You are on page 1of 1

BulPrisa: Susi sa Katapatan Tungo sa Kaunlaran

ni Kristina Cantoria
Ayon kay Baltazar Gracian, isang manunulat na Espanyol, a single lie destroys a whole
reputation of integrity. Ang solusyon ditto Katapatan. Iisang salita na may apat na pantig na
maaaring bigyang kahulugan na; karangalan ay pakaingatan, tukso ay talikdan, pairalin ang
kaisipan at was akin ang sistemang bulok at puno ng kaimbutan! Ito ang nais bigyang diin ng
BulPrisa; sa sipag, tiyaga, dedikasyon, disiplina at katapatan magsisimula ang tunay na
pakikibakang daan tungo sa kaunlaran.
Naranasan mo na bang manood ng larong basketbol at makasaksi ng balyahan sa pagitan
ng mga manlalaro subalit animoy walang nakita ang referee? O di kaya namay sa larong
volleyball na sumayad na sa net ang bolang tinira ng kalaban pero walang tinawag na violation at
tuloy pa rin ang laro? Kung ikaw na manonood ay labis nang naapekatuhan sa iyong mga
nasaksihan, ang mga kalahok pa kaya na nadehado sa paligsahan? Nakasaksi ka naman bang
beauty pageant kung saan ang itinanghal pang kampeyon ay ang kalahok na siyang hindi pa
nakasagot sa Q & A portion? Kaya naman paano naging simple at maliit na bagay ang
katapatan kung sa ganitong uri pa lang ng kompetisyon ay palasak na ang dayaan? Anong silbi
ng tropeyo kung alam mo sa sarili mong itoy bunga lamang ng pandaraya at hindi ng paghihirap
at pagsisikap?
Halinat wakasan na natin ang bulok na sistema, kapatid! Kooperasyon ang kailangan ng
BulPrisa mula sa atin upang magawa nito ang layuning humubog at magpairal ng katapatan sa
bawat indibidwal nang sa gayon ay maunawaan nating wala sa tropeyo ang tunay na tagumpay,
bagkus ay sa linis ng ating puso at hangarin na magkaroon ng patas at makatwirang labanan
tungo sa kaunlaran!

You might also like