You are on page 1of 2

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
WK1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
LAS No.: 2
Pangalan: DANNY B. ELAGO______________________________________Grado/Puntos:____________
Taon at Pangkat: GRADE-9-HUMILITY______________________________Petsa:___________________
Asignatura: Araling Panlipunan 9

Uri ng Gawain: Mga Tala ng Konsepto

Pamagat ng Gawain: Paikot na daloy ng Ekonomiya.


MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya. ( AP9MAK-IIIa-1)
Layunin: Nalalaman ang ikatlong daloy ng Ekonomiya.
Sanggunian: Ekonomiks,Evelina M. Viloria et. al.
Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kungpaano nagdudulot ng
pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya.Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol ng
sambahayan ang kanilang kita sa pagbiling mga produkto at serbisyo. Ngunit hindi lahat ng kanilang mga kita
ay kanilang ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang bahagi nito ay kanilang itinatabi samga bangko bilang
pag-iimpok.Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sakanilang mga
pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sapamilihang pinansyal (bangko, kooperatiba,
insurance, pawnshop at stock market).
Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.Ang bahay-kalakal
naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilangproduksyon kung kaya’t mangangailangan sila ng
karagdagang puhunan. Ang mgamay-ari ng bahay-kalakal ay manghihiram sa sambahayan sa pamamagitan
ngpamilihang pinansyal upang gamitin sa pamumuhunan at makabili ngkaragdagang salik ng produksiyon.
Ang paghiram ng bahay-kalakal sa mgapamilihang pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa
pamamagitan ng interessa hiram na puhunan. Samakatuwid, ang pamumuhunan ay isang papasok na
daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas
ngproduksyon at paglaki ng pamumuhunan. Para maging matatag ang ekonomiya,kailangan na may ipon ang
sambahayan at bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal,
tataas ang produksyon. Inaasahan din na dadami ang oportunidad para sa trabaho. Saganitong modelo,
kinakailangang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 2 - Page 1 of


1
S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK1

LANGSOCTECH Department - LAS No. 2 - Page 2


of 2

You might also like