You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
PANGASINAN II

DIVISION MEMORANDUM
No. s.2022

To: Public Schools District Supervisors


Elementary and Secondary School Principals
Filipino Department Heads and District Coordinators

From: THE SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT

SUBJECT: Pandibisyong Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2022

DATE: July 29, 2022


___________________________________________________________________________

1. Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Blg. 1041, s.1997, na nagpapahayag ng taunang


Buwan ng Wikang Pambansa tuwing 1-31 Agosto, ang pagdiriwang ay pangungunahan
ng Komisyong ng Wikang Filipino (KWF).

2. Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikag Pambansa ipinatutupad g KWF Kapasiyahan ng


Kalupunan BLG 8-6 Serye 2022 na nagtatakda ng temang “FILIPINO AT MGA
KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGLIKHA AT PAGTUKLAS” na naglalayon na
ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga
wika.

3. Kabahagi ng pagpupunyagi, ang dibisyon, sa pamamagitan ng Curriculum


Implementation Division (CID) ay naghanay ng mga mungkahing gawaing
kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022. (Tingnan Kalakip
Blg.1)

4. Kasabay na inilatag sa mga nasabing gawain ang mga tuntunin nito upang
maisakatuparan ang tema ng taon. Alinsunod nito, inaasahan na ang bawat
paaralan/distrito ay magkaroon rin ng buwanang pagdiriwang alinsunod sa tema
ng taon. Sa pamamagitan nito, mapakikita at mapahahalagahan ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa sa gitna ng nararanasang hamon pangkalusugan.

5. Inaasahan din na pagsusumite ng isang naratibong ulat sa nagawang pagdiriwang


sa Ika-16 ng Setyembre, 2022.
6. Ang mga sumusunod ay mga mungkahing gawain sa pagdiriwang. Magkakaroon
ng pandibisyong lebel na gaganapin sa buwan ng Setyembre sa para sa
elementarya at sekundarya.

MUNGKAHING GAWAIN SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2022

Tema: “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGLIKHA AT


PAGTUKLAS”

ELEMENTARYA
A. PAGBIGKAS NG TULA (KINDER)
Mekaniks: May iisang piyesa na gagamitin na maaaring ilokano o pangasinan.
Magtatagal ang pagtatanghal nang 3 hanggang 5 minuto lamang.
PAMANTAYAN:
INTERPRETASYON- 35%
Pagbibigay diin sa damdamin
HIKAYAT- 25%
Dating sa madla 5%
Kakanyahang pantanghalan 5%
Kilos, galaw, kumpas 10%
Ekspresyon ng mukha 5%
TINIG- 20%
Lakas 5%
Taginting 5%
Kaangkupan ng diwa at damdamin 10%
BIGKAS- 20%
Matatas at maliwanag 10%
Wastong pagbubukod ng salita 5%
Diin at Himig 5%

B. ISAHANG TINIG – GRADE 1-3


Mekaniksang napiling awit ay dapat isang opm o orihinal na musikang Pilipino. Ang
pagtatanghal ay inaasahang tumagal ng tattlo hanggang limang minute. Gumamit ng
minus one o maaaring live ang pagtugtog ng instrumenting gagamitin sa pag-awit.

Kalidad ng boses– 40%


Emosyon– 20%
Tindig – 20%
Kumpas – 10%
Dating sa madla – 10%

C. POSTER- GRADE 4-6


Mekaniks: Ang poster ay kinakailanganag ilarawan at bigyang-diin ang tema. . Ang
oryentasyon ay nasa portrait o patayo. Magbigay ng time-lapsed video na
nagpapatunay na ikaw ang gumawa ng iyong isinumiteng entry (Work-in-Progress na
video) kung ito ay isasagawa online. Ang mga sumusunod na materyales ay ang mga
maaari lamang na gamitin: ¼ illustration board, oil pastel, at lapis.
Tema: Buwan ng Wika 2022
PAMANTAYAN:
Kaangkupan sa Tema – 30%
Pagkamalikhain at Masining – 30%
Orihinalidad – 15%
Kaisahan ng kulay – 15%
Visual Impact – 10%

D. PAGSULAT NG SANAYSAY- GRADE 6


MEKANIKS: ANG SANAYSAY AY KINAKAILANGANG TUGMA AT BINIBIGYANG DIIN
ANG PAKSA NA IBIBIGAY NG MGA HURADO SA ARAW NG PATIMPALAK. Ito ay
binubuo ng 200 salita o higit pa.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan sa paksa– 30%
Estilo ng pagkakasulat– 20%
Angkop at wasto ang gamit ng gramatika at bantas– 20%
Oriihinalidad– 20%
Hikayat at kawilihan sa mambabasa– 10%

JHS/SHS
A. POSTER-SLOGAN-Online -Grade 7
MEKANIKS: Ang poster ay kinakailanganag ilarawan at bigyang-diin ang tema. Ang
oryentasyon ay nasa portrait o patayo. Magbigay ng time-lapsed video na
nagpapatunay na ikaw ang gumawa ng iyong isinumiteng entry (Work-in-Progress na
video). Ang mga sumusunod na materyales ay ang mga maaari lamang na gamitin: ¼
illustration board, oil pastel, at lapis.
Tema: Buwan ng Wika 2022
PAMANTAYAN:
Kaangkupan sa Tema – 30%
Pagkamalikhain at Masining – 30%
Orihinalidad – 15%
Kaisahan ng kulay – 15%
Visual Impact – 10%

B. INDAK- Online GRADE 8 at GRADE 11


MEKANIKS: Modern Dance na timpalak na kung saan ang kantang gagamitin ay
“Kabataan Para sa Kinabukasan” ni Francis M. Ang grupo ay kinakailangang may 3-5
miyembro lamang. Tapusin ang buong kanta.
GRADE 11- Interpretative Dancing- Kanta- Bata, Dahan-dahan( IV SPADES)
Pamantayan:
Interpretasyon ng Musika – 30%
Koreograpiya – 30%
Orihinalidad – 20%
Kasuotan – 5%
Videography – 5%
C. SPOKEN POETRY- Online Grade 9
MEKANIKS: Ang piyesa ay kinakailangang tugma, inilalarawan, at binibigyang-diin
ang tema. Magtatagal ang pagtatanghal nang 3 hanggang 5 minuto lamang. May
Background music
TEMA: Buwan ng Wika 2022
PAMANTAYAN:
Kaangkupan sa Tema – 30%
Paggamit ng elemento ng tula at Nilalaman – 20%
Orihinalidad – 20%
Pagpapahayag, Tindig at kumpas – 20%
Videography – 10%
D. SALINTAKILYA- Online Grade 10
MEKANIKS: Ito ay paggaya ng mga eksena sa Pelikulang Filipino gamit ang mga
wikang katutubo ng Pangasinan. Kinakailangang lagyan ng sub-title ang video output
na nasa wikang filipino. Magtatagal ang pagtatanghal nang 3 hanggang 5 minuto
lamang.
Klase ng Pelikula- Kahit anong klase ng Genre.
PAMANTAYAN:
Pagkakaganap ng Tauhan – 20%
Kawastuhan ng Pagsasalin – 30%
Kalinawan ng tinig/bigkas – 20%
Kawilihan sa Manonood – 20%
Videography – 10%

E. MALIKHAING KASUOTAN (Filipiniana)- F2F - JHS/SHS-SM Carmen


MEKANIKS: Ang tema nito ay ang apat na elemento ng mundo (hangin, apoy, tubig,
lupa). Recycled materials lamang ang maaaring gamitin sa pagbuo ng kasuotan.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan sa tema(4 elemento) – 30%
Pagkamalikhain – 20%
Orihinalidad – 20%
Katibayan – 20%
Presentasyon – 10%

7. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

DANILO C. SISON, EdD., CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

You might also like