You are on page 1of 4

BUWAN NG WIKA

EMCEE SCRIPT

B at G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

B: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda:


kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na
katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

G: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay


buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na
naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang bawat tao.

B: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita
ang iba’t-ibang impluwensiya sa bansa na siyang nakapagbabago at humuhulma
sa pagkatao ng mga mamamayan.

G: Kaya ngayong umaga ating saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan
bilang pag-alala ng ating Wikang Filipino na may temang:

B and G: Wikang katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino!

B: Maligayang panonood sa lahat!

G: Tumayo po tayong lahat para sa panalangin na pangungunahan ni Binibining


Rosaly Franco, estudyante sa ika-anim na baitang.

B: Manatiling nakatayo para awitin ang Pambansang Awit ng pilipinas na


patutugtugin ng TSA Sound System.
PAMBANSANG AWIT
PANALANGIN

G: Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na


bahagi ng ating palatuntunan. Pero bago nating Umpisan ang palatuntunan ito,
atin munang pakinggan si Binibining Jessa Joy Camiña para kanyang Pambungad
na Mensahe.
(after the message) Maraming salamat Binibining Jessa Joy Camina sa iyong
magandang mensahe.

Presentasyon:

B: Ngayon ating tunghayan ang isang sayaw na presentasyon na ipapakita ng mga


mag-aaral ng kindergarten 1 at kindergarten 2 na may Titulong “Ang Pipit”
Bigyan natin sila ng masigabong na palakpakan!
(after the dance presentation) Maraming salamat mga magagaling na bulilit sa
inyong magandang sayaw na ipinamalas.

G: Ang musika at sayaw ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong


mapalaganap ang ating pagka-Pilipino.
Ating saksihan ang ipapakitang sayaw ng mga piling mag-aaral mula ikaapat na
baitang hanggang ikaanim na baitang. Bigyan natin sila ng malakas na palakpak.
(after the presentayon) Magaling! Tunay ngang ang bawat bata ay may
nakatagong talento.

B: Hindi naman magpapahuli ang mga piling estudyante sa hayskul(highschool).


Tunghayan naman natin ang kanilang inihandang presentasyon. Bigyan natin sila
ng masigabong na palakpakan. (after the presentation) Maraming salamat mga
mag-aaral mula sa sekundarya.
G: Ngayon naman, makinig tayo sa kanilang itatanghal na “Sabayang Pagbigkas”
na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
Bigyan po natin sila ng masigabong na palakpakan.
(after the presentation) Maraming salamat mga piling estudyante ng hayskul.
Ang sabay-sabay na pagbikas ay talagang nagbibigay galak sa ating mga puso’t
isipan.

G: Sa puntong ito, hindi naman magpapahuli ang mga gurong nagtuturo sa


paaralang ito. Dahil sila ay maghahandog ng Sayaw at Sabayang Pagbigkas.

Ang unang grupo ng mga gurong magtatanghal ng kanilang sayaw ay ang grupo
ng mga guro sa elementarya. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!
(after the presentation) Wow! Tunay ngang mga talentado ng mga gurong
nagtuturo dito sa Treynald Tom Sy. Hindi lang sila magaling sa pagtuturo, pati
narin sa iba pang larangan.

B: Ngayon naman, ang susunod na magpapasiklab ng talento ay ang grupo ng


mga gurong nagtuturo sa sekundarya. Bigyan natin sila ng malakas na
palakpakan.
(after the Presentation) Napakagaling! Maraming salamat!

G: Ngayon naman, makinig tayo sa isang awit na ihahandog sa atin ni John Patrick
Cabonillas. Bigyan natin siya ng malakas na palakpak.
(after the presentation) Maraming salamat John Patrict para sa mahusay mong
pag-awit. Tunay ngang napakatalentado ng Pilipino.

B: Sa puntong ito, bibigyang parangal ang mga nanalo sa bawat patimpalak.


Tinatawag po namin ang aming punong guro na si Geraldine A Cinco, Ginoong
Roberto Ferer ang Prefect Discipline ng Paaralang ito, Ginoong Christopher Yanga
ang level leader ng elementarya at binibining Jessa Joy Camiña ang level leader sa
sekundarya.

G: Para naman sa katapusan ng programang ito, makinig tayo sa pangwakas na


mensahe ni Ginoong Christopher Yanga, guro sa katlong baitang. Bigyan natin
siya ng masigabong palakpakan.
(after the presentation)

B: Maraming salamat Ginoong Christopher Yanga sa iyong napakagandang


pangwakas na mensahe.

B: Muli ako po si Ginoong Randy Blancia

G: At ako naman po si binibining April Rose Sapanza

B & G: Mabuhay ang Wikang Filipino!

G: Magandang hapon po sa lahat.

You might also like