You are on page 1of 3

Paksa: Paligsahan sa Pagsulat ng Tula para sa Buwan ng Wika

Petsa: Ikaapat na araw ng Setyembre 2018

Noong ika-3 ng Agosto 2018, nagsimula na ang paligsahan sa pagsulat ng tula na ginanap sa Lobby
3 ng 12:40 ng hapon. Ang mga nasa baitang na ikalabing-isa na mga kalahok sa iba’t ibang uring
strand at seksyon ay unti-unting dumarating at bandang sampung minuto ay nakarating ang
dalawang guro na si Ginoong Kristian Talatala at Binibining Hannah Marie Logroño upang
maging punong-abala para sa timpalak na ito.

Pumila na ang mga kalahok upang mafill-upan o punan ang attendance, binigyan ng tig-iisang
numero at inayos nila ang mga pwesto kung saan uupo ang mga mag-aaral.

Sa aming seksyong Maalalahanin ng TVL-ICT, ang aming representatib ay si Kristelle Marie C.


Marquez na nakaupo sa lamesang ito. Habang kinukuhanan ng litrato ng aking kaklase na si Danica
Dela Cruz ay napansin niya na ang bawat mag-aaral ay masayang nakikipagkilala, nagtatanong
kung anong strand ang kanilang pinasukan at kung bakit sila sumali sa patimpalak na ito habang
naghihintay sa darating na simula ng paligsahan. Ayon kay Kristelle, apat na mag-aaral ng STEM,
dalawang ABM at isang HUMSS ang kasama at nakilala niya sa mga oras na iyon.

Nagsimula sa oras na 1:12 ng hapon ang pagbibigay ni Binibining Hannah at Ginoong Kristian ng
mga panutong dapat tandaan at sundin. Bibigyan nila ang bawat kalahok ng mga salita upang
gamitin sa pagbuo ng tula na may kaugnayan sa temang “Filipino: Wika ay Saliksik.”
Ipinagbabawal ang bura, gamitin ang lapis kung maari, ipinagbabawal ang kopyahan at ang oras
ng pagtatapos ay ika-2 ng hapon.
Limang minuto na ang nakalipas ng matapos ang pagbibigay ng panuto ay nagbibigay na ang isang
guro sa bawat mag-aaral ng mga papel na gagamitin. Ang iba ay kabado, nasasabik at ang iba
naman ay parang wala lang. Ayon kay Kristelle, ang kanyang mga kasama ay handang handa na
gayunpaman siya ay handa rin at masaya ngunit may halong kaba.

1:20 ng hapon, nagsimula na ang ang mga kalahok sa paggawa ng tula. Ayon kay Danica,
naobserbahan niya karamihan ay seryoso, ang iba naman ay nakikipagusap ng mahina para
makipagkwentuhan, at ang iba naman ay lumilipad ang utak. Habang tumatagal, paonti na ng
paonti ang mga estudyanteng gumagawa ng tula. At dahil may mga bakanteng upuan sa kabila at
mainit sa pwesto nila Kristelle na katapat din sa isa pang lamesa, naisipan ni Ginoong Kristian na
lumipat sila sa kabilang lamesa. Sa mga natitirang mag-aaral na nakpwesto sa lamesang katapat
ng lamesa nila Kristelle ay agad namang lumipat, gayundin siya din at ang mga kasamahan niya.
Pagkatapos ay pinagpatuloy na nila ang pagsulat ng tula. 2:04 ng hapon, nakatapos ang aming
representatib, sumobra sa oras dahil isinulat niya muli gamit ang bolpen para sa pangwakas. Mga
sampu o labing-tatlong estudyante pa ang natira. Kinabukasan, ang natira ay natapos na.

You might also like