ngunit kitang- kita ang naglalagablab na apoy na unti- unting tumutupok sa isang gusali
tulad ng isang malalang sakit, unti- unti itong kumakalat.

Taong 2013, gumimbal ang isang insidenteng naghatid ng takot, lungkot, at pangamba sa
napakaraming tao. Isang pangyayaring kumintal sa isipan ng mga tao. Ang silid- aklatan ng Pambansang
Mataas na Paaralan ng La Union ay walang awang sinira ng apoy. Lahat ng mga aklat, gamit at ala- ala
ay dahan- dahang naglaho, kasabay ng pagkasunog ng gusali.

Nasa isang malaking problema ang paaralan. Hindi alam kung paano aayusin ang delubyong
nangyari. Ngunit sa paglipas ng panahon, laking- tuwa ng marami dahil may mga mabubuting loob na
tumulong upang masimulan ang pag- aayos ng silid- aklatan. Ang pag- aakalang tuluyan nang maglalaho
ang maliligayang ala- ala at masasayang pangyayari na naganap dito ay napalitan ng pag-asa. Pag- asang
namutawi sa kanilang loob, na unti- unting mababalik pa ang mga ala- alang winasak ng apoy. At maaari
pang madagdagan ang mga ito ng panibago, dahil nalalapit na ang pagbubukas ng bago at naayos nang
silid ng karunungan.
Pagpupursigi, Hagdan Tungo sa Tagumpay

Edukasyon ang tulay sa tagumpay. Iyan ang prinsipyo ng estudyanteng


nagngangalang Jan Marc Karganilla, ang bunsong anak nina Gng. Mercedita at G. Virgilio Karganilla.

Ipinanganak si Jan Marc noong ika- 13 ng Oktubre taong 2002. Bata pa lamang ay kinakitaan na
siya ng angking katalinuhan sa akademiy at talento sa pagsulat.

Pumasok siya ng elementarya sa Catbangen Central School sa edad na anim at nagkamit ng ibat
ibang parangal sa larangan ng akademiya. Paborito niya ang mga asignaturang Agham at Filipino, kaya
naman palagi siyang isinasabak sa patimpalak na may kinalaman sa siyensya at Filipino.

Pagtungtong niya ng hayskul, pumasok siya sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union at


umani ng napakaraming parangal. Isa rito ang pagkasungkit niya ng kampeonato sa pagsulat ng Dagli sa
panrehiyon na kategorya. Napabilang rin siya sa pambansang pagsulat ng Dagli. Nagkamit rin siya ng
ikapitong puwesto sa National Science Quest noong siyay nasa ika- walong baitang at ikasampung
puwesto naman noong siyay ika-siyam na baitang. Siyay naging huwaran at inspirasyon ng kapwa niya
estudyante.

Para sa kanya, marami pa siyang dapat matutunan. Pagpupursigi at pag- aaral lamang ng mabuti
ang kaniyang naging susi upang maging matagumpay sa klase.
Basketbol, Dapat nga bang Kahiligan?

Ganoon nga ba kalaki ang benipisyo na paglalaro ng basketball sa mga kabataan


ngayon? May maganda nga ba itong naidudulot o meron ding walang mabuting naidudulot?

Mapabata man o matanda, mapababae man o mlalaki. Karamihan sa ngayon ay nahumaling na


sa paglalaro ng isport, lalo na sa basketbol. Laro dito, laro doon, kahit saan ka man tumingin, may
mahahagip kang lugarna may naglalaro ng basketbol.

Ngunit may mga taong nagaalanganin kung tama bang pagtuunan ng pansin ang larong ito? Aba
syempre, tama din naming bigyan ito ng pansin dail may magagandang naidudulot sa kabataan. Ilan sa
mga ito ay ginagawang libangan imbes na masangkot sa mga bisyo, pagsisilbing ehersiyo at
makasalimuha sa iba para magkaroon ng kaibigan.

Kaya hindi dapat pigilan ang mga taong may hilig sa larong ito dahil marami itong naibibigay na
maganda sa mga kabataan. Basta hindi nawawalan ng oras sa pagaaral at lalong lalo na sa pamilya.

You might also like