100% found this document useful (2 votes)
2K views2 pages

Wikang Pambansa

Uploaded by

anon-540423
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
2K views2 pages

Wikang Pambansa

Uploaded by

anon-540423
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

TALUMPATI NI MAYOR MCF

Buwan ng Wikang Pambansa


Riverbanks Center
2 August 2006

Isang karangalan sa lungsod ng Marikina ang maging bahagi sa


pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ito’y isang
makabuluhang gawain sapagkat saan mang bansa ang katutubong
wika ay tinataguyod at pinagyayaman. Tunay nga na ang isang
katutubong wikang panglahat ay mahalagang kasangkapan sa
komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa.

Bagama’t ang wikang banyaga ay ating itinataguyod din tungo sa


epektibong pakikipag-ugnayang pandaigdigan, ang katutubong
wika ay kahit kailan ay hindi maaaring maglaho sa ating sistema.
Kaakibat ng ating sariling wika ay ang mga kaugaliang Pilipino na
dapat nating ipagmalaki ay mapanatili. Kabilang na rito ang
paggalang sa kapuwa, sa magulang, sa awtoridad at nakatatanda.
Ito’y isang katangiang Pilipino na dapat nating buhayin sapagkat
ito’y mahalagang pundasyon ng kaunlaran.

Dapat din nating pahalagahan ang ating kahinahunan na tunay na


nadarama sa pagbigkas ng ating sariling wika. Ito at iba pang mga
mahahalagang katangian ng Pilipino ay tiyak na bibigyang kulay ng
eksibit at mga aklat na ipapamahagi na kalakip sa pagdiriwang ng
ating wikang pambansa.
Sana ay mabigyan natin ng pansin ang kahalagahan ng disiplina
sa pagdiriwang na ito. Ito ang pinakamagandang mensahe na ating
maipaparating sa mga mag-aaral at iba pang saksi sa okasyong ito.
Hindi sapat ang galling sa pagbigkas ng wikang Pilipino. Mas
mahalaga ay maalala at maisabuhay natin ang mga katangiang susi
ng pagsulong at pagbabago. Ako, ikaw, tayo ay Pilipino. May
katutubong wika at may katutubong pag-uugali.

Binabati ko ang mga namuno sa pag-oorganisa ng programang ito.


Pinupuri ko ang inyong paglalaan ng panahon sa ganitong uri ng
gawain.

Mabuhay tayong lahat!

You might also like