You are on page 1of 3

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK5
LAS No.: 1
Name: DANNY B. ELAGO______________________________________________________Grade/Score: _____________
Grade and Section:GRADE 9-HUMILITY __________________________________________Date: ___________________
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: Nobela


MELC: Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan
batay sa napakinggang bahagi ng nobela. (F9PN-Ic-d-40)
Learning Target: Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan
batay sa napakinggang bahagi ng nobela.
References: Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino
Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa Heights Quezon City : JGM & S Corporation

KONSEPTO

NOBELA - Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila isang makasining
na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

Katangian ng Isang Nobela

1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.


2. Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay.
3. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad.
4. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili.
5. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan.
6. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. Malinis at maayos ang pagkakasulat
9. Maganda
10.Maraming magagandang tagpuan kung
11.saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Layunin ng Nobela:

1. Gumising sa diwa at damdamin


2. Nananawagan sa talino ng guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7. Napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Bahagi ng Nobela

1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 1 of 3
S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

5. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari


6. Pamamaraan - istilo ng manunulat
7. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
8. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao , bagay at pangyayarihan
9. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
 una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
 pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
 pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng mayakda

Mga Uri ng Nobela

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili
ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa.
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan,
mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Paalala: Basahin ang buod ng nobelang Isang Libo’t, Isang Gabi na isang Nobela ng Saudi Arabia at isinalin ni Julieta
U. Rivera

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 3


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 3 of 3

You might also like